Ang Aking Buhay Ngayon
Pananatilihin Ko ang Awit sa Puso Ko, 27 Marso
Mapuno kayo ng Espiritu. Kayo'y magsalita sa isa't isa sa mga awit at himno at mga awiting espirituwal, na sa inyong mga puso ay nag-aawitan at gumagawa ng himig sa Panginoon. EFEso 5:18,19 BN 90.1
Ang Diyos ay naluluwalhati sa pamamagitan ng mga awit ng papuring nagmumula sa isang dalisay na pusong puno ng pag-ibig at pagtatalaga sa Kanya.... Ang pagpapasalamat na nararamdaman nila [mga Cristiano] at ang kapayapaan ng Diyos na naghahari sa kalooban ay nagbunsod sa kanilang gumawa ng himig sa kanilang mga puso para sa Panginoon at sa pamamagitan ng mga salita ay banggitin ang pagkakautang na pag-ibig at pasasalamat sa minamahal na Tagapagligtas na lubos na nagmahal sa kanila anupa't Siya ay namatay upang sila'y magkaroon ng buhay. BN 90.2
Ang kasaysayan ng mga awit sa Biblia ay puno ng mga hinuha tungkol sa gamit at mga pakinabang ng musika at awitin. Ang musika ay madalas na binabaluktot upang ganapin ang masasamang layunin, kaya't ito ay nagiging isa sa pinakamapang-akit na kagamitan ng panunukso. Ngunit, kimg ginagamit sa wastong kaparaanan, ito'y isang napakahalagang kaloob na ginawa upang iangat ang mga kaisipan sa matataas at mararangal na tema, upang hikayatin at pataasin ang kaluluwa. BN 90.3
Nilibang ng mga anak ng Israel, na naglalakbay sa ilang, ang kanilang sarili sa daan sa pamamagitan ng musika ng banal na awitin. Gayundin ang layon ng Diyos para sa Kanyang mga anak ngayon na pasayahin nila ang paglalakbay sa buhay. May iilang kaparaanan lamang ‘ang may higit na bisa upang matatak ang mga Salita Niya sa alaala kaysa sapag-ulit ng mga ito sa awitin. At ang mga ganitong awit ay may kamangha-manghang kapangyarihan. May kapangyarihan itong lupigin ang magagaspang at hindi napinong likas; kapangyarihang palakasin ang kaisipan at gisingin ang pagmamalasaldt, na palaguin ang pagkakasundo sa pagkilos, at palayasin ang kalumbayan at pangambang sumisira sa kalooban at nagpapahina sa pagsusumikap. BN 90.4
Ito'y isa sa pinakamabisang paraan ng paglalagay sa puso ng espirituwal na katotohanan. Gaano kadalas na sa kaluluwang nahihirapan at nakahanda nang sumuko, ibinabalik sa alaala ang ilang pananalita ng Diyos—iyong matagal nang nalimutang awiting pambata;—at-ang mga tukso ay nawawalan ng kalakasan, ang buhay ay nagkakarpon ng panibagong kabuluhan at bagong layunin, at ang lakas ng loob at kaligayahan ay ibinibigay sa iba pang mga kaluluwa! BN 90.5