ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

5/69

Kabanata 2—Ang Templo at Pagtatalaga Nito

Ang matagal nang ninanais ni David na pagtatayo ng templo ng Panginoon, ay matalinong isinakatuparan ni Solomon. Sa loob ng pitong taon ang Jerusalem ay siksikan sa mga manggagawang abala sa pagpapatag ng napiling lugar, sa pagtatayo ng palibot na pader, sa paglalagay ng malawak na pundasyon,—“malalaking bato, mahahalagang bato, at mga batong tabas,“—sa paghubog ng mga mabibigat na kahoy mula sa kaparangan ng Libano, at sa pagtatayo ng kahangahangang santuwaryo. 1 Hari 5:17. PH 33.1

Kasabay ng paghahanda ng kahoy at bato, na pinagsikapan ng libu-libong manggagawa, ang paggawa ng mga muwebles para sa templo ay patuloy din sa pangunguna ni Hiram ng Tiro, “bihasang lalald, na may kaalaman,...na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, sa tanso, sa bakal, sa bato, at sa kahoy, sa kulay ube, sa bughaw, at sa mainam na kayong lino, at sa matingkad na pula.” 2 Cronica 2:13,14. PH 33.2

Kung kayat habang ang gusali sa Bundok Moria ay walang ingay na naitayo sa “bato na inihanda sa tibagan ng bato: at wala kahit pamukpok o palakol man, o anumang kasangkapang bakal na naririnig sa bahay, samantalang itinatayo,” ang mga magagandang bagay ay sakdal na ginawa ayon sa planong ibinigay ni David sa kanyang anak, “lahat ng kasangkapan na nangasa bahay ng Dios.” 1 Hari 6:7; 2 Cronica 4:19. Kasama dito ang dambana ng kamangyan, ang dulang ng dnapay, ang kandelero at mga lampara, at mga sisidlan at instrumentong kaugnay ng paglilingkod ng mga saserdote sa dakong banal, lahat “ay ginto at yao’y dalisay na ginto.” 2 Cronica 4:21. Ang mga muwebles na tanso,—dambana ng handog na susunugin, ang malaking hugasang nakapatong sa labing-dalawang baka, ang mas maliliit na hugasan, at marami pang sisidlan,—“sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa sa pagitan ng Suchot at ng Sereda.” 2 Cronica 4:17. Ang mga kasangkapang ito ay inihandang sagana upang hindi magkulang ng anuman. PH 33.3

Hindi mapapantayang kagandahan at kamahalan ang malapalasyong gusaling itinayo ni Solomon at mga kasama niya ukol sa Dios at pagsamba sa Kanya. Napapalamutian ng mga mamahaling bato, napapalibutan ng malalawak na korteng may kahanga-hangang patio, at may mga inukit na sedar at maldntab na ginto, ang templo na may burdadong kurtina at mayamang kasangkapan, ay angkop na sagisag ng buhay na iglesia ng Dios dito sa lupa, na sa mga panahon ay naitayo ayon sa plano ng Dios, at mga materyales na tulad ng “ginto, pilak, mahahalagang bato,” “inanyuan ayon sa anyo ng isang palasyo.” 1 Corinto 3:12; Awit 144:12. Sa templong itong espirituwal ay si Kristo ang “pangulong Panulok na Bato; na sa Kanya’y ang buong gusali ay nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon.” Efeso 2:20, 21. PH 34.1

Sa wakas ay natapos ang templong pinanukala ni Haring David, at itinayo ni Solomong anak niya. “Lahat na isinaloob ni Solomon na gawin sa bahay ng Panginoon,” ay “nagkawakas ng mabuti.” 2 Cronica 7:11. At ngayon, upang ang palasyong pinakaputong ng bundok ng Mona ay maging gayon nga, tulad ng ninais ni David, isang tahanan “hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios” (1 Cronica 29:1), nagpabilin doon ang isang banal na seremonyang pormal na itinalaga kay Jehova at sa pagsamba sa Kanya. PH 34.2

