Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 33—Mula sa Sinai Hanggang sa Cades
Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Bilang 11 at 12.
Ang paggawa ng tabernakulo ay di agad nasimulan nang ang Israel ay dumating sa Sinai; at ang banal na gusali ay sinimulang itayo sa pagbubukas ng ikalawang taon mula noong Exodo. Ito ay sinundan ng pagtatalaga ng mga saserdote, ng pagdiriwang ng paskua, ng pagbilang ng bayan, at ng pagbubuo ng iba't-ibang mga kaayusang kailangan sa kanilang sistemang sibil at pang relihiyon, kaya't halos isang taon ang nagugol ng kampamento sa Sinai. Dito ang kanilang pagsamba ay nagkaroon ng higit na tiyak na anyo, ang mga batas ay ibinigay ukol sa pamamahala ng bansa, at higit na mahusay na or- ganisasyon ang naisagawa bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa lupain ng Canaan. MPMP 441.1
Ang pamahalaan ng Israel ay nagkaroon ng pinakamahusay na organisasyon, kahanga-hanga kapwa sa pagiging kumpleto at payak. Ang kaayusang inihahayag ng kasakdalan at pagkakaayos ng lahat ng mga gawang ginawa ng Dios ay nahahayag sa kaayusan ng mga Hebreo. Ang Dios ang sentro ng awtoridad at pamahalaan, ang kataas-taasan ng Israel. Si Moises ang tumayong nakikitang pinuno, na pinili ng Dios upang ipasakatuparan ang mga batas sa Kanyang pangalan. Mula sa mga matanda ng mga lipi isang kalipunan ng pitumpu ang pinili upang tumulong kay Moises sa pangkalahatang gawain ng bansa. Sumunod ay ang mga saserdote, na nakikipanayam sa Panginoon sa santuwario. Mga pangulo, o prinsipe, ang namuno sa mga lipi. Sunod sa mga ito ay ang “mga punong kawal ng libu- libo, at mga punong kawal ng mga daan-daan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sampu- sampu,” at, kahulihan sa lahat, ay ang mga opisyal na maaaring pagawain para sa mga natatanging gawain. Deuteronomio 1:15. MPMP 441.2
Ang kampamento ng mga Hebreo ay may ganap na kaayusan. Ito ay may tatlong malalaking dibisyon, ang bawat dibisyon ay may nakatakdang lugar sa kampamento. Nasa gitna ang tabernakulo, ang dakong tirahan ng di nakikitang Hari. Nakapalibot doon ang mga saserdote at ang lipi ni Levi. Sa ibayo ng mga ito ay nangakaayos ang lahat ng iba pang mga tribo. MPMP 441.3
Sa mga Levita ipinagkatiwala ang tabernakulo at ang lahat ng mga kaugnay noon, kapwa sa kampamento at sa kanilang mga paglalak- bay. Kapag ang kampamento ay gumagayak upang sumulong sila ang nagbababa ng banal na tolda; kapag nakarating sa isang dakong pagtitigilan kanila iyong itinatayo. Walang sino man mula sa ibang lipi ang pinapahintulutang lumapit, dahil ikamamatay. Ang mga Levita ay nahahati sa tatlong bahagi, ang mga inanak ng tatlong mga anak ni Levi', at ang bawat isa ay may natatanging posisyon at gawain. Sa harap ng tabernakulo, at malapit na malapit doon, ay ang mga tolda ni Moises at ni Aaron. Sa gawing timog ay ang angkan ni Kohath, na ang tungkulin ay pangalagaan ang kaban at ang ibang mga kagami- tan; sa gawing hilaga ay ang angkan ni Merari, na siyang pinagkati- walaan ng mga haligi, tungtungan, tabla, at iba pa; sa likod ay ang mga anak ni Gerson, na siyang pinagkatiwalaan ng mga kurtina at ng mga tabing. MPMP 442.1
