ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 1—Solomon
Sa paghahari ni David at Solomon, ang Israel ay naging malakas sa mga bansa at nagkaroon ng maraming pagkakataong magbigay ng makapangyanhang impluwensya ukol sa katotohanan at matuwid. Ang pangalan ni Jehova ay nataas at naparangalan, at ang layunin kung balat ang Israel ay itinatag sa Lupang Pangako ay may katiyakang matutupad. Alga balakid ay nawasak, at ang mga naghahanap ng katotohanan mula sa mga lupaing walang pagkaldlala sa Dios ay umalis na nasisiyahan. Mga pagkahikayat ay naganap, at ang iglesia ng Dios sa lupa ay napalawak at lumago. PH 25.1
Si Solomon ay pinahiran at itinanghal na hari sa mga huling taon ng kanyang amang si David, na iniwan ang trono para sa kanya. Ang unang bahagi ng buhay niya ay puno ng pangako, at layunin ng Dios na siya ay humayo sa kalakasan hanggang kalakasan, kaluwalhadan sa kaluwalhatian, na papalapit sa likas ng Dios, at magpapasigla sa bayan upang tuparin ang banal na pagkakatiwala bilang tagapag-ingat ng katotohanan ng langit PH 25.2
Alam ni David na ang mataas na layunin ng Dios para sa Israel ay maaabot lamang kung ang mga pangulo at ang bayan ay magsisikap na matamang abutin ang pamantayang inilagay sa harapan nila. Alam niyang upang si Solomon ay makatupad sa pagkakadwalang inilagay ng Dios upang parangalan ito, ang kabataang pinuno ay hindi lamang dapat na maging mandirigma, pinuno ng bayan, at isang hari, ngunit isang malakas, mabuting tao, isang guro ng katuwiran, isang halimbawa ng katapatan. PH 25.3
May malumanay na sigasig na nakiusap si David kay Solomon upang ito ay maging lalaki at marangal, maghayag ng habag at kagandahang-loob sa mga nasasakupan, at sa lahat ng pakikitungo sa mga bansa sa lupa upang maparangalan at maluwalhati ang Dios at mahayag ang kagandahan ng kabanalan. Ang maraming karanasan at pagsubok na nadaanan ni David sa buhay ay nagturo sa kanya ng halaga ng lalong mahal na katangian at umakay sa kanya upang ibigay ang huling habilin kay Solomon: “Ang naghahan sa mga tao ay dapat na may katuwiran, na mamamahala sa katakutan sa Dios. Siya’y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan, pagka ang araw ay sumisikat, sa isang umagang walang mga alapaap; pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.” 2 Samuel 23:3,4. PH 25.4
O, anong dakilang pagkakataon para kay Solomon! Kung susundin niya ang turong kinasihan mula sa kanyang ama, ang paghahan niya ay magiging panahon ng katuwiran, tulad ng inilalarawan sa ikapitumpu’t dalawang awit: PH 26.1
“Ibigay mo sa hari ang Iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang Iyong katuwiran sa anak na lalaki ng han.
Kanyang hahatulan ang Iyong bayan, ng katuwiran,
At ang Iyong dukha ng kahatulan....
Siya’y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
Sa kanyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa....
Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob:
Ang mga han sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
Oo, lahat ng mga han ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kanya.
Sapagkat kanyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong....
At dadalanginang lagi siya ng mga tao;
Pupurihin nila siya buong araw....
Ang kanyang pangalan ay mananatili kailanman:
Ang kanyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
At ang mga tao ay pagpapalain sa kanya:
Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
“Punhin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na Siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay.
At punhin ang Kanyang maluwalhating pangalan magpakailanman:
At mapuno ang buong lupa ng Kanyang kaluwalhadan:
Siya nawa, at Siya nawa.”
