Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 37—Ang Hinampas na Bato
Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Bilang 20:1-13.
Mula sa hinampas na bato sa Horeb ay unang dumaloy ang buhay na sapa na iniinuman ng Israel sa ilang. Sa buong panahon ng kanilang paglalagalag, saan man magkaroon ng pangangailangan, sila ay binibigyan ng tubig sa pamamagitan ng isang himala ng kaawaan ng Dios. Ang tubig ay hindi, gano'n pa man nagpatuloy na dumaloy mula sa Horeb. Saan man sa kanilang paglalakbay mangailangan sila ng tubig, doon mula sa mga gitgit ng malaking bato iyon ay lumala- bas sa tabi ng kanilang kampamento. MPMP 485.1
Si Kristo ang, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang salita, ay nagpapadaloy ng nakapagpapapreskong batis para sa Israel. “At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagkat nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumundo sa kanila: at ang batong yaon ay si Kristo.” 1 Corinto 10:4. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng makalupa gano'n din ng espirituwal na mga pagpapala. Si Kristo, ang tunay na bato, ay kasama nila sa lahat ng kanilang paglalagalag. “At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan Niya sila sa mga ilang; Kanyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; Kanyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.” “Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.” Isaias 48:21; Mga Awit 105:41. MPMP 485.2
Ang hinampas na bato ay isang anyo ni Kristo, at sa pamamagitan ng simbolong ito ang pinakamahalagang mga espirituwal na katoto- hanan ay itinuro. Kung paanong ang mga tubig na nagbibigay ng buhay at dumaloy mula sa hinampas na bato gano'n din naman mula kay Kristo, na “sinaktan ng Dios,” “nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang,” “nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:4, 5), ang batis ng kaligtasan ay umagos para sa isang waglit na lahi. Kung paanong ang bato ay pinalong minsan, gano'n din naman si Kristo ay “inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami.” Hebreo 9:28. Ang ating Tagapagligtas ay hindi kinakailangang isakripisyong makalawa; at ang kailangan lamang noong mga humahanap ng mga pagpapala ng Kanyang biyaya na humiling sa ngalan ni Jesus, ibinubuhos ang buong pagnanasa ng puso sa ilang dalangin ng pagsisisi. Ang mga sugat ni Jesus ay ihahatid ng gano'ng dalangin sa harapan ng Panginoon ng mga hukbo at mula doon ay sariwang dadaloy na muli ang dugo na nagbibigay ng buhay, na inilarawan ng pagdaloy ng tubig ng buhay para sa Israel. MPMP 485.3
Ang pagdaloy ng tubig mula sa bato sa ilang ay ipinagdiwang ng mga Israelita, ng sila ay matatag na sa Canaan, na may mga pagpapahayag ng kagalakan. Noong panahon ni Kristo, ang selebrasyong ito ay naging pinakasisindak na seremonya. Iyon ay ginaganap sa okas- yon ng kapistahan ng mga Tabernakulo, kung kailan ang bayan mula sa buong lupain ay natitipon sa Jerusalem. Sa bawat araw ng pitong araw ng kapistahan ang mga saserdote ay nagsisilabas kasama ang musiko at ang mga mang-aawit na Levita upang kumuha ng tubig sa isang gintong sisidlan mula sa bukal ng Siloe. Sila ay sinusundan ng mga karamihan ng mga sumasamba, hanggang kung gaano karami ang makakalapit sa batis upang uminom doon, samantalang ang ma- sayang himig ay pumapailanlang, “Kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.” Isaias 12:3. At ang tubig na inigib ng mga saserdote ay dinadala sa templo sa kalagitnaan ng tumutugtog na mga pakakak at ng solemneng pag-awit, “Ang aming mga paa ay titindig sa loob ng iyong mga pintuang-daan, O Jerusalem.” Ang tubig ay ibinubuhos sa dambana ng handog na susunugin, samantalang ang mga awit ng pagpupuri ay umaalingawngaw, ang mga karamihan ay sumanib sa koro ng pagtatagumpay na may mga musiko at mga trumpetang mabababa ang tono. MPMP 486.1
