Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 49—Ang Huling mga Salita ni Josue
Ang kabanatang ito ay batay sa Josue 23 at 24.
Nang ang mga digmaan ng panlulupig ay natapos, si Josue ay lumayo tungo sa kanyang mapayapang pamamahinga sa kanyang tahanan sa Timnat-sera. “At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot...na tinawag ni Josue ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga pinuno.” MPMP 614.1
Ilang taon na ang lumipas mula nang ang bayan ay nananahan sa kanilang mga pag-aari, at makikitang bumangon ang mga datihan ding kasamaan na noon ay naghatid na ng mga kahatulan sa Israel. Nang unti-unti nang madama ni Josue ang mga kahirapan ng katandaan, at nababatid na ang kanyang paggawa ay malapit nang tumigil, siya ay napuno ng pag-aalala para sa kanyang bayan. Iyon ay higit sa pag-aalala ng isang ama na siya ay nagsalita sa kanila, samantalang minsan pa ay natipon sila sa harap ng kanilang matandang pinuno. “Inyong nakita,” wika niya, “ang lahat ng ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; sapagkat ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.” Bagaman ang mga Cananeo ay nalupig na, nasa kanila pa ring pag-aari ang malaki-laki pang bahagi ng lupain na ipinangako sa Israel, at pinagtagubilinan niya ang bayan na huwag tumigil, at makalimutan ang utos ng Panginoon na lubos na puksain ang mga bansang ito na sumasamba sa mga diyus-diyusan. MPMP 614.2
Ang bayan sa pangkalahatan ay mabagal sa pagpapalabas sa mga hindi kumikilala sa Dios. Ang mga lipi ay naghiwa-hiwalay na tungo sa kanilang mga pag-aari, ang hukbong sandatahan ay binuwag na, at tiningnan na parang isang mahirap at walang katiyakang gawain ang panibaguhin ang pakikipagdigmaan. Subalit ipinahayag ni Josue: “Itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo. Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa.” MPMP 614.3
Si Josue ay nakiusap sa bayan bilang mga saksi na samantalang sila'y sumasangayon sa mga kondisyon, ay matapat na tinupad ng Dios ang Kanyang mga pangako sa kanila. “Talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa,” wika niya, “na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.” Ipinahahayag niya sa kanila na tinupad ng Dios ang Kanyang mga pangako, gano'n din naman Kanyang tutuparin ang Kanyang mga babala. “At mangyayari na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay.... Pagka inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon,...ang galit ng Panginoon ay mag- aalab sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na Kanyang ibinigay sa inyo.” MPMP 615.1
Nililinlang ni Satanas ang marami sa pamamagitan ng tila matuwid na kaisipan na gayon na lamang kadakila ang pag-ibig ng Dios kung kaya't Kanyang babaliwalain ang kasalanan sa kanila; kanyang ipi- napahayag na bagamat ang mga babala ng Dios ay mayroong gina- gampanang layunin sa Kanyang pamamahala sa moralidad, ang mga iyon ay hindi kailan man literal na isasakatuparan. Subalit sa lahat ng Kanyang pakikitungo sa Kanyang mga nilikha, pinananatili ng Dios ang prinsipyo ng katuwiran sa pamamagitan ng pagpapahayag ng tunay na likas ng kasalanan—sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang tiyak na bunga noon ay hirap at kamatayan. Ang walang kon- disyong pagpapatawad ng kasalanan ay hindi pa kailanman nangyari at hindi kailanman mangyayari. Ang gano'ng pagpapatawad ay mag- papahayag ng pag-alis sa mga prinsipyo ng katuwiran na siyang pun- dasyon ng pamamahala ng Dios. Pupunuin noon ng panghihilakbot ang sansinukob na hindi nagkasala. Matapat na ipinahayag ng Dios ang magiging mga bunga ng kasalanan, at kung ang mga babalang ito ay hindi totoo paano tayo makatitiyak na ang Kanyang mga pangako ay mangatutupad? Ang gano'ng uri ng kabutihan na nagsa- saisang tabi sa katarungan ay hindi kabutihan, kundi kahinaan. MPMP 615.2