Matagal na ang dakong tinayuan ng templo ay itinuring na dakong banal. Dito rin na si Abraham, ang ama ng mga tapat, ay naghayag ng pagiging laang ihandog na sakripisyo ang bugtong na anak ayon sa utos ni Jehova. Dito ay inulit ng Dios kay Abraham ang tipan ng pagpapala, na kasama ang maluwalhating pangako ukol sa Mesias na magliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng sakripisyo ng Anak ng Kataastaasan. Tingnan ang Genesis 22:9, 16-18. Dito rin si David ay naghandog ng mga handog na susunugin at pangkapayapaan upang pigilan ang tabak ng paghihiganti ng anghel, na dininig ng Dios ang samo sa pagpapadala ng apoy mula sa langit. Tingnan ang 1 Cronica 21. At muli ngayon ang mga sumasamba kay Jehova ay nagkatipon upang makiharap sa Dios at ulitin ang kanilang panata ng pagtatapat sa Kanya. PH 34.3

Ang panahong pinili ukol sa pagtatalaga—ang ikapitong buwan, nang ang mga tao mula sa buong kaharian ay magtitipon sa Jerusalem ayon sa kaugalian upang magdiwang ng Kapistahan ng Tabemakulo. Ang kapistahang ito ay talagang pagdiriwang. Ang mga pag-aani ay tapos na at ang paggawa sa panibagong taon ay hindi pa nasisimulan, ang mga tao ay hindi abala at maaaring mag-ukol ng sarili sa banal at masayang impluwensya ng pagkakataon at panahon. PH 34.4

Sa takdang panahon ang bayang Israel, kasama ng mga lanatawan ng mga bansa, ay nagnpon sa korte ng templo. Ang tanawin ay hindi pangkaraniwang kamahalan. Si Solomon, kasama ng mga matatanda ng Israel at mga pinakamaimpluwensya sa bayan, ay bumalik mula sa kabila ng siyudad, na doon ay dinala ang kaban ng tipan. Alula sa santuwaryo sa kataasan ng Gibeon ay nalipat ang sinaunang “tabemakuko ng kapisanan, at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa tolda” (2 Cronica 5:5); at ang mga minamahal na taga pagpaala-alang ito ng mga naunang karanasan ng mga anak ni Israel sa kanilang paglilimayon sa ilang at pagkubkob sa Canaan, ngayon ay nakasumpong ng palagiang tahanan sa kahanga-hangang gusalmg itinayo kapalit ng bitbitmg gusali. PH 35.1

Sa pagdadala sa templo ng banal na kabang kinalalagyan ng dalawang tapyas na batong kinasulatan ng mga Kautusan sa pamamagitan ng daliri ng Dios, sinunod lamang ni Solomon ang halimbawa ng kanyang amang si David. Bawat layong anim na hakbang ay nagsakripisyo siya. May pag-awit at musika at dakilang seremonya, “pinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sungganian ng bahay, sa kabanal-banalang dako.” Talatang 7. Sa paglabas nila mula sa pinakaloob ng korte, lumagay sila sa kanilang angkop na dako. Ang mga mang-aawit—mga Levitang nakasuot ng puting lino, may mga simbalo at solteryo at harpa—ay tumayo sa dulong silangan ng altar, kasama nila ang isang daan at dalawampung saserdoteng nagpapatunog ng pakakak. Tingnan ang talatang 12. PH 35.2

“Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo at mga panugtog ng tugtugin, at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, Sapagkat Siya’y mabud; sapagkat ang Kanyang kaawaan ay magpakailanman: na nang magkagayo’y ang bahay ay napuno ng ulap, samakatuwid bagay ang bahay ng Panginoon; na anupa’t ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap: sapagkat napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios.” Talatang 13, 14. PH 35.3

Sa pagkadama ng kahalagahan ng ulap na ito, ipinahayag ni Solomon: “Ang Panginoo’y nagsabi na Siya’y tatahan sa salimuot na kadiliman. Ngunit ipinagtayo Kita ng isang bahay na tahanan, at isang dako na ukol sa Iyo na tahanan magpakailanman.” 2 Cronica 6:1,2. PH 36.1

“Ang Panginoon ay naghahari;
Manginig ang mga bayan:
Siya’y nauupo sa mga querubin;
Makilos ang lupa.

