Masayang Pamumuhay
Kapitulo 2—Ang Pinanukala ng Magsasaka
Ang Manghahasik at ang Binhi
SA PAMAMAGITAN ng talinhaga ng manghahasik, ay inilalarawan ni Kristo ang mga bagay ng kaharian ng langit, at ang gawain ng dakilang Magsasaka para sa Kanyang bayan. Katulad ng isang manghahasik sa bukid, Siya'y naparito upang ikalat o isabog ang makalangit na binhi ng katotohanan. At ang Kanya na ring pagtuturo ng talinhaga ay siyang binhi na sa pamamagitan nito'y naihahasik ang pinakamahahalagang katotohanan ng Kanyang biyaya. Dahil sa kapayakan nito ang talinhaga ng manghahasik ay hindi napahahalagahan gaya ng dapat sana'y mangyari. Mula sa likas na binhing isinasabog sa lupa, ay ninanais ni Kristong akayin ang ating mga pag-iisip sa binhi ng ebanghelyo, na ang paghahasik nito ay nagbubunga ng pagpapanumbalik sa tao sa kanyang pagtatapat at pagkatig sa Diyos. Siya na nagbigay ng talinhaga tungkol sa maliit na binhi ay siyang Maykapangyarihan sa langit, at iyun ding mga batas na nangangasiwa o nakasasaklaw sa paghahasik ng binhi sa lupa ay siyang nakapangyayari sa paghahasik ng mga binhi ng katotohanan. MP 19.1
Sa tabi ng Dagat ng Galilea ay isang pulutong ang nagkatipon upang makita at mapakinggan si Jesus,—isang sabik at nagsisiasang karamihang tao. Ang mga maysa- kit ay naroon, nangakahiga sa kanilang mga banig, at nagsisipaghintay na maiharap ang kanilang mga kaso sa Kanya. Karapatan ni Kristong kaloob ng Diyos na pagalingin ang mga karamdaman ng makasalanang lahi, at ngayo'y sinusuwatan Niya ang sakit, at nagsasabog sa palibot Niya ng buhay at kalusugan at kapayapaan. MP 19.2
Habang patuloy na nararagdagan ang lipumpon ng mga tao, ang mga ito ay nagsisiksikan sa palibot ni Kristo hanggang sa mawalan na ng puwang upang sila'y tanggapin. Nang magkagayon, samantalang nagsasalita sa mga lalaking nasa kani-kanilang mga bangkang pangisda, Siya'y sumakay sa bangkang naghihintay upang dalhin Siya sa kabilang ibayo ng lawa, at nang maatasan ang Kanyang mga alagad na itulak ang bangka upang malayo nang kaunti sa lupa, Siya'y nagsalita sa karamihang nasa pampang. MP 20.1
Sa tabi ng dagat ay nakalatag ang magandang kapatagan ng Genesaret, sa dako roon ay nakatayo ang mga burol, at sa tabi naman ng burol at ng kapatagan ay abalang gumagawa kapwa ang mga manghahasik at ang mga mang-aani, ang isa'y nagsasabog ng binhi, at ang iba'y nagsisiani ng mga unang butil. Nakatingin sa tanawing yaon, si Kristo ay nagwika: — MP 20.2
“Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik; at sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila; at ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa; at pagsikat ng araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo. At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon; nguni't ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y tig-sandaan, at ang ila'y tig-aanimnapu, at ang ila'y tig-tatatlumpu.”1 MP 20.3
Ang misyon o layunin ni Kristo ay hindi naunawaan ng mga tao nang Kanyang kapanahunan. Ang paraan ng Kanyang pagdating ay hindi umayon sa kanilang mga inaasahan. Ang Panginoong Jesus ang naging saligan ng buong kapamuhayan ng mga Hudyo. Ang nakapagkikintal nitong mga paglilingkod ay pawang itinakda ng Diyos. Ang mga iyon ay ginawa upang magturo sa mga tao na sa panahong ukol ay darating ang Isa na kinatutuunan ng mga seremonyang yaon. Datapwa't itinaas ng mga Hudyo ang mga porma at mga seremonya, at kinalimutan na ang nilalayon ng mga iyon. Ang mga tradisyon, mga kasabihan, at mga kautusan ng mga tao ay nagkubli sa kanila ng mga liksiyong balak ng Diyos na ipaunawa. Ang mga