Ang Dios ay tagapagbigay ng buhay. Mula sa simula, ang lahat ng Kanyang mga batas ay patungkol sa buhay. Subalit ang kasalanan ay sumira sa kaayusan na itinatag ng Dios, at ang pagkakagulo ay sumunod. Hangga't mayroong kasalanan, ang paghihirap at kamatayan av hindi maiiwasan. Sa dahilan lamang na tinaglay ng Tagapagtubos ang sumpa ng kasalanan alang-alang sa atin kung kaya't ang tao ay makaaasang makatatakas, sa kanyang sariling pagkatao, sa kakila- kilabot na mga bunga noon. MPMP 615.3
Bago namatay si Josue, ang mga pinuno at mga kinatawan ng mga lipi bilang tugon sa kanyang paanyaya ay muling natipon sa Sichem. Wala nang iba pang dako sa buong lupain ang maraming kaugnay na banal na alaala sa kanilang isipan mula sa pakikipagtipan ng Dios kay Abraham at Jacob, at inaalaala rin ang sarili nilang mga solemneng pangako sa kanilang pagpasok sa Canaan. Narito ang bundok na Ebal at Gerisim, ang tahimik na mga saksi sa mga pangakong iyon sa ngayon, sa presensya ng kanilang lider na malapit nang mamatay, sila ay natipon upang iyon ay papanibaguhin. Sa bawat panig ay mayroong mga patotoo ng mga nagawa ng Dios para sa kanila; kung paanong sila ay Kanyang binigyan ng lupain na hindi nila pinagpagalan, at mga bayang hindi nila itinayo, mga ubasan at tanim na mga olibo na hindi sila ang nagtanim. Minsan pa ay isinalaysay muli ni Josue ang kasaysayan ng Israel, binabanggit ang mga kahanga- hangang ginawa ng Dios, upang ang lahat ay magkaroon ng pagkadama sa Kanyang pag-ibig at kaawaan, at maaaring makapag- lingkod sa Kanya sa “pagtatapat at katotohanan.” MPMP 616.1
Ayon sa ipinag-utos ni Josue ang kaban ay kinuha mula sa Silo. Ang okasyong iyon ay isa na may malaking kabanalan, at ang simbolong ito ng presensya ng Dios ay makapagpapalalim ng impresyon na ninanais niyang malikha sa kanyang bayan. Matapos maipahayag ang kabutihan ng Dios sa Israel, nananawagan siya sa kanila sa ngalan ni Jehova, upang pumili kung sino ang kanilang paglilingkuran. Ang pagsamba sa mga diyus-diyusan sa isang banda ay isinasagawa pa rin ng ilan, at ngayon ay sinisikap ni Josue na magkaroon ng kapasyahang makapagpapaalis ng kasalanan mula sa Israel. “Kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon,” wika niya, “piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran.” Nais ni Josue na sila ay akaying maglingkod sa Dios, hindi sa pamamagitan ng pamimilit, kundi yaong bukal sa loob. Ang pag-ibig sa Dios ang pinakapundasyon ng relihiyon. Ang makisangkot sa Kanyang gawain dahil lamang sa inaasahang gantimpala o kina- tatakutang parusa, ay walang halaga. Ang hayagang pagtalikod ay hindi higit na makasalanan sa Dios kay sa mapagkunwari at pawang pormal na pagsamba. MPMP 616.2