“Ang Panginoon ay dakila sa Sion;
At Siya’y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
Purihin nila ang Iyong dalala at kakila-kilabot na pangalan;
Siya’y banal....

“Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisimba kayo sa harap ng Kanyang tungtungan;
Siya’y banal.” Awit 99:1-5.
PH 36.2

“Sa gitna ng looban” ng templo ay itinayo ang “isang tuntungang tanso,” o entablado, “limang siko ang haba, at limang siko ang luwang, at tatlong siko ang taas.” Dito tumayo si Solomon at nakataas ang mga kamay na binasbasan ang malaking karamihang nasa harap niya. “At ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.” 2 Cronica 6:13,3. PH 36.3

At sinabi ni Solomon, “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng Kanyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng Kanyang mga kamay, na sinasabi,.. Aking pinili ang Jerusalem, upang ang Aking pangalan ay dumoon.” Talatang 4-6. PH 36.4

Matapos ito si Solomon ay lumuhod sa entablado, at sa pandinig ng buong bayan ay nag-ukol ng panalangin ng pagtatalaga. Idnaas ang kamay sa langit, samantalang ang kapulungan ay nakayukong paharap sa lupa, nagsumamo ang hari: “Oh Panginoon ang Dios ng Israel, walang Dios na gaya Mo, sa langit o sa lupa; na nag-iingat ng tipan, at ng kaawaan sa Iyong mga lingkod, na nagsisilakad sa harap Mo ng kanilang buong puso.” PH 36.5

“Ngunit katotohanan bang ang Dios ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa? Narito, sa langit, at sa langit ng mga langit ay hindi Ka magkasiya; gaano pa nga sa bahay na ito na aking itinayo? Gayon ma’y Iyong pakundanganan ang dalangin ng Iyong lingkod, at ang Kanyang samo, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at ang dalangin na idinadalangin ng Iyong lingkod sa harap Mo: na anupa’t ang Iyong mga mata ay dilat sa dako ng bahay na ito araw at gabi, samakatuwid baga’y sa gawi ng dakong Iyong pinagsabihan na Iyong ilalagay ang Iyong pangalan doon; upang dinggin ang dalangin na idadalangin ng Iyong lingkod sa dakong ito. At dinggin Mo ang mga samo ng Iyong lingkod, at ng Iyong bayang Israel, pagka sila’y dadalangin sa gawi ng dakong ito: oo, dinggin Mo mula sa Iyong tahanang dako, samakatuwid baga’y mula sa langit; at pagka Iyong narinig ay patawarin Mo.... PH 36.6

“At kung ang Iyong bayang Israel ay masaktan sa harap ng kaaway, dahil sa sila’y nagkasala laban sa Iyo; at magbabalik-loob, at kikilalanin ang Iyong pangalan; at mananalangin at mamamanhik sa harap Mo sa bahay na ito; dinggin Mo nga sa langit, at ipatawad Mo ang sala ng Iyong bayang Israel, at dalhin Mo sila uli sa lupain na Iyong ibinigay sa kanila at sa kanilang mga magulang. PH 37.1

“Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, dahil sa sila’y nagkasala laban sa Iyo; kung sila’y dumalangin sa gawi ng dakong ito, at kilalanin ang Iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka Iyong pinagdadalamhati sila; dinggin Mo nga sa langit, at ipatawad Mo ang kasalanan ng Iyong mga lingkod, at ng Iyong bayang Israel, pagka Iyong tinuturuan sila ng mabuting daan na kanilang lalakaran; at hulugan Mo ng ulan ang Iyong lupain na Iyong ibinigay sa Iyong bayan na pinakamana. PH 37.2

“Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng pagkalanta, o amag, balang, o tipaklong; kung kubkubin sila ng kanilang mga kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anumang salot o anumang sakit na magkaroon: anumang dalangin at samo na gawin ng sinumang tao, o ng Iyong buong bayang Israel, pagka makikilala ng bawat isa ang kanyang sanling salot at ang kanyang sanling sakit, at igagawad ang kanyang mga kamay sa dako ng bahay na ito: dinggin Mo nga sa langit na Iyong tahanang dako, at Iyong ipatawad, at gantihan Mo ang bawat tao, ng ayon sa lahat niyang mga lakad, na ang puso ay Iyong natatamo;...upang sila’y mangatakot sa Iyo, upang magsilakad sa Iyong mga daan, samantalang sila’y nangabubuhay sa lupain na Iyong ibinigay sa aming mga magulang. PH 37.3

“Bukod dito’y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa Iyong bayang Israel, pagka siya’y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa Iyong dakilang pangalan, at sa Iyong makapangyarihang kamay, at sa Iyong unat na bisig; pagka sila’y magsisiparito at magsisidalangin sa dako ng bahay na ito; dinggin Mo nga sa langit, samakatuwid baga’y sa Iyong tahanang dako, at gawin Mo ang ayon sa lahat na itawag sa Iyo ng taga ibang lupa; upang maldlala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang Iyong pangalan, at mangatakot sa Iyo, na gaya ng Iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng Iyong pangalan. PH 38.1

“Kung ang Iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kanilang mga kaaway saan Mo man sila suguin, at manalangin sa Iyo sa dako ng bayang ito na Iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa Iyong pangalan; dinggin Mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang samo, at alalayan Mo ang kanilang usap. PH 38.2

“Kung sila’y magkasala laban sa Iyo, (sapagkat walang tao na di nagkakasala,) at Ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay Mo sila sa kaaway, na anupa’t sila’y dalhing bihag sa isang lupaing malayo o malapit; gayon may kung sila’y magbulay sa kanilang pagkabihag, na sasabihin, Kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa ng kalikuan, at nagsigawa ng kasamaan; kung sila’y nangagbalik-loob sa Iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang pagkabihag, saan man sila dalhing bihag, at manalangin sa dako ng kanilang lupain, na Iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, at ng bayan na Iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking tinayo na ukol sa Iyong pangalan: dinggin Mo nga sa langit, samakatuwid baga’y sa Iyong tahanang dako, ang kanilang dalangin at ang kanilang mga pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap, at patawarin Mo ang Iyong bayan na nagkasala laban sa Iyo. PH 38.3

“Ngayon, Oh, Dios ko, isinasamo ko sa Iyo, na Iyong idilat ang Iyong mga mata, at pakinggan ng Iyong mga pakinig ang dalangin na gawin sa dakong ito. Ngayon nga’y bumangon Ka, Oh Panginoong Dios, sa Iyong pahingahang dako, Ikaw, ang kaban ng Iyong kalakasan: suutan Mo ng kaligtasan, Oh Panginoong Dios, ang Iyong mga saserdote, at ang Iyong mga banal ay mangagalak sa kabutihan. Oh, Panginoon, Dios, huwag Mong papihitin ang mukha ng Iyong pinahiran ng langis: alalahanin Mo ang Iyong mga kaawaan kay David na iyong lingkod.” Talatang 14-42. PH 38.4

Nang matapos si Solomon sa panalangin, “ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga ham.” At ang mga saserdote ay Kindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagkat “napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.” “At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin...ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay, at sila’y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagkat Siya’y mabud; sapagkat ang Kanyang kaawaan ay magpakailanman.” PH 41.1