kasabihan at mga tradisyong ito ay naging isang sagabal sa kanilang ikauunawa at ikapagsasakabuhayan ng tunay na relihiyon. At nang dumating ang Katotohanan, sa persona ni Kristo, ay hindi nila kinilala sa Kanya ang katuparan ng kanilang lahat na mga sagisag, ang tunay na kahulugan ng mga anino nila. Kanilang tinanggihan at itinakwil ang inaaninuhan, at nangunyapit sa kanilang mga sagisag at walang-kabuluhang mga seremonya. Ang Anak ng Diyos ay dumating, subali't nagpatuloy silang humingi ng isang tanda. Ang mensaheng, “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit,”1 ay tinugon nila sa pamamagitan ng mga paghingi ng isang kababalaghan. Ang ebanghelyo ni Kristo ay naging isang katitisuran sa kanila sapagka't sila'y humingi ng mga tanda sa halip ng isang Tagapagligtas. Kanilang inasahan na patutunayan ng Mesiyas ang Kanyang mga inaangkin sa pamamagitan ng makapangyarihang mga gawa ng paglupig, upang itatag ang Kanyang imperyo sa mga guho ng mga kaharian sa lupa. Ang ganitong inaasahan ay sinagot ni Kristo sa talinhaga ng manghahasik. Hindi sa pamamagitan ng lakas ng mga sandata, hindi sa pamamagitan ng mararahas na panghihimasok, dapat magtagumpay ang kaharian ng Diyos, kundi sa pamamagitan ng pagtatanim ng isang bagong simulain sa mga puso ng mga tao. MP 22.1
“Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao.”1 Si Kristo'y dumating, hindi bilang isang hari, kundi bilang isang manghahasik; hindi upang lumupig ng mga kaharian, kundi upang magsabog ng binhi; hindi upang ituro sa Kanyang mga tagasunod ang mga tagumpay sa lupa at ang pambansang kadakilaan, kundi ang isang aanihin na dapat matipon pagkatapos ng matiyagang paggawa, at sa pamamagitan ng mga pagkalugi at mga pagkabigo. MP 23.1
Napag-unawa ng mga Pariseo ang kahulugan ng talinhaga ni Kristo; datapwa't sa kanila ang liksiyon nito ay hindi katanggap-tanggap. Hindi sila nakilos upang iyon ay unawain. Sa karamihan ay nananatili pa ring isang malaking hiwaga ang layunin ng bagong guro, na ang mga pangungusap ay lubhang nakapagtatakang kumilos ng kanilang mga puso, at buong kapaitang bumigo ng kanilang mga ambisyon. Ang mga alagad na rin ay hindi nakaunawa sa talinhaga, gayunma'y nagising ang kanilang interes. Sila'y lumapit kay Jesus nang sarilinan at palihim, at humingi ng isang paliwanag. MP 23.2
Ito ang pagnanasa na hangad ni Kristong gisingin, upang Kanyang mabigyan sila ng lalong tiyak na turo. Ipinaliwanag Niya sa kanila ang talinhaga, gaya ng gagawin Niyang pagpapaliwanap; ng Kanyang salita sa lahat ng humahanap sa Kanya nang may tapat na puso. Yaong mga nagsisipag-aral ng salita ng Diyos nang may mga pusong nakabukas sa pagpapaliwanag ng Banal na Espiritu, ay hindi mananatiling nasa kadiliman kung nauukol din lamang sa kahulugan ng salita. “Kung ang sinumang tao ay nag-iibig gumawa ng Kanyang kalooban,” wika ni Kristo “ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Diyos, o kung Ako'y nagsasalita na mula sa Aking sarili.”2 Lahat ng mga lumalapit kay Kristo para sa lalong malinaw na ikauunawa ng katotohanan ay tatanggap ni- to. Kanyang ihahayag sa kanila ang mga hiwaga ng kalangitan, at ang mga hiwagang ito ay mauunawaan ng pusong nananabik na makaalam ng katotohanan. Isang makalangit na liwanag ang magniningning sa kaluluwangtemplo, at mahahayag sa iba na gaya ng marikit na liwanag ng isang ilawan sa isang madilim na daan. MP 23.3
“Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.”1 Sa Silangan ang kalagayan ng mga bagay-bagay ay naging lubhang magusot, at nagkaroon ng lubhang malaking panganib na mamayani ang karahasan, na anupa't ang mga tao ay nanirahan sa mga bayang nakukutaan, at ang mga magsasaka ay yumaon araw-araw sa kanilang gawain sa labas ng mga kuta. Si Kristo nga, ang Manghahasik na taga-langit, ay yumaon upang maghasik. Iniwan Niya ang Kanyang tahanan ng katiwasayan at kapayapaan, iniwan Niya ang kaluwalhatiang taglay Niyang kasama ng Ama bago ang sanlibutan ay naging gayon, iniwan Niya ang Kanyang tungkulin sa luklukan ng sansinukob. Siya'y yumaon, na isang naghihirap at tinuksong tao; yumaong nag-iisa, upang maghasik nang may mga pagluha, upang diligin sa pamamagitan ng Kanyang dugo, ang binhi ng buhay para sa isang waglit na sanlibutan. MP 24.1
Ang Kanyang mga alipin sa ganito ring paraan ay dapat yumaon upang maghasik. Nang tawagin upang maging isang manghahasik ng binhi ng katotohanan, si Abraham ay inatasang, “Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamag-anak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo Ko sa iyo.” “At siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.”2 Gayon dumating kay Apostol Pablo, na nananalangin sa templo sa Jerusalem, ang pabalitang buhat sa Diyos, “Yumaon ka; sapagka't susuguin Kita sa malayo sa mga Hentil.”3 Kaya yaong mga tinatawagang makiisa kay Kristo ay dapat mag-iwan ng lahat, upang makasunod sa Kanya. Ang mga dating pagsasamahan ay dapat sirain, ang mga panukala sa buhay ay dapat talikdan, at ang mga pag- asang makalupa ay dapat isuko. Sa pamamagitan ng paggawa at mga pagluha, nang nag-iisa, at sa pamamagitan ng pagpapakasakit, ay dapat mahasik ang binhi. MP 24.2
“Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.” Si Kristo'y naparito upang hasikan ang sanlibutan ng katotohanan. Buhat na noong magkasala ang tao, ay naghahasik na si Satanas ng mga binhi ng kamalian. Una niyang natamo ang pagsupil sa mga tao sa pamamagitan ng isang kasinungalingan, at sa ganitong paraan din siya gumagawa upang lupigin ang kaharian ng Diyos sa lupa, at upang madala niya sa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang mga tao. Si Kristo'y naparito upang maghasik ng mga binhi ng katotohanan, isang manghahasik na buhat sa isang lalong mataas na sanlibutan. Siya na tumayo sa mga sanggunian ng Diyos, na tumahan sa kaloob-loobang santuwaryo ng Walang-hanggan, ay makapaghahatid sa mga tao ng malilinis na simulain ng katotohanan. Buhat noong magkasala ang tao, ay si Kristo na ang naging Tagapagpahayag ng katotohanan sa sanlibutan. Sa pamamagitan Niya ay naihatid sa mga tao ang binhing di-nasisira, “ang salita ng Diyos, na nabubuhay at namamalagi.”1 Sa unang pangakong yaon na binigkas sa ating nagkasalang unang mga magulang sa Eden, ay inihasik ni Kristo ang binhing ebanghelyo. Nguni't sa Kanyang personal na ministeryo o paglilingkod sa mga tao, at sa gawaing sa gayo'y Kanyang itinatag, tangi nang inilalapat ang talinhaga tungkol sa manghahasik. MP 25.1
Ang salita ng Diyos ay siyang binhi. Bawa't binhi ay may isang nagpapatubong simulain sa sarili nito. Dito nakapaloob ang buhay ng halaman o pananim. Kaya mayroong buhay sa salita ng Diyos. Sinasabi ni Kristo, “Ang mga salitang sinasalita Ko sa inyo, ay pawang Espiritu, at pawang buhay.” “Ang dumirinig ng Aking salita, at sumasampalataya sa Kanya na nagsugo sa Akin, ay may buhay na walang-hanggan.”2 Sa bawa't utos at sa bawa't pangako ng salita ng Diyos ay naroon ang ka- pangyarihan, ang buhay mismo ng Diyos, na sa pamamagitan niyon ang utos ay maaaring matupad at ang pangako ay maaaring maging katotohanan. Siya na sa pamamagitan ng pananampalataya ay tumatanggap ng salita ay tumatanggap ng buhay at likas mismo ng Diyos. MP 25.2
