Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

56/76

Kabanata 54—Samson

Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Hukom 13 hanggang 16.

Sa kalagitnaan ng laganap na pagtalikod, ang mga tapat sa pagsamba sa Dios ay patuloy na dumadalangin sa Kanya para sa kaligtasan ng Israel. Bagaman ang nahahayag ay tila hindi pagtugon, bagaman taun-taon ang kapangyarihan ng mang-aapi ay patuloy na tumitindi sa lupain, ang habag at pagpatnubay ng Dios ay naghahanda ng tulong para sa kanila. Maging sa unang mga taon ng pang-aapi ng mga Filisteo, ang isang sanggol ay isinilang na sa pamamagitan niya ay iginagayak ng Dios na papagpakumbabain ang kapangyarihan nitong makapangyarihang mga kaaway. MPMP 661.1

Sa hangganan ng bulubunduking dako kung saan ang kapatagan ng mga Filisteo ay maaaring matanawan, ay naroon ang maliit na bayan ng Sora. Dito nakatira ang sambahayan ni Manoa, sa lipi ni Dan, isa sa kakaunting mga sambahayan na sa kalagitnaan ng pang- kalahatang pagtalikod ay nanatiling tapat sa tunay na Jehova. Sa walang anak na asawa ni Manoa, “ang Anghel ng Panginoon” ay napakita, na may pahayag na siya ay magkakaroon ng anak na sa pamamagitan niya ang Dios ay magsisimulang iligtas ang Israel. Dahil dito, ang Anghel ay nagbigay sa kanya ng tagubilin tungkol sa sarili niyang mga ginagawa, at ganon din sa pagpapalaki sa kanyang anak: “Ngayon nga mag-ingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay.” At ang gano'n ding tagubilin ay kinakailangang tuparin, mula sa simula, sa sanggol, at bilang karag- dagan ang kanyang buhok ay hindi dapat maputol; sapagkat siya ay itatalaga sa Dios bilang isang Nazareno mula sa kanyang pagsilang. MPMP 661.2

Hinanap ng babae ang kanyang asawa, at matapos ilarawan ang Anghel, ay binanggit niya ang pahayag. At, sa pangamba na baka sila ay magkamali sa mahalagang gawain na ipinagkakatiwala sa kanila, ang asawang lalaki ay nanalangin, “Isinasamo ko sa iyo, Oh Panginoon, na pabalikin mo uli ang lalaki ng Dios na iyong sinugo sa amin, at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipapanganak.” Nang ang anghel ay magpakitang muli, ang nababahalang tanong ni Manoa ay, “ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kanya?” Ang dating itinagubilin ay inulit—“Sa lahat ng Aking sinabi sa babae ay mag-ingat siya. Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakakalasing, ni kumain man ng anomang maraming bagay; lahat ng iniutos Ko sa kanya ay sundin niya.” MPMP 661.3

Ang Dios ay may mahalagang gawain para sa ipinangakong anak ni Manoa upang gawin, at upang siya ay magkaroon ng mga katangiang kailangan para sa gawaing ito, ang mga ugali kapwa ng ina at ng anak ay kinakailangang maisaayos. “Ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakakalasing,” ang tagubilin ng Panginoon para sa asawa ni Manoa, “ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos Ko sa kanya ay sundin niya.” Ang bata ay maaapektuhan ng makabubuti o makasasama sa pamamagitan ng ugali ng ina. Siya ay kinakailangang mapangunahan ng prinsipyo, at kinakailangang maging mapagtimpi at mapagtanggi sa sarili, kung nais niya ang makabubuti sa kanyang anak. Ipaggigiitan ng hindi pantas na mga tagapayo sa ina ang pangangailangang matugunan ang bawat naisin at iudyok ng damdamin, subalit ang gano'ng payo ay mali at pawang panlilinlang. Ang ina sa pamamagitan ng ipinag- utos ng Dios ay inilalagay sa isang pinakabanal na obligasyon upang maging mapagtimpi sa sarili. MPMP 662.1

