Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 40—Balaam
Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Bilang 22 hanggang 24.
Sa pagbalik sa Jordan mula sa pagkalupig sa Basan, ang mga Israelita, bilang paghahanda sa madaliang paglusob sa Canaan, ay nagkampo sa tabi ng ilog, sa itaas ng daan noon tungo sa Patay na Dagat, at sa kabila lamang ng kapatagan ng Jerico. Sila ay nasa mismong hangganan ng Moab, at ang mga Moabita ay napuno ng takot dahil sa kalapitan ng mga mananalakay. MPMP 516.1
Ang mga Moabita ay hindi pa ginagambala ng mga Israelita, gano'n pa man sila ay nagmasid na may pangamba sa lahat ng naganap sa mga kalapit nilang mga bansa. Ang mga Amorrheo, kung saan sila ay napilitang umatras, ay nadaig ng mga Hebreo, at ang teritoryo na kanilang nakuha mula sa mga Moabita ay nasa pag-aari na ngayon ng mga Israelita. Ang hukbo ng Basan ay sumuko sa mahiwagang kapangyarihan na nakakubli sa haliging ulap, at ang malalaking mga tanggulan ay nasasakop na ngayon ng mga Hebreo. Ang mga Moabita ay hindi nangahas na lumusob sa kanila; ang mamanhik sa pamamagitan ng sandata ay walang pag-asa sa harap ng kahimahimalang mga ahensya na gumagawa para sa kanila. Subalit sila ay nagpasya, tulad ng naging kapasyahan ni Faraon, na isangkot ang kapangyarihan ng panggagaway upang labanan ang kapangyarihan ng Dios. Sila ay maghahatid ng isang sumpa laban sa Israel. MPMP 516.2
Malapit ang relasyon ng mga Moabita sa mga Medianita, kapwa sa pagiging mga bansa at sa relihiyon. At si Balak, hari ng mga Moabita, ay nagbangon ng pangamba sa mga kaugnay na mga bayan, at kinuha ang kanilang pakikiisa sa kanyang mga panukala sa pamamagitan ng pahayag na, “Ngayon ay hihimuran ng karamihang ito yaong lahat na nasa palibot natin, gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang.” Si Balaam na isang naninirahan sa Mesopotamia, ay naiulat na mayroong pambihirang kapangyarihan, at ang kanyang katanyagan ay nakarating sa lupain ng Moab. Ipinasyang siya ay tawagin upang tumulong sa kanila. Kaya't ang mga sugo, na mga “matanda sa Moab at ang mga matanda sa Madian”, ay sinugo upang hilingin ang mga kapangyarihan at pang-eengkanto laban sa Israel. MPMP 516.3
Ang mga sugo ay kaagad humayo sa kanilang mahabang paglalakbay sa mga kabundukan at sa kabila ng mga disyerto, hanggang sa Mesopotamia; at nang si Balaam ay masumpungan, ay pinarating nila sa kanya ang pabalita ng kanilang hari: “Narito may isang bayan na lumabas mula sa Ehipto: narito, kanilang tinatakpan ang ibabaw ng lupa, at sila'y nangakatayo laban sa akin: Parito ka ngayon, isina- samo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito; sapagkat sila'y totoong makapangyarihan kay sa akin; marahil ako'y mananaig, na aming masasaktan sila, at akin silang mapapalayas sa lupain; sapagkat talastas ko na ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama.” MPMP 517.1
Si Balaam ay dating isang mabuting lalaki at propeta ng Dios; subalit siya ay tumalikod, at ibinigay ang kanyang sarili sa pag-iim- bot; gano'n pa man siya ay nagpapanggap pa rin na isang lingkod ng kataas-taasan sa lahat. Hindi siya ignorante tungkol sa mga gawa ng Dios para sa Israel; at nang ipahayag ng mga sugo ang kanilang pakay, alam na alam niya na tungkulin niya ang tumanggi sa mga kaloob ni Balak, at pauwiin ang mga sugo. Subalit siya ay nangahas makipagsubukan sa tukso, at pinilit niyang ang mga sugo ay manati- ling kasama niya sa gabing iyon, at sinabi niyang siya ay hindi maka- pagbibigay ng isang tiyak na kasagutan hanggang hindi niya nata- tanong ang payo ng Panginoon. Alam ni Balaam na ang kanyang sumpa ay hindi makaaapekto sa Israel. Ang Dios ay nasa kanilang panig, at hanggang sila ay nagtatapat sa Kanya, ay walang anomang kalabang kapangyarihan sa lupa o sa impiyerno ang makapananaig sa kanila. Subalit ang kanyang kapalaluan ay nalangisan ng pananalita ng mga sugo na, “Ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama.” Ang suhol na mamahaling mga kaloob at posibleng pagkataas ay pumukaw sa kanyang pagkamaimbot. May buong pag-iimbot niyang tinanggap ang alok na mga kayamanan, at, samantalang nagpapanggap na mahigpit na sinusunod ang kalooban ng Dios, sinikap niyang sumang-ayon sa mga ninanasa ni Balak. MPMP 517.2
Nang kinagabihan ang anghel ng Dios ay dumating kay Balaam, na may balitang, “Huwag kang paroroong kasama nila; huwag mong susumpain ang bayan: sapagkat sila'y pinagpala.” MPMP 517.3