Ang bawa't binhi ay namumunga nang ayon sa kanyang uri. Inyong ihasik ang binhi sa ilalim ng mga wastong kalagayan, at ito'y magkakaroon ng sariling buhay nito sa pananim. Inyong tanggapin sa kaluluwa sa pamamagitan ng pananampalataya ang walang-kasiraang binhi ng salita, at ito'y magbibigay ng isang likas at isang buhay na kawangis ng likas at buhay ng Diyos. MP 27.1
Ang mga guro ng Israel ay hindi nagsipaghasik ng binhi ng salita ng Diyos. Ang gawain ni Kristo bilang isang guro ng katotohanan ay kasalungat na kasalungat ng sa mga rabi (mga guro) nang Kanyang kapanahunan. Namarati sila sa mga tradisyon o sa mga sali't saling sabi, sa mga haka-haka at pala-palagay ng mga tao. Kadalasan ang mga bagay na itinuro at sinulat ng tao tungkol sa salita, ay kanilang inilalagay o ipinapalit sa salita na rin. Ang kanilang turo ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan na bumuhay ng kaluluwa. Ang paksa ng pagtuturo at pangangaral ni Kristo ay ang salita ng Diyos. Hinarap Niya ang mga nagsisipagtanong sa pamamagitan ng isang malinaw na, “Nasusulat.” “Ano ang sinasabi ng mga Kasulatan?” “Ano ang nababasa mo?” Sa bawa't pagkakataon, kapag may interes na nagigising sa kaibigan o kaaway, ay naghasik Siya ng binhi ng salita. Siya na siyang Daan, siyang Katotohanan, at siyang Buhay, na sa Sarili na rin ay siyang nabubuhay na Salita, ay tumuturo sa mga Kasulatan, na nagsasabi, “Ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin.” At “magmula kay Moises at sa mga propeta,” ay inihayag Niya sa Kanyang mga alagad “ang mga bagay tungkol sa Kanya sa lahat ng mga Kasulatan.”1 MP 27.2
Ang mga lingkod ni Kristo ay dapat gumawa ng ga- yunding gawain. Sa ating kapanahunan, gaya nang una ang mahahalagang katotohanan ng salita ng Diyos ay isi nasaisantabi upang bigyang-daan ang mga teorya at mga haka-haka ng tao. Maraming nagpapanggap na mga mi nistro ng ebanghelyo ay hindi tinatanggap ang buong Biblia bilang kinasihang salita. Tinatanggihan ng isang pantas na tao ang isang bahagi; pinag-aalinlanganan naman ng iba ang ibang bahagi. Ang kanilang kuru-kuro ay itinuturing nilang nakahihigit sa salita; at ang Kasu latan na kanilang itinuturo ay nakasalalay sa kanilan sariling kapangyarihan. Ang katotohanan ng pagiging-bu: hat-sa-Diyos nito ay sinisira. Sa gayon ang mga binhi ng kawalang-paniniwala ay naihahasik sa lahat ng dako; sa pagka't ang mga tao ay nalilito, at hindi malaman kung ano ang paniniwalaan. Maraming paniniwala o pananampalataya na hindi dapat isip-isipin ng pag-iisip. Noong mga kaarawan ni Kristo ay naglagay ang mga rabi ng isang pilit at mahiwagang kapaliwanagan sa maraming bahagi ng Kasulatan. Sa dahilang ang malinaw na iti nuturo ng salita ng Diyos ay sumusumbat sa kanilang mga ginagawa, ay pinagsikapan nilang sirain ang puwer sa nito. Ang ganito ring bagay ay ginagawa ngayon. Ang salita ng Diyos ay pinalilitaw na mahiwaga at malabo upang mapagpaumanhinan ang pagsalansang sa Kanyang kautusan. Sinuwatan ni Kristo ang ganitong gawain noong Kanyang kaarawan. Kanyang itinuro na ang salita ng Diyos ay dapat maunaw'aan ng lahat. Kanyang itinuro ang mga Kasulatan bilang may di-mapag-aalinlanga nang kapangyarihan, at dapat tayong gumawa ng gayundin. Ang Biblia ay dapat ipakilala bilang salita ng wa lang-hanggang Diyos, bilang siyang katapusan ng lahat ng pagtatalo o pagtutunggalian at bilang saligan ng lahat ng pananampalataya. MP 27.3
