Mga Tagapagdala ng Pag-asa
Mga Tagapagdala ng Pag-asa
Paunang Salita
Bilang pagtugon sa iniatas ng langit, masiglang pinasok ng mga Seventh-day Adventist ang gawain ng pagbabalita sa pamamagitan ng nilimbag na pahina, ng mga katotohanan tungkol sa Sabbath at ikalawang pagparito. Sa loob ng higit sa sandaang taong pangangaral ng ebanghelyo, ang paglalathala ay naging makapangyarihang ahensiya sa pagpapalaganap ng mensahe ng ikatlong anghel sa buong mundo. MTP 7.1
Sa mga nagdaang taon, ang patnubay sa paglilimbag at pagpapalaganap ng ating mga babasahin ay ibinigay sa pamamagitan ng panulat ni Ellen G. White. Sa mga payong ito, ang pagbebenta ng ating mga aklat at babasahing punung-puno ng katotohanan ay nakaangat sa kalagayan ng gawaing maihahambing sa ministeryo ng ebanghelyo. Ang nagtitinda ng mga aklat ay tinatawag na kulpurtor. MTP 7.2
Noong 1902 ang ilang mga pahayag mula sa mga sinulat ni Mrs. White na may kaugnayan sa literature ministry ay inipon at inilathala sa Manual for Canvassers. Ang mga sumunod na payo ni Ellen G. White ukol sa ating literature ministry ay naghatid sa pagpapalaki ng gawaing ito, at noong 1920 lumabas ang mas ginugustong aklat na Colporteur Evangelists. Ang maliit na aklat na ito ay inilathala sa maraming mga wika at pinalaganap ng husto. MTP 7.3
Ang pagnanais na alisin ang paulit-ulit na pagtalakay para isaayos nang mas maganda ang mga payo ayon sa mga paksa, at isama ang ilan pang karagdagang mga pahayag na pinili mula sa mga aklat, magasin, at sulat-kamay na sinalansan mula kay Ellen G. White ay bumuo ng kasalukuyang aklat na ito ngayon, na isinagawa ayon sa kondisyong pinagtibay ni Mrs. White para sa paglalathala ng mga isinulat niya kapag siya ay namatay na. Ang reperensiya ay inilagay sa bawat quotation, maging ang taon ng pagsulat o unang pagkalimbag ay nakatala. MTP 7.4
Ang mga pamagat sa umpisa ng bawat quotation na inilagay ng mga compiler ay magsisilbing gabay sa bumabasa para madaling makita ang hinahanap na mga pahayag. Makakapal na letra ang ginamit para ipakilala ang bawat quotation samantalang naka-italic naman ang mga pamagat na mababasa sa loob na rin ng quotation. Ang buong nilalaman ng aklat na Colporteur Evangelist ay isinama sa bagong aklat na ito maliban sa ilang pahayag na paulit-ulit. Ang lahat ng reperensiya ay mula sa orihinal na pinagkuhanan at hindi galing sa Colporteur Evangelist dahil ito ay tinipon lang din pagkamatay ni Mrs. White. MTP 8.1
Madalas mababasa sa buong aklat ang mga salitang gaya ng, “nagkakambas.” “Track and Missionary Society,” at “ahenteng nagkakambas.” Ito’y mga salitang ginagamit noong panahon ni Ellen G. White, at ito’y madaling maiintindihan ng bumabasa. MTP 8.2
Na ang mga payo tungkol sa pagkukulpurtor, na muling isinaayos dito sa pinalaking klase, na nawa’y gumabay at magpasigla sa mga kulpurtor para sa mas malago at mas epektibong paglilingkod para sa Panginoon, ay siyang tapat na hangarin ng mga tagapaglathala at ng— MTP 8.3
THE TRUSTEES OF THE ELLEN G. WHITE PUBLICATIONS.