Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

40/76

Kabanata 38—Paglalakbay sa Palibot ng Edom

Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Bilang 20:14-29; 21:1-9.

Ang kampamento ng Israel sa Cades ay maikling lakbayin lamang mula sa hangganan ng Edom, at si Moises at ang bayan ay higit na ninais na sundan ang lakbayin sa daan ng bayang ito sa Pangakong Lupain, at sa gayon nagpadala sila ng pasabi, gaya ng utos sa kanila ng Dios, sa hari ng Edom— MPMP 498.1

“Kaya sabi ng kapatid mong Israel, nalalaman mong lahat ang kahirapan na nangyari sa amin, kung paanong ang aming mga ama ay naparoon sa Ehipto, at kami'y nanahan sa Ehipto nang maraming panahon at kami'y inapi ng mga Ehipcio; at ng kami'y dumaing sa Panginoon at kami'y dininig at nagsugo ng Anghel, at kami'y inila- bas sa Ehipto, at narito kami'y nasa Cades, isang lungsod sa kadulu- duluhan ng hangganan: paraanin mo kami, isinasamo ko sa iyo, paraanin mo kami sa iyong bayan; hindi kami dadaan sa iyong mga bukid o sa mga ubasan, ni kami'y iinom ng tubig sa iyong mga balon, kami'y dadaan sa daan ng hari, hindi kami liliko sa kanan o sa kaliwa, hanggang sa makaraan kami sa iyong mga hangganan.” MPMP 498.2

Sa ganitong mapitagang pakiusap, isang nagbabalang pag-ayaw ang ibinalik: “Hindi kayo dadaan sa akin, baka ako ay lumabas na laban sa inyo na may tabak.” MPMP 498.3

Sa pagkabigla sa ganitong katugunan, ang mga lider ng Israel ay nagpadala ng ikalawang pakiusap sa hari na may pangako, “Kami'y dadaan sa mataas na daanan, at kung ako at ang aking mga hayop ay uminom ng iyong tubig, ako'y magbabayad para doon: ito lamang, na walang gagawing anuman, idadaan lamang namin ang aming mga paa.” MPMP 498.4

“Hindi kayo makararaan,” ang sagot. Mga sandatahang mga Edomita ang mga nakahanay sa mahirap na mga daanan, kaya't anu- mang payapang pagsulong sa daraanan ay hindi mangyayari, at ang mga Hebreo ay hindi tinutulutang gumamit ng lakas. Kailangang maglakbay sila ng paikot sa lupain ng Edom. MPMP 498.5

Kung ang bayan, nang dumating sa pagsubok, ay lumapit sa Dios, ang Kapitan ng Hukbo ng Panginoon ay maaring sila'y pinatnuba- yan sa paglalakbay sa Edom, at ang pagkatakot ay sasa mga nanana- han sa Edom, na anupa't sa halip na pagkakait ay kagandahang loob ang ipakilata sa kanila. Ngunit ang mga Israelita ay hindi kaagad sumunod sa salita ng Dios, at samantalang sila ay may mga reklamo at bulung-bulong, ay lumipas ang pagkakataong yaon. Kaya't noong kanilang iharap ang pakiusap sa hari, sila'y tinanggihan. Mula nang iwanan nila ang Ehipto si Satanas ay gumagawa ng mga hadlang at tukso sa daan upang huwag nilang manahin ang Canaan. Sa kanilang kawalan ng pananampalataya ay paulit-ulit nilang binuksan ang pinto sa kaaway para labanan ang panukala ng Dios. MPMP 498.6

Mahalagang paniwalaan ang Salita ng Dios at kumilos na madalian, samantalang ang mga anghel ng Dios ay naghihintay na gumawa para sa atin. Ang mga masamang anghel ay handang labanan ang pagsulong natin. At kung panahon nang sabihin ng Dios na lumayo at sumulong ang Kanyang mga anak, kung handa ang Dios na gumawa ng dakilang bagay para sa kanila, si Satanas ay handang sila'y tuksuhin upang mag-atubili ang Kanyang mga anak at magkaroon ng pagkabalam; maghahasik siya (si Satanas) ng espiritu ng paglaban at reklamo at kawalan ng pananampalataya na anupa't mawawala sa kanila ang pagpapala ng Dios. Ang mga lingkod ng Dios ay mada- liang kumikilos sa lahat ng pagkakataon. Anumang pagpapaliban ay nagbibigay daan kay Satanas na gumawa para sila ay magapi. MPMP 499.1

