Masayang Pamumuhay

62/62

Kapitulo 29—Narito, Siya'y Dumarating

SI KRISTO at ang Kanyang mga alagad ay nangakaupo noon sa ibabaw ng Bundok ng mga Olibo. Nakatago na sa likod ng kabundukan ang kalulubog na araw, at ang buong kalawakan ng langit ay nalalambungan na ng maitim na sapot ng gabi. Tanaw na tanaw nila ang isang bahay na naiilawang mabuti, na para bagang doon ay may gaganaping piging o kasayahan. Naglalagos sa mga durungawan at pintuan nito ang liwanag, at sa palibot ay may isang pulutong na naghihintay, na nagpapahiwatig na malapit nang lumitaw ang prusisyon ng kasalan. Sa maraming dako sa Silangan, ay sa gabi idinaraos ang mga piging ng kasalan. Humahayo ang kasintahang-lalaki upang salubungin ang kanyang makakaisang-puso, at ito'y iniuuwi niya sa kanyang tahanan. Sa liwanag ng mga sulo ay umaalis ang kasintahangbabae mula sa kanilang tahanan na kasama ang kanyang mga abay at lumalakad patungo sa kanyang magiging tahanan, na doon nakahanda ang piging na inilaan sa mga panauhing inanyayahan. Sa tanawing iyon na minamasdan ni Kristo, ay isang pulutong ang naghihintay sa pagdating ng pangkat ng ikakasal upang makisama sa prusisyon. MP 440.1

Nag-aantabay sa malapit sa bahay ng babaing ikakasal ay sampung dalagang nararamtan ng puti. Bawa't isa'y may taglay na isang nasisindihang ilawan, at isang maliit na boteng sisidlan ng langis. Lahat ay sabik na naghihintay sa pagdating ng kasintahang-lalaki. Nguni't nababalam ang pagdating nito. Lumipas ang mga oras, ang mga nag-aabang at naghihintay ay nangainip, at sila'y nangakatulog. Nang dumating ang hatinggabi ay isang sigaw ang narinig, “Narito, ang kasintahang-lalaki ay dumarating; magsilabas kayo upang siya'y salubungin!” Biglang nagising ang mga nangatutulog, at sila'y nangapalukso. Nakita nilang lumalakad na ang prusisyon ng kasalan, na nagliliwanag sa mga sulo at masayang-masaya sa sumasaliw na tugtugin. Narinig nila ang tinig ng kasintahang-lalaki at ang tinig ng kasintahangbabae. Sinunggaban ng sampung dalaga ang kanilang mga ilawan at pinasimulang inayos ang mga iyon, na nagmamadali upang makisama na rin sa prusisyon. Datapwa't nalimutan ng limang dalaga na punuin ng langis ang kanilang mga ilawan. Hindi nila inaasahang magkaroon ng gayong napakatagal na pagkabalam, at hindi sila naghanda para sa gayong emerhensiya. Sa kagulumihanan nila ay nakiusap sila sa mga kasama nilang higit na matatalino, na sinasabi, “Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka't nangamamatay ang aming mga ilawan.”1 Nguni't naisalin nang lahat ng limang naghihintay sa kanilang kasisinding mga ilawan ang laman ng kanilang mga bote ng langis. Wala na silang maibibigay pang langis, at kaya nga sumagot sila “Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo; magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo.” MP 440.2

Samantalang sila'y bumibili, nagpatuloy naman sa paglakad ang prusisyon, at sila'y naiwan. Nakisama naman sa karamihan ang limang may mga sinding ilawan, at pumasok sa bahay ng kasintahang-lalaki na kasama ng mga nagsisipangasalan, at ang pintuan ay sinarhan. Nang dumating ang limang mangmang na dalaga sa bul- wagang pinagdarausan ng piging, ay hindi sila pinatuloy. Ang panginoon ng kasalan ay nagsabi, “Hindi ko kayo nangakikilala.” Sila'y naiwang nangakatayo sa labas, sa walang katau-taong lansangan, at sa kadiliman ng gabi. MP 441.1