Ang kalalagyan ng bawat tribo ay tiniyak rin. Ang bawat isa ay kinakailangang magmartsa at magtayo ng tolda sa siping ng kanyang sariling watawat, ayon sa ipinag-utos ng Panginoon: “Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawat lalaki sa siping ng kanyang sariling watawat, na may tanda ng mga sambahayan ng kanyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot.” “Ayon sa kanilang pagkahantong, ay gayon sila magsisisu- long, na bawat lalaki ay sa kanya-kanyang sariling dako, sa siping ng kanilang mga watawat.” Mga Bilang 2:2, 17. Ang halo-halong kara- mihan na sumama sa Israel mula sa Ehipto ay hindi pinahintulutang magtayo sa lugar na kinaroroonan ng mga lipi, sa halip ay sa gawing gilid ng kampamento; at ang kanilang mga supling ay hindi maaaring makihalubilo sa kapisanan hanggang sa ikatlong saling lahi. Deuteronomio 23:7, 8. MPMP 442.2
Masusing kalinisan at mahigpit na kaayusan sa buong kampamento at sa paligid noon ang ipinatutupad. May ipinatutupad na ganap na alituntunin tungkol sa kalinisan. Ang sino mang maging marumi sa ano mang kadahilanan ay hindi pinapahintulutang pumasok sa kampamento. Kailangang-kailangan ang mga alituntuning ito upang maingatan ang kalusugan ng isang napakalaking karamihan; at kailangan ding maingatan ang sakdal na kaayusan at kadalisayan, upang ikasiya ng Israel ang presensya ng isang banal na Dios. Kaya't Kanyang inihayag: “Ang Panginoon mong Dios ay lumalakad sa gitna ng iyong kampamento, upang iligtas ka, at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo; kaya't ang iyong kampamento ay magiging banal.” MPMP 442.3
Sa lahat ng mga paglalakbay ng Israel, “ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila,...upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan.” Mga Bilang 10:33. Dala-dala ng mga anak ni Kohath, ang banal na kaban na naglalaman ng banal na kautusan ng Dios na nangunguna sa kanila. Sa harap noon ay si Moises at si Aaron at ang mga saserdote, na may dalang mga pa- kakak na yari sa pilak, ay nakahanay sa malapit. Ang mga saserdoteng ito ay tumatanggap ng ipinag-uutos ni Moises, na kanilang pinara- rating sa bayan sa pamamagitan ng mga pakakak. Tungkulin ng bawat pinuno ng mga pulutong ang magbigay ng tiyak na ipinag- uutos tungkol sa bawat kilos na kinakailangang gawin, na ipinaha- hayag sa pamamagitan ng pakakak. Ang sinumang hindi sumunod sa ipinag-uutos ay pinarurusahan ng kamatayan. MPMP 443.1
Ang Dios ay Dios ng kaayusan. Ang lahat ng bagay na kaugnay ng langit ay nasa sakdal na kaayusan; pagpapasakop at puspos na disipli- na ang nahahayag sa bawat galaw ng mga anghel. Ang tagumpay ay maaari lamang maganap sa kaayusan at magkakatugmang paggawa. Ipinag-uutos ng Dios ang kaayusan at sistema sa Kanyang gawain ngayon tulad sa kapanahunan ng Israel. Ang lahat ng gumagawa para sa Kanya ay kinakailangang gumawa na may katalinuhan, hindi sa isang walang bahala, at pahapyaw-hapyaw na paraan. Nais Niya na ang Kanyang gawain ay gawin na may pananampalataya at katiyakan, upang Kanyang matatakan iyon ng Kanyang tatak ng pagtanggap. MPMP 443.2
Ang Dios mismo ang nanguna sa Israel sa kanilang mga paglalakbay. Ang lugar na kanilang titigilan ay ipinapahayag sa pamamagitan ng pagbaba ng haliging ulap; at hanggang sa sila ay kinakailangang manatili sa kampamento, ang ulap ay nananatili sa ibabaw ng tabernakulo. Kapag sila ay kinakailangan nang magpatuloy sa kanilang paglalakbay iyon ay itinataas sa tapat ng banal na tolda. Isang so- lemneng dalangin ang kaalinsabay ng kanilang pagtigil at pag-alis. “At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises, Bumangon ka, Oh Panginoon, at mangalat ang mga kaaway Mo, at magsitakas sa harap Mo ang nangapopoot sa Iyo. At pagka inilapag ay kanyang sinabi, Bumalik ka, Oh Panginoon sa mga laksang libu- libong Israelita.” Mga Bilang 10:35, 36. MPMP 443.3