Sa mga utos na ibinigay kay Moises sa kanilang pagdaan sa landas ng Edom pagkatapos na maipahayag na ang mga Edomita ay dapat matakot sa Israel, pinagbawalan ng Panginoon na gamitin ang kala- mangang ito laban sa kanila. Sapagkat ang kapangyarihan ng Dios ay inilaan para sa Israel, at ang pagkatakot ng mga Edomita ay magbibigay ng kalamangan sa kanila, ang mga Hebreo ay hindi dapat samantalahin ito. Ang utos na ibinigay, “Tandaan nga ninyo sa inyong sarili: huwag kayong makisama sa kanila; sapagkat hindi Ko ibibigay ang kanilang lupa sa inyo, oo ni isang talampakan man; sapagkat ibinigay Ko ang Bundok ng Seir kay Esau na pinakamana.” Deuteronomio 2:4, 5. Ang mga Edomita ay lahi ni Abraham at ni Isaac, alang-alang sa mga ito na lingkod ng Dios, pinagpakitaan ng kagandahang-loob ang mga anak ni Esau. Pinagkaloob sa kanila ang Bundok ng Seir upang ariin, at hindi sila dapat gambalain maliban sa kanilang kasalanan na ibibigay nila ang kanilang sarili sa Kanyang kahabagan. Ang mga Hebreo ay lilipol sa nananahan sa Canaan, na kanilang pinuno ng sukat ng kasalanan ang kanilang sisidlan; ngunit ang mga Edomita ay binigyan pa ng palugit at sa gayon ay binibig- yan pa ng kahabagan ng Dios. Nalulugod ang Dios sa kahabagan, at ipinapakita Niya ang Kanyang kahabagan bago Niya ibigay ang Kanyang mga kahatulan. Itinuturo Niyang huwag saktan ang mga Edomita, bago sila pahintulutang puksain ang mga nananahan sa Canaan. MPMP 499.2

Ang mga ninuno ng mga Edomita at Israel ay magkakapatid kung kaya't sila'y dapat magtinginang magkapatid at pagpipitaganan. Pinag- babawalan ang mga Israelita na huwag paghigantihan ang hindi pag- papapasok sa kanila, sa anumang panahon hindi nila dapat naisin na magkaroon ng anumang bahagi ng lupain ng mga Edomita. Samantalang ang mga Israelita ay hinirang na bayan ng Dios, kailangan nilang sundin ang pagbabawal ng Dios na tinukoy sa kanila. Pina- ngakuan sila ng Dios ng mabuting mana; ngunit huwag nilang isi- ping sila lamang ang may gano'ng karapatan, at paalisin ang iba. Pinagsabihan silang huwag aapihin ang mga Edomita. Sila'y maaring makipagkalakalan sa kanila, na binibili ang kailangang bilhin at ang mga ito'y babayaran. Bilang pag-udyok sa kanila na magtiwala sa Dios at sundin ang Kanyang salita ay pinaaalahanan sila, “Pinagpala ka ng Panginoon mong Dios,... ikaw ay di kinulang ng anoman.” Deuteronomio 2:7. Hindi sila aasa sa mga Edomita, sapagkat may- roon silang mayamang Dios sa lahat ng pagkukunan. Hindi nila dadaanin sa lakas o pagdaraya ang anumang kailangan nila, ngunit sa lahat ng kanilang pakikitungo ay gaganapin ang alituntunin ng Banal na Kautusan, “Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” MPMP 500.1

Kung sa ganitong paraan sila nagdaan sa Edom, gaya ng pinanu- kala ng Dios, ang pagdaang yaon ay naging pagpapala, hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa mga nananahan sa lupang iyon; magbibi- gay sana sa kanila ng pagkakataon na makilala ang bayan ng Dios at ang Kanyang pagsamba at sumaksi kung paanong ang Dios ni Jacob ay pinagpala ang mga umiibig at natatakot sa Kanya. Ngunit sa lahat ng ito'y ang ang kawalan ng pananampalataya ng Israel ang nakapi- gil. Binigyan sila ng tubig ng Dios sa kanilang kahilingan, ngunit ang kawalan ng pananampalataya ang gumawa ng kaparusahan. Kailangang sila'y maglakbay sa disyerto at paririn ang kanilang kauhawan sa mahiwagang bukal, na kung sila lamang ay nagtiwala sa Kanya ay hindi na kinakailangan na ito'y gawin pa. MPMP 500.2