At ang mga ama tulad ng mga ina ay kasangkot rin sa responsibilidad na ito. Ang ama at ina ay parehong nagbabahagi ng sarili nilang likas, pag-iisip at pangangatawan, ng kanilang mga disposisyon at panglasa, sa kanilang mga anak Bunga ng kawalan ng pagtitimpi ng mga magulang, malimit ay nagkukulang ang mga bata ng lakas ng pangangatawan at kapangyarihan ng pag-iisip at ng moralidad. Ang mga umiinom ng alak at ang mga naninigarilyo, ay nakapagsasalin sa kanilang mga anak ng kanilang walang kasiyahang panglasa, ng kanilang nag-iinit na mga dugo at pagkamagagalitin. Ang mga hindi mapagpigil ay malimit nagsasalin ng kanilang hindi banal na pagnanasa, at maging ng karima-rimarim na mga karamdaman, bilang pamana sa kanilang mga anak. At sapagkat ang mga anak ay naging kakaunti na ang kapangyarihan upang tumanggi sa tukso kaysa kanilang mga magulang, ay karaniwang nangyayari ang patuloy na pagbaba ng mga sumusunod na mga henerasyon. Sa isang malaking banda, ang mga magulang ang may pananagutan, hindi lamang sa hindi mapigilang mga pagnanasa at tiwaling mga panlasa ng kanilang mga anak, kundi gano'n din sa mga kapansanan ng mga isinisilang na bingi, bulag, may karamdaman, o may sira ang bait. MPMP 662.2

Ang marapat na tanong ng bawat ama at ina ay, “Ano ang aming gagawin sa bata na isisilang sa amin?” Ang epekto ng mga implu- wensya sa bata bago pa siya isilang ay hindi gaanong pinahahalagahan ng marami; subalit ang mga tagubilin na pinarating mula sa langit para sa mga magulang na iyon na mga Hebreo, at dalawang beses inulit sa pinakamalinaw at pinakasolemneng paraan, ay nagpapahayag na ang bagay na ito ay pinahahalagahan ng ating Manlalalang. MPMP 663.1

At hindi sapat na ang ipinangakong anak ay tumanggap ng mabuting pamana mula sa mga magulang. Ito ay kinakailangang sundan ng maingat na pagsasanay, at paghubog ng mga wastong ugali. Ipinag- utos ng Dios na ang magiging hukom at tagapagligtas ng Israel ay masanay sa mahigpit na pagtitimpi mula sa pagkasanggol. Siya ay kinakailangang maging isang Nazareno mula sa pagkasilang, nang sa gano'n ay malagay sa isang nagpapatuloy na pagbabawal laban sa paggamit ng alak o ng nakalalasing na inumin. Ang mga liksyon ng pagtitimpi, pagtanggi sa sarili, at pagpipigil sa sarili, ay kinakailangang maituro sa mga bata mula pa man sa pagkabata. MPMP 663.2

Kabilang sa mga ipinagbawal ng Anghel ang “anomang maraming bagay.” Ang pagkakaiba ng malinis at maraming pagkain ay di isang pawang seremonyal o di-makatuwirang regulasyon, iyon ay batas sa mga prinsipyo ng kalinisan. Sa pagkilala sa pagkakaibang ito ay maaaring matalunton, sa isang malaking sanhi, ang kahanga-hangang lakas na sa loob ng libu-libong mga taon ay naging katangian ng mga Hudyo. Ang mga prinsipyo ng pagtitimpi ay kinakailangang magamit higit pa sa pawang pag-inom ng mga nakalalasing na mga alak. Ang pagkain ng malasa at hindi natutunaw na mga pagkain ay malimit gano'n ding nakasisira ng kalusugan, at sa maraming pagkakataon ay naghahasik ng panglalasing sa mga binhi. Ang tunay na pagtitimpi ay nagtuturo na lubos nating alisin ang lahat ng nakasasama, at gamitin na may katalinuhan yaong mga nakapag- papalusog. Kakaunti ang nakababatid ng dapat mabatid kung paanong ang kanilang likas, at pagiging kapakipakinabang sa sanlibutang ito, at sa kanilang pangwalang hanggang kahahantungan. Ang panglasa ay kinakailangang laging nasa ilalim ng kapangyarihan ng moralidad at ng pag-iisip. Ang katawan ang kinakailangang maging alipin ng isip, at hindi ang isip ang alipin ng katawan. MPMP 663.3

