Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 12—Si Abraham sa Canaan
Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 13 hanggang 15; 17:1-16; 18.
Si Abraham ay bumalik sa Canaan “totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.” Si Lot ay kasama pa rin niya, at muling sila ay nakarating sa Bethel, at nagtayo ng kanilang toldang malapit sa altar na itinayo nila noon. Pagdaka'y kanilang nasumpungan na ang mas maraming ari-arian ay naghahatid ng maraming kaguluhan. Sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok sila'y nanirahang magkasama na may pagkakasundo, subalit sa kanilang pagyaman ay may panganib ng paglalabanan sa pagitan nila. Ang pastulan ay di sapat para sa mga alagang hayop ng dalawa, at ang malimit na pagtatalo ng kanilang pastol ay nagiging suliranin ng kanilang mga panginoon. Maliwanag na kinakailangang sila ay maghiwalay. Si Abraham ay nakatatanda kay Lot. At nakahihigit din sa kanya sa kayamanan, at kalagayan; gano'n pa man siya ang naunang magmungkahi ng panukala upang maingatan ang kapayapaan. Bagaman ang buong lupain ay ibinigay ng Dios, ay may paggalang niyang winalang halaga ang karapatan. MPMP 152.1
“Huwag magkaroon ng pagtatalo,” sabi niya, “ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagkat tayo'y magkapatid. Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.” MPMP 152.2
Ang marangal, at di makasariling pagkatao ni Abraham ay nahayag. Ilan ang sa gano'ng kalagayan ay, sa ano mang kaparaanan ay manghahawak sa kanilang pansariling karapatan at sa kagustuhan! Ilang mga sambahayan na ang nawasak sa gano'ng paraan! Ilang mga iglesia na ang nahati, ginagawang bukang bibig at kasiraan sa mga masasama ang gawain ng katotohanan! “Huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako,” ang sabi ni Abraham, “sapagkat tayo'y magkapatid;” hindi lamang sa natural na ugnayan, kundi bilang mananamba sa Dios na totoo. Ang mga anak ng Dios sa buong sanlibutan ay isang sambahayan, at ang gano'n ding espiritu ng pag- ibig at pagkakasundo ang kinakailangang mangibabaw sa kanila. “Sa pag-ibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba” Roma 12:10, ang turo ng Tagapagligtas. Ang pagsasanay sa isang pantas na paggalang, ang pagiging handang gawin sa iba ang nanaisin nating gawin ng iba sa atin, ay makapag- papaalis sa kalahati ng kaguluhan ng buhay. Ang espiritu ng pag- papayaman sa sarili ay espiritu ni Satanas; subalit ang puso na kung saan ang pag-ibig ni Kristo ay pinahahalagahan, ay magkakaroon ng ganoong pag-ibig na hindi hinahanap ang para sa sarili. Ang mga gano'n ang makikinig sa tagubiling, “Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang sa kanyang sarili, kundi ang bawat isa naman ay sa iba't iba.” Filipos 2:4. MPMP 152.3
Bagaman utang ni Lot ang kanyang kayamanan sa pagkakaroon niya ng relasyon kay Abraham, siya ay hindi nagpahayag ng pag- papasalamat sa nakatulong sa kanya. Dapat sana'y diniktahan siya ng paggalang upang ibigay ang pagpili kay Abraham, subalit sa halip na maging gano'n ay may pagkamakasarili niyang sinamantala ang lahat na ikalalamang niya. “Itiningin niya ang kanyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na ma- galing sa mga kabi-kabila,...kung pasa sa Zoar gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Ehipto.” Ang pinakamatabang lugar sa buong Palestina ay ang lambak ng Jordan, nagpapaalaala sa tumitingin ng nawalang Paraiso at napapantayan ang kagandahan at pagiging mabunga ng kapatagang pinataba ng Nila na iniwan pa lamang nila. Mayroon ding mga lungsod, mayaman at magaganda, nag-aanyaya sa mapagkakakitaang trapiko patungo sa kanilang ma- taong mga palengke. Sa pagkasilaw sa pangitain ng makasanlibutang pakinabang, binaliwala ni Lot ang tungkol sa moral at espirituwal na kasamaan na makakasalumuha niya doon. Ang naninirahan sa mga kapatagan ay “mga makasalanan sa harap ng Panginoon;” subalit hindi niya ito alam, o, kung alam man ito, ay binigyan ito ng maliit na pansin. “Pinili ni Lot sa kanya ang buong kapatagan ng Jordan,” at “inilipat ang kanyang tolda hanggang sa Sodoma.” Hindi niya nakita ang kilabot na ibubunga ng makasariling pagpiling iyon. MPMP 153.1
Matapos ang paghiwalay mula kay Lot, si Abraham ay muling tumanggap mula sa Panginoon ng pangako tungkol sa buong bansa. Di pa natatagalan matapos ito siya ay nagtungo sa Hebron, itinayo ang kanyang tolda sa lilim ng mga encina ng Mamre at sa tabi noon ay nagtayo ng altar para sa Panginoon. Sa malayang hangin ng mga mataas na kapatagan, na may tanim na mga olibo at ubasan, mga bukid ng kumukumpay na mga butil, at malawak na pastulan ng nakapalibot na mga gulod, siya ay nanirahan, ganap na nasisiyahan sa kanyang simpleng, buhay patriarka, at iniwan kay Lot ang mapanganib na karangyaan ng lambak ng Sodoma. MPMP 153.2