Muli ang karamihan ng Israelita ay tumungo sa hilaga ng maru- ruming dako na lalong dumidilim kung ihahambing sa dinaanan nilang mga berdeng mga burol at libis ng Edom. Mula sa kabundu- kan na nasisilayan ang disyerto naroon ang pagtaas ng Bundok ng Hor na ang tuktok ay siyang kinamatayan at pinaglibingan kay Aaron. Nang dumating ang mga Israelita sa Bundok, ay ibinigay ang banal na utos kay Moises— MPMP 501.1

“Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kanyang anak at dalhin sa Bundok ng Hor: alisan si Aaron ng kanyang kasuotan, at isuot kay Eleazar na kanyang anak: at si Aaron ay matitipon sa kanyang bayan at mamamatay roon.” MPMP 501.2

Magkasama ang dalawang matandang ito at ang bata-bata ay umak- yat sa kaitaasan ng bundok. Ang mga ulo ni Moises at Aaron ay pumuti sa yelo ng 120 taong tag-lamig. Ang mahaba nilang buhay ay nagdanas ng malalim na pagsubok at dakilang karangalan na ukol sa tao. Sila'y mga lalaking may katutubong kakayahan at lahat ng ka- pangyarihan ay napaunlad, nataas at kinilala sa pakikipag-usap sa Dios. Ang kanilang buhay ay ginugol sa walang kasakimang pagli- lingkod sa Dios at sa tao. Ang kanilang kaanyuan ay dakilang ka- pangyarihan ng isipan, katatagan at maginoong panukala at dakilang kaluguran. MPMP 501.3

Maraming taong si Moises at Aaron ay tumayong magkasama sa kanilang hangarin at pagpapagal. Nasuong silang magkasama sa hindi mabilang na panganib at magkabahagi sa pagpapala ng Dios, ngunit dumating ang oras na dapat silang magkahiwalay. Sila'y mara- hang lumakad, sapagkat bawat sandali sa kanilang pagsasama ay ma- halaga. Ang pag-akyat ay matarik at nakapapagod, at sa kanilang pagpapahinga, pinag-usapan nila ang nakaraan at ang darating. Sa kanilang harapan, sa abot ng makikita ay nakalahad ang larawan ng kanilang paglalakbay. Sa kapatagan ay naroon ang mga Israelita na pinagpagalan ng pinakamabuting bahagi ng kanilang buhay, na may pagsasakit na kanilang pinaglingkuran. Sa kabila pa roon ng mga bundok ng Edom ay ang landas na patungo sa Lupang Pangako— lupaing ang pagpapala'y hindi na makakamtan ni Aaron at Moises. Walang diwa ng paglaban ang nasumpungan sa kanilang mga puso, walang anumang reklamo ang namutawi sa kanilang mga labi. Ngunit may kalungkutang napasa kanila samantalang naalaala nila ang nag- sara sa kanila sa mana ng kanilang ninuno. MPMP 501.4

Nagampanan na ni Aaron ang kanyang gawain sa Israel. Apatna- pung taon ang nakararaan sa gulang na walumpu't tatlo, tinawag ng Dios si Aaron upang makasama ni Moises sa dakila at mahalagang gawain. Nakisama siya sa kanyang kapatid sa pag-akay sa bayang Israel sa paglabas sa Ehipto. Itinaas niya ang kamay ni Moises nang ito ay makipaglaban kay Amalec. Siya'y pinayagang umakyat sa Bundok ng Sinai upang makita ang Dios, at makita ang kaluwalha- tian. Ibinigay ng Dios sa sambahayan ni Aaron ang pagka-saserdote. At pinarangalan siya sa banal na pagtatalaga bilang mataas na saser- dote. Pinalakas siya sa banal na kahatulan sa pagwasak kay Core at mga kasama. Sa pamamagitan ni Aaron natigil ang salot. Nang ang dalawang anak niya'y namatay sa paglabag ay hindi siya naghinanakit at nagrebelde ni nagreklamo. Nguni't ang kasaysayan ng kanyang marangal na buhay ay nadungisan. Nagkasala siya ng mabigat nang nagpadala siya sa mga Israelita sa paggawa ng guyang ginto, sa Sinai at ng pagkampi kay Miriam sa inggit kay Moises, at nilapastangan ang Dios sa Cades sa pagpalo sa bato upang magbigay ng tubig. MPMP 502.1