Nang magkagayo’y ang hari at ang buong bayan ay naghandog ng ham sa harap ng Panginoon. “Gayon ang hari at ang buong bayan ay nagtalaga sa bahay ng Dios.” 2 Cronica 7:1-5. Sa loob ng pitong araw ang karamihan mula sa lahat ng bahagi ng kaharian, mula sa pasukan “sa Hamath hanggang sa bads ng Egipto,” “totoong malaking kapisanan,” ay nagdaos ng masayang kapistahan. Ang kasunod na linggo ay iniukol sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Tabemakulo. Sa katapusan ng panahon ng muling pagtatalaga at pagsasaya ang bayan ay bumalik sa kanilang mga bahay, “nagalak at may masayang puso dahil sa kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David, at kay Solomon, at sa Israel na Kanyang bayan.” Talatang 8, 10. PH 41.2

Ginawa ng hari ang lahat na abot ng kanyang kapangyarihan upang pasiglahin ang bayan na lubusang ipagkaloob ang sarili sa Dios at sa paglilingkod sa Kanya, at parangalan ang pangalan Niyang banal. At ngayon muli pa, tulad nang sa Gibeon sa unang bahagi ng kanyang paghahari, ang hari ng Israel ay nabigyan ng katibayan ng pagtanggap ng Dios at Kanyang pagpapala. Sa pangitain sa gabi ang Panginoon ay napakita sa kanya na may ganitong pabalita: “Aking narinig ang iyong dalangin, at pinili Ko ang dakong ito sa Aking sarili na pinakabahay na hainan. Kung Aking sarhan ang langit na anupa’t huwag magkaroon ng ulan, o kung Aking utusan ang balang na lamumn ang lupain, o kung Ako’y magsugo ng salot sa gitna ng Aking bayan; kung ang Aking bayan, na tinatawag sa pamamagitan ng Aking pangalan ay magpakumbaba, at dumalangin, at hanapin ang Aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; Akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad Ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin Ko ang kanilang lupain. Ngayo’y ang Aking mga mata ay didilat, at ang Aking pakinig ay makikinig, sa dalangin na gagawin sa dakong ito. Sapagkat ngayon ay Aking pinili at idnalaga ang bahay na ito, upang ang Aking pangalan ay dumoon magpakailanman: at ang Aking mga mata at ang Aking puso ay doroong palagi.” Talatang 12-16. PH 41.3

Kung ang Israel ay nagtapat lamang sa Dios, ang maluwalhating gusaling ito ay tumayo sana magpakailanman, isang palagiang tanda ng tanging pabor ng Dios sa Kanyang bayan. “Gayon din ang mga taga ibang lupa,” ipinahayag ng Dios, “na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa Kanya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging Kanyang mga lingkod, bawat nangingilin ng Sabbath upang huwag lapastangin, at nag-iingat ng Aking tipan; sila ay dadalhin Ko sa Aking banal na bundok, at papagkakatuwain Ko sila sa Aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga ham ay tatanggapin sa Aking dambana; sapagkat ang Aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan.” Isaias 56:6, 7. PH 42.1

Kaugnay ng mga kasiguruhang ito ng pagtanggap, niliwanag ng Panginoon ang landas ng tungkulin ng hari. “Tungkol sa iyo,” pinahayag Niya “kung ikaw ay lalakad sa harap Ko, gaya ng inilakad ni David na iyong ama, at iyong gagawin ang ayon sa lahat na Aking iniutos sa iyo, at iyong iingatan ang Aking mga palatuntunan at ang Aking mga kahatulan; Akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian, ayon sa Aking itinipan kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalaki na magpupuno sa Israel.” 2 Cronica 7:17, 18. PH 42.2