Si Abraham ay kinilala ng mga kalapit bansa bilang isang ma- kapangyarihang prinsipe at isang matalino at may kakayanang pinuno. Hindi niya inalis ang kanyang impluwensya sa kanyang kapwa. Ang kanyang buhay at ugali, na di tulad noong mga sumasamba sa mga diyus-diyusan, ay nagbigay ng impluwensyang nakabubuti sa tunay na pananampalataya. Ang kanyang pagtatapat sa Dios ay di sumisinsay, samantalang ang kanyang pagkamagalang at kabaitan ay nag-udyok ng pagtitiwala at pakikipagkaibigan at ang kanyang katutubong katan- yagan ay nagbabadya ng pagkilala at paggalang. MPMP 154.1
Ang kanyang relihiyon ay hindi pinanghawakan bilang isang ma- halagang hiyas na dapat matamang maingatan at ikasiya lamang ng nagmamay-ari noon. Ang tunay na relihiyon ay hindi mapangha- hawakan ng gano'n, sapagkat ang gano'ng espiritu ay labag sa prin- sipyo ng ebanghelyo. Samantalang si Kristo ay naninirahan sa puso ay imposibleng maitago ang liwanag ng Kanyang pakikiharap, o ang liwanag na iyon ay dumilim. Sa kabaliktaran, iyon ay-magiging mas maliwanag samantalang araw-araw ang ulap ng pagkamakasarili at kasalanan na bumabalot sa kaluluwa ay pinaaalis ng maliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran. MPMP 154.2
Ang bayan ng Dios ang Kanyang kinatawan sa lupa, at layunin Niyang sila ay magsilbing liwanag sa kadilimang pang moral ng sanlibutang ito. Nakakalat sa buong bansa, sa mga bayan, lungsod at libis, sila ang mga tagapagpatotoo ng Dios, ang mga kasangkapang sa pamamagitan noon ay rnapararating Niya sa di naniniwalang sanlibutan ang kaalaman tungkol sa Kanyang kalooban at ang kagandahan ng Kanyang biyaya. Panukala Niyang ang lahat ng nakikibahagi sa dakilang kaligtasan ay maging mga misyonero Niya. Ang katapatan ng Kristiano ang bumubuo sa pamantayan na sa pamamagitan noon ay tinitimbang ng mga nasa sanlibutan ang ebanghelyo. Ang mga pagsubok na dinala ng may pagtitiis, pagpapala na tinanggap ng may pagpapasalamat, kaamuan, kabaitan, pagkahabag, at pag-ibig, na pala- ging inihahayag, ang mga liwanag na nagniningning sa likas sa sanlibutan, inihahayag ang kabaliktaran nito sa kadilimang nagmumula sa pagkamakasarili ng katutubong puso. MPMP 154.3
Mayaman sa pananampalataya, marangal sa pagkamapagbigay, di humahapay na pagsunod, at nagpapakumbaba sa kapayakan ng kanyang buhay manlalakbay, si Abraham ay matalino rin sa pakikitungo at matapang at mahusay sa pakikidigma. Sa kabila ng pagkakilala sa kanya bilang isang tagapagturo ng isang bagong relihiyon, tatlong makaharing magkakapatid, ang hari sa kapatagan ng Amorrheo kung saan siya ay nanirahan, ang nagpahayag ng kanilang pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa kanya upang makiisa sa kanila upang magkaroon ng higit na malakas na katatagan sapagkat ang bansa ay puno ng karahasan at pang-aapi. At isang pangyayari ang pagdaka'y bumangon upang kanyang kasangkapanin ang pakikiisang ito. MPMP 155.1
Si Chedorlaomer, hari ng Elam, ay pumasok sa Canaan labing- apat na taon na ang nakalipas, at ipinailalim iyon sa kanyang kapangyarihan. Ang ilan sa mga prinsipe ay naghimagsik, at ang hari ng Elam, kasama ang apat pang katulong, ay muling nagmartsa patungo sa bansa upang yaon ay pasukin. Limang mga hari ng Canaan ang nagsanib ng kanilang mga puwersa upang salubungin ang mga suma- salakay sa lambak ng Siddim, ngunit lubos na matalo lamang. Ang malaking bahagi ng hukbo ay pinagpira-piraso, at yaong mga naka- takas ay nagsitakbo sa mga bundok upang maligtas. Ang nga nagwagi ay lumusob sa mga lungsod na kapatagan at umalis dala ang maraming samsam at maraming bihag, kabilang doon si Lot at ang kanyang sambahayan. MPMP 155.2
Si Abraham, matahimik na naninirahan sa ilalim ng mga encina ng Mamre, ay nakaalma mula sa isang takas ang salaysay ng labanan at ang sakunang sumapit sa kanyang pamangkin. Wala siyang nakatanim na anumang masamang alaala tungkol sa pagka walang utang na loob ni Lot. Ang lahat ng magandang pagtingin niya sa kanya ay nagising, at ipinasya niyang siya ay dapat mailigtas. Sa pagsangguni, una sa lahat, sa banal na payo, si Abraham ay naghanda sa pakikidigma. Mula sa sarili niyang kampo siya ay nagsama ng tatlong daan at labing walong sanay na mga lingkod, mga lalaking sinanay na may pagkatakot sa Panginoon, sa paglilingkod sa kanilang panginoon, at sa paggamit ng mga sandata. Ang kanyang mga kaisa, na sina Mamre, Eschol, at Aner, ay sumama sa kanya kasama ang kanilang mga hukbo, at sama-sama nilang hinabol ang mga manlalakbay. Ang mga Elamita at ang kanilang mga kasama ay nagkampo sa Dan, sa Hilagang hangganan ng Canaan. Puno ng pagtatagumpay, at walang pinanga- ngambahang