Samantalang nakaupo si Kristo na minamasdan ang pulutong na naghihintay sa kasintahang-lalaki, ay isinalaysay Niya sa Kanyang mga alagad ang kasaysayan ng sampung dalaga, at sa pamamagitan ng karanasan ng mga ito ay inilarawan Niya ang magiging karanasan ng iglesya sa panahong bago Siya dumating sa ikalawa. MP 442.1

Ang dalawang uri ng mga nagsisipaghintay ay kumakatawan sa dalawang uri ng mga nagpapanggap na nagsisipaghintay sa kanilang Panginoon. Tinatawag silang mga birhen o mga dalaga sapagka't sinasabi nilang sila'y may dalisay na pananampalataya. Ang mga ilawan ay kumakatawan sa salita ng Diyos. Sinasabi ng mangaawit, “Ang salita Mo'y ilawan sa aking mga paa, at li-wanag sa aking landas.”1 Ang langis ay sumasagisag sa Espiritu Santo. Sa ganito inilalarawan ang Espiritu sa hula ni Zacarias. “Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay bumalik,” wika niya, “at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kanyang pagkakatulog, at sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at narito ang isang kandelero na taganas na ginto, na may tasa sa ibabaw niyaon, at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw, at may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon; at may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng tasa, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon. At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakipag-usap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko? . . . Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan man, kundi sa pamamagitan ng Aking Espiritu, sabi ng Pa- nginoon ng mga hukbo. . . . At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kanya, Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan? . . . Nang magkagayo'y sinabi niya, Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.”1 MP 442.2

Mula sa dalawang puno ng olibo ay dumadaloy ang ginintuang langis sa mga gintong padaluyan patungo sa tasa ng kandelero, at mula naman dito ay dumadaloy patungo sa mga ginintuang ilawan na nagbibigay ng liwanag sa santuwaryo. Kaya nga mula sa mga banal na nakatayo sa harap ng Diyos ay ibinibigay Niya ang Kanyang Espiritu sa mga taong kinakasangkapan na nangakatalagang maglingkod sa Kanya. Ang misyon ng dalawang pinahiran ng langis ay mamahagi o mamigay sa bayan ng Diyos ng biyaya ng langit na siya lamang makagagawa na ang Kanyang salita ay maging ilawan sa mga paa at liwanag sa landas. “Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan man, kundi sa pamamagitan ng Aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”2 MP 443.1

Sa talinhaga ay lumabas na lahat ang sampung dalaga upang sumalubong sa kasintahang-lalaki. Lahat ay may dalang mga ilawan, at mga sisidlan ng langis. Sa sandaling yaon walang nakitang anumang pagkakaiba sa kanila. Ganyan din naman sa iglesyang nabubuhay sa panahong bago dumating ang ikalawang pagparito ni Kristo. Lahat ay may nalalaman tungkol sa mga Kasulatan. Lahat ay nakarinig sa pabalita ng nalalapit na pagdating ni Kristo, at matiwala namang naghihintay sa Kanyang pagpapakita. Subali't kung paano sa talinhaga, ay gayundin naman ngayon. Isang panahon ng paghihintay ang namamagitan, ang pananampalataya ay sinusubok; at kapag narinig na ang sigaw na, “Narito, ang Kasintahang-lalaki ay dumarating; magsilabas kayo upang Siya'y salubungin,” ay marami ang di-handa. Wala silang langis sa kanilang mga sisidlan at sa kanilang mga ilawan. Salat sila sa Espiritu Santo. MP 443.2

Walang kabuluhan na makaalam tayo ng Kanyang salita kung walang Espiritu. Ang teorya ng katotohanan ay hindi makabubuhay ng kaluluwa ni makapagpapabanal man sa puso, kung hindi sinasamahan ng Espiritu Santo. Maaaring alam na alam ng isang tao ang mga utos at mga pangakong sinasabi ng Biblia; subali't malibang itimo sa puso ng Espiritu ng Diyos ang katotohanan, ay hindi mababago ang likas. Kung wala ang pagpapaliwanag ng Espiritu, ay hindi makikilala ng mga tao kung alin ang totoo at ang mali, at sila'y mahuhulog sa mga tukso ni Satanas. MP 444.1

