Ang Aking Buhay Ngayon
Mamahalin Ko ang mga Mabubuting mga Aklat, 26 Marso
Hanggang sa dumating ako, bigyang-pansin mo ang hayagang pagbabasa ng kasulatan, ang pangangaral, at ang pagtuturo. 1 Timoteo 4:13 BN 89.1
Binigyan ng Diyos ang Kanyang bayan ng pinakapiling babasahin. Hayaan mong makahanap ng puwang sa bawat silid ng tahanan ang Salita ng Diyos. Panatilihin mo ang Biblia, ang Tinapay ng Buhay, sa payak na paningin. Ang salaping ginastos para sa mga magasin ay gugulin para sa mga babasahing naglalaman ng katotohanan para sa kasalukuyan, at ang mga ito ay bigyan ng lantad na lugar sa tahanan. Ang mga ito ay ligtas na maihaharap sa mga bata at mga kabataan. Ang mga nobela ay hindi dapat matagpuan sa mga tahanan nilang nananampalataya kay Cristo. Huwag iharap sa mga kabataan iyong itunuturing na kahoy, dayami, at pinaggapasan, sapagkat lalasunin nito ang panlasa para sa inilalarawan na ginto, pilak, at mahahalagang bato. Ang pagnanasa para sa mga babasahing magaan at patapon ay dapat tanggihang mabuti. Panatilihin ang pili at nakaaangat na babasahin sa harapan ng mga miyembro ng pamilya. Basahin mo ang ating mga aklat at mga peryodiko. Pag-aralan ito. Alamin ang mga katotohanang nilalaman nito. Habang ginagawa ito, mararamdaman ang impluwensya ng Banal na Espiritu. Mahalaga ang bawat saglit ng buhay, at nararapat gugulin sa paghahanda para sa hinaharap na buhay na walanghanggan. Hayaan mong ang kaisipan ay pag-imbakan ng nakaaangat at nagbibigay karangalang tema ng Salita ng Diyos upang ikaw ay maging handang bumigkas ng mga salitang napapanahon sa kanilang nasa ilalim ng iyong impluwensya. Hindi tayo magkakaroon ng problema sa pag-iisip sa pagbabasa ng ating mga babasahin. Wala sa ating makatatanggap ng tinapay ng buhay at masasaktan, bagkus habang binabasa ang mga aklat na ito, ang kaisipan ay mapupuno ng mga magpapatibay sa puso sa katotohanan. BN 89.2
Kailangang ihanda natin ang ating sarili para sa mga banal na tungkulin. Isang sanlibutan ang kailangang mailigtas Dahil sa malaking gawaing kailangang gampanan, paano makapag-aaksaya ang sinuman ng mahalagang panahon at mga kakayahang ibinigay ng Diyos sa mga bagay na hindi niya ikabubuti o para sa kaluwalhatian ng Diyos? BN 89.3