pagsalakay ng kanilang mga kalaban, ay ibinuhos nila ang kanilang mga sarili sa pagsasaya. Binahagi ng patriarka ang kanyang puwersa upang sumalakay mula sa iba't-ibang panig, at lumusob sa kampo nang gabi. Ang kanyang pagsalakay, na malakas at di ina- asahan ay humantong sa mabilis na pagtatagumpay. Ang hari ng Elam ay napatay at ang kanyang puwersang tinamaan ng takot ay lubos na napuksa. Si Lot at ang kanyang sambahayan, kasama ang lahat ng mga bihag at ang kanilang mga ari-arian, ay nabawi, at isang malaking kayamanan ang nahulog sa kamay ng mga nagtagumpay. Kay Abraham, sa ilalim ng Dios, dapat ang tagumpay ay bayaran. Ang sumasamba kay Jehova ay hindi lamang nakapagbigay ng isang malaking paglilingkod sa bansa, kanya ring napatunayan ang kanyang kagitingan. Nahayag na ang pagiging matuwid ay hindi kaduwagan, at ang relihiyon ni Abraham ay nagpalakas ng kanyang loob sa pag- iingat sa wasto at pagtatanggol sa inaapi. Ang dakilang nagawa niya ay nagbigay sa kanya ng isang malawak na impluwensya sa mga nakapaligid na tribo. Sa kanyang pag-uwi, ang hari ng Sodoma ay dumating kasama ang kanyang mga tauhan upang parangalan ang manlulupig. Pinagsabihan niya siyang kunin ang mga ari-arian, naki- kiusap lamang na ibalik ang mga bihag. Sa mga digmaan, ang samsam ay nauukol sa manlulupig; subalit ginawa ni Abraham ang pakiki- pagbakang iyon ng walang ano mang layuning kumita, at tumanggi siyang pagsamantalahan ang mga sawing palad, tiniyak lamang na ang kanyang mga kasama ay tumanggap ng kaukulang bahagi. MPMP 155.3
Kakaunti, ang kung mapapasa ilalim ng ganoong pagsubok, ang magpapahayag ng tulad sa marangal na ginawa ni Abraham. Iilan ang maaaring tumanggi sa tuksong kumamkam ng gano'n karaming ari-arian. Ang kanilang halimbawa ay isang sumbat sa pagkamaka- sarili, na mukhang salapi. Kinikilala ni Abraham ang hinihiling ng katarungan at pagkamakatao. Ang ginawa niya ay naglalarawan sa kinasihang kasabihan, “Ibigin ninyo ang inyong kapwa na gaya ng inyong sarili.” Levitico 19:18. “Itinaas ko ang aking kamay” sabi niya, “sa Panginoong Dios na Kataas-taasan, na may ari ng langit at ng lupa, Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anumang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abraham.” Hindi siya magbibigay sa kanila ng anumang okasyon upang isiping siya ay nakipagdigma upang kumita, o upang ipalagay na ang kanyang pag-unlad ay dahilan ng kanilang mga kaloob o kabutihan. Ang Dios ay nangakong pagpa- palain si Abraham, at sa Kanya, ang lahat ng pagluwalhati ay dapat iukol. MPMP 156.1
Ang isa pang dumating upang salubungin ang matagumpay na Patriarka ay si Melquisedec, hari ng Salem, na nagdala ng tinapay at alak upang magpalamig sa kanyang hukbo. Bilang “saserdote ng Kataas-taasang Dios,” siya ay bumigkas ng pagpapala para kay Abraham, at nagbigay ng pasalamat sa Panginoon, na nagsagawa ng gano'ng kadakilang pagliligtas sa pamamagitan ng Kanyang lingkod. At ibinigay ni Abraham sa kanya ang “ikasampung bahagi ng buong samsan.” MPMP 157.1
Si Abraham ay malugod na bumalik sa kanyang tolda at mga alagang hayop, subalit ang kanilang isip ay ginambala ng mga malulupit na kaisipan. Siya ay naging isang tao ng kapayapaan, hangga't maaari ay umiiwas sa galit at pakikipaglaban; at may pagkatakot niyang binalikan sa pag-iisip ang tanawin ng nasaksihan niyang patayan. Subalit ang mga bansang kanyang tinalo ay tiyak na muling sasalakay sa Canaan, at gagawin siyang tanging layunin ng kanilang paghihiganti. Sa pagka- kasangkot sa gano'ng pakikipaglaban ng bansa, ang mapayapang kata- himikan ng kanyang buhay ay masisira. Higit pa roon, hindi pa napapasa kanya ang Canaan, ni hindi siya makaasang mayroon siyang tagapagmana, na sa kanya ang pangako ay maaaring matupad. MPMP 157.2
Sa isang pangitain sa gabi ang banal na Tinig ay muling narinig. “Huwag kang matakot, Abram,” ay mga salita ng Prinsipe ng mga prinsipe: “Ako ang iyong kalasag, at ang iyong gantimpala na lubhang dakila.” Subalit ang kanyang isip ay puno ng mga pangamba na hindi niya ngayon mahagip ang pangako ng may lubos na pagtitiwala gaya ng dati. Nanalangin siya para sa isang hayag na katibayan na iyon ay matutupad. At papaano ang pangako ng tipan matutupad, samantalang ang kaloob na isang anak ay hindi pa naibibigay? “Anong ibibigay mo sa akin,” sabi niya, “kung ako'y nabubuhay na walang anak?” “At, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.” Iminungkahi niyang gawing anak sa pamamagitan ng pag-ampon ang pinagkakatiwalaan niyang katulong na si Eliezer, at gawing tagapagmana ng kanyang mga ari-arian. Subalit tiniyak sa kanya na isang sarili niyang anak ang magiging tagapagmana. At siya ay dinala sa labas ng tolda, at pinatingin sa di mabilang na mga bituin na nag- kikislapan sa mga langit; at samantalang siya'y nakatingin, ang mga salita ang binanggit, “Magiging ganyan ang iyong binhi.” “At suma- mpalataya si Abraham sa Dios, at sa kanya'y ibinilang na katuwiran.” Roma 4:3. MPMP 157.3