Nakiusap ang matandang pinuno na bigyang pansin ng bayan, sa lahat ng may kinalaman doon, na kanyang iniharap sa kanila, at magpasya kung talagang nais nilang mamuhay tulad ng mga bansang sumasamba sa diyus-diyusan. Kung tila masama ang maglingkod kay Jehova, na pinagmumulan ng kapangyarihan, ang bukal ng pagpapala, mangyaring ipasya nila sa araw na iyon kung sino ang kanilang paglilingkuran—“ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga magulang,” na mula doon si Abraham ay tinawagan, “o ang mga diyos ng mga Amorrheo, na ang lupain nila ay inyong tinatahanan.” Ang huling mga salitang ito ay mahusay na panunumbat sa Israel. Ang mga diyos ng mga Amorrheo ay hindi nakapagligtas sa mga sumasamba sa kanila. Dahil sa kanilang kasuklam-suklam at nakaba- babang mga kasalanan, ang masamang bansang iyon ay pinuksa, at ang mabuting lupain na dati'y nasa kanilang pag-aari ay ibinigay sa bayan ng Dios. Anong kahangalan para sa Israel ang piliin ang mga diyos na dahil sa pagsamba sa kanila ang mga Amorrheo ay pinuksa! “Sa ganang akin at ng aking sambahayan,” wika ni Josue, “mag- lilingkod kami sa Panginoon.” Ang gano'n ding banal na kasigasigan ang naparating sa bayan. Ang kanyang mga panawagan ay pumukaw sa walang pag-aalinlangang tugunan, “Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga diyos.” MPMP 617.1
“Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon,” wika ni Josue, “sapagkat siya'y isang banal na Dios;...hindi Niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan.” Bago magkaroon ng anumang permanenteng pagbabago, ang bayan ay kinakailangang maakay na madama ang lubos na kawalan nila ng kakayanan, sa kanilang sarili, na sumunod sa Dios. Kanilang sinalangsang ang Kanyang kautusan, hinahatulan sila noon na mga makasalanan, at iyon ay hindi nagkakaloob ng paraan upang makatakas. Samantalang sila ay nagtitiwala sa kanilang sariling lakas at katuwiran, imposible para sa kanila ang magkamit ng kapatawaran para sa kanilang mga kasalanan; hindi nila magagawang matugunan ang hinihiling ng sakdal na kautusan ng Dios, at walang kabuluhan ang sila ay mangakong maglilingkod sa Dios. Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Kristo sila maaaring magkaroon ng kapatawaran sa kasalanan, at makakatanggap ng lakas upang makasunod sa kautusan ng Dios. Kinakailangang itigil nila ang pagtitiwala sa sariling pagsisikap para sa kaligtasan, kinakailangang sila ay magtiwala ng lubos sa kabutihan ng ipinangakong Tagapagligtas, upang sila ay maging katanggap- tanggap sa Dios. MPMP 617.2
Sinikap ni Josue na akayin ang kanyang mga tagapakinig na timbangin ang kanilang mga salita, at umiwas sa mga pangakong hindi naman sila magiging handa upang tuparin. May puspos na kataimtiman ay inulit nila ang pahayag: “Hindi; kundi kami ay mag- lilingkod sa Panginoon.” May kabanalang sumasangayon sa patotoo laban sa kanilang sarili na kanilang pinili si Jehova, minsan pa ay kanilang inulit ang kanilang pangako ng katapatan: “Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang Kanyang tinig ay aming diringgin.” MPMP 618.1
“Sa gayo'y nakipagtipan si Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem.” Matapos maisulat ang tala tungkol sa banal na tipanang iyon, kanyang inilagay iyon, kasama ng aklat ng kautusan, sa piling ng kaban. At siya ay nagtayo ng isang haligi bilang isang alaala na nagsasabi, “Narito, ang batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagkat narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na Kanyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakwil ang inyong Dios. Sa gayo'y pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawat isa sa kanyang mana.” MPMP 618.2
Ang gawain ni Josue para sa Israel ay tapos na. Siya'y “sumunod na lubos sa Panginoon;” at sa aklat ng Dios ay nasusulat, “lingkod ng Panginoon.” Ang pinakamarangal na patotoo sa kanyang pagkatao bilang isang pinuno ng madla ay ang kasaysayan ng lahi na nakinabang sa kanyang mga paglilingkod: “At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue.” MPMP 618.3