Ang Biblia ay ninanakawan ng kapangyarihan nito at ang mga bunga ay nakikita sa pagbaba ng kalagavan ng kabuhayang espirituwal. Sa mga sermong nagmumula sa maraming pulpito ngayon ay wala yaong pagpapakahayag ng Diyos na gumigising ng budhi at nagbibigay ng buhay sa kaluluwa. Ang mga nakikinig ay hindi makapagsabing, “Hindi baga nag-aalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap Niya sa daan, samantalang binubuksan Niya sa atin ang Mga Kasulatan?”1 Marami ang mga nagsisihibik sa buhay na Diyos, na nananabik sa pakikiharap ng Diyos. Gaanuman kaningning ang mga teoryang ukol sa pilosopya o ang mga salaysay na pampanitikan, ay hindi makasisiya sa puso. Ang mga ipinahahayag at mga katha-katha ng mga tao ay walang halaga. Bayaang ang salita ng Diyos ang mangusap sa mga tao. Bayaang yaong mga nakarinig lamang ng mga sali't saling sabi at ng mga haka-haka at mga kasabihan ng tao ay makapakinig ng tinig Niya na ang salita ay makababagong-muli sa kaluluwa hanggang sa walang-hanggang buhay. MP 28.1
Ang kinagigiliwang paksa ni Kristo ay ang makaamang pag-ibig at ang saganang biyaya ng Diyos; naglahad Siya ng marami ukol sa kabanalan ng Kanyang likas at ng Kanyang kautusan; ipinakilala Niya ang Kanyang sarili sa mga tao bilang ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Bayaang ang mga ito ang maging mga paksa ng mga ministro ni Kristo. Ipakilala ang katotohanan gaya ng ito ay na kay Jesus. Linawin ang mga hinihingi ng kautusan at ng ebanghelyo. Saysayin sa mga tao ang kabuhayan ng pagtanggi-sa-sarili at pagpapakasakit ni Kristo; ang Kanyang pagpapakababa at pagkamatay; ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli at pag-akyat sa langit; ang Kanyang pamamagitan para sa kanila sa mga hukuman ng Diyos; at ang Kanyang pangakong, “Muling paririto Ako, at tatanggapin Ko kayo sa Aking sarili.”2 MP 29.1
Sa halip na talakayin ang mga maling teorya, o pagsikapang labanan ang mga kaaway ng ebanghelyo, ay sundan ang halimbawa ni Kristo. Hayaang kumislap sa buhay ang mga bagong katotohanang buhat sa kabaneyaman ng Diyos. “Ipangaral ang salita.” “Maghasik sa siping ng lahat na tubig.” “Magsikap sa kapanahunan, at sa di kapanahunan.” “Siyang nagtamo ng Aking salita, salitain niya ang Aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.” “Bawa't salita ng Diyos ay subok (dalisay). . . . Huwag kang mag dagdag sa Kanyang mga salita, baka Kanyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.”1 MP 29.2
“Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.” Dito'y inihaharap ang dakilang simulain na dapat pagbatayang lahat ng gawaing pagtuturo. “Ang binhi ay ang sa lita ng Diyos.” Nguni't totoong maraming paaralan sa ating kapanahunan ay nagsasaisantabi ng salita ng Diyos. Iba-ibang paksa ang pinagkakaabalahan ng isipan. Ang pag-aaral tungkol sa mga mangangathang di-Kristiyano (infidel authors) ay siyang binibigyan ng malaking lugar sa sistema ng pagtuturo. Ang mga damdamin ng di-paniniwala sa Diyos ay inihahabi sa bagay na inilalagay sa mga aklat ng paaralan. Ang pananaliksik na ukol sa si-yensiya ay nagiging nakapagsisinsay, sapagka't ang mga tuklas nito ay binibigyan ng maling pakahulugan at pi nasasama. Ang salita ng Diyos ay inihahambing sa mga ipinalalagay na mga turo ng siyensiya, at pinalalabas na di-tiyak at di-mapagtitiwalaan. Sa gayo'y naitatanim sa mga isipan ng mga kabataan ang mga binhi ng pagaalinlangan, at sa panahon ng tukso ay sumusulpot ang mga ito. Kapagka nawala ang pananampalataya sa sali ta ng Diyos, ang kaluluwa ay nawawalan ng patnubay, nawawalan ng sanggalang. Ang kabataan ay nahihila sa mga landas na umaakay ng paglayo sa Diyos at sa buhay na walang-hanggan. MP 30.1