Ang uri ng mga taong kinakatawanan ng mga mangmang na dalaga ay hindi mga mapagpaimbabaw. May pagpapahalaga sila sa katotohanan, itinataguyod nila ang katotohanan, at naaakit sila sa mga sumasampalataya sa katotohanan; subali't hindi nila isinusuko ang kanilang mga sarili sa paggawa ng Espiritu Santo. Hindi sila nahuhulog sa ibabaw ng Batong si Kristo Jesus, at hindi nila pinahihintulutang madurog at mawala ang dati niang likas. Ang uring ito ng mga tao ay kumakatawan din naman sa batuhang mga tagapakinig. Agad nilang tij natanggap ang salita, nguni't hindi nila napagliliming lubusan ang mga simulain nito. Ang impluwensiya nito ay hindi nananatili. Gumagawa ang Espiritu sa puso ng tao, at ayon sa kanyang nais at pagsang-ayon ay itinatanim sa kanya ang isang bagong likas; nguni't ang uri ng mga taong kinakatawanan ng mga mangmang na dalaga ay nasisiyahan na sa gawang nakikita sa labas na kaanyuan. Hindi nila nakikilala ang Diyos. Hindi nila pinagaralan ang Kanyang likas; hindi sila nakipag-usap sa Kanya; kaya nga hindi nila nalalaman kung paano magtitiwala, at kung paano titingin at mamumuhay. Ang paglilingkod nila sa Diyos ay sa anyo lamang. “Sila'y dumarating sa iyo na waring ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng Aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pag-ibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.”1 Sinasabi ni Apostol Pablo na ito ang magiging tanging likas ng mga nangabubuhay sa panahong bago sumapit ang ikalawang pagdating ni Kristo. Sinasabi niya, “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib; sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili; . . . mga maibigin sa kalavawan kaysa mga maibigin sa Diyos; na may anyo ng kabanalan, datapwa't tinatanggihan ang kapangyarihan nito.”2 MP 444.2

Ito ang uri ng mga taong sa panahon ng kapanganiban ay masusumpungang sumisigaw ng, Kapayapaan at kapanatagan. Ipinaghehele nila ang kanilang mga puso sa katiwasayan, at walang napapangarap na panganib. Kapag nangagising sa kanilang pagkakatulog, ay nakikita nila ang kanilang kawalan, at nakikiusap sila sa iba na bigyan sila ng wala sa kanila; subali't sa mga bagay na ukol sa espiritu ay walang taong makapagpupuno sa kakulangan ng iba. Ang biyaya ng Diyos ay walang-bayad na inialok sa bawa't kaluluwa. Itinanyag na ang pabalita ng ebanghelyo na, “Ang nauuhaw ay pumarito. At ang may-ibig ay kumuhang walang-bayad ng tubig ng buhay.”3 Nguni't ang likas ay hindi maililipat sa iba. Walang taong makasasampalataya para sa iba. Walang taong makatatanggap ng Espiritu para sa iba. Walang taong makapagbibigay sa iba ng likas na bunga ng paggawa ng Espiritu. “Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job ay nangandoon [sa lupa], buhay Ako, sabi ng Panginoong Diyos, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalaki o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katwiran.”4 MP 445.1

Sa isang krisis nahahayag ang likas. Nang sa hatinggabi'y isigaw ng masiglang tinig, “Narito, ang kasinta- hang-lalaki ay dumarating; magsilabas kayo upang siya'y salubungin,” at magising sa kanilang pagkakahimbing ang nangatutulog na mga dalaga, ay nakita kung sino ang nangaghanda para sa gayong pangyayari. Ang dalawang pangkat ay kapwa nangabigla; gayunma'y handa naman sa gayong emerhensiya ang isang pangkat, at ang ikalawang pangkat ay natagpuang hindi handa. Gayundin naman ngayon, isang bigla at di-inaasahang sakuna, isang bagay na ihahatid ang kaluluwa nang harap-harapan sa kamatayan, ang magpapakilala kung mayroong sinumang may tunay na pananampalataya sa mga pangako ng Diyos. Ito ang magpapakilala kung ang kaluluwa ay itinataguyod o kinakalinga ng biyaya. Ang malaking huling pagsubok ay darating sa katapusan ng panahong palugit sa mga tao, na sa panahong yaon ay magiging napakahuli na upang mabigyan ang pangangailangan ng kaluluwa. MP 445.2