Ang pangako ng Dios kay Manoa ay natupad sa kapanahunan nang isilang ang isang anak na lalaki, na pinangalanang Samson. Samantalang ang bata ay lumalaki, naging kapansin-pansin na siya ay mayroong pambihirang lakas. Gano'n pa man, ayon sa nalalaman ni Samson at ng kanyang mga magulang, nakasalalay sa kanyang mahusay na mga kalamnan, kundi sa kanyang kalagayan bilang isang Nazareno, na sinisimbuluhan ng kanyang hindi pinuputulang buhok. Kung sinunod lang sana ni Samson ang mga utos ng Dios na kasing tapat ng pagsunod ng kanyang mga magulang, siya ay nagkaroon ng higit na marangal at masayang kinahinatnan. Subalit ang pakikisalamuha sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan ang sumira sa kanya. Sapagkat malapit ang bayan ng Sora sa bansa ng mga Filisteo, si Samson ay nakisalamuha sa kanila sa pakikipagkaibigan. Kaya't sa kanyang kabataan, nagkaroon ng pakikipagpalagayan ng loob, na ang impluwensya noon ay nagpadilim sa kanyang buong buhay. Isang kabataang babae na naninirahan sa Timna na isang bayan ng mga Filisteo ang nakipag-ibigan kay Samson, at ipinasiya niyang gawin siyang kanyang asawa. Sa kanyang mga magulang na may pagkilala sa Dios na nagsikap manghikayat na huwag na niyang ituloy ang. kanyang panukala, ang kanya lamang sagot ay, “siya'y lubhang nakalulugod sa akin.” Sa huli ay sumangayon din ang kanyang mga magulang sa kanyang kagustuhan, at ang kasalan ay naganap. MPMP 664.1

Panahon na siya ay pasimulang pumapasok sa pagkabinata, ang panahong kinakailangang isakatuparan ang kanyang banal na misyon—ang panahong higit sana sa lahat ay naging tapat siya sa Dios—si Samson ay nakilakip sa mga kaaway ng Israel. Hindi siya nagtanong kung higit niyang mapararangalan ang Dios kapag nalakip sa kanyang pinili, o kung kanyang nailalagay ang kanyang sarili sa isang kalagayan baka hindi niya magaganap ang layuning kina- kailangan niyang maganap sa kanyang buhay. Sa lahat ng nagsisikap na maparangalan muna Siya, ang Dios ay nangako ng karunungan; subalit walang pangako para doon sa mga nakahilig sa pagbibigay- lugod sa sarili. MPMP 664.2

Kay rami ng tumatahak sa landas na dinaanan ni Samson! Kay limit nagiging mag-asawa ang hindi magkapananampalataya, sapagkat ang hilig ang nanguna sa pagpili sa mapapangasawang lalaki o babae! Ang mga kasangkot ay hindi humihingi ng payo mula sa Dios, ni hindi isinasa-alang-alang ang Kanyang kaluwalhatian. Ang Kristianismo ay kinakailangang magkaroon ng impluwensyang nakakaapekto sa pag-aasawa, subalit malimit nangyayari na ang moti- bong umaakay sa pagsasamang ito ay hindi kasang-ayon ng mga prinsipyong pang Kristiano. Si Satanas ay patuloy na nagsisikap mapalakas ang kanyang kapangyarihan sa bayan ng Dios sa pamamagitan ng pag-akit sa kanila na makilakip sa kanyang mga kampon; at upang ito ay kanyang maisakatuparan sinisikap niyang kilusin ang mga hindi banal na pagnanasa ng puso. Subalit ang Panginoon sa Kanyang salita ay malinaw na nag-utos sa Kanyang bayan na huwag makilakip doon sa hindi pinananahan ang pag-ibig Niya. “Anong pakikipagkasundo mayroon si Kristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diyus-diyusan?” 2 Corinto 6:15, 16. MPMP 664.3