Labing isang araw ng paglalakbay ang distansya sa pagitan ng Sinai at Cades, sa hangganan ng Canaan; sa kaisipan na sila ay ma- daling papasok, sa mabuting lupain ang mga Israelita ay humayo sa kanilang paglalakbay nang ang ulap ay magbigay ng hudyat sa pagsu- long. Si Jehova ay gumawa ng mga kababalaghan sa paghahatid sa kanila mula sa Ehipto, at anong pagpapala ang hindi nila maaaring asahan ngayon na sila ay nagkaroon na ng pormal na pakikipagtipan na tanggapin Siya bilang kanilang Hari, at sila'y kinilala bilang piniling bayan ng Kataas-taasan sa Lahat? MPMP 444.1
Gano'n pa man ay halos ayaw na nilang iwan ang lugar na matagal na nilang tinigilan. Halos itinuring na nila iyon na kanilang tahanan. Sa nakukublihang batong dingding na iyon ay tinipon ng Dios ang Kanyang bayan, hiwalay sa lahat ng mga bansa, upang ulitin sa kanila ang Kanyang banal na Kautusan. Inibig nila ang tumingin sa banal na bundok, na sa alon-along tuktok at kalbong mga gilid ang kaluwalhatian ng Dios ay malimit na hayag. Ang tanawin ay may malapit na kaugnayan sa presensya ng Dios na tila napakabanal upang iwan na lamang basta, o iwan man na masaya. MPMP 444.2
Sa hudyat ng mga pakakak, gano'n pa man, ang buong kampamento ay sumulong, ang tabernakulo ay nasa kanilang kalagitnaan, at ang bawat lipi ay nasa itinakdang lugar, sa sipi ng sariling watawat. Ang lahat ng mga mata ay matamang nagmamasid kung saan mag- hahatid ang lupa. Samantalang iyon ay kumikilos patungo sa sila- ngan, kung saan pawang mga kabundukan lamang ang nakalipon- pon, maitim at mapanglaw, isang pagkadama ng kalungkutan at pag- aalinlangan ang bumangon sa maraming mga puso. MPMP 444.3
Samantalang sila ay sumusulong, ang daan ay papahirap ng papa- hirap. Sila ay dumadaan sa mga mabatong bangin at mga kasukalan. Sa paligid nila ang malawak na ilang—“lupaing ilang at bako-bako,” “lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan,” “lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan.” Jereinias 2:6. Ang mabatong mga banginan sa malayo at sa malapit ay napuno ng mga lalaki, babae, at mga bata, kasamang mga hayop at mga kariton, at ma- habang pila ng mga baka at mga tupa. Ang kanilang paglakad ay mabagal at nakapapagod; at ang karamihan, makalipas ang kanilang mahabang panahon ng pagkakampo, ay hindi handa upang pagtiisan ang panganib at kahirapan sa daan. MPMP 444.4
Makalipas ang tatlong araw ng paglalakbay ay may narinig nang mga reklamo. Ang mga ito ay nagmula sa halo-halong karamihan, na ang marami doon ay hindi pa ganap na kaisa ng mga Israelita, at patuloy na nag-aabang ng mapupuna. Ang mga nagrereklamo ay hindi nasisiyahan sa direksyon ng paglalakbay, at patuloy na pinupu- na ang paraan ng pangunguna ni Moises, bagaman alam nila na siya, gano'n din sila, ay sumusunod sa nagpapatnubay na ulap. Ang hindi pagkasiya ay nakakahawa, at iyon ay mabilis na kumalat sa kampamento. MPMP 445.1