Ang sampung dalaga ay nangag-aantabay at nangagpupuyat sa gabi ng kasaysayan ng lupang ito. Lahat ay nagsasabing sila'y mga Kristiyano. Lahat ay may panawagan, may pangalan, may ilawan, at lahat ay nagpapanggap na gumagawa ng paglilingkod sa Diyos. Lahat ay waring naghihintay sa pagpapakita ni Kristo. Nguni't ang lima ay hindi handa. Ang lima ay magugulat at mabibigo sa labas ng bulwagang pinagdarausan ng piging. MP 446.1

Sa huling araw ay marami ang magsasabing sila'y karapat-dapat makapasok sa kaharian ni Kristo, na nag sasabi, “Nagsikain kami at nagsiinom sa harap Mo, at nagturo Ka sa aming mga lansangan.” “Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan? at sa pangalan Mo'y nangagpalayas kami ng mga demonyo? at sa pangalan Mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?” Subali't ang isasagot ay “Sinasabi Ko sa inyo, hindi Ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga-saan; magsilayo kayo sa Akin.”1 Sa buhay na ito ay hindi sila nakisama kay Kristo; ka- ya nga hindi nila nalalaman ang wika ng langit, banyaga sila sa kaligayahan doon. “Sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? gayundin naman ang mga bagay ng Diyos ay hindi nakikilala ng sinuman, maliban na ng Espiritu ng Diyos.”1 MP 446.2

Ang pinakamalungkot sa lahat ng mga salita na kailanma'y mapapakinggan ng tao ay ang mga salitang yaon na humahatol, “Hindi Ko kayo nangakikilala.” Ang pakikisama ng Espiritu na winalang-halaga ninyo, ay siya lamang makagagawa sa inyo na kayo'y makasama sa masayang karamihan sa piging ng kasalan. Sa tagpong yaon ay hindi kayo maaaring makibahagi. Ang liwanag niyon ay tatama sa mga bulag na paningin, at ang himig ng awitan doon ay sa mga binging pakinig hahantong. Ang pag-ibig at kagalakan doon ay hindi makagigising ng katuwaan sa pusong pinamanhid ng sanlibutan. Nasarhan kayo sa labas ng langit dahil sa inyong di-pagiging-karapat-dapat na makisama doon. MP 447.1

Hindi tayo magiging handang sumalubong sa Panginoon sa pamamagitan ng paggising kapag narinig ang sigaw na, “Narito, ang Kasintahang-lalaki!” at pagkatapos ay kukunin natin ang walang-langis nating mga ilawan upang lagyan ang mga iyon. Hindi maaaring nakahiwalay si Kristo sa ating mga kabuhayan dito, at pagkatapos ay magiging karapat-dapat pa tayo na makisama sa Kanya sa langit. MP 447.2

Ang matatalinong dalaga sa talinhaga ay may taglay na langis sa kanilang mga sisidlan at sa kanilang mga ilawan. Sa buong gabi ng pagpupuyat at paghihintay nila ay nanatiling maliyab at maliwanag ang ningas ng kanilang ilawan. Nakatulong sa pagbibigay-karangalan sa kasintahang-lalaki ang pagbibigay ng ibayo pang liwanag. Sa pagliliwanag nito sa kadiliman, ay nakatulong ito upang tanglawan ang daang patungo sa tahanan ng kasintahang-lalaki, sa piging ng kasalan. MP 447.3

Ganyan din dapat magsabog ng liwanag sa kadiliman ng sanlibutan ang mga sumusunod kay Kristo. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang salita ng Diyos ay isang liwanag kapag ito'y nagiging isang kapangyarihang bumabago sa kabuhayan ng tumatanggap. Ang mga katangian o likas ng Diyos ay napatutubo ng Banal na Espiritu sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang mga puso ng mga simulain ng Kanyang salita. Ang liwanag ng Kanyang kaluwalhatian—ang Kanyang likas—ay dapat makitang nagliliwanag sa Kanyang mga tagasunod. Sa ganitong paraan dapat nilang luwalhatiin ang Diyos, dapat nilang liwanagan ang landas patungo sa tahanan ng Kasintahang-lalaki, hanggang sa siyudad ng Diyos, at hanggang sa piging ng kasalan ng Kordero. MP 448.1