Kinaumagahan, ay may pag-aatubiling pinaalis ni Balaam ang mga sugo, subalit hindi niya sinabi sa kanila kung ano ang sinabi ng Panginoon. Galit sapagkat ang kanyang pangarap na pakinabang at karangalan ay biglang nawala, may init ang ulo niyang sinabi, “Yu- maon kayo sa inyong lupain: sapagkat ipinagkait ng Panginoon ang pahintulot na ako'y pumaroong kasama ninyo.” MPMP 517.4
Si Balaam ay “nag-ibig ng kabayaran ng gawang masama.” 2 Pedro 2:15. Ang kasalanan ng pagiging mapag-imbot na inihayag ng Dios na isang pagsamba sa diyus-diyusan, ang dahilan upang siya ay maging tagapaglingkod ng panahon, at sa pamamagitan ng isang kama- liang ito, si Satanas ay nagkaroon ng buong kontrol sa kanya. Ito ang dahilan ng kanyang pagkapahamak. Ang manunukso ay parating nag- hahayag ng makamundong pakinabang at karangalan upang ihiwalay ang tao sa paglilingkod sa Dios. Sinasabi niya sa kanila na ang dahilan ng kanilang hindi pag-unlad ay ang labis nilang pagkamasunurin. Kaya't marami ang naaakit magsapalarang lumabas sa landas ng ma- higpit na katapatan. Ang isang maling hakbang ay nagpapadali sa kasunod, at ang mga iyon ay naging higit at higit na malakas ang loob. May lakas ang loob na kanilang gagawin ang pinaka teribleng mga bagay minsang maipagkaloob nila ang kanilang sarili upang makontrol ng pag-iimbot at pagnanasa sa kapangyarihan. Marami ang dinadaya ang kanilang sarili na sila'y makahihiwalay muna sa mahigpit na pagtatapat sa ilang panahon, para lamang sa ilang maka- mundong kalamangan, at kapag nakamtan na ang kanilang nilalayon, ay makapagbabago sila ng landas kung kanilang nanaisin. Ang mga iyon ay ipinasisilo ang kanilang sarili sa mga patibong ni Satanas, at bihira lamang ang sila ay nakawawala. MPMP 518.1
Nang iulat ng mga sugo kay Balak ang pagtanggi ng propeta na sumama sa kanila, hindi nila inisip na siya ay binawalan ng Dios. Sa pag-aakalang ang pag-aatubili ni Balaam ay upang magkaroon ng higit pang kaloob, ang hari ay nagsugo ng mga prinsipe na mas marami ang bilang at higit na mararangal kaysa sa mga nauna, na may pangakong ibayo pang mga karangalan, at kapahintulutang sumang-ayon sa anumang kondisyon na hihilingin ni Balaam. Ang apurahang pabalita ng hari kay Balaam ay, “Isinasamo ko sa iyo, na ang ano mang bagay ay huwag mong tulutan na makaabala sa iyo sa pagparito mo sa akin: sapagkat ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan, at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko: parito ka nga, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito.” MPMP 518.2
Sa muli si Balaam ay nasubok. Bilang tugon sa pakiusap ng mga kinatawan, siya ay nagpanggap ng mahigpit na pagkamasunurin at katapatan, tinitiyak sa kanila na walang anomang halaga ng ginto o pilak ang maaaring makahimok sa kanya na lumabag sa kalooban ng Dios. Subalit nais niyang sumunod sa kahilingan ng hari; at bagaman ang kalooban ng Dios ay malinaw nang naipahayag sa kanya, pinilit niya ang mga sugo na manatili, upang muli pa siyang makapag- tanong sa Dios; na parang ang Walang Hanggan ay isang tao na maaaring pakiusapan. MPMP 519.1
Nang kinagabihan, ang Panginoon ay nagpahayag kay Balaam, at nagsabi, “Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka at bumangon ka, sumama ka sa kanila; ngunit ang salita lamang na Aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.” Hanggang doon pahihintulutan ng Panginoon si Balaam na sumunod sa sarili niyang kalooban, sapagkat siya ay disidido doon. Hindi niya sinikap tuparin ang kalooban ng Dios, sa halip ay pinili ang sarili niyang landas, at sinikap makuha ang pagsang-ayon ng Panginoon. MPMP 519.2
Mayroong libu-libo ngayon na nasa sa gano'n ding landas. Hindi sila magkakaroon ng kahirapang malaman ang kanilang tungkulin kung iyon ay katugma ng sarili nilang kinahihiligan. Iyon ay malinaw nang naiharap sa kanila sa Biblia, o malinaw nang ipinabatid ng mga pangyayari at kaisipan. Subalit sapagkat ang mga iyon ay labag sa kanilang mga ninanasa at kinahihiligan, malimit nilang isinasaisang tabi iyon, at sinasamantala nilang lumapit sa Dios upang malaman ang Kanyang kalooban. May malaki at hayagang pagkamasunurin, sila ay nananalangin ng mahaba at taimtim na dalangin para sa liwa- nag. Subalit ang Dios ay hindi nagpapaloko. Kalimitan ay pinahihin- tulutan Niya ang ganoong mga tao na sundin ang sarili nilang nasa, at pagdusahan ang bunga noon. “Ngunit hindi nakinig sa Aking tinig ang bayan Ko.... Sa gayo'y Aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso, upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.” Mga Awit 81:11, 12. Kapag nakikita ng isa ang isang tungkulin, huwag niyang akalaing makalalapit sa Dios sa dalangin upang hindi na niya isakatuparan iyon. Sa halip, ay kinakailangan niyang, may pagpapakumbaba, at masunuring espiritu, na humiling ng lakas at karunungan ng Dios upang matugunan ang mga pangangailangan noon. MPMP 519.3