Ginamit ng Tagapagligtas ang simbolo ng serbisyong ito upang ituon ang isipan ng mga tao sa mga pagpapala na Kanyang iniha- hatid sa kanila. “Nang huling araw nga, ng dakilang araw ng kapistahan,” ang Kanyang tinig ay narinig sa mga tonong narinig sa buong korte ng templo, “Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa Akin, at uminom. Ang sumasampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig ng buhay.” “Ngunit ito'y,” wika ni Juan, “sinalita Niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa Kanya.” Juan 7:37-39. Ang nakapagpapapreskong tubig, na bumubukal sa isang tuyo at tigang na lupa, at nagpapabulaklak sa ilang, at duma- daloy upang magbigay ng buhay sa naghihingalo, ay isang larawan ng biyaya ng Dios na si Kristo lamang ang makapagkakaloob, at Siyang tubig ng buhay, naglilinis, nagpapapresko, ay nagpapasigla sa kaluluwa. Siya na tinatahanan ni Kristo sa puso niya ay mayroong hindi napuputol na bukal ng biyaya at lakas. Pinasasaya ni Jesus ang buhay at naliliwanagan ang landas ng tunay na humahanap sa Kanya. Ang Kanyang pag-ibig, na tinanggap sa puso, ay sisibol sa pamamagitan ng mabubuting gawa ukol sa buhay na walang hanggan. At hindi lamang nito pinagpapala ang kaluluwa na tinubuan nito, kundi ang batis ng buhay ay dadaloy sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa ng katuwiran, upang pasiglahin ang mga nauuhaw sa paligid niya. MPMP 486.2
Gano'n din ang larawang ginamit ni Jesus sa Kanyang pakikipag- usap sa babaeng Samaritana sa balon ni Jacob: “Ang sinomang uminom ng tubig na sa kanya'y Aking ibibigay ay hindi mauuhaw mag- pakailan man; ngunit ang tubig na sa kanya'y Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.” Juan 4:14. Pinagsama ni Kristo ang dalawang paglalarawan. Siya ang bato, Siya ang tubig ng buhay. MPMP 487.1
Ang gano'n ding magaganda at nakapagpapahayag ng mga paglalarawan ay ginagamit sa buong Biblia. Daang mga taon bago duma- ting si Kristo, siya ay tinukoy ni Moises bilang bato ng kaligtasan ng Israel (Deuteronomio 32:15); ang mang-aawit ay umawit tungkol sa Kanya bilang “aking Manunubos,” “ang malaking bato ng aking kalakasan,” “malaking bato na lalong mataas kaysa akin,” “malaking bato at aking kuta,” “kalakasan ng aking puso,” “malaking bato na aking kanlungan.” Sa awit ni David ang Kanyang biyaya ay inila- larawan din bilang malamig, na “tubig na pahingahan,” sa gitna ng mga sariwang pastulan, na sa siping noon ay pinapastulan ng maka- langit na pastor ang Kanyang kawan. Minsan pa, “At Iyong,” wika niya, “paiinumin sila sa ilog ng Iyong kaluguran. Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay.” Mga Awit 19:14; 62:7; 61:2; 71:3; 73:26; 94:22; 23:2; 36:8, 9. At ang pahayag ng pantas na lalaki, “Ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.” Kawikaan 18:4. Para kay Jeremias, si Kristo ay “bukal ng buhay na tubig;” at para kay Zacarias, “isang bukal” na mabubuksan “para sa kasalanan, at sa karumihan.” Jeremias 2:13; Zacarias 13:1. MPMP 487.2