Ang pagdating ng kasintahang-lalaki ay sa hatinggabi,—ang pinakamadilim na sandali. Kaya ang pagdating din naman ni Kristo ay magaganap sa pinakamadilim na panahon sa kasaysayan ng lupang ito. Inilalarawan ng mga kaarawan ni Noe at ni Lot ang kalagayan ng sanlibutan bago dumating ang Anak ng tao. Sa dumarating na panahong ito ay sinasabi ng mga Kasulatan na si Satanas ay gagawa nang may buong kapangyarihan at “may buong daya ng kalikuan.”1 Ang paggawa niya ay maliwanag na inihahayag ng mabilis na lumalaking kadiliman, ng di-mabilang na mga kasalanan o kamalian, mga erehiya, at mga maling paniniwala sa mga huling araw na ito. Hindi lamang inaakay ni Satanas ang sanlibutan sa pagkakabihag, kundi nahahaluan na rin niya ng kanyang mga kadayaan ang mga nagpapanggap na iglesya ng ating Panginoong Jesukristo. Ang malaking pagtalikod ay magiging kadilimang kasingkapal ng hatinggabi, na di-mapaglalagusang gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim. Sa bayan ng Diyos ay ito'y magiging isang gabi ng pagsubok, isang gabi ng pagtangis, isang gabi ng pag-uusig dahil sa katotohanan. Subali't mula sa kadilimang iyon ng gabi ay sisilang ang liwanag ng Diyos. MP 448.2

Kanyang papagniningningin “ang ilaw sa kadiliman.”1 Nang “ang lupa ay walang anyo at walang laman, at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” “ang Espiritu ng Diyos ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Diyos, Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.”2 Kaya sa gabi ng kadilimang ukol sa espiritu, ay lalabas ang salita ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag.” Sa Kanyang bayan ay sinasabi Niya, “Ikaw ay bumangon, sumilang ka; sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.”3 MP 449.1

“Narito,” sinasabi ng Kasulatan, “tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan; nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang Kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.”4 MP 449.2

Kadiliman ng di-pagkakilala sa Diyos ang siyang lumulukob sa sanlibutan. Nawawalan na ng pagkakilala sa Kanyang likas ang mga tao. Ito'y hindi maunawaan at nabibigyan ng maling paliwanag. Sa panahong ito ay isang pabalita ang dapat itanyag, isang pabalitang nagliliwanag sa impluwensiya nito at nagliligtas sa taglay na kapangyarihan nito. Dapat ipakilala ang Kanyang likas. Sa kadiliman ng sanlibutan ay dapat isabog ang liwanag ng Kanyang kaluwalhatian, ang liwanag ng Kanyang kabutihan, kaawaan, at katotohanan. MP 449.3

Ito ang gawaing binalangkas ng propeta Isaias sa pamamagitan ng mga salitang, “Oh Jerusalem, ikaw na nagdadala ng mabubuting balita, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Huda, Narito ang inyong Diyos! Narito, ang Panginoong Diyos ay darating na gaya ng makapangvarihan, at ang Kanyang kamay ay magpupuno sa ganang Kanya; narito, ang Kanyang gantimpala ay dala Niya, at ang Kanyang gawain ay lasa harap Niya.”5 MP 449.4

Dapat sabihin sa mga tao ng mga nagsisipaghintay sa pagdating ng Kasintahang-lalaki na, “Narito ang inyong Diyos.” Ang huling mga sinag ng mahabaging liwanag, ang huling pabalita ng kaawaan na dapat ibigay sa sanlibutan, ay ang pagpapakita ng Kanyang likas na pag-ibig. Dapat ipakita ng mga anak ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian. Dapat nilang ipakita sa kanilang likas at kabuhayan ang nagawa sa kanila ng biyaya ng Diyos. MP 449.5

Ang liwanag ng Araw ng Katwiran ay dapat magningning sa mabubuting gawa,—sa mga salitang katotohanan at mga gawang kabanalan. MP 450.1