Ang mga Moabita ay isang mababa at bayang mapagsamba sa mga diyus-diyusan; gano'n pa man ayon sa liwanag na kanilang natang- gap, ang kanilang kasalanan ay hindi pa lubhang malaki sa paningin ng langit kaysa sa kasalanan ni Balaam. Sapagkat siya ay nagpapanggap na propeta ng Dios, ang lahat niyang sabihin ay inaakalang sinabi dahil sa kapangyarihan ng Dios. Kaya't hindi siya dapat mag- salita nang ayon lamang sa kanyang sarili, sa halip ay maghatid ng pabalitang ibinibigay sa kanya ng Dios. “Ang salita lamang na Aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin,” ang utos ng Dios. MPMP 519.4
Si Balaam ay tumanggap ng pahintulot na sumama sa mga sugo kung sila ay darating sa umaga upang tawagin siya. Subalit sa pag- kabagot sa kanyang pag-aatubili at umaasang sila ay muling tatanggi- han, sila ay humayo na sa kanilang pag-uwi, na hindi na siya kinau- sap pa. Ang lahat ng dahilan upang sumang-ayon sa kahilingan ni Balak ay naalis na. Subalit si Balaam ay nagpasyang kamtan ang gantimpala; at pagkakuha sa hayop na kanyang sinasakyan, siya ay humayo sa kanyang paglalakbay. Siya ay nangangamba ngayon na maging ang pahintulot ng Dios ay maiurong, at siya ay may kasa- bikang sumulong, hindi mapalagay baka sa anomang dahilan ay hindi niya makamtan ang ninanasang gantimpala. MPMP 520.1
Subalit “ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinakakalaban niya.” Nakita ng hayop ang sugo ng Dios, na hindi nakikita ng lalaki, kaya't iyon ay lumihis mula sa daan tungo sa bukid. Sa pamamagitan ng malulupit na mga hampas, ay pinabalik ni Balaam ang asno sa kanyang landas; subalit sa muli, sa isang makipot na daan na sa loob ng mga pader, ang anghel ay napakita, ang hayop, sa pagsisikap na makaiwas sa gumagambalang anyo, ay naipit ang paa ng kanyang panginoon sa pader. Hindi ni Balaam nakikita ang maka- langit na paghadlang at hindi niya alam na hinaharangan ng Dios ang kanyang landas. Ang lalaki ay lubhang nayamot, at samantalang pinapalo ang hayop ng walang kahabag-habag, ay pinilit niya iyong magpatuloy. MPMP 520.2
At muli, “sa isang makipot na dako na walang daan lilikuan kahit sa kanan ni sa kaliwa,” ang anghel ay nagpakita, tulad ng sa una, sa paraang nagbabanta; at ang kawawang hayop, nanginginig sa takot, ay huminto, at nalugmok sa lupa sa ilalim ng nakasakay sa kanya. Ang galit ni Balaam ay umalpas at sa pamamagitan ng kanyang tungkod ay hinampas niya ang hayop nang mas malupit pa kaysa sa nauna. Binuksan ngayon ng Dios ang bibig niyaon, at sa pamamagi- tan ng “isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao,” Kanyang “pinigil ang kaululan ng propeta.” 2 Pedro 2:16. “Ano ang ginawa ko sa iyo,” wika niyaon, “na ako'y pinalo mo nitong makaitlo?” MPMP 520.3
Sa tindi ng galit sa gano'ng pagkahadlang sa kanyang paglalakbay, ay sinagot ni Balaam ang hayop na parang sumasagot sa isang ma- talinong nilalang—“Sapagkat tinuya mo ako: mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak, pinatay disin kita ngayon.” Narito ang isang nagpapanggap na mahiko, nasa paghayo upang sumpain ang isang bansa na ang layunin ay paralisahin ang kanilang lakas, na wala man lamang kapangyarihan na mapatay ang hayop na kanyang sina- sakyan! MPMP 521.1
Ngayon ay nabuksan ang mga mata ni Balaam, at nakita ang anghel na nakatayo na may tabak na handang pumatay sa kanya. Sa takot, “kanyang iniyukod ang kanyang ulo, at nagpatirapa.” Wika ng anghel sa kanya, “Bakit mo pinalo ang iyong asno nitong makaitlo? Narito, Ako'y naparito na pinakakalaban, sapagkat ang iyong lakad ay masama sa harap ko: at nakita ako ng asno, at lumiko sa harap ko nitong makaitlo: kundi siya lumihis sa harap ko, ay tunay na ngayon ay napatay kita, at nailigtas ang kanyang buhay.” MPMP 521.2
Utang ni Balaam ang pagkaligtas ng kanyang buhay sa kawawang hayop na malupit niyang pinakitunguhan. Ang lalaki na nag-aang- king isang propeta ng Panginoon, na nagsabing “napikit ang kanyang mga mata,” at siyang “nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,” ay binulag ng gano'n na lamang ng pagkamaimbot at hangarin, kung kaya't hindi niya makita ang anghel ng Dios na nakikita ng hayop. “Binulag ng diyos ng sanglibutang ito ang mga pag-iisip ng mga hindi nagsisisampalataya.” 2 Corinto 4:4. Ilan ang bulag sa gano'ng dahilan! Sila ay nagtutumulin sa mga ipinagbabawal na mga landas, sinasalansang ang utos ng Dios, at hindi nakikita na ang Dios at ang Kanyang mga anghel ay laban sa kanila. Tulad ni Balaam sila ay galit doon sa mga humahadlang sa kanilang kapahamakan. MPMP 521.3