Sa pista ng kanyang kasal si Samson ay nakisalamuha doon sa mga may galit sa Dios ng Israel. Sinumang magkusang pumasok sa ganong pakikisalamuha ay makadarama ng pangangailangang sumang-ayon, sa isang banda, sa mga ugali at gawain ng kanyang mga kasamahan. Kaya't ang oras na ginagamit sa ganoong paraan ay higit pa sa nasasayang. Ang mga kaisipan ay napag-uukulan ng pansin at ang mga salita ay nabibigkas, na may kakayanang magbabagsak sa prinsipyo, at magpahina sa patibayan ng kaluluwa. MPMP 665.1

Ang asawang babae, na makamtan lamang ay naging sanhi ng paglabag ni Samson sa utos ng Dios, ay naging taksil sa kanyang asawang lalaki bago pa man natapos ang pista ng kasal. Sa galit sa kanyang kataksilan, iniwan siya ni Samson sandali, at umuwing mag- isa sa kanyang tahanan sa Sora. At, nang maglubag ang kanyang kalooban, siya ay bumalik sa kanyang asawa, nasumpungan niyang ang babae ay asawa na ng iba. Ang kanyang paghihiganti, sa pamamagitan ng pagsira sa lahat ng mga bukid at ubasan ng mga Filisteo, ay nag-udyok sa kanila na patayin ang kanyang asawa, bagaman ang kanilang pagbabanta ang sanhi ng kanyang kataksilan na naging simula ng kaguluhang iyon. Si Samson ay nakapagpahayag na ng kanyang kagilagilalas na lakas, sa pamamagitan ng pagpatay sa tatlumpung lalaki ng Askelon. Dahil sa malupit na pagpatay sa kanyang asawa, ay kanyang nilusob ang mga Filisteo at pinagpapatay sila “ng di kawasang pagpatay.” At sa pagnanasang magkaroon ng ligtas na mapag- papahingahan mula sa kanyang mga kaaway, siya ay umalis patungo sa “Bato ng Etam” na nasa lipi ni Juda. MPMP 665.2

Sa lugar na ito siya ay hinabol ng isang malaking puwersa, ang mga naninirahan sa Juda, sa kalakihan ng takot, ay nagpapahamak na sumang-ayon na ibigay siya sa kanyang mga kaaway. Dahil doon tatlong libong mga lalaki ng Juda ang nagtungo sa kanya. Subalit maging sa ganong kalagayan sila ay hindi nangahas lumapit sa kanya, hanggat hindi sila nakatitiyak na hindi niya sasaktan ang sarili niyang mga kababayan. Si Samson ay sumang-ayong maitali, at maihatid sa mga Filisteo, subalit pinapangako muna niya ang mga lalaki ng Juda na hindi sila ang dadaluhong sa kanya upang huwag siyang mapilitang patayin sila. Pinahintulutan nila silang itali siya sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid, at siya ay dinala sa loob ng kampamento ng kanyang mga kaaway sa kalagitnaang pagpapahayag ng malaking kagalakan. Subalit samantalang ang kanilang mga sigaw ay pumu- pukaw sa mga alingawngaw ng mga burol, “ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakanya.” Nilagot niya ang mga bagong lubid na parang mga linong natupok sa apoy. At pagkuha sa pina- kamalapit na sandatang magagamit na, bagaman pawang isang panga ng asno, ay naging higit na mabisa kaysa espada o sibat, pinagsasaktan niya ang mga Filisteo hanggang sa sila'y nagtakbuhan sa takot, na iniwan ang may isang libong mga lalaki sa parang na napatay. MPMP 666.1