Si Kristo, na luningning ng kaluwalhatian ng Ama, ay naparito sa sanlibutan bilang liwanag nito. Naparito Siya upang maging kinatawan ng Ama sa mga tao, at tungkol sa Kanya ay nasusulat na Siya'y pinahiran “ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan,” at “naglibot na gumagawa ng mabuti.”1 Sa sinagoga sa Nazareth ay sinabi Niya, “Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagka't Ako'y pinahiran Niya upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha; Ako'y sinugo Niya upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang itartyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, upang itanyag ang kaaya-ayang taon ng Panginoon.”2 Ito ang gawaing iniutos Niyang gawin ng Kanyang mga alagad. “Kayo ang ilaw ng sanlibutan,” sabi Niya. “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao, upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.”3 MP 450.2

Ito ang gawaing siyang inilalarawan ng propeta Isaias nang sabihin niyang, “Hindi baga ang magbahagi ng inyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapwa-tao? Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang. iyong kagalingan (ka- lusugan) ay biglang lilitaw; at ang iyong katwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.”1 MP 450.3

Sa gayon dapat magliwanag sa Kanyang iglesya ang kaluwalhatian ng Diyos sa gabi ng kadilimang espirituwal sa pamamagitan ng pagtitindig sa mga nangalulugmok at pag-aliw sa mga nangagsisitangis. MP 451.1

Magkakaroon ng higit na bisa ang gawaing praktikal kaysa pagsesermon lamang. Dapat tayong magbigay ng pagkain sa nangagugutom, ng damit sa mga hubad, at tuluyan sa mga walang tahanan. At tayo'y tinatawagang gumawa nang higit pa sa rito. Pag-ibig lamang ni Kristo ang makapagbibigay-kasiyahan sa mga pangangailangan ng kaluluwa. Kung tumatahan si Kristo sa atin, ay malilipos ang mga puso natin ng kahabagan ng Diyos. Ang nangakapinid na bukal ng maalab na pag-ibig na tulad ng kay Kristo ay mangabubuksan. MP 451.2

Hinihingi ng Diyos hindi lamang ang mga kaloob natin sa mga nangangailangan, kundi ang atin din namang masayang mukha, ang ating mga salitang nagbibigay ng pag-asa, at ang ating may kagandahang-loob na pakikiramay. Nang si Kristo magpagaling ng mga maysakit, ay ipinatong din naman Niya sa kanila ang Kanyang mga kamay. Kaya dapat din tayong makipag-ugnay nang malapit sa mga pinagsisikapan nating magawan ng mabuti. MP 451.3

Marami ang nawawalan na ng pag-asa. Paligayahin ninyo silang muli. Marami ang pinanghinaan na ng loob. Magsalita kayo sa kanila ng mga pangungusap na nakapagpapasaya. Idalangin ninyo sila. May mga nangangailangan naman ng tinapay ng buhay. Basahin ninyo sa kanila ang salita ng Diyos. Marami ang may karamdaman sa kaluluwa na hindi madadampulayan ng anumang balsamo sa lupa ni mapagagaling man ng sinumang manggagamot. Idalangin ninyo ang mga kaluluwang ito, dalhin ninyo sila kay Jesus. Sabihin ninyo sa kanilang do- on ay may balsamo sa Gilead at doon ay mayroong Manggagamot. MP 451.4

Ang liwanag ay isang pagpapala, isang pagpapalang panlahat, na nagbubuhos ng kanyang mga kayamanan sa isang sanlibutang walang-pagpapasalamat, walang-kabanalan, at sumasama ang moral. Ganyan ang liwanag ng Araw ng Katwiran. Ang buong lupa na nababalot ng kadiliman ng kasalanan, kalungkutan at karamdaman, ay dapat maliwanagan ng pagkakilala sa pag-ibig ng Diyos. Ang anumang sekta, antas ng lipunan, o uri ng mga tao ay kailangang kasama sa dapat maliwanagan ng liwanag na nagbubuhat sa luklukan ng langit. MP 452.1

Ang pabalita ng pag-asa at kaawaan ay dapat dalhin hanggang sa mga wakas ng lupa. Ang sinumang mayibig, ay makaaabot at makapanghahawak sa lakas ng Diyos at makagagawa ng pakikipagpayapaan sa Kanya, at siya'y makikipagpayapaan. Hindi mababalot ng dilim ng hatinggabi ang mga pagano. Ang dilim ay mapaparam sa harap ng maningning na mga sinag ng Araw ng Katwiran. Napanagumpayan na ang kapangyarihan ng impiyerno. MP 452.2

