Ang Aking Buhay Ngayon

14/275

Laging Manalangin, 13 Enero

Subalit maging handa kayo sa bawat panahon, na nananalanging magkaroon kayo ng lakas upang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari at upang makatayo kayo sa harapan ng Anak ng Tao. Lukas 21:36 BN 17.1

Alalahaning Siya'y palaging nananalangin, at ang Kanyangbuhay ay patuloy na nasusustinahan sa pamamagitan ng sariwang inspirasyon ng Banal ng Espiritu. Hayaang ang iyong mga pag-iisip, ang iyong kaloob-looban, ay maging kagaya ng nabanggit upang hindi ka mahiyang harapin ang mga tala nito sa araw ng Diyos. BN 17.2

Ang kalangitan ay hindi nakasara sa marubdob na panalangin ng matutuwid. Si Elias ay isang taong kagaya natin na nasa ilalim ng pagkahilig sa simbuyo ng damdamin, gayunma ay dininig siya ng Diyos, at sinagot ang kanyang mga kahilingan sa isang pinakakapansinpansing paraan. Ang tanging dahilan kung bakit kulang ang ating kapangyarihan sa Diyos ay matatagpuan sa ating mga sarili. Kimg ang panloob na kabuhayan ng karamihang nagpapahayag sa katotohanan ay ilalahad sa kanilang Harapan, hindi nila aangkinin ang pagiging mga Cristiano. Hindi sila lumalago sa biyaya. Ang panandaliang panalangin ay inihahandog noon'at ngayon, subalit walang tunay na pakikipagniig sa Diyos. BN 17.3

Kinakailangan natin ng maraming panalangin kung susulong tayo sa pamumuhay na banal. Nang ang mensahe ng katotohanan ay unang ipinahayag,-gaano tayo kadalas manalangin. Gaano ba kadalas marinig ang tinig ng pamamagitan sa silid, sa kamalig, sa hardin, o sa kabukiran? Madalas na gumugol tayo ng mga oras sa matiyagang pananalangin, na magkasama ang dalawa o tatlo sapag-aangkin ng pangako; madalas na naririnig ang tunog ng pagluha at pagkatapos ay tinig ng pasasalamat at awit ng papuri. Ngayon ang araw ng Diyos ay mas malapit kaysa noong una tayong nanampalataya, at dapat tayong maging mas maalab, mas masigasig, at mas taimtim kaysa noong unang mga araw. Mas higit ang mga panganib sa atin ngayon kaysa noon. Kailangan mapuno tayo ngayon ng Espiritu ni Cristo, at hindi dapat tumigil hanggang matanggap ito. BN 17.4

Linangin ang kaugalian ng pakikipag-usap sa Tagapagligtas.... Hayaang ang puso ay patuloy na maiangat sa tahimik na paghingi ng tulong ng liwanag, ng kalakasan, at ng karunungan. Hayaang ang bawat hininga ay maging isang panalangin. BN 17.5