Kung ang mga Israelita lamang ay naging handa upang makiisa kay Samson, at sinundan ang pagtatagumpay, sana sa pagkakataong ito ay napalaya na nila ang kanilang mga sarili mula sa kapangyarihan ng mga nang-aapi sa kanila. Subalit sila'y nasiraan ng loob at naging duwag. Kinaligtaan nila ang gawaing ipinagagawa sa kanila ng Dios, ang pagpapaalis sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan, at nakilakip sa kanilang mga gawain na nakapagpapababa, hinayaan ang kanilang kalupitan, at, hangga't iyon ay hindi nakaukol sa kanila, ay sumasang- ayon sa kanilang kawalan ng katarungan. Kapag sila ang napasa ilalim ng mga nangagpapahirap, sila ay maamong sumuko sa panghahamak na sana naman ay kanilang natakasan, kung sila lamang ay sumunod sa Dios. Maging kung ang Panginoon ay nagbabangon ng kanilang tagapagligtas, hindi madalang na kanilang pinababayaan siya, at nakikiisa sa kanilang mga kaaway. MPMP 666.2

Makalipas ang kanyang pagtatagumpay, si Samson ay ginawang hukom ng mga Israelita at siya ay namuno sa Israel sa loob ng dalawampung taon. Subalit ang isang maling hakbang ay naghanda ng daan para sa isa pa. Si Samson ay sumalangsang sa utos ng Dios sa pamamagitan ng pagkuha ng mapapangasawa mula sa mga Filisteo, at muli siyang nakipagsapalaran sa kanila—na ngayon ay kanyang mabagsik na mga kaaway—sa pagbibigay laya sa mga pagnanasang labag sa kautusan. Sa pagtitiwala sa kanyang dakilang kapangyarihan, na pumukaw ng malaking takot sa mga Filisteo, may tapang siyang nagtungo sa Gasa, upang dumalaw sa isang patotot sa dakong iyon. Nalaman ng mga naninirahan sa lungsod ang tungkol sa kanyang presensya, at sila ay sabik na makapaghiganti. Ang kanyang mga kaaway ay nasa loob ng mga pader ng isang pinakamatibay na kuta sa lahat ng kanilang mga lungsod; sila'y nakatitiyak sa kanilang biktima, at naghihintay lamang mag-umaga upang ganapin ang kanilang tagumpay. Nang hatinggabi, si Samson ay nagising. Ang nanunumbat na tinig ng konsensya ay lumikha sa kanya ng mataos na pagsisisi, nang kanyang maalaala na siya ay sumira sa kanyang panata bilang isang Nazareno. Subalit sa kabila ng kanyang kasalanan, siya ay hindi pa iniiwan ng kahabagan ng Dios. Pagpunta niya sa pintuang daan ng lungsod, kanya iyong binunot mula sa kinaroroonan, at binuhat iyon, pati ng haligi at mga sikang, hanggang sa tuktok ng isang burol sa daan patungong Hebron. MPMP 666.3

Subalit maging ang mahirap na pagkatakas na ito ay hindi nakapigil sa kanyang masamang gawain. Hindi na siya muling nakipagsapalaran sa mga Filisteo, subalit patuloy niyang hinanap yaong mga nararamdamang mga kaligayahan na umaakit sa kanya tungo sa pagkapahamak. “Siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec,” hindi malayo mula sa sarili niyang sinilangan. Ang kanyang pangalan ay Dalila, “ang tagatupok”. Ang libis ng Sorec ay kilala sa mga ubasan niyaon; ito rin ay may tukso sa nanlulupaypay na Nazareno, na umiinom na ng alak, kaya't sinira ang isa pang tali na nagbibigkis sa kanya sa kadalisayan at sa Dios. Ang mga Filisteo ay matamang nagmamanman sa mga kilos ng kanilang kaaway, at ng kanyang ibaba ang kanyang sarili sa pamamagitan ng bagong pakikilakip na ito, kanilang ipinasya, sa pamamagitan ni Dalila, na ganapin ang pagpatay sa kanya. MPMP 667.1