Ang patriarka ay humingi pa rin ng ilang hayag na katunayan bilang isang pagpapatibay sa kanyang pananampalataya at bilang pa- totoo sa mga susunod na lahi sa kanila na ang layunin ng mapagpalang Dios para sa kanila ay magaganap. Ang Dios ay nagpakababa upang pumasok sa isang pakikipagtipan sa kanyang lingkod, at gumamit ng paraang ginagamit noon sa pagpapatibay sa isang solemneng ka- sunduan. Sa kahilingan ng Dios, si Abraham ay naghandog ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, isang lalaking tupa, na ang bawat isa ay may tatlong taong gulang, at binahagi ang mga katawan noon at ang mga piraso ay pinaglayo-layo ng kaunti. Dito ay idinagdag niya ang isang bato-bato at isang inakay na kalapati, na, sa gano'ng kalagayan ay ni hindi na piniraso. Nang maiayos ang mga ito, siya ay magalang na dumaan sa pagitan ng mga bahagi ng hain, at gumawa ng isang solemneng panata na patuloy na susunod sa Dios. Lubos na nagmamasid at di nakikilos, siya ay nanatili sa tabi ng mga bangkay na iyon ng hayop hanggang sa lumubog ang araw, upang mabantayan ang mga iyon mula sa pagkasira o mula sa mga ibong mandaragit. Nang malapit nang lumubog ang araw siya ay nakatulog ng mahimbing; at, “narito, ang isang kasindak-sindak na malaking kadiliman ay suma kanya.” At ang tinig ng Dios ay narinig, sinasabihang huwag umasang kaagad kakamtan ang Lupang Pangako, at inihayag ang magiging paghihirap ng kanyang angkan bago sila matatatag sa Canaan. Dito ay binuksan sa kanya ang panukala ng pagtubos, sa pagkamatay ni Kristo, ang dakilang hain, at ang Kanyang pagdating sa kaluwalhatian. Nakita rin ni Abraham ang lupang naisauli sa dating kagandahan sa Eden, na ibibigay sa kanya na pinaka manang pangwalang hanggan, bilang wakas at ganap na katuparan ng pangako. MPMP 158.1
Bilang panata sa pakikipagkasunduang ito ng Dios sa tao, isang hurnong umuusok at isang tanglaw na nagniningas, na simbolo ng Kanyang pakikiharap, ang dumaan sa pagitan ng mga bangkay, na lubos na umubos sa kanila. At muli ay isang tinig ang narinig ni Abraham, na pinagtitibay ang pagkakaloob ng lupain ng Canaan sa kanyang mga anak, “mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.” MPMP 158.2
Noong si Abraham ay malapit nang maka dalawampu't limang taon sa Canaan, ang Panginoon ay napakita sa kanya, at nagsabi, “Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan Ko, at magpakasakdal ka.” Sa pagkamangha, ang patriarka ay nagpa- tirapa, at ang pagpapahayag ay nagpatuloy: “Narito, ang Aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.” Bilang tanda ng pagsasakatuparan ng pangakong ito, ang kanyang pangalan, na hanggang dito ay tinawag na Abram, ay pinalitan ng Abraham, na ang ibig sabihin ay, “ama ng maraming bansa.” Ang pangalan ni Sarai ay naging Sara—“princesa,” sapagkat, sabi ng banal na Tinig, “siya'y magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kanya.” MPMP 159.1
Sa panahong ito ang pagpapatuli ay ibinigay kay Abraham bilang “isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kanya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli.” Roma 4:11. Iyon ay kinakailangang isagawa ng patriarka at ng kanyang mga anak bilang tanda na sila ay nakatalaga sa paglilingkod sa Dios at sa ganoong paraan ay nakabukod sa mga sumasamba sa diyus-diyusan, at sila'y tinanggap ng Dios bilang natatanging kayamanan Niya. Sa pamamagitan ng seremonyang ito sila ay nakatalagang gumanap, bilang kanilang bahagi, sa mga kundisyon ng pakikipagtipan ni Abraham. Sila ay hindi dapat magpa- kasal sa mga hindi naniniwala sa Dios; sapagkat sa pamamagitan noon ay mawawalan sila ng paggalang sa Dios at sa Kanyang banal na kautusan; sila ay matutuksong makilahok sa mga makasalanang isinasagawa ng ibang mga bansa, at maaakit sa pagsamba sa diyus- diyusan. MPMP 159.2
Ang Dios ay nagpataw kay Abraham ng dakilang karangalan. Ang mga anghel ng langit ay lumalakad at nakikipag-usap sa kanya ng tulad sa magkaibigan. Noong ang hatol ay malapit ng ihulog sa Sodoma, ang bagay na iyon ay hindi naging lihim sa kanya, at siya ay naging isang tagapamagitan sa Dios para sa mga makasalanan. Ang Kanyang pakikipag-usap sa mga anghel ay nagpapahayag ng isang magandang halimbawa ng pagiging mapagpatuloy. MPMP 159.3