Muli silang dumaing para sa karneng makakain. Bagaman sagana sa mana, sila ay hindi nasisiyahan. Ang mga Israelita, sa panahon ng kanilang pagkaalipin sa Ehipto, ay napilitang kumain ng pinakasim- pleng pagkain; subalit sa matalas na panlasa bunga ng kasalatan at kabigatan ng gawain ay naging masarap iyon. Marami sa mga Ehipcio, gano'n pa man, na ngayon ay kasama na nila, ay nasanay sa maluhong pagkain; at sila ang mga kauna-unahan sa pagrereklamo. Sa pagbibigay ng mana, bago nakarating sa Sinai ang Israel, ang Panginoon ay nagbigay sa kanila ng karne bilang tugon sa kanilang daing; subalit ang ibinigay sa kanila ay sapat lamang sa isang araw. MPMP 445.2
Madaling-madali para sa Dios ang sila'y bigyan ng karne gano'n din ng mana, subalit sila ay ginawan ng paghihigpit para sa kanilang ikabubuti. Layunin Niyang tustusan sila ng pagkaing angkop sa kanilang kagustuhan ng higit kaysa sa hindi mahusay na pagkain na kanilang kinasanayan sa Ehipto. Ang nasira nilang panlasa ay kinakailangang maihatid sa isang higit na malusog na kalagayan, upang kanilang ikasiya ang orihinal na pagkain na itinakda para sa tao—ang mga prutas ng lupa, na ibinigay ng Dios kay Adan at kay Eva sa Eden. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Israelita ay hinigpitan, sa isang malaking banda, sa pagkain ng hayop. MPMP 445.3
Sila ay tinukso ni Satanas upang ituring ang paghihigpit na ito na malupit at di makatarungan. Pinapagnasa niya sila sa ipinagbabawal na mga bagay, sapagkat nakita niya na ang di nasusupil na panlasa ay nakalilikha ng pagbibigay sa hilig ng laman, at sa pamamagitan nito ang bayan ay madaling mapapasa ilalim ng kanyang kontrol. Ang may-akda ng karamdaman at paghihirap ay gumawa sa tao kung saan siya ay magkakaroon ng pinakamalaking pagtatagumpay. Sa pamamagitan ng mga tuksong may kinalaman sa panlasa ay nagawa niya, sa isang malaking banda, ang akayin ang tao sa kasalanan mula nang panahon na kanyang akitin si Eva na kumain ng ipinagbabawal na bunga ng punong kahoy. Sa ganitong paraan din niya inakit ang Israel upang magreklamo laban sa Dios. Ang kawalan ng pagtitimpi sa pagkain at sa pag-inom, humahantong sa ginagawa nitong pagbibigay laya sa mga pagnanasa ng laman, ang naghahanda ng daan upang baliwalain ng tao ang lahat ng kabutihan. Sa pagdating ng tukso, sila ay halos wala nang kapangyarihan upang tumanggi. MPMP 445.4
Dinala ng Dios ang mga Israelita mula sa Ehipto, upang Kanya silang maitatag sa Canaan, na isang dalisay, banal, at masayang bayan. Sa pagsasakatuparan ng layuning ito ay ipinailalim Niya sila sa isang landas ng pagdidisiplina, kapwa para sa sarili nilang kabutihan at sa ikabubuti ng kanilang magiging mga anak. Kung sila lamang ay naging handa upang tumanggi sa kanilang panlasa, sa pagsunod sa Kanyang mahusay na mga tagubilin, hindi sana sila nagkaroon ng panghihina at karamdaman. Ang kanilang mga anak sana ay nagkaroon ng malalakas na pangangatawan at kaisipan. Nagkaroon sana sila ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at katungkulan, kahusayang pumili, at matalinong pagpapasiya. Subalit ang kanilang di pagpapa- sakop sa mga paghihigpit at mga ipinag-uutos ng Dios, ang naging sanhi, upang hindi nila makamtam sa isang malaking banda, ang makaabot sa mataas na pamantayan na nais ng Dios na kanilang maabot, at ang tumanggap ng mga pagpapalang handa Niyang ipagkaloob sa kanila. MPMP 446.1