PH 26.2
Sa kanyang kabataan sinunod ni Solomon ang mga pagpiling ginawa ni David, at sa maraming taon ay lumakad siyang matuwid, ang buhay niya ay kinalataan ng mahigpit na pagsunod sa mga utos ng Dios. Sa pasimula ng kanyang paghahan, kasama ang mga tagapayo ay nagtungo sila sa Gibeon, sa kinaroroonan ng tabemakulong itinayo sa ilang, at doon ay nakisanib siya sa mga napiling tagapayo, “mga kapitan ng libo at daan,” “mga hukom,” at “bawat gobemador ng buong Israel, ang mga pangulo ng mga ama,” sa paghahandog ng sakripisyo sa Dios at pagtatalaga ng sariling lubusan sa paglilingkod sa Panginoon. 2 Cronica 1:2. Sa pagkaunawa ng kalakhan ng tungkuling kaugnay ng pagiging hari, alam ni Solomon na silang nagpapasan ng mabibigat na pasanin ay dapat hanapin ang Pinanggagalingan ng Karunungan bilang patnubay, kung nais nilang magampanan ang tungkuling may kaluguran. Ito ang umakay sa kanya upang pasiglahin ang mga tagapayo niyang makiisa sa kanya ng buong puso na matiyrak na sila ay tinatanggap ng Dios. PH 26.3
Higit sa alin mang mabud sa lupa, hinangad ng hari ang karunungan at pagkaunawa upang magampanan ang gawain ng Dios na nabigay sa kanya. Nanabik siya sa matalas na isipan, malaldng puso, at maamong diwa. Nang gabing yaon ay napaldta ang Dios kay Solomon sa panagimp at nagsabi, “Humiling ka kung ano ang nais mong ibigay sa iyo.” Sa tugon ng bata at walang karanasang pinuno ay inihayag ang damdamin ng kawalan ng lakas at pagnanais na tulungan. “Ikaw ay nagpalata sa Iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang-loob,” wika niya, “ayon sa kanyang inilakad sa harap Mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa Iyo; at Iyong iningatan sa kanya itong dakilang kagandahangloob, na Iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kanyang luklukan, gaya sa araw na ito. PH 27.1
“At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, Iyong ginawang hari ang Iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama: at ako’y isang munting bata lamang: hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok At ang Iyong lingkod ay nasa gitna ng Iyong bayan na Iyong pinili, isang malaldng bayan na hindi mabibilang o matutunngan dahil sa karamihan. Bigyan Mo nga ang Iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa Iyong bayan, upang along makilala ang mabud at ang masama: sapagkat sino ang makahahatol dito sa Iyong malaking bayan? PH 27.2
“At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Solomon ang bagay na ito.” PH 27.3
At sinabi ng Dios kay Solomon, “sapagkat hindi mo hiningi ang mga kayamanan o karangalan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo’y katalinuhan at kaalaman upang kumilala ng kahatulan ng Aking bayan,” “narito, Aking ginawa ayon sa iyong salita: nanto, Aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anupa’t walang nagmg gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinuman pagkamatay mo. At Akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang kayamanan at gayon din ang karangalan,” “na anupa’t walang magiging gaya mo sa mga han, sa lahat ng iyong mga kaarawan.” PH 28.1
“At kung ikaw ay lalakad sa Aking mga daan, upang ingatan ang Aking mga palatuntunan, at ang Aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay Akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.” 1 Hari 3:5-14; 2 Cronica 1:7-12. PH 28.2
Nangako ang Dios na kung paanong Siya ay suma kay David, ay gayon dm kay Solomon. Kung ang han ay lalakad na matuwid sa harapan ng Dios, kung susundin niya ang utos ng Dios, ang kanyang trono ay matatatag at ang paghahari niya ay magiging paraan ng pagtataas sa Israel bilang “isang pantas at maalam na bayan,” ang tanglaw sa nakapalibot na mga bansa. Deuteronomio 4:6. PH 28.3