Si Balaam ay nagbigay ng katibayan ng uri ng espiritu na nangu- nguna sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang pakikitungo sa hayop. “Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kanyang hayop: ngunit ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.” Kawikaan 12:10. Kakaunti ang nakababatid sa dapat nilang mabatid na pagkamaka- salanan ng kalupitan sa mga hayop o ng pag-iwan sa mga iyon upang magdusa sa pagpapabaya. Siya na lumalang sa tao ay Siya ring luma- lang sa nakabababang mga hayop, “at ang Kanyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat Niyang mga gawa.” Mga Awit 145:9. Ang mga hayop ay nilikha upang paglingkuran ang tao, subalit siya ay walang karapatan na ang mga iyon ay saktan sa pamamagitan ng kalupitan o kabagsikan. MPMP 521.4
Dahil sa kasalanan ng tao “ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan.” Roma 8:22. Kung kaya't nagka- roon ng kahirapan at kamatayan, hindi lamang sa sangkatauhan, kundi pati sa mga hayop. Tiyak, nga na nagiging marapat lamang sa tao na sikaping mabawasan, sa halip na madagdagan, ang bigat ng kahirapan na inihatid ng kanyang pagsalangsang sa mga nilikha ng Dios. Siya na magmamalupit sa mga hayop sapagkat ang mga iyon ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan, ay kapwa isang duwag at isang malupit na panginoon. Ang pananakit, ito man ay sa kapwa tao o sa mga walang isip na nilikha, ay ugali ni Satanas. Marami ang hindi nakababatid na ang kanilang kalupitan ay mahahayag, sapagkat ang mga iyon ay hindi maihahayag ng mga piping hayop. Subalit ang mga mata ng mga taong ito ay mabubuksan, tulad ni Balaam, ay makikita nila ang anghel ng Dios na nakatindig bilang saksi, na magpapatotoo laban sa kanila sa hukuman sa langit. Isang tala ang pumapanhik sa langit, at ang araw ay darating kung kailan ang hatol ay ipapataw doon sa mga nagmalupit sa mga nilikha ng Dios. MPMP 522.1
Nang kanyang makita ang sugo ng Dios, si Balaam ay sumigaw sa takot, “Ako'y nagkasala; sapagkat hindi ko nalalamang ikaw ay na- katayo sa daan laban sa akin: ngayon nga, kung inaakala mong masama, ay babalik ako uli.” Siya ay pinahintulutan ng Panginoong magpatuloy sa kanyang lakad, subalit ipinaunawa sa kanya na ang mga salita niya ay pangungunahan ng kapangyarihan ng Dios. Patutuna- yan ng Dios sa Moab na ang mga Hebreo ay nasa ilalim ng panga- ngalaga ng langit, at ito nga ang Kanyang pinatunayan ng ipakita Niya na si Balaam ay hindi man lamang makabigkas ng sumpa laban sa kanila na walang pahintulot ng Dios. MPMP 522.2
Ang hari ng Moab, nang masabihan na si Balaam ay dumarating, ay lumabas na maraming kasama sa mga hangganan ng kanyang kaharian, upang siya ay salubungin. Nang kanyang banggitin ang kanyang pagtataka sa pag-aatubili ni Balaam, sa kabila ng maraming mga kaloob ang naghihintay sa kanya, ang sagot ng propeta ay, “Narito, ako'y naparito sa iyo: mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig, yaon ang aking sasalitain.” Lubos na pinanghinayangan ni Balaam ang paghihigpit na ito; nangamba siyang hindi niya makakamtan ang kanyang hangarin, sapagkat ang nangangasiwang kapangyarihan ng Dios ay sumasa kanya. MPMP 522.3
May dakilang karilagan si Balaam ay isinama ang hari, kasama ang may matataas na tungkulin sa kanyang kaharian, sa “mga matataas na dako ni Baal,” kung saan ang hukbo ng mga Hebreo ay maaari niyang matanaw. Narito ang propeta samantalang siya ay nakatayo sa mataas na dako, natatanaw sa ibaba ang kampamento ng piniling bayan ng Dios! Hindi gaanong nalalaman ng mga Israelita ang naga- ganap sa dakong napakalapit sa kanila! Hindi nila gaanong nababatid ang pangangalaga ng Dios, na ipinaabot sa kanila sa araw at sa gabi! Kay manhid ng bayan ng Dios! Kay bagal nila, sa bawat panahon, sa pag-unawa sa Kanyang dakilang pag-ibig at kaawaan! Kung nababatid nila ang kahanga-hangang kapangyarihan ng Dios na walang patid na ginagamit para sa kanila, hindi kaya mapuno ng pagpa- pasalamat ang kanilang mga puso dahil sa Kanyang pagmamahal, at mamangha kapag naiisip ang karilagan at ang Kanyang kapangyarihan? MPMP 523.1
Si Balaam ay may ilang kaalaman tungkol sa pag-aalay ng mga Hebreo ng sakripisyo, at siya ay umasa na sa pamamagitan ng pag- bibigay ng higit na mga kaloob, ay maaari niyang makamtan ang pagpapala ng Dios, at makatiyak sa tagumpay ng kanyang ma- kasalanang proyekto. Gano'n nagkakaroon ng kontrol sa kanyang pag-iisip ang mga ninanais ng mga Moabitang hindi kumikilala sa Dios. Ang kanyang karunungan ay naging kamangmangan; ang kanyang espirituwal na paningin ay lumabo; binulag niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapailalim sa kapangyarihan ni Satanas. MPMP 523.2