Kung nagpatuloy lamang si Solomon sa paglilingkod sa Panginoon sa kaamuan, ang buong paghahari niya ang gumawa sana ng makapangyarihang impluwensya sa kabutihan sa mga nakapalibot na mga bansa, mga bansang nabigyan ng magandang impresyon ng paghahari ni David na ama niya at ng matalinong mga salita at marangyang mga gawa ng mga unang taon ng paghahari niya. Sa pagkamalas ng mga kaldla-ldlabot na tuksong kaugnay ng kasaganaan at karangalan ng mundo, binalaan ng Dios si Solomon laban sa pagtalikod at sa kalunus-lunos na bunga ng kasalanan. Kahit na ang magandang templong katatalaga pa lamang ay magiging “isang kawikaan, at isang kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan” kung tatalikuran ng Israel “ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang” at magpapatuloy sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Talatang 20, 22. PH 42.3

Pinalakas sa puso at pinasiglang mainam ng pabalita mula sa langit na ang panalangin niya para sa Israel ay dininig, si Solomon ay pumasok sa pinakamaluwalhating panahon ng kanyang paghahari, nang “lahat ng hari sa lupa” ay nagsimulang hanapin ang kanyang pakikiharap, “upang magsipakinig ng kanyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kanyang puso.” 2 Cronica 9:23. Marami ang naparoon upang tingnan ang kanyang gobyerno at tumanggap ng turo tungkol sa mga mahihirap na bagay. PH 43.1

Sa pagdalaw ng mga taong ito sa kanya, tinuruan sila ni Solomon tungkol sa Dios na Manlalalang ng lahat ng bagay, at sila ay bumalik sa kanilang mga tahanan na may mas malinaw na isipan tungkol sa Dios ng Israel at ng pag-ibig Niya sa lahi ng tao. Sa mga gawa ng kalikasan ay nakita nila ang pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig at likas; at marami ang naakay sa pagsamba sa Kanya bilang Dios nila. PH 43.2

Ang kaamuan ni Solomon sa pasimula ng pagsasabalikat ng mga pasanin ng estado, nang kanyang ikumpisal sa Dios na, “Ako’y isang munting bata lamang” (1 Hari 3:7), ang kanyang palatandaang pagibig ng Dios, ang malalim na paggalang sa mga bagay ng langit, ang kawalan ng tiwala sa sarili, at pagtataas sa walang hanggang Manlalalang ng lahat—lahat ng mga sangkap na ito ng likas, angkop upang tularan, ay nahavag sa mga serbisyong kaugnay ng pagtatapos ng templo, nang sa panahon ng panalangin ng pagtatalaga ay lumuhod siyang tulad ng isang nagsusumamo. Ang mga alagad ni Kristo ngayon ay dapat magbantay upang hindi mawala ang diwa ng paggalang at takot sa Dios. Itinuturo ng Kasulatan kung paanong ang tao ay dapat lumapit sa Manlilikha—may kaamuan at pitagan, sa pananampalataya sa isang Dios na Tagapamagitan. Inihayag ng mang-aawit: PH 43.3

“Ang Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Han sa lahat ng mga diyos....
Oh magsipanto kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod:
Tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.” Awit 95:3-6.
PH 43.4

Sa publiko man o sa pansariling pagsamba ay karapatan nating lumuhod sa Dios sa pagdadala natin ng mga petisyon sa Kanya. Si Jesus na halimbawa natin ay “nanikluhod at nanalangin” Lucas 22:41. Tungkol sa mga alagad ay natala na sila man ay, “lumuhod at nanalangin.” Gawa 9:40. Inihayag ni Pablo, “Iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama.” Efeso 3:14. Sa pagkukumpisal sa Dios ng mga kasalanan ng Israel, si Ezra ay nanikluhod. Tingnan ang Ezra 9:5. Si Daniel ay “lumuhod sa kanyang tuhod na makaido isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kanyang Dios.” Daniel 6:10. PH 43.5