Inilarawan siya ni Isaias bilang “walang hanggang bato,” at “lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.” Isaias 26:4; 32:2. At bandang huli, maging ang pasensya ni Moises ay naubos. “Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik,” sigaw niya; “ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?” at sa halip na magsalita sa bato, ayon sa iniutos sa kaniya ng Dios, kanyang hinampas iyon ng tungkod ng dalawang beses. MPMP 487.3
Ang tubig ay bumukal ng malakas upang makasapat sa lahat. Subalit isang malaking pagkakamali ang nagawa. Si Moises ay nakapag- salita mula sa pagkayamot; ang kanyang salita ay isang pagpapahayag ng simbuyo ng damdamin ng tao sa halip na banal na pagkagalit sa dahilang ang Dios ay winalang pitagan. “Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik,” wika niya. Ang akusasyong ito ay totoo, subalit maging ang katotohanan ay hindi kailangang bigkasin sa simbuyo ng damdamin o kainisan. Nang si Moises ay utusan ng Dios na akusahan ang Israel sa kanilang panghihimagsik, ang mga salita ay naging masakit para sa kanya, at mabigat para sa kanila, gano'n pa man siya ay tinulungan ng Dios sa pagpaparating sa salitang iyon. Subalit nang kunin niya sa kanyang sarili ang pag-aakusa sa kanila, ay sinaktan niya ang Espiritu ng Dios at naging mapait lamang para sa mga tao. Kitang-kita ang kanilang kakulangan ng pasensya at pagkontrol sa sarili. Kaya't ang tao ay nagkaroon ng pagkakataon upang mag- alinlangan kung ang nakalipas niyang paraan ay nasa ilalim ng pag- patnubay ng Dios, at upang bigyan ng dahilan ang sarili nilang mga kasalanan. Si Moises, gano'n din sila, ay nakagawa ng pagkakamali sa Dios. Ang kanyang ginawa, wika nila, sa simula pa lamang sana ay naging bukas na sa pagpuna at pagbabawal. Nakasumpong sila ngayon ng pagbabatayan sa pagnanasa nilang tanggihan ang lahat ng mga sumbat na pinarating sa kanila ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang lingkod. MPMP 490.1
Si Moises ay nagpahayag ng hindi pagtitiwala sa Dios. “Ikukuha ba namin kayo ng tubig?” ang itinanong niya, na parang hindi gagawin ng Panginoon ang Kanyang ipinangako. “Hindi kayo sumampala- taya sa Akin,” pahayag ng Panginoon sa dalawang magkapatid, “upang ipakilala ninyong banal Ako sa mga mata ng mga anak ni Israel.” Sa panahong iyon nang nawalan ng tubig, ang sarili nilang pananam- patataya sa katuparan ng pangako ng Dios ay naliglig sa pagrereklamo at panghihimagsik ng mga tao. Ang unang lahi ay pinarusahan na ng kamatayan sa ilang dahil sa hindi nila pagsampa-lataya, at ang gano'ng espiritu ay nahayag pa rin sa kanilang mga anak. Hindi rin ba sila makatatanggap sa ipinangako? Pagod at nasiraan na ng loob, si Moises at si Aaron ay hindi nagsikap na maputol ang takbo ng laganap na nadarama. Kung sila rin ay nagpahayag ng hindi nanghihinang pananampalataya sa Dios, naipakita sana nila sa tao ang bagay na iyon sa paraang makatutulong sa kanila upang malampasan ang pagsubok. Sa pamamagitan ng mabilis, may kapasyahang paggamit ng awtoridad na ibinigay sa kanila bilang mga pinuno, napigil sana nila ang pagreklamo. Tungkulin nila ang gamitin ang bawat pagsisikap na nasa kanilang kapangyarihan upang magkaroon ng mabuting kalagayan ang mga bagay bago humiling sa Dios na gumawa para sa kanila. Kung ang pagrereklamo lang sana sa Cades ay kaagad napatigil, marami sanang sunod-sunod na kasamaan ang naiwasan! MPMP 490.2
Sa pamamagitan ng biglaang pagkilos na ito ay napawalan ni Moises ng bisa ang liksiyon na layuning maituro ng Dios. Ang bato, na isang simbolo ni Kristo, ay hinampas nang minsan, kung paanong si Kristo ay minsang ihahandog. Sa ikalawang pagkakataon ang kailangan na lamang ay ang magsalita sa bato, kung paanong ang kailangan na lamang natin ay ang humingi ng mga pagpapala sa ngalan ni Jesus. Sa pamamagitan ng ikalawang paghampas sa bato ang kaha- lagahan ng magandang larawang ito ni Kristo ay nasira. MPMP 491.1