Sa katanghaliang tapat ng mainit na tag-araw ang patriarka ay nakaupo sa harapan ng pinto ng kanyang tolda, nakatingin sa labas sa matahimik na lupain, nang makita niya sa malayo ang tatlong manlalakbay na dumarating. Bago makarating sa kanyang tolda, ang mga manlalakbay ay tumigil na wari'y nag-usisaan tungkol sa kanilang patutunguhan. Hindi na naghintay pang sila ay humiling ng ano man, si Abraham ay nagmadaling tumindig, at samantalang sila'y tila pumipihit na tungo sa ibang direksion, ay hinabol niya sila, at taglay ang lubos na paggalang ay nakiusap sa kanila na parangalan siya sa pamamagitan ng pagtigil upang makapagpalamig. Sa pamamagitan ng kanyang mga kamay sila'y makapaghugas. Siya rin ang pumili ng kanilang makakain, at samantalang sila'y nagpapahinga sa ilalim ng nakapagpapalamig na lilim, ang pagkain ay inihanda, at siya'y maga- lang na tumayo sa piling nila samantalang sila'y nagsasalo sa kanyang pagiging mapagtanggap. Ang gawaing ito ng pagiging magalang ay ganap na pinahalagahan ng Dios upang mapatala sa kanyang Salita; at pagkalipas ng isang libong taon iyon ay tukuyin ng kinasihang apostol: “Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pag-ibig sa mga taga ibang lupa: sapagkat sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.” Hebreo 13:2. MPMP 159.4
Si Abraham ay nakakita lamang sa kanyang mga panauhin ng tatlong pagod na manlalakbay, walang kaisip-isip na ang isa sa kanila ay Isa na maaari niyang sambahin nang hindi nagkakasala. Subalit ang tunay na likas ng tatlong makalangit na mga mensahero ay hindi inihayag. Bagaman sila ay nasa kanilang landas bilang mga tagapag- lingkod ng kagalitan, gano'n pa man para kay Abraham, na lalaki ng pananampalataya, sila ay nagsalita muna ng pagpapala. Bagaman ang Dios ay mahigpit sa pagtatanda ng kasamaan at sa pagpaparusa sa pagsalangsang, Siya ay hindi nalulugod sa paghihiganti. Ang gawain ng pagwasak ay isang “kakaibang gawain” para sa Kanya na walang hanggan sa pag-ibig. MPMP 160.1
“Ang pakikipagkaibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa Kanya.” Awit 25:14. Pinarangalan ni Abraham ang Dios, at siya ay pinarangalan ng Panginoon, na siya'y pinasangguni sa Kanya, at inihayag sa kanya ang Kanyang mga panukala. “Ililihim ko ba kay Abraham ang Aldng gagawin?” sabi ng Panginoon. “Sapagkat ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagkat ang kasalanan nila ay napakalubha; ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginagawa nga ang sigaw na dumarating sa akin; at kung hindi ay aking malalaman.” Alam ng Dios kung gaano kasama ang Sodoma; subalit inihahayag Niya ang Kanyang sarili sa paraan ng mga tao, upang ang katarungan ng Kanyang pakikitungo ay maunawaan. Bago patawan ng hatol ang mga mananalangsang Siya mismo ay pupunta, upang suriin ang kanilang ginagawa; kung hindi pa nila nalalampasan ang hangganan ng banal na awa, ay bibigyan pa Niya sila ng pag- kakataon upang magsisi. MPMP 160.2
Ang dalawa sa makalangit na tagapagbalita ay umalis, iniwan si Abraham na nag-iisa kasama ng Isa na ngayon ay alam na niyang ang Anak ng Dios. At ang lalaki ng pananampalataya ay nakiusap para sa mga naninirahan sa Sodoma. Minsan ay iniligtas niya sila sa pamamagitan ng tabak, ngayon ay sinisikap niya silang iligtas sa pamamagitan ng panalangin. Si Lot at ang kanyang sambahayan ay naninirahan pa rin doon; at ang di makasariling pag-ibig na nag-udyok kay Abraham upang iligtas sila mula sa mga Elamita, ngayon ay sinisikap iligtas sila, kung iyon ay kalooban ng Panginoon, mula sa bagyo ng kahatulan ng Dios. MPMP 161.1
May lubos na paggalang at pagpapakumbaba ay ipinilit niya ang kanyang pakiusap: “Nangahas akong magsalita sa Panginoon, akong alabok at abo lamang.” Walang pagtitiwala sa sarili, walang pagma- malaki sa sarili niyang katuwiran. Hindi siya humiling dahilan sa kanyang pagsunod, o dahil sa mga pagsasakripisyong dinanas niya sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Dios. Siya na isang makasalanan, ay nakiusap alang-alang sa mga makasalanan. Ang gano'ng espiritu ang kinakailangang taglayin ng lahat ng lumalapit sa Dios. Gano'n pa man si Abraham ay naghayag ng pagtitiwala ng isang anak na nakikiusap sa isang minamahal na ama. Siya ay lumapit sa makalangit na Tagapagbalita at mataimtim na iniharap ang kanyang kahilingan. Bagaman si Lot ay nanirahan sa Sodoma, ay hindi siya nakibahagi sa kasamaan ng mga naninirahan doon. Inisip ni Abraham na marami pang iba sa mataong lungsod na iyon ang sumasamba sa tunay na Dios. Dahil dito siya ay nakiusap, “Malayo nawa sa Iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama:... malayo nawa ito sa Iyo: Di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa?” Si Abraham ay nagtanong ng di iisang beses lamang, kundi maraming beses. Nagiging higit na matapang samantalang ang kanyang kahilingan ay tinutugon, siya ay nagpatuloy hanggang matamo niya ang kasiguruhang kung may sampung matuwid ang masusum- pungan doon, ang lungsod ay hindi gugunawin. MPMP 161.2