Wika ng mang-aawit: “Kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita. Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang? Narito Kanyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubulwak, at ang mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba Siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba Niya ng karne ang Kanyang bayan? Kaya't narinig ng Panginoon at napoot.” Awit 78:18-21. MPMP 446.2
Ang pagreklamo at pagkakagulo ay naging malimit sa panahon ng kanilang paglalakbay mula sa Dagat na Pula tungo sa Sinai, subalit dahil sa habag sa kanilang kawalan ng kaalaman at pagkabulag ay hindi ng Dios pinarusahan ang kanilang mga kasalanan. Subalit mula noon ay inihayag na Niya ang Kanyang sarili sa Horeb. Sila ay tumanggap na ng dakilang liwanag, at sila ay naging mga saksi sa karilagan, kapangyarihan, at kahabagan ng Dios; at ang kanilang di paniniwala at pagiging hindi kontento ay naging mas malaking kasalanan. At higit pa doon, sila ay nangakong tatanggapin si Jehova bilang kanilang Hari at susunod sa Kanyang awtoridad. Ang kanilang pagrereklamo ngayon ay isang panghihimagsik, at kinakailangang tumanggap ng mabilis at hayag na parusa, kung ang Israel ay kinakailangang maingatan mula sa pagkakagulo at kapahamakan. “At ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila, at tinupok ang kahuli-hulihang bahagi ng kampamento.” Ang pinakamay-sala sa mga nagreklamo ay pinatay ng kidlat mula sa ulap. MPMP 446.3
Ang bayan sa takot ay nakiusap kay Moises na makiusap sa Panginoon para sa kanila. Kanya iyong ginawa, at ang apoy ay napuk- sa. Bilang alaala sa kahatulang ito, ang lugar na iyon ay tinawag niyang Tabera, “isang pagsusunog.” MPMP 447.1
Subalit ang kasamaan ay mabilis na naging malala kaysa dati. Sa halip na ang mga natira ay magpakumbaba at magsisi, ang kilabot na kahatulang ito ay tila nagpalala lalo sa kanilang pagreklamo. Sa lahat ng panig ang mga tao ay nasa pintuan ng kanilang mga tolda, umii- yak at nagmumukmok. “At ang halo-halong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak, at nagsabi, Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain? Ating naalaala ang isda, na ating kinakain sa Ehipto na walang bayad; ang mga pipino, at mga melon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang: ngunit ngayo'y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaano-anoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito.” Kaya't inihayag nila ang kanilang pagiging pagkawalang kasiyahan sa pagkaing ipinagkakaloob sa kanila ng kanilang Manlalalang. Gano'n pa man, sila ay may nagpapatuloy na katibayan na iyon ay angkop sa kanilang mga kagustuhan; sapagkat sa kabila ng mga kahirapang kanilang tinitiis, ay walang ni isa man sa kanilang mga lipi ang mahina. MPMP 447.2
Ang puso ni Moises ay nanlumo. Nakiusap na siyang huwag patayin ang Israel, bagaman ang sarili niyang mga anak ay gagawing isang dakilang bayan. Sa kanyang pagmamahal sa kanila ay kanya nang idinalangin na ang kanyang pangalan ang alisin sa aklat ng buhay sa halip na sila ay pabayaang mamatay. Ipinahamak na niya ang lahat para sa kanila, at ito ang kanilang iginanti. Ang lahat ng kanilang mga paghihirap, maging ang mga kathang isip nilang mga kahira- pan, ay kanilang ibinibintang sa kanya; at ang kanilang masamang pagrereklamo ay higit pang nagpabigat sa pasanin at pananagutan na kanyang sinisikap pasanin. Sa kanyang pagkalito ay halos matukso