Higit pa dito, inangkin ni Moises at ni Aaron ang kapangyarihang ukol lamang sa Dios. Ang pangangailangan ng tulong ng Dios ay sanhi upang ang okasyong iyon ay maging lubhang banal, at sana'y pinagyaman iyon ng mga pinuno ng Israel upang ang bayan ay magkaroon ng paggalang sa Dios at upang patibayin ang kanilang pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan at kabutihan. Nang may galit nilang isinigaw, “Ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?” ay inilagay nila ang kanilang sarili sa lugar ng Dios na parang ang kapangyarihan ay nasa kanilang sarili, na mga lalaking may kahinaan at mga simbuyo ng tao. Bagot na patuloy na pagreklamo at panghihimagsik ng bayan, nawala na sa paningin ni Moises ang kanyang Katulong na Makapangyarihan sa lahat, at hiwalay sa lakas ng Dios ay naiwan sa ikasisira ng kanyang tala sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kahinaan ng tao. Ang lalaki na sana'y tumindig na dalisay, matatag, hindi makasarili hanggang sa pagsasara ng kanyang gawain ay nadaig din sa wakas. Ang Dios ay hindi naparangalan sa harap ng kapisanan ng Israel na dapat sana Siyang dinakila at itinaas. MPMP 491.2
Sa pagkakataong ito ay hindi hinatulan ng Dios yaong ang masasa- mang gawain ay nagpagalit ng gano'n na lamang kay Moises at kay Aaron. Ang lahat ng sumbat ay napasa mga pinuno. Yaong mga tumindig bilang mga kinatawan ng Dios ay hindi nagparangal sa Kanya. Sumama ang loob ni Moises at ni Aaron, na hindi naisip ang katotohanan na ang pagreklamo ng mga tao ay hindi laban sa kanila kundi laban sa Dios. Sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang sarili, panawagan sa pagkahabag sa sarili, na hindi nila namalayang sila ay nahulog sa kasalanan, at hindi naipakita sa mga tao ang malaki nilang kasalanan sa Dios. MPMP 491.3
Mapait at tunay na nakakahiya ang hatol na kaagad iginawad. “At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagkat hindi kayo sumampalataya sa Akin upang ipakilala ninyong banal Ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang ka- pisanang ito sa lupain na Aking ibinigay sa kanila.” Kasama ng mapanghimagsik na Israel sila ay kinakailangang mamatay bago sumapit ang pagtawid sa Jordan. Kung si Moises at si Aaron ay mayroong mataas na pagtingin sa sarili o espiritung mapagpalaya sa simbuyo ng damdamin sa harap ng babala at pagsaway ng Dios, ang kanilang kasalanan ay maaaring naging higit na malaki. Subalit hindi sila mapa- paratangan ng sinadya o bukal sa loob na kasalanan; sila ay nadaig ng isang biglaang tukso, at ang kanilang pagsisisi ay mabilis at nadada- ma ng puso. Tinanggap ng Panginoon ang kanilang pagsisisi, bagaman dahilan sa ikasasama sa bayan ng kanilang kasalanan, ay hindi Niya maaaring iurong ang parusa doon. MPMP 492.1
Hindi ni Moises inilihim ang hatol sa kanya, sa halip ay sinabi sa bayan na sapagkat hindi siya nakapagbigay luwalhati sa Dios, hindi niya sila maihahatid tungo sa Lupang Pangako. Sinabi niya sa kanila na tandaan ang mahigpit na parusang napasa kanya, at isipin kung paanong pakikitunguhan ng Dios ang kanilang mga reklamo sa pagpaparatang sa isang tao ng mga hatol na sa pamamagitan ng kanilang kasalanan ay napasa kanila. Sinabi niya sa kanila kung paanong siya ay nakiusap sa Dios upang ang hatol ay iurong, at tinanggihan. “Ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo,” wika niya, “at hindi ako dininig.” Deuteronomio 3:26. MPMP 492.2