Pinanukala ng Dios na ang mga dakilang lider ng Kanyang bayan ay ang mga kinatawan ni Kristo. Dala ni Aaron ang pangalan ng Israel sa kanyang dibdib. Kanyang pinaabot sa mga tao ang kalooban ng Dios. Siya'y pumasok sa kabanal-banalang dako sa araw ng pagtu- bos, “Hindi walang dugo,” bilang isang tagapamagitan sa buong Israel. Siya'y nanggaling sa gawain upang pagpalain ang kapulungan, gaya ng pagparito ni Kristo upang pagpalain ang bayang naghihintay kung ang gawain ng pagtubos ay maganap na. Ito ang mataas na uri ng tungkulin ng banal na tanggapan bilang kinatawan ng dakilang Mataas na Saserdote. Ang tungkulin niya sa Cades ay malawak. MPMP 502.2

May kalungkutang hinubad ni Moises ang banal na kasuotan ni Aaron at isinuot kay Eleazar. At si Eleazar ang naging kahalili ni Aaron sa banal na pagtatalaga. Dahil sa kasalanan ni Aaron sa Cades, ipinagkait kay Aaron ang maglingkod na mataas na saserdote ng Dios sa Canaan—na paghahandog ng unang sakripisyo sa matabang lupa, at pagtatalaga sa mana ng Israel. Patuloy na pinasan ni Moises ang pagpatnubay sa Israel sa hangganan ng Canaan. Makararating siya sa pagtanaw lamang sa ipinangakong lupain ngunit hindi maka- papasok doon. Kung ang mga lingkod na ito ng Dios, kung samantalang sila'y nakatayo sa bato sa Cades ay ginampanang walang pagsa- lansang ang pagsubok na ibinigay sa kanila, gaano nga kakaiba ang kanilang hinaharap! Ang isang maling hakbang ay hindi na maibaba- lik pa. Ang gawaing buong panahon ay hindi na mababawi pa ang pagkakamali dahil sa hindi pagpipigil o kawalang isip. MPMP 502.3

Ang pagkawala sa kampamento ng dalawang lider at ang pagsama sa kanila ni Eleazar na alam ng marami, na siyang magiging kahalili ni Aaron sa banal na tungkulin, ay nag-iwan ng pag-aalaala at ang kanilang pagbabalik ay hinihintay. Samantalang ang mga Israelita ay minamasdan ang malaking karamihan, kanilang napansin na lahat ng mga may gulang na umalis patungo sa ilang ay wala ng nakabalik pa. Ang lahat ay naalaala sa kasamaang mangyayari dahil sa hatol na naibigay na kina Moises at Aaron. Ang iba'y nakaalam ng layunin ng mahiwagang paglalakbay na yaon sa tuktok ng Bundok Hor, at ito'y nagdalang kalungkutan sa kanila sa pagsisi sa kanilang sarili. MPMP 503.1

Walang kaginsa-ginsa'y namalas nila ang pagbaba nila Moises at Eleazar ngunit hindi kasama si Aaron. Nakasuot kay Eleazar ang damit ng saserdote na nagpapakilalang siya ang kahalili ng kanyang amang si Aaron. At samantalang nagkatipon sa harap ni Moises ang lahat, isinalaysay niya (Moises) ang kamatayan ni Aaron sa kanyang bisig sa Bundok ng Hor at doon siya inilibing. Nagdalamhati ang bayan, sapagkat mahal nila si Aaron bagaman madalas na ito'y kanilang dinadalamhati. “Tinangisan nila si Aaron ng tatlumpung araw, maging ng buong bahay ng Israel.” MPMP 503.2