Subali't walang taong makapagbibigay ng bagay na hindi niya tinatanggap. Sa gawain ng Diyos, ay walang maibibigay ang tao na sarili niya. Hindi magagawa ng tao sa sarili niyang pagsisikap na ang sarili niya'y gawin niyang tagadala ng liwanag ng Diyos. Ang ginintuang langis na ibinubuhos ng mga lingkod ng langit sa mga ginintuang padaluyan, na buhat sa ginintuang tasa ay pinadadaloy sa mga ilawan ng santuwaryo, ay siyang nagbibigay ng patuloy at maningning na liwanag. Sa mga puso ng lahat na nakikipagkaisa sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay malayang dumadaloy ang ginintuang langis, upang muling magliwanag sa mabubuting gawa, sa tunay, at buong-pusong paglilingkod sa Diyos. MP 452.3

Sa dakila at di-masukat na kaloob ng Banal na Espiritu ay nakalaman ang lahat ng mga kayamanan ng langit. Hindi dahil sa paghihigpit ng Diyos kung kaya hindi dumadaloy patungo sa lupa sa mga tao ang mga kayamanan ng Kanyang biyaya. Kung lahat lamang ay may-ibig na tumanggap, mapupuno nga ang lahat ng Kanyang Espiritu. MP 452.4

Karapatan ng bawa't kaluluwa na maging isang buhay na daluyang sa pamamagitan nito maihahatid ng Diyos sa sanlibutan ang mga kayamanan ng Kanyang biyaya, ang di-malirip na mga kayamanan ni Kristo. Wala nang pinakahahangad si Kristo kundi ang mga makakasangkapan Niya na magpapakilala sa sanlibutan ng Kanyang Espiritu at likas. Ang kailangang-kailangan ng sanlibutan ay makita sa mga tao ang pag-ibig ng Tagapagligtas. Ang buong kalangitan ay naghihintay ng mga daluyang sa pamamagitan nito'y maibubuhos ang banal na langis upang maging kagalakan at pagpapala sa puso ng mga tao. MP 453.1

Gumawa si Kristo ng lahat na paglalaan upang ang Kanyang iglesya ay maging isang nabagong katawan o kapulungan, na naliliwanagan ng Ilaw ng sanlibutan, at nagtataglay ng kaluwalhatian ng Emmanuel. Ang hangarin Niya'y mapaligiran ang bawa't Kristiyano ng impluwensiyang ukol sa espiritu na liwanag at kapayapaan. Ang nais Niva'y ipakita natin sa ating mga kabuhayan ang Kanyang sariling kagalakan. MP 453.2

Ang pananahanan ng Espiritu ay maipakikita sa pamamagitan ng pagpapamalas ng pag-ibig ng langit. Ang kapuspusan ng Diyos ay dadaloy sa nakatalagang taong kinakasangkapan Niya, upang ibigay naman sa mga iba. MP 453.3

Ang Araw ay may “kagalingan sa Kanyang mga pakpak.”1 Kaya ang bawa't tunay na alagad ay dapat makanagpalaganap ng isang impluwensiya ng buhay, lakasng-loob, pagkamatulungin, at ng tunay na pagpapagaling. MP 453.4

Ang relihiyon ni Kristo ay nangangahulugan nang higit pa kaysa pagpapatawad sa kasalanan; ito'y nangangahulugang inaalis ang. ating mga kasalanan, at pinupunan ang kahungkagan sa pamamagitan ng mga biyaya ng Es- piritu Santo. Ito'y nangangahulugang pagkaunawang ukol sa espiritu, at pagkagalak sa Diyos. Ito'y nangangahulugang isang pusong inalisan ng pagkamakasarili, at pinagpala sa patuloy na pananahanan ni Kristo. Kapag si Kristo'y naghahari sa kaluluwa, ay nagkakaroon ng kalinisan at paglaya sa kasalanan. Ang kaluwalhatian, ang kapuspusan, at ang kaganapan ng panukala ng ebanghelyo ay natutupad sa buhay. Ang pagtanggap sa Tagapagligtas ay nagdudulot ng liwanag ng sakdal na kapayapaan, sakdal na pag-ibig, at sakdal na kapanatagan. Ang kagandahan at kabanguhan ng likas ni Kristo, na nahahayag sa buhay, ay nagpapatotoo na tunay ngang isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak sa sanlibutan upang maging Tagapagligtas nito. MP 453.5