Sa bawat okasyon ng kahirapan o pagsubok ang mga Israelita ay naging handang iparatang kay Moises ang pag-aakay sa kanila mula sa Ehipto, na parang ang Dios ay walang kinalaman sa bagay na iyon. Sa buong panahon ng kanilang paglalakbay, samantalang kani- lang inirereklamo ang mga kahirapan sa daan, at nagrereklamo laban sa kanilang mga pinuno, ang sabi ni Moises sa kanila, “Ang inyong mga pag-upasala ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon. Hindi ako, kundi ang Dios, ang may gawa ng pagliligtas sa inyo.” Subalit ang pabigla-bigla niyang mga salita sa harap ng bato na, “Ikukuha ba namin kayo ng tubig?” ay isang tunay na pag-amin sa kanilang pamamahala, at pinapapagtibay sila sa hindi nila paniniwala at magbibigay katuwiran sa kanilang mga pagreklamo. Aalisin ng Panginoon ang kaisipang ito mula sa kanilang mga isip, sa pamamagitan ng hindi pagpapahintulot na si Moises ay makapasok sa Lupang Pangako. Narito ang isang hindi mapagkakamalang katibayan na ang kanilang lider ay hindi si Moises, kundi ang makapangyarihang Anghel na tinutukoy ng Panginoon sa pagsasabing, “Narito, Aking sinusugo ang isang Anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong inihanda sa iyo. Mag-ingat kayo sa Kanya, at dinggin ninyo ang Kanyang tinig:...sapagkat ang Aking pangalan ay nasa Kanya.” Exodo 23:20, 21. MPMP 492.3
“Ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo,” wika ni Moises. Ang buong Israel ay nakatingin kay Moises, at ang kanyang kasalanan ay naghatid ng pagpapahayag tungkol sa Dios, na pumili sa kanya upang maging lider ng Kanyang bayan. Ang pagsalangsang ay ini- hayag sa buong kapisanan; at kung iyon ay winalang halaga, maaaring magkaroon ng kaisipan na ang hindi pagpipigil at ang hindi pagpapasensya sa ilalim ng matinding kagipitan ay maaaring bigyang walang halaga doon sa may katungkulan. Subalit nang ipahayag na nang dahil sa isang kasalanang iyon si Moises at si Aaron ay hindi makapapasok sa Canaan, nalaman ng bayan na ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao, at tiyak na Kanyang parurusahan ang mana- nalansang. MPMP 495.1
Ang kasaysayan ng Israel ay kinakailangang maitala ukol sa pagtu- turo at pagbabala sa darating na mga panahon. Kinakailangang makita ng mga lalaki sa lahat ng panahon sa hinaharap ang Dios ng langit bilang isang pinuno na hindi nagtatangi, na hindi binabaliwala ang kasalanan sa anomang pagkakataon. Subalit kakaunti ang nakaba- batid sa matinding pagkamakasalanan ng kasalanan. Dinadaya ng tao ang kanilang sarili sa pagsasabing ang Dios ay napakabuti hindi Niya parurusahan ang sumasalangsang. Subalit sa liwanag ng kasaysayan sa Biblia na ang kabutihan ng Dios at ang Kanyang pag-ibig ay nagsasangkot sa Kanya na harapin ang kasalanan bilang isang kasamaan na nakamamatay sa kapayapaan at kaligayahan ng sansinukob. MPMP 495.2
Maging ang karangalan at katapatan ni Moises ay hindi maaaring makabago sa parusa sa kanyang pagkakamali. Maraming kasalanan ang ipinatawad ng Dios sa bayan, subalit hindi Niya maaaring paki- tunguhan ang kasalanan ng namumuno na tulad sa pinamumunuan. Kanyang pinararangalan si Moises ng higit sa sinomang lalaki sa ibabaw ng lupa. Ipinakita Niya sa kanya ang Kanyang kaluwalhatian, at sa pamamagitan niya ay Kinyang ipinahayag ang Kautusan sa Israel. Ang katotohanan na si Moises ay nagkaroon ng malaking liwanag at kaalaman ay nagpapalala sa kanyang kasalanan. Ang naka- lipas na pagtatapat ay hindi makapagpapawalang sala sa isang maling nagawa. Kapag higit ang liwanag at karapatan ang ipinagkaloob sa isang tao, higit rin ang kanyang responsibilidad, at higit na malala ang kanyang pagkukulang, at higit ang kanyang parusa. MPMP 496.1
