Ang Aking Buhay Ngayon
Sumasaksi na may Kapangyarihan, 26 Pebrero
At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan ang pagkabuhay ng Panginoong ]esus at sumakanilang lahat ang dakilang biyaya.Gawa 4:33 BN 61.1
Ano ang bunga ng pagbuhos ng Espiritu? Libu-libo ang nahikayat sa loob ng isang araw. Ang tabak ng Espiritu, na bagong hasa sa kapangyarihan at lipos ng kidlat ng kalangitan, ay humiwa sa kawalan ng pananampalataya at ginapi ang mga kinatawan ni Satanas habang inaangat ang Panginoon na nagtataglay ng pinakamataas na kapangyarihan. BN 61.2
Naipahayag ang ebanghelyo sa lahat ng lugar. Silang nangaral nito ay walang mga pag-angal. Ang mga puso ng mga alagad ay nadagdagan ng kabutihang punung-puno, napakalalim, at may malawak na pag-abot na anupa't itinulak sila nitong magtungo sa mga hangganan ng mga lupa sa pagsasabing, “Huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, malibar sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” Habang kanilang ipinahahayag ang ebanghelyo bilang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas, ang mga puso'y sumuko sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Naidagdag araw-araw ang mga bagong teritoryo sa iglesia. Sa bawat lugar ang mga bagong hikayat ay nagpahayag para kay Cristo. Silang dati ay masugid na kumakalaban sa katotohanan ngayon ay naging mga tagapagtanggol niya. BN 61.3
Ang mga alagad ay nagtaglay ng pasanin para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ang ebanghelyo ay kailangang dalhin sa pinakadulo ng sanlibutan, at inangkin nila ang pagbibigay ng kapangyarihang ipinangako ni Cristo. Sa panahong iyon ibinuhos ang Banal na Espiritu at libu-libo ang nahikayat sa isang araw. BN 61.4
Maaari ring maganap itong muli ngayon. Imbes na haka ng mga tao, hayaang maipangaral ang Salita ng Diyos. Itakwil ng mga Cristiano ang kanilang mga pag-aaway at ibigay ang kanilang sarili sa Diyos sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Hayaang sila ay huminging may pananampalataya para sa pagpapala, at ito ay darating. BN 61.5
Kinilos ang mga alagad ng kasigasigan para sa Diyos na magpatotoo sa katotohanan na may lubos na kapangyarihan. Hindi ba dapat na ang kasigasigang ito ay magpaalab sa ating mga puso sa pagtatalagang isalaysay ang kasaysayan ng pag-ibig na tumutubos, ni Cristo, at Niyang napako sa krus? BN 61.6