Isang grupo ng mga kinatawan na binubuo ng isang pinuno mula sa bawat lalawigan ng mga Filisteo ay pinapunta sa libis ng Sorec. Hindi nila tinangkang hulihin siya samantalang siya ay nagtataglay ng pambihirang lakas, subalit layunin nilang malaman, kung maaari, ang lihim ng kanyang kapangyarihan. Kaya't kanilang sinuhulan si Dalila upang iyon ay matuklasan at maipahayag. MPMP 667.2

Samantalang ang tagapagkanulo ay nagpapabalik-balik kay Samson dala ang kanyang mga tanong, kanya siyang nililinlang sa pamamagitan ng pagsasabi na ang lakas ng pangkaraniwang lalaki ay napapasakanya kapag ang ilang mga paraan ay sinubukang gawin. At nang ang bagay na iyon ay kanyang subukan, ang panlilinlang sa pamamagitan ng pagsasabi na ang lakas ng pangkaraniwang lalaki ay napapasakanya kapag ang ilang mga paraan ay sinubukang gawin. At nang ang bagay na iyon ay kanyang subukan, ang panlilinlang ay natutuklasan. At inakusahan niya siya ng pagsisinungaling, na sinasabi, “Bakit nasa- sabi mo, na iniibig kita, sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin? pinaglaruan mo akong makaitlo, at hindi mo isinaysay sa akin kung ano ang nagpapahina ng iyong kalakasan.” Tatlong ulit si Samson ay nagkaroon ng pinakamalinaw na katibayan na ang mga Filisteo ay may pakikipagkasunduan sa kanyang minamahal upang siya ay patayin; subalit kapag ang kanyang layunin ay nabigo, kanyang itinuturing ang bagay na iyon na pawang biro lamang, at pikit matang inaalis ni Samson ang kanyang pangamba. MPMP 668.1

Araw-araw, pinipilit siya ni Dalila, hanggang “ang kanyang loob ay naligalig sa ikamamatay;” gano'n pa man isang tusong kapangyarihan ang nagpapanatili sa kanya sa piling ni Dalila. Nang madaig sa wakas, ay ipinahayag ni Samson ang lihim: “Walang pang-ahit na nagdaan sa aking ulo; sapagkat ako'y naging Nazareno sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.” Isang sugo ang kaagad pinapunta sa mga panginoon ng mga Filisteo, na nagsusumamong pumunta agad sa kanya. Samantalang ang mandirigma ay natutulog, ang mabibigat na tirintas ng kanyang buhok ay inalis mula sa kanyang ulo. At, tulad sa ginawa na niya ng tatlong beses, siya ay tumawag, “Narito na sa iyo ang mga Filisteo Samson!” Nang biglang magising, inisip niyang gamitin ang kanyang lakas tulad ng dati; subalit ang mga bisig niyang wala nang kapangyarihan ay tumangging sumunod sa kanyang nais, at kanyang nabatid na “ang Panginoo'y humiwalay sa kanya.” Nang siya ay maahitan, si Dalila ay nagsimulang mang-inis at manakit sa kanya, upang nang sa gano'n ay masubukan ang kanyang lakas; sapagkat ang mga Filisteo ay hindi mangahas na lumapit sa kanya hanggang hindi lubos na nakatitiyak na ang kanyang kapangyarihan ay wala na. At siya ay kanilang hinuli, at nang maalis ang dalawa niyang mata ay dinala siya sa Gaza. Dito siya ay iginapos ng mga tanikala sa kanilang bahay- piitan, at pinagawa ng mahirap na gawain. MPMP 668.2

