Ang Aking Buhay Ngayon

59/275

Nais Ko ang Kapangyarihang lyon, 27 Pebrero

At mangyayari pagkatapos nito, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay magsasalita ng propesiya, ang inyong matatanda ay mananaginip ng mga panaginip, ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain. At maging sa mga lingkod na lalaki at babae ay ibubuhos ko sa mga araw na iyon ang aking Espiritu. Joel 2:28-29 BN 62.1

Tayo ay nabubuhay sa mga huling araw, kung kailan maaari tayong umasa nang malaki mula sa Panginoon. Ang mga salitang ito ay dapat magdala sa atin sa luklukan ng biyaya upang angkinin ang mga dakilang bagay mula sa Kanya. Dito ibinigay ang pangakong sa mga lalaki at mga babae at sa mga anak na lalaki at mga anak na babae darating ang Banal na Espiritu; at “ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” Dinadala nito sa paningin ang kamanghamanghang gawaing kinakailangang magawa, at para dito ay kailangan natin ang humihikayat na kapangyarihan ng Diyos sa ating mga puso araw-araw. Pagkakataon nating maranasan ito. Ang kalangitan ay puno ng biyaya, at pribilehiyo nating angkinin ang mga mayamang pangako ng Diyos para sa ating mga sarili. Kailangan nating hanapin ang Panginoon araw at gabi upang malaman natin kung anong mga hakbang ang dapat gawin. BN 62.2

Ang Panginoon ay may natatanging gawain para sa bawat isa sa atin. Habang nakikita natin ang kasamaan ng sanlibutan na nahayag sa mga bulwagan ng katarungan at nalathaia sa mga pahayagan, tayo'y lumapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay manalig sa Kanyang mga pangako, na ang biyaya ni Cristo ay maihayag sa atin. Maaari tayong magkaroon ng impluwensya, isang makapangyarihang impluwensya, sa mundo. Kung ang nakakukumbinseng kapangyarihan ng Diyos ay nasa atin, magkakaroon tayo ng kakayahang dalhin sa pagkahikayat ang mga kaluluwa na nabubuhay sa kasalanan. BN 62.3

Sa mga huling eksena ng kasaysayan ng mundong ito, ang mga tao ay mamamangha sa maraming.. .mga bata at mga kabataan [na tumanggap ng timay na edukasyong Cristiano] dahil sa kanilang pagpapatotoo sa katotohanan, na kanilang tataglayin sa kapayakan ngunit may espiritu at kapangyarihan. Sila ay naturuan sa pagkatakot sa Panginoon, at ang kanilang mga puso ay pinalambot ng maingat at mapanalangining pag-aaral ng Biblia. Sa malapit na kinabukasan maraming mga bata ang mabibigyan ng Espiritu ng Diyos, at magagampanan ang Gawain ng pagpapahayag ng katotohanan sa sanlibutan Sila'y gaganap ng gawain sa sanlibutan na hindi magagapi ng lahat ng kapangyarihan ng kasamaan. BN 62.4