Tungkol sa paglilibing ng mataas na saserdote, ang Kasulatan ay nagsasaad lamang ng, “Doon namatay si Aaron at doon siya'y inilibing.” Deuteronomio 10:6. Gaano ngang kaibahan ng kaugalian sa paglilibing sa ating kapanahunan, sangayon sa utos ng Dios. Sa panahon sa kasalukuyan, gaano ngang pagdiriwang ng alaala ang ipi- nakikita pati sa paggugol ng walang kabuluhan. Nang mamatay si Aaron, isa sa kilalang taong nabuhay, dalawa lang ang nakasaksi sa kanyang kamatayan at paglilibing. At ang libingang iyon, ay nakata- go sa paningin ng Israel. Hindi nalulugod ang Dios sa karangyaang ipinakikita sa isang patay kung inililibing at malalaking halagang ginugugol sa pagbabalik sa kanila sa alabok. MPMP 503.3

Ang malaking kapulungan ay nagdalamhati para kay Aaron, ngunit hindi kasing hapdi ng kapighatian ni Moises. Ang kamatayan ni Aaron ay nagpaalaala kay Moises na ang kanyang kaarawan ay nalalapit na rin; ngunit sa kabila ng kakauntian ng kanyang mga araw na nalalabi, nadama niya ang pagkawala ni Aaron na naging kanyang kabahagi sa kagalakan at kapighatian, sa pag-asa at kinatatakutan, sa maraming taon. Kailangang ipagpatuloy ni Moises ang gawaing nag- iisa; ngunit batid niyang ang Dios ang kanyang kaibigan, at sa Kanya siya dapat sumandal naman. MPMP 503.4

Pagkatapos na lisanin ang Bundok Hor, dinanas ng pagkagapi ang mga Israelita sa kamay ni Arad, isa sa mga hari ng Canaan. Sapagkat hiningi nila ang tulong ng Dios, sila'y pinakinggan at nalupig ang kanilang mga kaaway. Ang tagumpay na ito, sa halip na maging sanhi ng pasasalamat at pagtingin ng utang na loob sa isang Dios na dapat tingnan, ay nag-udyok sa kanila sa kapalaluan at tiwala sa sarili. Muli silang bumalik sa pagrereklamo at pagbubulong-bulong. Na- walan sila ng kasiyahan sapagkat hindi sila pinahintulutang kaagad na sumulong sa Canaan sa pagsuway ng mga inutusan apatnapung taon ang nakaraan. Ipinalagay nilang ang kanilang matagal na pana- natili sa ilang ay hindi kailangan. Sana'y kanila nang nagapi ang kanilang mga kalaban. MPMP 504.1

Samantalang nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay sa hilaga, ang kanilang landas ay tungo sa isang kainitan at mababanging libis na walang masisilungan at mga halaman. Waring mahaba at ma- hirap, at sila'y nagtiis ng hirap at kauhawan. At muli hindi nila napagtagumpayan ang pagsubok ng pananampalataya at pagtitiis. Sa patuloy na pagtingin sa madilim na karanasan ng kanilang buhay, lalo nilang nailayo ang mga sarili sa Dios. Nakalimutan nilang dahil sa kanilang mga reklamo nang mawalan ng tubig sa Cades, hindi na sana sila maglalakbay pa sa paikot ng Edom. Pinanukala ng Dios ang higit na mabuting bagay para sa kanila. Sana'y napuno ng pasasalamat ang kanilang puso dahil sa maliit lamang na kaparusahan ang kanilang tinanggap. Kanilang iniligaw ang kanilang sarili sa isipang kung hindi nakialam ang Dios at si Moises sa kanila, sila sana'y nakapasok na sa Canaan. Pagkatapos na dalhin nila ang kanilang mga suliranin sa kanilang kagagawan, na ginawang higit na mahirap kay sa panukala ng Dios, kanilang ibinunton ang lahat ng pagsisisi sa Kanya. Nagkaroon sila ng isipang pinahihirap ng Dios ang kanilang buhay, hanggang sa sila'y hindi nasiyahan sa lahat ng bagay. Ang Ehipto ay higit na naging mabuti sa kanila kay sa kalayaan at lupang pangako na pagdadalhan sa kanila ng Dios. MPMP 504.2