Ang wikang ginamit ni Solomon habang dumadalangin sa Dios sa dambana sa Gibeon ay naghahayag ng kanyang kaamuan at malakas na naising magparangal sa Dios. Nadama niyang kung wala ang tulong ng langit ay katulad lamang siya ng paslit na bata na gaganap ng mga kapanagutang nakababaw sa kanya. Alam niyang kulang siya sa pang-unawa, at ang pagkadama ng dakilang pangangailangang ito ang umakay sa kanyang naisin ang karunungan ng Dios. Sa kanyang puso ay walang sakim na hangarin sa karunungang magtataas sa kanya higit sa kaninuman. Ninais niyang isagawa ang mga tungkuling nababaw sa kanya, at pinili niya ang kaloob na magbibigay sa kanyang panunungkulan ng pagluwalhati sa Dios. Kailanman ay hindi naging mayaman, o pantas o tunay na dakila si Solomon kaysa nang siya ay mangumpisal ng, “Ako’y isang munting bata lamang: hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.” PH 28.4
Silang ngayong nasa posisyon ng pagtitiwala ay dapat hanapin ang liksyong itinuturo ng panalangin ni Solomon. Kung ang tungkulin ng tao ay mas mataas, mas mabigat rin ang kapanagutan niya, habang higit na malawak ang impluwensya niya ay higit din ang pangangailangan ng pagsandig sa Dios. Lagi ay dapat niyang alalahaning kasama ng panawagan ng paggawa ay naroon ang panawagang lumakad na may kataimtiman sa kanyang kapwa. Tatayo siya sa harapan ng Dios tulad ng isang nag-aaral. Ang tungkulin ay di nagbibigay ng kabanalan ng likas. Sa pagsunod sa Dios at pagpaparangal sa Kanya na ang tao ay tunay na nagiging dakila. PH 28.5
Ang Dios na ating pinaglilingkuran ay hindi nagtatangi ng tao. Siya na nagkaloob kay Solomon ng diwa ng pagkaunawa ay laang ipagkaloob ang katulad na pagpapala sa Kanyang mga anak ngayon. “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinuman sa inyo,” ipinahayag ng Kanyang salita, “ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat, at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kanya.” Santiago 1:5. Kapag ang nagdadala ng pasan ay ninanais na higit ang karunungan kaysa kayamanan, kapangyanhan, o katanyagan, hindi siya mabibigo. Siya ay matututo sa Dakilang Guro hindi lamang ng dapat gawin, kundi pad ng paraan ng pagsasagawa nitong ayon sa kalooban ng Dios. PH 29.1
Hanggat siya ay nananatiling natatalaga, ang taong pinagkalooban ng Dios ng pagkaunawa ay hindi magpapakita ng hilig sa mataas na tungkulin, hindi rin niya sisikaping mamuno o magkontrol. Kailangan na ang tao ay magdala ng kapanagutan; datapuwat sa halip na hanapin ang pamamayani, ang tunay na lider ay dadalangin ukol sa pusong maunawain, upang makita ang mabuti at masama. PH 30.1
Ang landas ng taong nalalagay bilang lider ay hindi madali. Ngunit sa bawat kahirapan ay dapat na maldta nila ang pagkakataon upang manalangin. Hindi sila dapat magkulang sa pagkunsulta sa Bukal ng lahat ng karunungan. Pinalakas at pinapantas ng Punong Manggagawa, sila ay makatatayong matatag laban sa mga walang kabanalang impluwensya at makikita ang matuwid at masama, tama at mali. Aaprubahan nila ang aprubado ng Dios, at sisikaping mataman na hadlangan ang pagpasok ng maling simulain sa gawain ng Dios. PH 30.2
Ang karunungang hinangad ni Solomon higit sa kayamanan, karangalan, o mahabang buhay, ay ibinigay ng Dios. Ang samo niya ukol sa matalas na isipan, malaking puso, at maamong diwa ay ipinagkaloob. “At binigyan ng Dios si Solomon ng karunungan, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat. At ang karunungan ni Solomon ay mahigit kaysa karunungan ng lahat na anak ng silanganan, at kaysa buong karunungan ng Egipto. Sapagkat lalong pantas kaysa lahat ng mga tao;...at ang kanyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.” 1 Hari 4:29-31. PH 30.3
“At nabalitaan ng buong Israel...ay nangatakot sa han: sapagkat kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kanya, upang gumawa ng kahatulan.” 1 Hari 3:28. Ang puso ng mga tao ay bumaling kay Solomon, tulad ng kay David, at sinunod nila siya sa lahat ng bagay. “At si Solomon...ay tumibay sa kanyang kahanan, at ang Panginoon niyang Dios ay sumakanya, at pinadakila siyang mainam.” 2 Cronica 1:1. PH 30.4
Sa loob ng maraming taon ang buhay ni Solomon ay kinakitaan ng pagtatalaga sa Dios, may matuwid at matatag na simulain, at mahigpit na pagsunod sa mga utos ng Dios. Pinangasiwaan niya ang bawat mahalagang gawain, at matalinong pinangunahan ang pangangalakal ng kaharian. Ang kanyang yaman at dunong, ang naggagandahang gusali at gawaing pangmadla na itinayo sa mga unang taon ng paghahari, ang lakas, kabanalan, katarungan, at kalakhang pusong nahayag sa bawat salita at gawa, ay nakakuha ng pagtatapat ng nasasakupan at paghanga at paggalang ng mga pinuno ng maraming lupam. PH 30.5