Sa pag-uutos ni Balaam, pitong dambana ang itinayo, at siya ay nag-alay ng isang hain sa bawat isa noon. Matapos iyon siya ay bumukod sa isang “mataas na dako”, upang makipagtagpo sa Dios, nangangakong ipaalam kay Balak ano man ang ipahayag ng Panginoon. MPMP 523.3
Kasama ang mga maharlika at mga prinsipe ng Moab, ang hari ay tumindig sa tabi ng sakripisyo, samantalang sa paligid nila ay natipon ang nananabik na karamihan, binabantayan ang pagbalik ng propeta. Sa wakas siya ay dumating, at ang mga tao ay naghintay para sa mga salita na pangwalanghanggang magpapahina sa mahiwagang kapangyarihan na kumikilos para sa mga Israelita na kanilang kinayayamu- tan. Wika ni Balaam: MPMP 523.4
“Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balak, niyang hari sa Moab, MPMP 524.1
Mula sa mga bundok ng silangan,
Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob,
At parito ka, laitin mo ang Israel.
Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios?
At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?
Sapagkat mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya,
At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan:
Narito, sila'y isang bayang tatahang mag-isa,
At hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.
Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay maging gawa nawa ng kanya!”
MPMP 524.2
Ipinagtapat ni Balaam na siya ay nagsadya upang ang Israel ay sumpain, subalit ang mga salita na kanyang binigkas ay hindi ayon sa nilalaman ng kanyang puso. Siya ay napilitang bigkasin ang mga pagpapala, samantalang ang kanyang kaluluwa ay puno ng mga sumpa. MPMP 524.3
Samantalang tinitingnan ni Balaam ang kampamento ng Israel, nakita niya sa pagkamangha ang katibayan ng kanilang pagsagana. Sila ay ipinakilala sa kanya na mga bastos, at mga taong walang kaayusan, na nananalanta sa bansa na nakakalat na mga pulutong at isang salot at kinatatakutan ng mga kalapit na mga bansa; subalit ang nakikita sa kanila ay ang kabaliktaran ng lahat ng ito. Nakita niya ang malawak na hangganan at ganap na kaayusan ng kanilang kampamento, ang lahat ay nagtataglay ng tanda ng pagkakaroon ng di- siplina at kaayusan. Ipinakita sa kanya ang malmgod na pakikitungo ng Dios sa Israel, at ang kanilang katangian bilang kanyang piniling bayan. Sila ay hindi titindig na kapantay ng ibang mga bansa, sa halip ay matatanyag na higit sa kanilang lahat. “Siya'y isang bayang tatahang mag-isa, at hindi ibibilang sa gitna ng mga bansa.” Noong ang mga salitang ito ay bigkasin, ang mga Israelita ay wala pang permanenteng tirahan, at ang kanilang natatanging likas ang kani- lang mga kilos at ang kanilang mga ugali, ay hindi pa alam ni Balaam. Subalit gano'n na lamang ang naging katuparan ng hulang ito sa naging kasaysayan ng Israel! Sa lahat ng mga taon ng kanilang pagkabihag, sa lahat ng mga taon mula ng sila ay mangalat sa mga bansa, sila ay nanatiling isang natatanging mga tao. Gano'n din na- man ang bayan ng Dios—ang tunay na Israel—bagaman nakakalat sa lahat ng mga bansa, ay pawang mga manlalakbay sa lupa, na ang pagkamamayan ay sa langit. MPMP 524.4
Hindi lamang ipinakita kay Balaam ang kasaysayan ng bayan ng Dios, nakita rin niya ang paglago at pag-unlad ng tunay na Israel ng Dios hanggang sa wakas ng kasaysayan. Nakita niya ang natatanging pakikitungo ng Kataas-taasan doon sa mga umiibig at may pagkatakot sa Kanya. Nakita niya silang inaalalayan ng Kanyang bisig samantalang sila ay pumapasok sa madilim na libis ng lilim ng kamatayan. At nakita niya silang bumabangon mula sa libingan, may putong ng kaluwalhatian, karangalan, at buhay na walang hanggan. Nakita niya ang mga tinubos na nagagalak sa hindi kumukupas na kaluwalhatian ng bagong lupa. Samantalang pinagmamasdan ang pangitain, ay kanyang sinabi, “Sinong makabibilang ng alabok ni Jacob, o ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?” At nakita niya ang korona ng kaluwalhatian sa bawat kilay, ang kagalakang nagniningning sa bawat isa, at nakita ang hinaharap na walang hanggang buhay na may dalisay na kaligayahan, at wika niya sa isang taimtim na dalangin, “Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid, at ang aking wakas ay maging gaya nawa ng kanya!” MPMP 525.1
Kung si Balaam lamang ay nagkaroon ng disposisyon na tanggapin ang liwanag na ipinagkaloob ng Dios, siya sana ay naging tapat sa kanyang mga salita; kaagad niya sanang pinutol ang lahat niyang kaugnayan sa Moab. Hindi na sana niya binaliwala ang kaawaan ng Dios, sa halip ay nanumbalik sa kanya ng may taimtim na pagsisisi. Subalit inibig ni Balaam ang kabayaran ng kasalanan, at ito ang ipinagpasya niyang makamtan. MPMP 525.2