Si Moises ay hindi nakagawa ng isang malaking kasalanan, sa tingin ng tao sa bagay na iyon; ang kanyang kasalanan ay isang pangkaraniwang nagaganap. Wika ng mang-aawit “siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kanyang mga labi.” Mga Awit 106:33. Sa tingin ng tao ito ay maaaring tila isang maliit na bagay lamang; ngunit kung naging matindi ang pakikitungo ng Dios sa ganitong kasalanan sa Kanyang pinakatapat at pinarangalang lingkod, hindi Niya palalam- pasin ang ganito sa iba. Ang espiritu ng pagtataas ng sarili, ang hilig mangpuna sa mga kapatid, ay hindi nakalulugod sa Dios. Yaong mga nalululong sa mga kasamaang ito ay naghahasik ng pag-aalinlangan sa gawain ng Dios, at nagbibigay ng dahilan sa hindi pananampalataya ng mga hindi sumasampalataya. Kapag ang posisyon ng isang tao ay higit na mahalaga, at kapag higit ang kanilang impluwensya, higit rin ang pangangailangan na kanyang sanayin ang pagpapaumanhin at pagpapakumbaba. MPMP 496.2
Kapag ang mga anak ng Dios, lalong-lalo na yaong mga nasa posisyon ng responsibilidad, ay maaakay sa pag-angkin sa kanilang sarili sa kaluwalhatiang nauukol sa Dios, si Satanas ay nagagalak. Siya ay nagkaroon ng isang pagtatagumpay. Sa ganoong dahilan siya nahulog. Kaya't sa gano'n siya pinakamatagumpay sa panunukso sa iba. Upang tayo ay maging maingat sa ganitong mga paraan Niya ay nagbigay ang Dios sa Kanyang Salita ng maraming mga aral tungkol sa panganib ng pagtataas sa sarili. Walang isang pintig ng ating likas, walang isang kakayanan ng ating isip o isang hilig ng ating puso, ang hindi nangangailangan, sa bawat sandali, ay mapasa ilalim ng im- pluwensya ng espiritu ng Dios. Walang isang pagpapalang ipinag- kaloob ang Dios ni isang pagsubok ang ipinahintulot Niyang mapasa kanya, kundi kapwa ay maaari at gagamitin ni Satanas upang manukso, manakit, at manira ng kaluluwa, kung bibigyan natin siya ng pinaka- maliit na pagkakataon. Kaya't gaano man kalaki ang espirituwal na liwanag ng isang tao, gaano man niya ikinasisiya at ikinalulugod ang kabutihan at pagpapala ng Dios, kinakailangang lumakad siya ng may pagpapakumbaba sa harap ng Panginoon, nakikiusap na may pananampalataya na patnubayan ng Dios ang bawat kaisipan at pangu- nahan ang bawat damdamin. MPMP 496.3
Ang lahat ng nag-aangkin ng pagkamaka Dios ay nasa ilalim ng isang pinakabanal na obligasyon na ingatan ang espiritu, at sanayin ang pagpigil sa sarili sa ilalim ng pinakamatinding pagsubok. Napa- kalaki ng pasaning napasa kay Moises; kakaunti lamang ang masusu- bok ng gaya ng pagsubok sa kanya; gano'n pa man ay hindi ipinahintulot na mabaliwala ang kanyang kasalanan. Ang Dios ay nagbigay ng sapat para sa pangangailangan ng Kanyang bayan; at kung sila ay magtitiwala sa Kanyang lakas, hindi sila kailan man madadaig ng mga nangyayari. Ang pinakamalaking tukso ay hindi maaaring maka- pagpabaliwala sa kasalanan. Gaano man katindi ang bigat ng pina- pasan ng kaluluwa, ang kasalanan ay sarili nating gawa. Wala sa kapangyarihan ng lupa ni nang impiyerno ang pilitin ang sinoman na gumawa ng kasalanan. Tayo ay inaatake ni Satanas sa ating mahi- hinang bahagi, subalit hindi tayo kinakailangang magpadaig. Gaano man katindi o hindi inaasahan ang tukso, ang Dios ay may nakalaang tulong para sa atin, at sa Kanyang lakas tayo ay maaaring manaig. MPMP 497.1