Ang sanhing ito ang sa malaking antas ay maaarin. siyang dahilan ng paglaganap ng katampalasanan sa atin. sanlibutan ngayon. Kapag ang salita ng Diyos ay isinasaisantabi, ang kapangyarihan nito na pigilin ang masasa- mang damdamin ng likas na puso ay tinatanggihan. Ang mga tao ay naghahasik sa laman, at sa laman sila nagaani ng kasamaan. MP 30.2
At narito rin naman ang malaking dahilan ng kahinaan at kawalang-kakayahan ng pag-iisip. Sa pagtalikod sa salita ng Diyos at pagtunghay at pagpapakabusog sa mga sinulat ng mga di-kinasihang tao, ang pag-iisip ay nauunano at nagiging karaniwan. Hindi ito nadadalang paugnay sa malalalim at malalawak na simulain ng walang-hanggang katotohanan. Iniaagpang ng pang-unawa ang sarili nito sa paglirip ng mga bagay na kilalang-kilala nito, at sa ganitong pagsasakit sa mga bagay na maykatapusan ay ito'y humihina, ang kapangyarihan nito ay umuurong, at pagkaraan ng isang panahon ito'y hindi na makapagpalaki. MP 31.1
Lahat ng ito ay maling pagtuturo. Ang gawain ng bawa't guro o tagapagturo ay ang ituon ang pag-iisip ng mga kabataan sa mga dakilang katotohanan ng salitang Kinasihan. Ito ang edukasyon o pagtuturong kailangan sa buhay na ito at sa buhay na darating. MP 31.2
At huwag sanang iisipin na ito'y hahadlang sa pagaaral ng mga siyensiya, o kaya'y magiging sanhi ng pagbaba ng pamantayan sa pagtuturo. Ang pagkakilala sa Diyos ay kasintaas ng langit at kasinlawak ng sansinukob. Wala nang lubhang nakapagtataas at nakapagpapasigla na gaya ng pag-aaral ng mga dakilang paksa na nauukol sa ating walang-hanggang buhay. Bayaang ang mga kabataan ay magsikap na maunawaan ang mga katotohanang ito na kaloob ng Diyos, at ang kanilang mga pagiisip ay lalawak at lalakas sa pagsisikap. Ihahatid nito ang bawa't mag-aaral na tagaganap ng salita sa isang lalong malawak na bukiran ng pagbubulay-bulay, at magdudulut sa kanya ng isang mayamang kaalaman na dinasisira. MP 31.3
Ang karunungang dapat matamo sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng mga Kasulatan ay ang batay-sa-karana- sang pagkaalam ng panukala ng kaligtasan. Ang ganitong karunungan ay magsasauli sa kaluluwa ng larawan ng Diyos. Palalakasin nito at patitibayin ang isipan laban sa tukso, at pagigindapatin ang nag-aaral na maging isang kamanggagawa ni Kristo sa Kanyang misyon ng kaawaan sa sanlibutan. Gagawin siya nitong isang kaanib ng sambahayan sa langit, at ihahanda siya na makabahagi ng mamanahin ng mga banal sa liwanag. MP 31.4
Nguni't ang tagapagturo ng banal na katotohanan ay makapagbibigay lamang niyaong bagay na sa pamamagitan ng karanasan ay nalalaman ng kanyang sarili. “Inihasik ng manghahasik ang kanyang binhi.” Itinuro ni Kristo ang katotohanan sapagka't Siya ang katotohanan. Ang Kanyang sariling pag-iisip, ang Kanyang likas o karakter, ang Kanyang karanasan sa buhay, ay pawang naging bahagi ng Kanyang itinuturo. Kaya gayundin sa Kanyang mga lingkod: yaong mga nagnanais magturo ng salita ay dapat itong gawing sariling kanila sa pamamagitan ng isang personal na karanasan. Dapat nilang maalaman kung paanong si Kristo sa kanila ay ginawang karunungan at katwiran at kabanalan at katubusan. Sa pagpapahayag o pagpapakilala ng salita ng Diyos sa iba, hindi nila ito dapat gawing isang pala-palagay o aka-akala. Kasama ni Apostol Pedro ay dapat nilang sabihing, “Kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesu-kristo, kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng Kanyang karangalan.”1 Bawa't ministro ni Kristo at bawa't guro o tagapagturo ay dapat makapagsabi na kasama ng iniibig na si Juan, “Ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang-hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag.”2 MP 32.1