Si Balak ay lubos na umasang isang sumpa ang mahuhulog sa Israel na parang pampabulok; at sa mga salita ng propeta ay may galit niyang sinabi, “Anong ginawa mo sa akin? Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking kaaway, at narito, iyong pinagpala silang totoo.” Upang makapag dahilan sa nangyari, si Balaam ay nagkunwaring nagsalita ayon sa sinasadyang pagpapahalaga sa kaloo- ban ng Dios na inilagay ng kapangyarihan ng Dios sa kanyang mga labi. Ang kanyang sagot ay, “Hindi ba nararapat na aking pag-inga- tang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?” MPMP 525.3
Si Balak rin ay hindi na ngayon makatalikod sa kanyang hangarin. Inisip niya na ang marilag na tanawing inihahayag ng malawak na kampamento ng mga Hebreo, ang nakagulat kay Balaam kung kaya't hindi niya nagawang manghula ng masama laban sa kanila. Ipinasya ng hari na si Balaam ay dalhin sa isang lugar na kung saan ang maliit na bahagi lamang ng kampamento ang makikita. Kung si Balaam ay mahihimok na sumpain sila sa maliit na bahagi, pagdaka ang buong kampamento ay mahuhulog sa kapahamakan. Sa itaas ng isang dako na kung tawagin ay Pisga, isa pang muling pagsubok ang naganap. Pitong mga altar muli ang itinayo, kung saan ang mga handog tulad sa nauna ay inilagay. Ang hari at ang kanyang mga prinsipe ay nai- wan sa tabi ng mga hain, samantalang si Balaam ay humiwalay upang makipagtagpo sa Dios. At muli ang propeta ay pinagkalooban ng isang pabalitang mula sa Dios na hindi niya maaaring baguhin o kimkimin. MPMP 526.1
Nang siya ay magpakita sa mga nananabik, at naghihintay na pulu- tong, siya ay tinanong, “Anong sinalita ng Panginoon?” Ang sagot, tulad ng nauna, ay naghatid ng takot sa puso ng hari at ng mga prinsipe: MPMP 526.2
“Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi:
Sinabi ba Niya at hindi Niya gagawin?
O sinalita ba Niya, at hindi Niya isasagawa?
Narito, Ako'y tumanggap ng utos na magpala:
At Kanyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
Wala Siyang nakitang kasamaan sa Jacob.
Ni wala Siyang nakitang kasamaan sa Israel:
Ang Panginoon niyang Dios ay sumasakanya,
At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.”
MPMP 526.3
Sa pagkamangha sa mga pagpapahayag na ito, si Balaam ay nagsa- bi, “Tunay na walang engkanto laban sa Jacob; ni panghuhula laban sa Israel.” Sinubukan ng dakilang mahiko ang kanyang kapangyarihan sa pang-eengkanto, ayon sa ninanais ng mga Moabita; subalit tungkol sa pangyayaring ito ay masasabi sa Israel, “Anong ginawa ng Dios!” Samantalang sila ay nasa ilalim ng pag-iingat ng Dios, walang sinumang tao o bansa, kahit na tinutulungan ng kapangyarihan ni Satanas, ang maaaring makapanaig laban sa kanila. Ang buong daigdig ay hahanga sa kamangha-manghang mga gawa ng Dios para sa Kanyang bayan, na ang isang taong determinado sa pagsasakatuparan ng isang makasalanang gawain, ay mapasa ilalim ng kapangyarihan ng Dios upang magsalita, sa halip ng mga sumpa, ay ng pinakamaya- man at pinakamahalagang mga pangako, sa wika ng pinakamahusay at pinaka taimtim na tula. At ang kaluguran ng Dios sa panahong ito na ipinahayag sa Israel, ay magiging isang katiyakan ng Kanyang nag-iingat na pangangalaga sa Kanyang mga masunurin at mga tapat na anak sa lahat ng kapanahunan. Kung ang masasamang tao ay kikilusin ni Satanas upang magsabi ng hindi totoo, manakit at manira sa bayan ng Dios, ang pangyayaring ito ay ipapaalaala sa kanila, at magpapalakas ng kanilang katapangan at ng kanilang pananampalataya sa Dios. MPMP 526.4
Ang hari ng Moab, nasiraan ng loob at nababahala, ay nagwika, “Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.” Gano'n pa man ay may nalalabi pang maliit na pag-asa sa kanyang puso, at ipinasya niyang sumubok pang muli. Ngayon ay isinama niya si Balaam sa bundok ng Peor, kung saan mayroong templong nakatala- ga sa malaswang pagsamba kay Baal, na kanilang diyos. Dito ay nagtayo muli ng mga altar na sindami ng itinayo sa dati, at gano'n din karaming hain ang inihandog; subali't si Balaam ay hindi na humiwalay na nag-iisa, tulad ng dati, upang alamin ang kalooban ng Dios, hindi siya nagpanggap ng pang-eengkanto, sa halip ay samantalang nakatayo sa piling ng dambana, siya ay tumingin sa malayo, sa mga tolda ni Israel. At muli ang espiritu ng Dios ay suma kanya, at ang balitang mula sa Dios ay lumabas mula sa kanyang mga labi: MPMP 529.1
“Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob,
Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!