Samantalang ang mga Israelita ay nasa espiritu ng pagkawalang kasiyahan, sinisisi nila pati ng mga pagpapalang kanilang tinanggap. “At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios, at laban kay Moises, Bakit nga inilabas mo kami sa Ehipto upang mamatay sa ilang? sapagkat walang tinapay, ni tubig man.” MPMP 504.3

Matapat na ipinakita ni Moises sa mga Israelita ang mabigat nilang kasalanan. Sa kapangyarihan lamang ng Dios sila'y nailigtas “sa nakakatakot na paglalakbay sa ilang, na nandoon ang mga makaman- dag na mga ahas at walang tubig na maiinom.” Deutoronomio 8:15. Sa araw-araw na kanilang paglalakbay sila'y naingatan sa hiwaga ng kahabagan ng Dios. Sa lahat ng pagpatnubay ng Dios ay naka- sumpong sila ng tubig, tinapay sa langit na pumawi sa gutom, at kapayapaan at kanlungang alapaap kung araw at haliging apoy kung gabi. Ang mga anghel ang umalalay sa kanila sa pag-akyat sa matata- rik na mga bundok at mga baku-bakong mga landas. Sa kanilang paglalakbay ay walang payat sa kanilang hangganan. Hindi nanga- maga ang kanilang mga paa, at ang kanilang mga damit ay hindi nangaluma. Inalis ng Dios ang mga mabangis na hayop sa parang pati ng mga makamandag na ahas sa kanilang daraanan sa kagubatan at buhanging daanan. Kung sa lahat na ipinakitang pag-ibig ng Panginoon ay patuloy silang hindi masisiyahan, maaring alisin ng Panginoon ang Kanyang pagbabantay hanggang sa kanilang pahala- gahan ang Kanyang pagtinging may kahabagan at magbalik sa Kanya na may pagsisisi at kahihiyan. MPMP 505.1

Sapagkat sila'y ipinagsanggalang ng isang banal na kapangyarihan, hindi nila naisip ang mga panganib na kanilang kinasuungan. Sa kanilang kawalan ng pananampalataya at pagtanaw ng utang na loob, iniisip nila ang kamatayan na ngayon ipinahintulot ng Dios. Ang mga makamandag na ahas na siyang nagkalat sa ilang ay tinawag na maapoy na ahas dahil sa mga tibo o kagat na bunga nito na pamamaga at kamatayan. At nang alisin na ng Dios ang Kanyang pagsasangga- lang sa Israel, marami ang namatay sa kagat ng mga makamandag na ahas na ito. MPMP 505.2

Nagkaroon nga ng pagkatakot at kaguluhan sa kampamento ng Israel. Sa bawat tolda ay may dumadalaw na kamatayan. Walang ligtas sa panganib. Madalas na ang katahimikan ng gabi ay pinupu- kaw ng iyakan na tanda ng dumalaw na kamatayan. Ang lahat ay tumutulong sa lahat ng dinadalaw ng kapahamakam. Walang kai- ngayang hindi pinakiramayan. Kung ihahambing sa nangyayari sa kasalukuyan, ang kanilang dating kahirapan at pagsubok ay walang kabuluhan sa isipan. MPMP 505.3

Nagpakababa ngayon ang bayan ng Dios. Pumaroon sila kay Moises at nagsisi at nagtapat ng kanilang mga kasalanan at nakiusap ng kapatawaran ng Dios. “Kami'y nagkasala,” wika nila, “sapagkat nagsalita kami laban sa Panginoon, at laban sa iyo.” Hindi pa nagta- tagal si Moises ay pinagbintangang kanilang mahigpit na kaaway, ang dahilan ng lahat nilang kahirapan at kaapihan. Ngunit kahit na sinalita nila ang mga yaon ay batid nilang iyon ay kasinungalingan. At noong lumala na ang lahat sa kanya pa rin sila lumapit upang si Moises ang mamagitan sa kanila at sa Dios. “Dumalangin ka sa Panginoon,” ang kanilang hibik, “na Kanyang alisin ang mga ahas mula sa amin.” MPMP 506.1