Ang pag-ibig sa kaluluwang nasa kapahamakan ang nag-udyok sa panalangin ni Abraham. Samantalang kinamumuhian niya ang kasa- lanan ng masamang lungsod, nais niya na ang mga makasalanan ay maligtas. Ang taimtim niyang pagpapahalaga sa Sodoma ay nagpapa- kita ng kalungkutan na kinakailangan nating madama sa mga makasalanan. Kinakailangang magkaroon tayo ng galit sa kasalanan, subalit habag at pag-ibig ang para sa makasalanan. Sa paligid natin ay ang mga kaluluwang nagtutungo sa kapahamakan sa kawalan ng pag-asa, at sa kakilabutang tulad ng napasa Sodoma. Araw-araw ang pinto ng awa para sa iba ay nagsasara. Bawat oras ang ilan ay lumalampas sa hangganang hindi na maaabot ng awa. At nasaan ang mga tinig ng babala at pakiusap upang himukin ang makasalanan na tumakas mula sa kakila-kilabot niyang kawakasan? Nasaan ang mga kamay na inia- abot sa kanya upang hilain siya mula sa kamatayan? Nasaan yaong sa pagpapakumbaba at mapagtiis na pananampalataya ay makikiusap sa Dios para sa kanya? MPMP 161.3
Ang espiritu ni Abraham ay Espiritu ni Kristo. Ang Anak ng Dios mismo ang dakilang Tagapamagitan para sa makasalanan. Siya na nagbayad ng halagang pantubos ay alam ang halaga ng kaluluwa ng tao. May galit sa kasamaan na maaaring mapasa isa lamang na ang likas ay walang dungis ang kadalisayan, si Kristo ay nagpahayag sa makasalanan ng isang pag-ibig na ang makababatid lamang ay ang walang hanggang kabutihan. Sa mga kahirapan ng pagkapako sa krus, taglay sa Kanyang sarili ang bigat ng kasalanan ng buong sanlibutan, ay nanalangin siya sa mga nangalilibak at pumapatay sa Kanya, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Lucas 23:34. MPMP 162.1
Tungkol kay Abraham ay nasulat na “siya'y tinawag na kaibigan ng Dios,” “ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya.” Santiago 2:23; Roma 4:11. Ang patotoo ng Dios tungkol sa matapat na patriarkang ito' ay, “Sinunod ni Abraham ang Aking tinig, at ginanap ang Aking bilin, ang Aking mga utos, ang Aking mga palatuntunan at ang Aking mga kautusan.” At muli, “siya'y Aking kinilala upang siya'y mag-utos sa kanyang sambahayan, at mga anak, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang pagdating ng Panginoon, kay Abraham ang kanyang ipinangako tungkol sa kanya.” Isa iyong mataas na karangalan na itinawag kay Abraham, sa pagiging ama ng mga tao na sa loob ng maraming daang taon ay naging tagapag-ingat ng katotohanan ng Dios para sa sanlibutan—ng mga tao na iyon na sa pamamagitan nila ang lahat ng mga bansa sa lupa ay pagpapalain sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas. Subalit Siya na tumawag sa patriarka ay ibinilang silang karapat-dapat. Ang Dios ang nagsasalita. Siya na nakababatid ng iniisip, at naglalagay ng tamang pagpapahalaga sa tao, ay nagsabi, “Siya'y aking kinilala.” Kay Abraham ay walang ano mang pagtataksil sa katotohanan para sa makasariling layunin. Kanyang iingatan ang kautusan at makikitungo na may katarungan at katuwiran. At hindi niya kinatatakutan ang Panginoon ng siya lamang, sa halip ay kanyang papalaguin ang relihiyon sa kanyang tahanan. Kanyang tuturuan ang kanyang sambahayan sa katuwiran. Ang kautusan ng Dios ang magiging patakaran ng kanyang sambahayan. MPMP 162.2
Ang sambahayan ni Abraham ay binubuo ng mahigit sa isang libong kaluluwa. Yaong mga naakay ng kanyang mga itinuturo upang sumamba sa iisang Dios, ay nakasumpong ng tahanan sa kanilang kampamento; at dito tulad sa isang paaralan, siya ay tumatanggap ng mga aral na makapaghahanda sa kanila upang maging mga kinatawan ng tunay na pananampalataya. Kung kaya isang malaking kapanagutan ang nakasalalay sa kanya. Sinasanay niya ang mga ulo ng tahanan, at ang mga pamamaraan ng kanyang pangangasiwa ay madadala sa mga tahanan na kinakailangang kanilang pangasiwaan. MPMP 163.1
Noong mga panahong una ang ama ang hari at saserdote ng sarili niyang sambahayan, at siya ay may kapamahalaan sa kanyang mga anak, maging hanggang sa sila ay magkaroon na ng sarili nilang sambahayan. Ang kanilang mga inapo ay tinuturuan upang tumingin sa kanya bilang kanilang pinuno sa mga bagay tungkol sa relihiyon at iba pang mga bagay. Ang paraang ito ng pamamahala sa pamamagitan ng patriarka ang sinikap na papagibayuhin ni Abraham, sapagkat ito ay humahantong sa pagpapanatili ng kaalaman tungkol sa Dios. Iyon ay kailangan upang bigkising sama-sama ang sambahayan, upang makalikha ng hadlang ang pagsamba sa diyus-diyusan na naging lubhang laganap at malala. Sinikap ni Abraham ng buo niyang ma- kakaya upang ang kanyang mga kasama sa kampo ay maiiwas sa pakikisalamuha sa mga hindi kumikilala sa Dios at masaksihan ang kanilang maka diyus-diyusang isinasagawa, sapagkat alam niya na ang lubos na pagkakilala ng kasamaan ay di namamalayang nakakasira sa mga paninindigan. Lubos na pag-iingat ang isinagawa upang ma- ilayo ang lahat ng anyo ng maling relihiyon at upang maikintal sa isipan ang karilagan at kaluwalhatian ng buhay sa Dios bilang tunay na layunin ng pagsamba. MPMP 163.2