Gaya ng mga libis na nalalatag, gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog,
Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon, gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig.
Tubig ay aagos mula sa kanyang pang-igib, at ang kanyang binhi ay matatag sa maraming tubig,
At ang kanyang Hari ay tataas ng higit kay Agag, at ang kanyang kaharian ay mababantog....
MPMP 529.2
Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon, at parang isang leong ba bae; sinong gigising sa kanya?
Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo, at sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo.”
MPMP 530.1
Ang pag-unlad ng bayan ng Dios ay inihahayag dito ng ilan sa pinakamagandang paglalarawan na maaaring masumpungan sa kali- kasan. Ang Israel ay inihalintulad ng propeta sa mayamang mga libis na puno ng masaganang mga ani; matabang mga halamanan na napa- tutubigan ng mga bukal na hindi natutuyuan; mga mabangong pu- nong-kahoy at matataas na mga sedro. Ang paglalarawan na huling nabanggit ang may pinakamaganda at pinakaangkop na masusumpu- ngan sa Banal na Kasulatan. Ang sedro ng Libano ay pinararangalan ng lahat ng mga tao sa Silangan. Ang uri ng mga punong kahoy na kinabibilangan noon ay nasusumpungan sa lahat ng dakong narara- ting ng tao. Mula sa mga rehiyong arctica hanggang sa mga dakong tropico sila ay lumalago, nagagalak sa initan, gano'n pa man ay mata- pang na humaharap sa kalamigan; sumisibol sa mga kayamanan ng mga tabi ng ilog, at nagtataasan sa mga tuyo at uhaw na mga ilang. Ibinabaon nila ang kanilang mga ugat sa ilalim na batuhan ng mga bundok, at lantarang tumitindig laban sa bagyo. Ang kanilang mga dahon ay sariwa at luntian samantalang ang lahat ay nangalagas na sa paghihip ng taglamig. Higit sa lahat ng mga punong-kahoy ang sedro ng Libano ay naiiba dahil sa lakas, katigasan, at katagalang mabulok; at ito ay ginagamit na simbolo noong ang buhay ay “nata- tagong kasama ni Kristo sa Dios.” Colosas 3:3. Wika ng Kasulatan, “Ang matuwid ay...tutubo na parang sedro.” Mga Awit 92:12. Ang sedro ay ilang ulit na ginamit bilang simbolo ng pagkamakahari sa kagubatan. “Ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kanyang mga sanga” (Ezekiel 31:8); ni may anumang punong-kahoy sa halamanan ng Dios. Ang sedro ay paulit-ulit na sinasabi na ito ay sagisag ng malahari, at ang paggamit nito sa Banal na Kasulatan upang kumata- wan sa mga matuwid ay nagpapakita ng kung paanong kinikilala ng Langit yaong mga tumutupad sa kalooban ng Dios. MPMP 530.2
Inihula ni Balaam na ang hari ng Israel ay magiging higit na dakila at makapangyarihan kaysa kay Agag. Ito ang pangalan na ibinigay sa mga hari ng mga Amalekita, na sa mga panahong iyon ay isang lubhang makapangyarihang bansa; subalit ang Israel, kung magiging tapat sa Dios, ay makadadaig sa lahat niyang mga kalaban. Ang hari ng Israel ay ang Anak ng Dios; at ang Kanyang luklukan balang araw ay itatatag sa lupa, at ang Kanyang kapangyarihan ay itataas sa lahat ng mga kapangyarihan sa lupa. MPMP 530.3
Samantalang kanyang pinakikinggan ang mga salita ng propeta, si Balak ay nadaig ng nabigong pag-asa, ng takot at ng galit. Siya ay galit sapagkat dapat sana ay binigyan man lamang siya ni Balaam ng isang pahayag na nakapagpasigla, nang ang lahat ay nakatalagang laban sa kanya. Minura niya ang mapangahas at madayang gawain ng propeta. May galit na sinabi ng hari, “Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; ngunit, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan.” Ang sagot ay ang babalang ibinigay sa hari na si Balaam ay makapagsasali- ta lamang ng pahayag na ibinigay sa kanya mula sa Dios. MPMP 531.1
Bago umuwi sa kanyang bayan, si Balaam ay bumigkas ng pinakama- ganda at pinakadalisay na hula tungkol sa Tagapagtubos ng sanlibu- tan, at sa huling pagkapahamak ng mga kaaway ng Dios: MPMP 531.2
“Aking makikita Siya, ngunit hindi ngayon: aking mapagmamasdan Siya, ngunit hindi malapit:
Lalabas ang isang bituin sa Jacob, at may isang Setro na lilitaw sa Israel,
At sasaktan ang mga sulok ng Moab, at lilipulin ang lahat ng mga anak ng Kaguluhan.”
