Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

48/76

Kabanata 46—Ang mga Pagpapala at ang mga Sumpa

Ang kabanatang ito ay batay sa Josue 8.

Matapos isakatuparan ang hatol kay Achan, si Josue ay inutusang ihanda ang lahat ng mandirigma, at muling sumalakay sa Ai. Ang kapangyarihan ng Dios ay sumasa Kanyang bayan, at kaagad nilang nasakop ang bayan. MPMP 588.1

Ngayon ay ipinatigil ang lahat ng mga gawain ng sandatahan, upang ang buong Israel ay makilahok sa isang solemneng pagpupulong ukol sa relihiyon. Ang bayan ay sabik nang magkaroon ng matitirhan sa Canaan; sapagkat wala pa rin silang mga bahay o lupa para sa kanilang mga sambahayan, at upang magkaroon ng mga ito kinakailangang mapaalis muna nila ang mga Cananeo; subalit ang mahalagang gawaing ito ay kinakailangang ipagpaliban, alang-alang sa isang higit na mahalagang tungkulin na kinakailangang unahin. MPMP 588.2

Bago maangkin ang kanilang mana, kinakailangang panibaguhin nila ang kanilang tipan ng pagtatapat sa Dios. Sa huling mga tagubilin ni Moises dalawang beses ipinag-utos na magkaroon ng pagtitipon ang mga lipi sa mga bundok ng Ebal at Gerizim, sa Sichem, para sa solemneng pagkilala sa kautusan ng Dios. Bilang pagsunod sa mga tagubiling ito, ang buong bayan, hindi lamang ang mga lalaki, kundi pati “ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila,” ay umalis sa kanilang kampamento sa Gilgal, at nagmartsa sa lupain ng kanilang mga kaaway, tungo sa libis ng Sichem, malapit sa kalagitnaan ng lupain. Bagaman napaliligiran ng mga hindi pa nalulupig na mga kalaban, sila ay ligtas sa ilalim ng pag-iingat ng Dios habang sila ay nagtatapat sa Kanya. Ngayon, tulad noong mga araw ni Jacob, “ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila,” (Genesis 35:5) at ang mga Hebreo ay hindi ginambala. MPMP 588.3

Ang lugar na pinili para sa solemneng serbisyong ito ay isang datihan nang banal dahil sa kaugnayan nito sa kasaysayan ng kanilang mga ama. Dito si Abraham nagtayo ng unang dambana ukol kay Jehova sa lupain ng Canaan. Dito kapwa si Abraham at si Jacob ay nagtayo ng kanilang mga tolda. Dito si Jacob ay bumili ng lupa kung saan ililibing ng mga lipi ang labi ni Jose. Narito rin ang balon na hinukay ni Jacob, at ang puno ng encina kung saan inilibing ni Jacob ang mga diyus-diyusan ng kanyang sambahayan. MPMP 588.4

Ang dakong pinili ay isa sa pinakamaganda sa buong Palestina, at angkop upang maging dulaan kung saan ang malaki at makapukaw- damdamin na tagpo ay isasagawa. Ang kaibig-ibig na mga lambak, ang mga luntiang parang ng mga iyon na kinaroroonan ng mga puno ng olivo, na dinidilig ng mga sapa mula sa mga buhay na mga bukal, at napapalamutian ng ligaw na mga bulaklak, na kaakit-akit ang pagkakalat sa pagitan ng tigang na mga burol. Ang Ebal at ang Gerizim na nasa magkabilang panig ng lambak, at halos magkadikit, ang mababa nilang bahagi ay tila nag-ayos ng isang pulpito, ang bawat salitang binibigkas sa kabila ay dinig na dinig sa kabila, samantalang ang mga tabi ng kabundukan, na paibaba, ay nagbibigay ng malawak na lugar para sa isang malaking kapulungan. MPMP 589.1

Ayon sa ipinag-utos ni Moises, isang bantayog ng malalaking mga bato ang itinayo sa Bundok ng Ebal. Sa mga batong ito, na dati nang inihanda at binalot ng pamasta, ang kautusan ay isinulat—hindi lamang ang sampung utos na binanggit mula sa Sinai at iniukit sa mga tapyas ng bato, kundi pati ang mga kautusang pinarating kay Moises, at kanyang isinulat sa isang aklat. Sa tabi ng bantayog na ito ay nagtayo ng isang dambana na batong hindi tinabas, kung saan ang mga hain ay inihandog sa Panginoon. Ang katotohanan na ang dambana ay itinayo sa Bundok ng Ebal, ang bundok na kung saan ang sumpa ay inilagay, ay makahulugan, ipinababatid na dahil sa kanilang mga pagsalangsang sa kautusan ng Dios, marapat lamang na ang Israel ay Kanyang kagalitan, at iyon ay kinakailangang kaagad maparusahan, kung hindi dahil sa pagtubos ni Kristo na kinakatawanan ng dambana ng hain. MPMP 589.2

Anim sa mga lipi—na lahat ay nagmula kay Leah at kay Raquel— ay inilagay sa bundok ng Gerizim; samantalang iyong mga nagmula sa mga alilang babae kasama ang Ruben at Zebulun ay pumuwesto sa Bundok ng Ebal, ang mga saserdote na may dala sa kaban ay nasa lambak sa gitna nila. Ipinag-utos ang katahimikan sa pamamagitan ng hudyat ng pakakak; sa malalim na katahimikan, at sa presensya ng malaking kapulungang ito, si Josue, ay tumindig sa tabi ng banal na kaban at binasa ang mga pagpapalang darating sa pagsunod sa mga kautusan ng Dios. Ang lahat ng mga lipi na nasa Gerizim ay sumagot ng Amen. At kanyang binasa ang mga sumpa, at ang mga lipi na nasa Ebal sa gano'n ding paraan ay nagbigay ng pagsang-ayon, at libu- libong mga tinig ang nagkaisa na parang tinig ng isang tao sa solemneng pagsagot. Kasunod nito ay ang pagbasa ng kautusan ng Dios, kasama ang mga tuntunin at ang mga kahatulan na ibinigay kay Moises. MPMP 589.3