Si Moises ay binigyan ng banal na utos na gumawa ng ahas na tanso na tulad ng buhay, at itaas ito sa harap ng bayan. Lahat ng nangakagat ng ahas ay titingin sa tansong ahas, at sila'y magkaka- roon ng kagalingan. Ginawa ito ni Moises at ipinahayag sa buong kampamento na lahat ng nakagat ay tumingin lamang sa tansong ahas at gagaling. Nang itaas ni Moises ang ahas na tanso sa karami- han ay marami ang hindi nagsipaniwala at sila'y nangamatay. Ngunit marami ang nagsipaniwala naman sa paraan ng Dios. Mga ama, ina, kapatid na lalaki, at kapatid na babae ang kasama sa pagtulong sa nahihirapang mga kaibigan. Kung ang mga ito, bagaman mahina na at naghihintay ng kamatayan ay titingin lamang sa ahas sila'y ma- bubuhay, at sila nga'y nabuhay. MPMP 506.2

Batid ng mga tao na walang kapangyarihan sa serpenteng tanso na makapagpapabago doon sa titingin dito. Ang pagpapagaling ay ga- ling lamang sa Dios. Sa Kanyang karunungan ay pinili Niya ang paraang ito sa pagpapakita ng Kanyang kapangyarihan. Sa ganitong payak na paraan napagtanto ng tao na ang kapighatiang ito ay dumating sa kanila dahil sa kanilang pagsalansang. Binigyan din sila ng kasiguruhan na samantalang sinusunod nila ang Dios, wala silang dapat ikatakot sapagkat Kanyang iingatan sila. MPMP 506.3

Ang pagtataas ng tansong ahas ay upang turuan ng liksyon ang Israel. Hindi maililigtas ang kanilang sarili sa makamandag na lason ng kanilang sugat. Ang Dios lamang ang makapagpapagaling sa kanila. Gayunma'y kailangang ipakita nila ang kanilang pananampalataya sa bagay na inihanda Niya. Kailangan silang tumingin upang mabuhay. Ang kanilang pananampalataya ang kaayaaya sa Dios, at ang pagtingin sa ahas ay ipinakita nila ang kanilang pananampalataya. Batid nilang walang bisa ang ahas, ngunit ito'y simbolo ni Kristo, ang kahalagahan nito ay inihayag sa kanilang isipan. Mula roon ay dinala ng marami ang kanilang kaloob sa Dios, at sa pag- gawa nito ay naging katubusan sa kanilang kasalanan. Hindi sila nanghawakan sa Tagapagligtas sa Kanyang pagdating, na ang mga handog na ito'y isang sagisag lamang. Tuturuan tayo ng Dios na ang mga handog na kasama ang mga sakripisyo, sa kanilang sarili, ay walang higit na kapangyarihang kagalingan kaysa sa ahas na tanso, gayon din, upang dalhin ang kanilang isipan kay Kristo, ang dakilang hain sa kasalanan. MPMP 506.4

“Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang,” ay gayon din ang Anak ng tao “itataas, na sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:14, 15. Lahat ng nabuhay sa lupa ay nakadama ng nakamamatay na kagat ng “matandang ahas, na tinatawag na diablo, si Satanas.” Apocalipsis 12:9. Ang nakamamatay na bunga ng kasalanan ay maaa- lis lamang sa paraang ginawa ng Dios. Iniligtas ng mga Israelita ang kanilang buhay sa pagtingin lamang sa itinaas na ahas na tanso. Ang pagtinging yaon ay nagpatunay ng kanilang pananampalataya. Nabuhay sila sapagkat naniwala sila sa salita ng Dios. MPMP 507.1

Samantalang hindi maililigtas ng makasalanan ang kanyang sarili, gayunma'y mayroon siyang kailangang gawin para sa kaligtasan. “Si- yang lumalapit sa Akin,” sabi ni Kristo, “ay hindi Ko itatakwil.” Juan 6:37. Ngunit kailangan tayong lumapit sa Kanya; at kung tayo'y magsisi sa ating mga kasalanan, tayo'y sumampalatayang tayo'y tina- tanggap Niya at pinatawad. Ang pananampalataya ay kaloob ng Dios, ngunit ang kapangyarihan na gawin ito ay atin. Ang pananampalataya ay siyang kamay na pinanghahawakan ng kaluluwa sa banal na biyaya at kahabagan. MPMP 507.2