Anong laking pagbabago sa kanya na dating hukom at tagapag- tanggol ng Israel!—ngayon ay mahina, bulag, nakabilanggo, at ibinaba sa pinakahamak sa lahat ng gawain! Unti-unti niyang sinuway ang mga kondisyon ng pagkakatawag sa kanya ng Dios. Ang Dios ay matagal na nagtiis sa kanya; subalit nang lubos na niyang naiayon ang kanyang sarili sa kapangyarihan ng kasalanan na kanyang ipinahayag ang kanyang lihim, ang Panginoon ay humiwalay sa kanya. Walang natatanging bisa ang pagkakaroon niya ng mahabang buhok, subalit iyon ay isang tanda ng kanyang pagtatapat sa Dios; at nang ang tandang iyon ay napasakripisyo dahilan sa pagbibigay laya sa kahalayan, ang pagpapalang kinakatawanan doon ay inalis rin. MPMP 669.1

Nasa kahirapan at pangungutya, na isang katatawanan para sa mga Filisteo, higit na nabatid ni Samson ang kanyang kahinaan kaysa dati; at ang kanyang paghihirap ay naging sanhi ng kanyang pagsisisi. Samantalang ang kanyang buhok ay lumalago, ang kanyang lakas ay unti unting bumabalik; subalit ang kanyang mga kaaway, na nag- aakalang siya ay nakatanikala at walang magagawang pinsala, ay hindi nakadama ng pagkabahala. MPMP 669.2

Idinadahilan ng mga Filisteo ang kanilang mga diyos sa kanilang tagumpay; at nagkakatuwaan, kanilang hinamak ang Dios ng Israel. Isang kapistahan ang itinalaga bilang pagpaparangal kay Dagon, ang isdang diyos, “tagapag-ingat ng karagatan.” Mula sa mga bayan at mga lalawigan sa buong kapatagan ng mga Filsiteo, ang mga taong bayan at ang kanilang mga panginoon ay natipon. Dumagsa ang mga tagasamba at napuno ang malaking templo, at pinuno ang malalaking mga palko na malapit sa bubong. Iyon ay isang tagpo ng kainan at katuwaan. Nagkaroon ng kahanga-hangang karingalan ng serbisyo ng mga pag-aalay, sinundan ng mga musiko at ng pagkakainan. At, bilang pangkoronang tropeo ng kapangyarihan ni Dagon, si Samson ay dinala sa loob. Sigaw ng labis na kagalakan ang sumalubong sa pagkakita sa kanya. Kinutya ng mga tao at ng mga pinuno ang kanyang kalagayan, at niluwalhati ang diyos na nagpabagsak sa “maninira sa kanilang bansa.” Makalipas ang ilang sandali, wari'y nanlalata, si Samson ay humingi ng pahintulot na makasandal sa dalawang haligi sa gitna na sumusuporta sa bubong ng templo. At matahimik siyang nanalangin, “Oh Panginoong Dios, idinadalangin ko sa Iyo na alalahanin Mo ako, at idinadalangin ko sa Iyong palakasin Mo ako, na minsan na lamang, Oh Dios upang makaganti akong paminsan sa mga Filisteo”. Sa mga salitang ito ay kanyang niyapos ang mga haligi sa kanyang malakas na mga bisig; at pagsigaw ng, “Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo!” siya ay yumuko, at ang bubong ay nahulog, at pumatay, sa isang pagbagsak, sa lahat ng lubhang karamihan. “Sa gayo'y ang nangamatay na kanyang pinatay ay higit kaysa pinatay niya sa kanyang kabuhayan.” MPMP 669.3