Tinanggap ng Israel ang kautusan mula sa bibig ng Dios sa Sinai; at ang mga banal na utos, na isinulat ng Kanyang sariling mga kamay, ay naiingatan pa rin sa kaban. Ngayon iyon ay muling isinulat kung saan iyon ay mababasa ng lahat. Ang lahat ay nagkaroon ng karapatang makita para sa kanilang mga sarili ang mga kondisyon ng tipan na sa ilalim noon ay kanilang aariin ang Canaan. Ang lahat ay kinakailangang magpahayag ng kanilang pagtanggap sa mga kondisyon ng tipan, at magbigay ng kanilang pagsang-ayon sa mga pagpapala o mga sumpa kung iyon ay susundin o kakaligtaan. Ang kautusan ay hindi lamang isinulat sa mga batong pang-alaala, iyon ay binasa ni Josue sa pakinig ng buong Israel. Marami nang mga linggo ang lumipas mula nang ibigay ni Moises ang buong aklat ng Deuteronomio sa pagpapahayag sa bayan, gano'n pa man ngayon ay muling binasa ni Josue ang kautusan. MPMP 590.1

Hindi lamang ang mga lalaki ng Israel, kundi pati “ang mga babae, at ang mga bata” ay nakinig sa pagbasa ng kautusan; sapagkat mahalaga na kanila ring malaman at isakatuparan ang kanilang tungkulin. Ipinag-utos ng Dios tungkol sa Kanyang mga tuntunin: “Inyong ilalagak itong Aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. At inyong ituturo sa inyong mga anak,...upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibinigay sa kanila, gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa.” Deuteronomio 11:18-21. MPMP 590.2

Tuwing ika-pitong taon ang buong kautusan ay kinakailangang basahin sa kapulungan ng buong Israel, ayon sa ipinag-utos ni Moises: “Sa katapusan ng bawat pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag, pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong Kanyang pipiliin, ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig. Pisanin mo ang bayan, ang mga lalaki at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pag-aralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito; at upang ang kanilang mga anak, na hindi nakakilala ay makarinig at mag-aral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.” Deuteronomio 31:10-13. MPMP 590.3

Si Satanas ay patuloy na gumagawa at sinisikap na sirain ang sinalita ng Dios, upang bulagin ang isip at diliman ang unawa, at nang sa gano'n ay maakay ang tao tungo sa kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang Dios ay gano'ng malinaw, ginagawang maliwanag ang Kanyang mga utos upang walang sino mang magkamali. Patuloy na sinisikap ng Dios na mapalapit ang tao sa ilalim ng Kanyang pag- iingat, upang hindi ni Satanas maisakatuparan ang kanyang malupit, at mapandayang kapangyarihan sa kanila. Siya ay bumaba upang magsalita sa kanila sa pamamagitan ng sarili Niyang tinig, upang isulat sa pamamagitan ng sarili Niyang kamay ang mga batas ng pamumuhay. At ang mapalad na mga salitang ito, na lahat ay pawang puno ng buhay at nagniningning sa katotohanan, ay itinagubilin sa tao bilang isang sakdal na patnubay. Sapagkat si Satanas ay handang maglayo ng isip at mag-alis ng pag-ibig sa mga pangako at mga utos ng Panginoon, higit na pagsisikap ang kailangan upang mapanatili ang mga iyon sa isip at maitanim sa puso. MPMP 593.1

Higit na panahon ang kinakailangang ipagkaloob ng mga guro ng relihiyon sa pagtuturo sa mga tao ng mga katotohanan at aral ng banal na kasaysayan at ng mga babala at kautusan ng Panginoon. Ang mga ito ay kinakailangang ihayag sa simpleng mga salita, angkop sa pag-unawa ng mga bata. Kinakailangang maging bahagi ng gawain kapwa ng mga ministro at ng mga magulang ang matiyak na ang mga kabataan ay natuturuan sa Kasulatan. MPMP 593.2

Magagawa at kinakailangang gawin ng mga magulang na akitin ang mga bata sa iba't ibang kaalaman na nasusumpungan sa banal na aklat. At kung kanilang aakitin ang kanilang mga anak na lalaki at mga babae sa salita ng Dios, kinakailangang sila rin ay naakit na noon. Kinakailangang alam nila ang mga itinuturo noon, at, gaya ng iniutos ng Dios sa Israel, magsalita tungkol doon, “pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at-pagka ikaw ay bumabangon.” Deuteronomio 11:19. Yaong mga nagnanais na ang kanilang mga anak ay umibig at gumalang sa Dios, ay kinakailangang magsalita ng tungkol sa Kanyang kabutihan, Kanyang kadakilaan, at Kanyang kapangyarihan, na nahahayag sa Kanyang salita at sa mga gawa ng paglalang. MPMP 593.3

Ang bawat kapitulo at bawat talata ng Biblia ay isang pakikipag- ugnayan sa tao mula sa Dios. Kinakailangang itali natin ang mga itinuturo noon na parang mga tanda sa ating mga kamay, at bilang mga tanda sa pagitan ng ating mga mata. Kung pag-aaralan at susundan, aakayin noon ang bayan ng Dios, kung paanong inakay ang mga Israelita, sa pamamagitan ng haliging ulap kung araw, at haliging apoy kung gabi. MPMP 594.1