Ang tunay na paggalang sa Dios ay udyok ng pagkadama ng Kanyang walang katapusang kadakilaan at presensya. Sa pagkadamang ito ng Di nakikita, bawat puso ay dapat na malalim na maimpluwensyahan. Ang oras at dako ng panalangin ay banal, sapagkat ang Dios ay naroroon. At kung paanong ang pagpipitagan ay nahahayag sa isipan at kilos, ang damdaming sumisibol ay lalalim. “Banal at kagalang-galang ang Kanyang pangalan,” pahayag ng mangaawit. Awit 111:9. Ang mga anghel, kapag binabanggit ang Kanyang pangalan, ay nagtatakip ng kanilang mga mukha. Anong uring pagpipitagan, kung gayon, tayong mga nahulog at nagkasala, ang dapat dalhin sa ating mga labi! PH 44.1

Marapat lamang na ang mga kabataan at katandaan ay isipin ang mga salitang ito ng Kasulatan na nagpapakita kung paanong ang dakong kinaroroonan ng Dios ay dapat ituring. “Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa,” utos kay Moises sa nagniningas na halaman, “sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa” Exodo 3:5. Si Jacob, pagkakita ng pangitain ng anghel ay nagwika, “Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito; at hindi ko nalalaman.... Ito’y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.” Genesis 28:16,17. PH 44.2

Sa mga sinalita sa panahon ng pagtatalaga ng templo, sinikap ni Solomon na alisin sa isipan ng mga naroroon ang mga pamahiin tungkol sa Manlalalang, na nagpalabo ng isipan ng mga walang pagkakilala sa Dios. Ang Dios ng kalangitan ay di tulad ng mga diyos ng mga pagano, na piit sa mga templong gawa ng mga kamay ng tao; gayunman, ay nakikipagtagpo Siya sa Kanyang bayan sa Kanyang Espiritu kapag sila ay nagtitipon sa bahay na itinalaga para sa pagsamba sa Kanya. PH 44.3

Mga daangtaon makalipas ay itinuro ni Pablo ang mga katotohanang ito: “Ang Dios na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, Siya, palibhasa’y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay; ni hindi rin naman pinaglilingkuran Siya ng mga kamay ng mga tao na para bagang Siya’y nangangailangan ng anumang bagay, yamang Siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;...upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila Siya, at Siya’y masumpungan, bagaman hindi Siya malayo sa bawat isa sa atin: sapagkat sa Kanya tayo’y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao.” Mga Gawa 17:24-28. PH 44.4

“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na Kanyang pinili sa ganang Kanyang sariling mana.
Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kanyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao.
Mula sa dakong Kanyang tahanan
Ay tumitingin Siya sa lahat na nangananahan sa lupa.”

“Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa mga langit;
At ang Kanyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.”

“Ang Iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuwaryo:
Sino ang dakilang Dios na gaya ng Dios?
Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan Mo sa gitna ng mga tao.” Mga awit 33:12-14; 103:19; 77:13,14.
PH 45.1

Bagama’t ang Dios ay hindi tumatahan sa mga templong gawa ng kamay ng tao, gayunman ay pinararangalan ng Kanyang presensya ang mga pagkakatipon ng Kanyang bayan. Nangako Siyang kapag sila ay nagtipon upang hanapin Siya, kilalanin ang kanilang mga kasalanan, at dumalangin para sa isa’t isa, Siya ay makikipagtipong kasama nila sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Datapuwat silang sasamba ay dapat mag-alis ng bawat kasamaan. Malibang sila ay sumamba sa espiritu at katotohanan at sa kagandahan ng kabanalan, ang pagtitipon nila ay walang kabuluhan. Ukol dito ay inihayag ng Panginoon, “Ang bayang ito’y iginagalang Ako ng kanilang mga labi; datapuwat ang kanilang puso ay malayo sa Akin.” Mateo 15:8, 9. Lahat ng sumasamba sa Dios ay dapat sumamba sa Kanya “sa espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kanya.” Juan 4:23. PH 45.2

“Ang Panginoo’y nasa Kanyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap Niya.” Habacuc 2:20. PH 45.3