Yaon ay isang mahusay na kaayusan na ang Dios rin ang naghanda, upang ihiwalay ang kanyang bayan, hanggang maihihiwalay sa pag- kakaroon ng kaugnayan sa mga hindi kumikilala sa Dios, ginagawa silang isang bayang namumuhay ng sila lamang, at hindi kabilang sa mga bayan. Hiniwalay niya si Abraham mula sa kanyang mga kamag- anak na sumasamba sa diyus-diyusan, upang masanay at maturuan ng patriarka ang kanyang sambahayan hiwalay sa nakahihilang impluwensya na maaaring nakapalibot sa kanila sa Mesopotamia, at upang ang tunay na pananampalataya ay maingatan sa kadalisayang yaon ng kanyang mga inapo mula sa isang lahi tungo sa isang lahi. MPMP 164.1
Ang pag-ibig ni Abraham sa kanyang mga anak at sa kanyang sambahayan ang nag-akay sa kanya upang ingatan ang kanyang pananampalataya, upang ibahagi sa kanila ang isang kaalaman tungkol sa mga banal na kautusan, bilang pinakamahalagang pamana na maiiwan niya sa kanila, at sa pamamagitan nila sa sanlibutan. Ang lahat ay tinuruang sila ay nasa ilalim ng pamumuno ng Dios ng kalangitan. Kinakailangang walang pang-aapi mula sa mga magulang at walang pagsuway mula sa mga anak. Inilalahad ng kautusan ng Dios ang tungkulin ng bawat isa, at sa pagsunod lamang doon ang sino man ay maaaring magkaroon ng kasiyahan at kasaganahan. MPMP 164.2
Ang sarili niyang halimbawa, ang matahimik na impluwensya ng kanyang araw-araw na pamumuhay, ay isang nagpapatuloy na aralin. Ang di sumisinsay na katapatan, ang pagiging mapagbigay, at ang di makasariling paggalang, na nagkamit ng paghanga ng mga hari, ay inihahayag sa tahanan. Mayroong kabanguhan tungkol sa buhay, isang marangal at kaibig-ibig na likas, na naghahayag sa lahat na siya ay may kaugnayan sa langit. Hindi niya kinakaligtaan ang kaluluwa ng pinaka abang katulong. Sa kanyang sambahayan ay walang ibang batas para sa panginoon at iba para sa katulong; isang makaharing daanan para sa mayaman at ibang daanan para si mahirap. Ang lahat ay pinakikitunguhang may katarungan at kahabagan, bilang mga kasama niyang tagapagmana ng biyaya ng buhay. MPMP 164.3
“Siya'y mag-uutos sa kanyang... sambahayan.” Hindi magkakaroon ng makasalanang pagpapabaya upang maiwasto ang masasamang hilig ng kanyang mga anak, walang malambot, di mahusay, na pagtatangi; walang pagpapahintulot sa mga kahilingan ng di tamang pagmamahal. Si Abraham ay di lamang magbibigay ng tamang aral, kundi kanyang pananatilihin ang awtoridad ng mga matuwid at makatuwirang kautusan. MPMP 164.4
Ilan lamang sa ating kapanahunan ang sumusunod sa kanyang halimbawa! Sa bahagi ng napakaraming mga magulang ay mayroong bulag at makasariling pagpapahalaga, di tamang pagmamahal, na nahahayag sa pagpapabaya sa kanilang mga anak, sa kanilang di pa hustong kapasyahan at di naturuang mga hilig, sa pagpigil ng sarili nilang kalooban. Ito ang pinakamalalang kalupitan sa mga kabataan at isang pinakamalaking kasalanan sa sanlibutan. Ang pagpapabaya ng mga magulang ay humahantong sa pagkawasak ng pamilya at ng lipunan. Pinagtitibay nito sa kabataan ang pagnanasang sundin ang hilig, sa halip na sumang-ayon sa inaasahan ng Dios. Kung kaya sila ay lumalaki na may pusong labag sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Dios, at kanilang ibinabahagi ang kanilang hiwalay sa relihiyon, at di napapasakop na espiritu sa kanilang mga anak na mga anak ng kanilang mga anak. Tulad ni Abraham, kinakailangang mag-utos ang mga magulang sa kanilang mga anak. Papangyarihing ang pagsunod sa magulang ay maituro at maipairal bilang unang hakbang ng pagsunod sa kapangyarihan ng Dios. MPMP 165.1
Ang di wastong pagpapahalaga na inilalagay sa kautusan ng Dios maging ng namumuno sa relihiyon, ay nagbunga ng malaking kasa- maan. Ang aral na naging laganap, na ang banal na kautusan ay wala nang bisa sa tao, ay tulad sa epekto ng pagsamba sa diyus-diyusan sa moralidad ng tao. Yaong mga nagsisikap bawasan ang mga hinihiling ng banal na kautusan ng Dios ay pumapalo sa mismong pundasyon ng pamahalaan ng mga pamilya at ng mga bansa. Ang mga maka- Dios na mga magulang na kinakaligtaan lumakad ayon sa Kanyang mga utos, ay di nag-uutos sa kanyang sambahayan upang pangha- wakan at ingatan ang daan ng Panginoon. Ang kautusan ng Dios ay di ginagawang patakaran ng buhay. Ang mga anak, samantalang sila ay nagtatatag ng sarili nilang mga tahanan, ay di nakadarama ng tungkulin upang turuan ang mga anak ng mga bagay na sa kanila mismo ay hindi naituro. At ito ang dahilan kung bakit maraming mga tahanan ang walang kinikilalang Dios; ito ang dahilan kung bakit ang ganoong pagkukulang ay lubhang malala at laganap. MPMP 165.2