Walang iba maliban sa katuwiran ni Kristo ang magbibigay kara- patan sa atin sa isang pakikipagtipan sa biyaya. Marami ang nagpun- yagi na kamtan ang biyayang ito ngunit hindi nangyari sa dahilang inisip nilang mayroon silang gagawin upang maging karapat-dapat sa mga iyon. Hindi nila inalis ang kanilang pagtingin sa sarili, na nanini- walang sapat na maging tagapagligtas si Jesus. Hindi kailan man dapat isiping ang ating mga kabutihan ay magliligtas sa atin; si Kristo lamang ang ating pag-asa ng kaligtasan. “Sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa tao sa ating kaligtasan.” Mga Gawa 4:12. MPMP 507.3

Kung lubos tayong nagtitiwala sa Dios, kung tayo'y nanghahawakan sa kabutihan ni Jesus na nagpatawad ng kasalanan ang Tagapagligtas, matatanggap natin ang lahat ng tulong na kinakailangan natin. Huwag tumingin ang bawat isa sa kanyang sarili, na wari bang may kapangyarihan silang iligtas ang sarili. Namatay si Jesus para sa atin sapagkat wala tayong magagawa. Nasa Kanya ang ating pag-asa, ating kaganapan, ating katuwiran. Kung nakikita natin ang ating sarili sa ating kasalanan, hindi tayo dapat manglupaypay at isiping wala tayong Tagapagligtas, o kaya'y wala Siyang isipan ng kahabagan para sa atin. Sa panahong ito inaanyayahan Niya tayo na lumapit sa Kanya sa ating kahinaan upang maligtas. MPMP 508.1

Marami sa mga Israelita ang hindi nakakita ng tulong ng Langit na inihanda ng Dios. Ang mga nangamamatay ay nasa kapaligiran, alam nila ito, na kung walang tulong ang langit, pati ang kanilang kahihinatnan ay tiyak; ngunit patuloy na napighati sila sa kanilang mga sugat, ang mga sakit, ang kamatayan, hanggang mawala ang kanilang lakas at ang kanilang mga mata'y lumabo, na sana'y sumakanila ang madaliang paggaling. Kung nalalaman natin ang ating mga pangangailangan, hindi natin dapat gamitin ang ating panahon sa pagkahabag sa ating katayuan. Samantalang nalalaman natin na kung hiwalay kay Kristo tayo'y magkakaroon ng mga panglulupaypay, dapat tayong manghawakan sa isang napako sa krus na Kristo. Tumingin ka at maliligtas. Ipinangako ni Jesus ang Kanyang salita; Kanyang ililigtas ang lahat ng lalapit sa Kanya. Bagaman milyun- milyon ang hindi tumatanggap sa alok Niyang kahabagan, walang sinumang nagtitiwala sa Kanyang kabutihan ang mapapahamak. MPMP 508.2

Marami ang ayaw tumanggap kay Kristo hangga't ang hiwaga ng panukala ng kaligtasan ay maliwanagan. Tinatanggihan nila ang tingin ng pananampalataya, bagaman nakita nila na libu-libo ang tumingin, at nakita ang resulta ng pagtingin sa krus ni Kristo. Marami ang naglalakbay sa indayog ng pilosopiya, sa pagtuklas ng katuwiran at patotoo na kailanman ay hindi matatagpuan, samantalang tinatanggihan nila ang mga patotoong inihayag ng Dios. Tinanggihan nilang lumakad sa liwanag ng Anak ng Katuwiran, hanggang ang pagsikat ay maipaliwanag. Lahat ng magpipilit sa ganitong hakbang ay hindi makakarating sa pagkakilala ng katotohanan. Hindi aalisin ng Dios ang diwa ng pag-aalinlangan. Lubos Siyang nagbibigay ng sapat na patotoo, at kung ito'y hindi tanggapin, naiiwan ang isipan sa kadili- man. Kung yaong mga nakagat ng ahas ay tumigil sa pag-aalinlangan at pagtatanong bago sila tumingin sila'y mamamatay. Ating tungkulin, una, ang tumingin; at ang pagtinging may pananampalataya ay magbibigay sa atin ng buhay. MPMP 508.3