Ang pangalan ni Jehova ay tunay na naparangalan sa unang bahagi ng paghahan ni Solomon. Ang karunungan at katuwirang ipinakita ng han ay naging saksi sa lahat ng mga bansa ng kagalingan ng Dios na kanyang pinaglilingkuran. Sa isang panahon ang Israel ay naging tanglaw sa sanlibutan, na naghahayag ng kadakilaan ng Jehova. Datapuwat hindi sa di mapapantayang karunungan, o sa lawak ng abot ng kapangyarihan at katanyagan naroon ang tunay na kaluwalhatian ni Solomon; kundi sa karangalang naibigay niya sa pangalan ng Dios ng Israel sa matalinong paggamit ng mga kaloob ng langit. PH 31.1
Sa paglakad ng mga taon ay nadagdagan pa ang katanyagan ni Solomon at higit pang sinikap niyang maparangalan ang Dios sa pagpapalawak ng kanyang kalakasang mental at espintuwal, at sa pagbabahagi sa iba ng mga pagpapalang natatamo. Walang hihigit sa kanya sa pang-unawang sa kaluguran lamang ni Jehova dumadng sa kanya ang kapangyarihan at pagkaunawa, at ang mga kaloob na ito ay ibinigay upang maibigay naman sa mundo ang pagkaldlala sa Han ng mga hari. PH 31.2
Nagkaroon ng tanging interes si Solomon sa kalikasan, ngunit ang pagsasaliksik niya ay hindi lamang sa sangay na ito ng pag-aaral. Sa masikap na pag-aaral ng lahat ng bagay na nilalang, may buhay at wala, nakuha niya ang malinaw na isipan tungkol sa Manlalalang. Sa mga puwersa ng kalikasan, sa daigdig ng mga mineral at hayop, sa bawat puno at halaman at bulaklak, nakita niya ang pagpapahayag ng karunungan ng Dios; at habang hinangad niyang matuto pa, ang pagkakilala niya sa Dios at sa Kanyang pag-ibig ay patuloy na lumago. PH 31.3
Ang karunungan ni Solomong galing sa Dios ay ipinahayag sa mga awit ng papuri at maraming kawikaan. “Siya’y nagsalita ng tadong libong kawikaan: at ang kanyang mga awit ay isang libo at lima. At siya’y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya’y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.” 1 Hari 4:32, 33. PH 31.4
Sa mga kawikaan ni Solomon ay nakahanay ang mga simulain ng banal na pamumuhay at mataas na mga pagsisikap, mga simulaing ibininhi ng Dios at umaakay sa kabanalan, mga simulaing dapat mamayani sa bawat gawa ng buhay. Ang malawak na pagbabahagi ng mga simulaing ito, at ang pagkakilala sa Dios bilang Siyang dapat purihin at parangalan, ang nagbigay sa unang bahagi ng paghahan ni Solomon ng pagtataas ng moral at pagsaganang materyal. PH 32.1
“Mapalad ang tao na nakasusumpong ng karunungan,” kanyang sinulat, “at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagkat ang kalakal niya ay maigi kaysa kalakal na pilak, at ang pakmabang niyaon kaysa dalisay na ginto. Mahalaga nga kaysa mga rubi: at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kanya. Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya; sa kanyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kanyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kanya: at mapalad ang bawat isa na nangamamalagi sa kanya.” Kawikaan 3:13-18. PH 32.2
“Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya’t kunin mo ang karunungan: oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.” Kawikaan 4:7. “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan.” Mga Awit 111:10. “Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan: kapalaluan, at kahambugan, at masamang lakad, at ang masamang bibig, ay aking ipinatatanim.” Kawikaan 8:13. PH 32.3
O sana ay dininig ni Solomon ang mga salitang ito ng karunungan sa mga huling taon ng kanyang paghahari! Sana’y siyang nagsabing “Ang labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman” (Kawikaan 15:7), at siyang nagturo sa mga hari sa lupa na purihin ang Han ng mga hari ng papuring nais ipagkaloob sa mga hari sa lupa, hindi kailanman sa “likong labi,” sa “pagmamataas at kayabangan,” na kinuha ang kaluwalhatiang tanging para sa Dios lamang! PH 32.4