Malibang ang mga magulang na rin sa kautusan ng Panginoon ng may sakdal na puso sila ay hindi mahahanda upang mag-utos sa kanilang mga anak na sumusunod sa kanila. Ang isang pagbabago tungkol sa bagay na ito ay kailangan—isang pagpapanibago na magiging malalim at malawak. Ang mga magulang ay kinakailangang magbago; ang mga ministro ay kinakailangang magbago; kailangan nila ang Dios sa kanilang mga sambahayan. Kung nais nilang makakita ng pagbabago, kinakailangang dalhin nila ang salita ng Dios sa kanilang tahanan at gawing kanilang tagapayo. Kinakailangang ituro nila sa kanilang mga anak na iyon ang tingin ng Dios para sa kanila at iyon ay kinakailangang matapat na sundin. Kinakailangang matiyaga nilang tuturuan ang kanilang mga anak, may kabaitan at walang kapagurang nagtuturo sa kanila kung paanong mabuhay sa paraang nakapagbibigay kaluguran sa Dios. Ang mga anak ng ganoong sambahayan ay handa upang harapin ang katusuhan ng mga di naniniwala sa Dios. Kanilang tinanggap ang Banal na Kasulatan bilang batayan ng kanilang pananampalataya, at sila ay mayroong isang patibayang hindi maaanod ng dumarating na baha ng di pagsampalataya. MPMP 165.3
Sa maraming mga tahanan ang pananalangin ay kinakaligtaan. Ini- isip ng mga magulang na sila ay wala nang panahon ukol sa pagsamba sa umaga at sa hapon. Hindi sila makagugol ng ilang sandali upang pasalamatan ang Dios para sa masagana Niyang kaawaan—para sa mapagpalang sikat ng araw at patak ng ulan, na nagpapatubo sa mga halaman, at sa pag-iingat ng mga tagapagbantay na mga anghel. Wala silang panahon upang manalangin para sa tulong at pagpatnubay ng Dios at para sa nananatiling presensya ni Jesus sa sambahayan. Sila ay humahayo sa paggawa kung paanong ang kabayo at ang palakol ay humahayo, na walang isa mang kaisipang tungkol sa Dios o sa langit. Sila ay may mga kaluluwang gano'n na lamang ang halaga na sa halip na sila ay pabayaan na lamang na walang pag-asa, ay ibinigay ng Anak ng Dios ang Kanyang buhay upang sila ay tubusin; subalit pinahahalagahan nila ang Kanyang dakilang kabutihan ng higit lamang ng kaunti sa pagpapahalaga ng mga hayop na nanga- papahamak. MPMP 166.1
Tulad sa patriarka nang una, yaong mga nagpapanggap na umiibig sa Dios ay kinakailangang magtayo ng altar ukol sa Panginoon saan man sila magtayo ng kanilang tolda. Kung mayroong panahon na kinakailangang ang bawat bahay ay maging bahay dalanginan, iyan ay ngayon na. Ang mga ama at ina ay kinakailangang malimit na magtaas ng kanilang puso sa Dios sa isang mapagpakumbabang pananalangin para sa kanilang mga sarili at mga anak. Mangyaring ang ama, bilang saserdote ng sambahayan, ay mag-alay ng pang umaga at pang hapong hain sa altar ng Dios, samantalang ang asawa at mga anak ay umuugnay sa pananalangin at pagpupuri. Sa gano'ng sambahayan si Jesus ay magnanais manirahan. MPMP 166.2
Mula sa tahanan ng bawat Kristiano ay kinakailangang magningning ang isang banal na liwanag. Ang pag-ibig ay kinakailangang mahayag sa kilos. Iyon ay kinakailangang dumaloy sa lahat ng isinasagawa sa tahanan, nahahayag sa kabaitang may pagiging maaalalahanin, mahi- nahon, at di makasariling paggalang. Mayroong mga tahanan kung saan ang mga prinsipyong ito ay isinasakatuparan—mga tahanan kung saan ang Dios ay sinasamba at ang pinakatunay na pag-ibig ay nangingibabaw. Mula sa mga tahanang ito ang pagdalangin sa umaga at sa gabi ay pumapailanlang sa Dios bilang matamis na insenso, at ang Kanyang mga kaawaan at pagpapala ay bumababa naman sa nananalangin tulad ng hamog sa umaga. MPMP 167.1
Ang isang maayos na Kristianong tahanan ay isang makapang- yarihang patotoo patungkol sa katotohanan ng relihiyong Kristiano— isang patotoo na hindi matatanggihan ng mga hindi naniniwala sa Dios. Makikita ng lahat na mayroong isang impluwensya na kumikilos sa sambahayan na nakaaapekto sa mga anak, na ang Dios ni Abraham ay sumasa kanila. Kung ang mga tahanan ng mga nag-aangking Kristiano ay mayroong tamang pagkakahubog ng relihiyon, sila ay makapagbibigay ng isang makapangyarihang impluwensya para sa kabutihan. Tunay na sila ay magiging “ilaw ng sanlibutan.” Ang Dios ng kalangitan ay nagsasalita sa bawat tapat na magulang sa mga pananalitang binanggit kay Abraham: “Siya'y aking kinilala, upang siya'y mag-utos sa kanyang mga anak at sa kanyang sambahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang pagdating ng Panginoon, kay Abraham ang Kanyang ipinangako tungkol sa kanya.” MPMP 167.2