Ang diyus-diyusan at ang mga sumasamba doon, ang saserdote at ang magsasaka, ang mandirigma at mga dakila, ay sama-samang nalibing sa ilalim ng mga guho ng templo ni Dagon. At kasama nila ay ang malahiganteng anyo niya na pinili ng Dios upang maging tagapagligtas ng kanyang bayan. Ang balita tungkol sa kilabot na pagkapagpabagsak ay dinala sa lupain ng Israel, at ang kamag-anakan ni Samson ay bumaba mula sa kanilang mga burol at walang sinumang pumigil, ay kinuha ang bangkay ng namatay na bayani. At kanilang “iniahon siya, at inilibing siya sa pagitan ng Sora at ng Esthaol sa libingan ni Manoa na kanyang ama.” MPMP 670.1

Ang pangako ng Dios na sa pamamagitan ni Samson na Kanyang “pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo,” ay naganap; subalit kay dilim at nakapanghilakbot ang tala ng buhay ng sana'y naging isang papuri sa Dios at kaluwalhatian ng bayan! Kung si Samson sana'y naging tapat sa pagkakatawag sa kanya ng Dios, ang layunin ng Dios ay natupad sa kanyang ikararangal at ikaluluwalhati. Subalit siya'y sumang-ayon sa tukso, at hindi naging tapat sa ipinag- katiwala sa kanya, at ang kanyang layunin ay natupad sa pagkatalo, pagkabihag, at pagkamatay. MPMP 670.2

Sa pangangatawan, si Samson ang naging pinakamalakas na tao sa sanlibutan; subalit sa pagpipigil sa sarili, katapatan, at katatagan, isa siya sa naging pinakamahinang lalaki. Marami ang pinagkakamalan ang malakas na pagnanasa bilang kalakasan ng pagkatao, subalit ang katotohanan ay siya na nadadaig ng kanyang pagnanasa ay isang mahinang tao. Ang tunay na kadakilaan ng isang lalaki ay nasusukat ng mga pandama na kanyang napapangunahan, hindi noong mga nakapangunguna sa kanya. MPMP 670.3

Ang pangangalaga ng awa at tulong ng Dios ay napa kay Samson, upang siya ay mahandang gumanap sa isang gawain na itinawag sa kanya upang kanyang gampanan. Sa pasimula pa lamang ng buhay siya ay napaligiran ng lahat ng makabubuti sa kanyang lakas ng pangangatawan, kahusayan ng pag-iisip, at kadalisayan ng moralidad. Subalit sa ilalim ng impluwensya ng masasamang nakakasalamuha hinayaan niyang makabitiw sa Dios na siyang tanging kaligtasan ng tao, at siya ay naanod ng baha ng kasamaan. Yaong mga nasa landas ng tungkulin na nahahatid sa pagsubok ay makatitiyak na sila ay tutulungan ng Dios; subalit kung sadyaing ilalagay ng tao ang kanilang sarili sa ilalim ng kapangyarihan ng tukso, sila ay mahuhulog, kaagad o pagkalipas ng ilang panahon. MPMP 670.4

Yaong mga pinapanukala ng Dios na magamit bilang Kanyang mga kasangkapan para sa isang natatanging gawain, ay ginagamitan ni Satanas ng pinakamatindi niyang kapangyarihan upang mailigaw. Kanya tayong pinatatamaan sa ating mga kahinaan, gumagawa sa pamamagitan ng mahihinang bahagi ng ating pagkatao upang mapa- ngasiwaan ang buong tao; at alam niya na kung ang mga kahinaang ito ay iibigin, siya ay magtatagumpay. Subalit walang dapat madaig. Ang tao ay hindi iniiwanang mag-iisa sa pagdaig sa kasamaan sa pamamagitan ng sarili niyang mga pagsisikap. Ang tulong ay malapit, at ibinibigay sa bawat kaluluwa na tunay na nagnanais noon. Ang mga Anghel ng Dios, na nagpanhik manaog sa hagdan na nakita ni Jacob sa panaginip ay tutulong sa bawat kaluluwa na, mamamanhik hanggang sa kataas-taasang langit. MPMP 671.1