Hindi inaatasan ni Kristo ang mga sumusunod sa Kanya na magsikap lumiwanag. Ang sinasabi Niya'y, Bayaang lumiwanag ang inyong ilaw. Kung tinanggap na ninyo ang biyaya ng Diyos, ay nasa inyo na ang ilaw. Alisin ninyo ang nakasasagabal, at mahahayag ang kaluwalhatian ng Panginoon. Magliliwanag ang ilaw, upang maglagos at magtaboy sa kadiliman. Wala kayong magagawa kundi ang magliwanag sa nasasaklawan ng inyong impluwensiya. MP 454.1

Ang pagkakahayag ng sariling kaluwalhatian Niya sa anyo ng tao, ay ilalapit nang gayon na lamang ang langit sa mga tao na anupa't ang kariktang nakapahiyas sa panloob na templo ay makikita sa bawa't kaluluwang tinatahanan ng Tagapagligtas. Mabibihag ang mga tao sa kaluwalhatian ng isang tumatahang Kristo. At sa mga bugso ng papuri at pagpapasalamat na nagmumula sa maraming kaluluwang nahikavat nang ganito sa Diyos. ay babalik ang kaluw'alhatian sa dakilang Tagapagbigay. MP 454.2

“Ikaw ay bumangon, sumilang ka; sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.”1 Ibinibigay ang pabalitang ito sa mga nagsisilabas upang sumalubong sa Kasinta- hang-lalaki. Si Kristo ay darating na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Siya'y darating na taglay ang sarili Niyang kaluwalhatian, at taglay rin ang kaluwalhatian ng Ama. Siya'y darating na kasama Niya ang lahat ng lahat ng mga banal na anghel. Samantalang ang sanlibutan ay nakabulusok sa kadiliman, ay magkakaroon naman ng liwanag sa bawa't tahanan ng mga banal. Mahahagip nila ang unang liwanag ng Kanyang ikalawang pagpapakita. Ang di-nalalambungang liwanag ay sisikat sa Kanyang ningning, at si Kristong Manunubos ay hahangaan ng lahat ng mga nagsipaglingkod sa Kanya. Samantalang nagsisitakas ang masasama sa harap Niya, mangagsasaya naman ang mga sumusunod kay Kristo. Sa pagtingin ng patriarkang si Job sa panahon ng ikalawang pagparito ni Kristo, ay sinabi niya, “Siyang makikita ko ng aking sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.”1 Sa mga tapat Niyang tagasunod si Kristo ay naging isang pang-araw-araw na kasama at malapit na kaibigan. Namuhay silang laging kaugnay at laging kausap ang Diyos. Sa kanila ay sumikat ang kaluwalhatian ng Diyos. Naaninag sa kanila ang liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesukristo. Ngayo'y nangagagalak sila sa maliliwanag na silahis ng kaningningan at kaluwalhatian ng Hari na nasa Kanyang kamahalan. Nahahanda na sila upang makipag-usap sa langit; sapagka't ang langit ay nasa kanilang mga puso. MP 454.3

Nakataas ang mga ulo, may maniningning na sinag ng Araw ng Katwiran na nagliliwanag sa kanila, at nangagagalak sapagka't nalalapit na ang pagkatubos nila, sila'y nagsisihayo upang salubungin ang Kasintahang-lalaki, na nagsisipagsabi, “Narito, ito'y ating Diyos; hinintay natin Siya, at ililigtas Niya tayo.”2 MP 455.1

“At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nag- sasabi, Aleluva: sapagka't naghahari ang Panginoong ating1 Diyos na makapangyarihan sa lahat. Tayo'y manga galak at tayo'y mangagsayang mainam, at Siya'y ating luwalhatiin; sapagka't dumating ang pagkakasal ng Kordero, at ang Kanyang asawa ay nahahanda na. . . . At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Kordero.” “Siya y Panginoon ng mga panginoon, at Hari ng mga hari; at ang mga kasama Niya ay mga tinawag, at pinili, at mga tapat.”1 MP 455.2

* * * * *