MPMP 531.3
At siya ay nagtapos sa pagpapahayag ng ganap na pagkawasak ng Moab at ng Edom, ng Amalek at ng mga Kenita, kaya't nag-iiwan ng walang anumang sinag ng pag-asa. MPMP 531.4
Bigo sa kanyang inasahang kayamanan at pagkataas, dahil sa hindi pagkalugod ng hari, at batid na siya ay nakagawa ng ikagagalit ng Dios, si Balaam ay umuwi mula sa kanyang sariling piniling misyon. Nang siya ay makarating sa kanyang tahanan, ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na kumilos sa kanya ay umalis, at ang kanyang kasakiman, na pangsamantalang napigilan, ang siyang nangibabaw. Siya ay handa na upang gawin ang anumang paraan makamtan lamang ang gantimpalang ipinangako ni Balak. Alam ni Balaam na ang pag-unlad ng Israel ay nakasalalay sa kanilang pagiging masunurin sa Dios, at walang ano mang paraan upang sila ay mapabagsak liban lamang sa ang sila ay maakit sa paggawa ng kasalanan. Kanya ngayong ipinasya na kamtan ang kaluguran ni Balak sa pamamagitan ng pag- papayo sa mga Moabita sa panukala na kanilang isasagawa upang makapaghatid ng sumpa laban sa Israel. MPMP 531.5
Kaagad siyang bumalik sa lupain ng Moab, at iniharap ang kanyang mga panukala sa hari. Ang mga Moabita mismo ay naniwala na samantalang ang Israel ay nananatiling tapat sa Dios, Siya ay magiging kanilang pananggalang. Ang panukalang iminungkahi ni Balaam ay ang sila ay ihiwalay mula sa Dios sa pamamagitan ng pag- akay sa kanila sa pagsamba sa diyus-diyusan. Kung sila ay mahi- himok makilahok sa malaswang pagsamba kay Baal at kay Astarot, ang kanilang Makapangyarihan sa lahat na Tagapagtanggol ay magiging kanilang kalaban, at pagdaka sila ay mangahuhulog na mga huli ng mababangis, at mapagdigmang mga bansa sa palibot nila. Ang panukalang ito ay kaagad tinanggap ng hari, at si Balaam ay nanatili upang tumulong sa pagsasakatuparan noon. MPMP 532.1
Nasaksihan ni Balaam ang pagtatagumpay ng kanyang maypagka demonyong panukala. Nakita niya ang sumpa ng Dios na sumapit sa Kanyang bayan, at libu-libo ang nangahuhulog sa Kanyang mga hatol; subalit ang katarungan ng Dios na nagparusa sa kasalanan sa Israel, ay hindi nagpahintulot na malampasan ang mga manunukso upang makatakas. Sa pakikipagdigma ng Israel laban sa mga Medianita, si Balaam ay napatay. Nakadama siya ng pangamba na ang kanyang sariling kawakasan ay malapit na nang kanyang sabihin, “Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid, at ang aking wakas ay maging gaya nawa ng kanya.” Subalit hindi niya pinili ang mamu- hay ng buhay ng matuwid, at ang kanyang wakas ay nakitakda na kabilang ng mga kaaway ng Dios. MPMP 532.2
Ang wakas ni Balaam ay tulad sa naging wakas ni Judas, at ang kanilang pakatao ay mayroong pagkapareho. Kapwa ang dalawang ito ay sinikap pagsamahin ang paglilingkod sa Dios at sa sarili, at kapwa sila nabigo. Kinilala ni Balaam ang tunay na Dios, at nag- angking naglilingkod sa kanya; si Judas ay naniwala kay Jesus bilang Siyang Mesias, at nakiisa sa kanyang mga tagasunod. Subalit si Balaam ay umasang gawing tuntungan ang paglilingkod sa Dios sa pagkakaroon ng kayamanan at makamundong karangalan; at sa pag- kabigo dito, siya ay nabuwal, nahulog, at nabasag. Si Judas ay umasa na sa kanyang pakikiisa kay Jesus ay magkakaroon ng kayamanan at pagkataas sa makamundong kaharian na sa kanyang paniniwala, ay itatag ng Mesias. Ang pagkabigo sa kanyang inaasahan ang nag-akay sa kanyang pagtalikod at pagkapahamak. Kapwa si Balaam at sa Judas ay nakatanggap ng dakilang liwanag at nagkaroon ng natatanging mga karapatan, subalit ang isang inibig na kasalanan ang lumason sa buong pagkatao, at naging sanhi ng kapahamakan. MPMP 532.3
Isang lubhang mapanganib na bagay ang magpahintulot sa isang hindi Kristianong ugali na manirahan sa puso. Ang isang kasalanang inibig ay, unti-unting, magbababa sa pagkatao, pinasusuko ang lahat ng higit na marangal na mga kapangyarihan upang sumuko sa masa- mang nasa. Ang pag-aalis ng isang panggalang ng konsiyensia, ang pagpapahintulot sa isang masamang gawain, isang pagpapabaya sa mataas na pagtawag ng tungkulin, ay nakasisira sa mga pananggalang ng kaluluwa, at nagbibigay ng daan upang si Satanas ay makapasok at tayo ay mailigaw. Ang tanging ligtas na landas ay ang araw-araw na pagpapailanlang ng ating mga dalangin mula sa isang taimtim na puso, tulad ng ginawa ni David, “Panatilihin ang aking mga hakbang sa iyong mga landas, upang ang aking mga paa ay hindi mangadu- las.” Mga Awit 17:5. MPMP 533.1