Mga Tagapagdala ng Pag-asa

3/33

Mga Pasasalamat

Salamat... MTP 11.1

Kay Pastor Howard F. Faigao, associate publishing director ng General Conference ng mga Seventh-day Adventist, sa nakakahawa niyang impluwensya sa pagtataguyod ng literature ministry ng iglesya, at sa kanyang di-masusugpong pagnanais na makagawa sa kalagitnaan natin ng mas malalim na pagkaalam tungkol sa kahalagahan ng gawain ng paglilimbag. Hindi sana namin sinubukang mayari ang aklat na ito kung wala ang kanyang mabuting pangunguna; MTP 11.2

Kina Pastor Johnny Lubis at Pastor Vivencio R. Bermudez, publishing director at associate ng Southern Asia-Pacific Division, sa lubhang mahalagang paggabay at pagtulong na subaybayan ang pagsulong ng proyektong ito, na kadalasa’y biglaan; MTP 11.3

Sa Ellen G. White Estate, Inc., sa pagbibigay ng pondo para mailimbag ang Cebuan, Panayan, at Tagalog na kopya ng aklat na ito; MTP 11.4

Kay Pastor Claro R. Vicente, direktor ng Literature Ministry Seminary ng North Pilippine Union Mission, sa paghahanda ng “Mga tanong na dapat pag-isipan” sa katapusan ng bawat kabanata. Siya rin ang nagpasimula sa pagpili ng mahahalagang quotation na naglalaman ng mga babala, payo, pangako, at paalala; MTP 11.5

Sa mga miyembro ng editorial staff at mga tauhan ng art—sina Nestor C. Rilloma, Lucile B. Tanalas, Janet C. Rosell, Edwardson A. Pedragoza, Evangeline G. Tayamora, at Roger G. Sabio—na bumubuo ng komite ng Mga Tagapagdala ng Pag-asa para sa pag-encode, pag-copyedit at pag-design ng aklat na ito; at MTP 11.6

Sa Talagang Pinagmumulan ng karunungan, si Jesu-Cristo, na nagbigay ng kaloob ng propesiya sa Kanyang natirang bayan—purihin ang Kanyang pangalan! MTP 11.7

Ang mga Tagapaglathala