na siyang mawalan ng pagtitiwala sa Dios. Ang kanyang dalangin ay naging halos isa na ring reklamo. “Bakit mo ginawan ng masama ang iyong lingkod? At bakit hindi ako nakasumpong ng biyaya sa Iyong paningin, na Iyong iniatang sa akin ang pasan ng buong bayang ito?... Saan ako kukuha ng karne upang ibigay sa buong bayang ito? sapagkat sila'y umiyak sa akin, na nagsisipagsabi, Bigyan mo kami ng karneng aming makakain. Hindi ko kayang dalhing mag-isa ang buong bayang ito, sapagkat totoong mabigat sa akin.” MPMP 447.3
Ang Panginoon ay nakinig sa kanyang dalangin, at inutusan siyang tumawag ng pitumpu sa mga matanda ng Israel—mga lalaking hindi lamang sa edad ang pagkamatanda, kundi yaong may pagkamaginoo, mabuting kahatulan, at karanasan. “At dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan,” wika Niya, “upang sila'y makatayo roon na kasama mo. At Ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at Ako'y kukuha ng Espiritung sumasaiyo at Aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing mag-isa.” MPMP 448.1
Pinahintulutan ng Panginoon si Moises na piliin para sa kanyang sarili ang pinakatapat at mahusay na mga lalaki na makikibahagi ng responsibilidad na kasama niya. Ang kanilang impluwensya ay tutu- long upang iiwas ang bayan sa pagkakagulo, at pagkakaroon ng pag- hihimagsik; gano'n pa man, lubhang kasamaan ang pagdaka'y mang- yayari bunga ng pagkakataas sa kanila. Hindi naman sana sila pinili kung si Moises lamang ay nagpahayag ng pananampalataya ayon sa mga katibayang nakita niya sa kapangyarihan at kabutihan ng Dios. Subalit kanyang pinalaki ang sarili niyang pasanin at paglilingkod, na halos di na niya nakita ang katotohanan na siya ay pawang kasangka- pan lamang na ginagamit ng Dios. Siya ay walang anomang dahilan upang, kahit kaunti, ay magkaroon ng espiritu ng pagreklamo na isang sumpa sa Israel. Kung siya lamang ay nanalig sa Dios, ang Panginoon ay patuloy sanang nagpatnubay sa kanya at nagbigay ng kalakasan sa bawat oras ng pangangailangan. MPMP 448.2
Si Moises ay inutusang ihanda ang bayan para sa nalalapit na gagawin ng Dios para sa kanila. “Magpakabanal kayo, para sa kinabu- kasan, at kayo'y magsisikain ng karne: sapagkat kayo'y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon, na sinasabi, Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain? sapagkat maigi kahit nang nasa Ehipto: dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo. Hindi ninyo kakaning isang araw, ni dalawang araw, ni limang araw, ni sampung araw, ni dalawang pung araw; kundi isang buong buwan, hanggang sa lumabas sa inyong mga ilong, at inyong kasuyaan: sapagkat inyong itinakwil ang Panginoon na nasa gitna ninyo, at kayo'y umiyak sa harap Niya, na nagsasabi, Bakit kami nakaalis sa Ehipto?” MPMP 448.3
“Ang bayan na kinaroroonan ko,” pahayag ni Moises, “ay anim na raang libong katao na nakatayo; at iyong sinabi, Akin silang bibigyan ng karne na kanilang makakain sa buong buwan. Papatayin ba kaya ang mga kawan at mga bakahan upang magkasya sa kanila? o ang lahat ng isda sa dagat ay titipunin sa kanila upang magkasya sa ka- nila?” MPMP 449.1
Siya ay sinumbatan sa kanyang kawalan ng pagtitiwala: “Umikli na ba kaya ang kamay ng Panginoon? ngayo'y makikita mo kung ang Aking salita ay matutupad sa iyo o hindi.” MPMP 449.2
Inulit ni Moises sa kapisanan ang sinalita ng Panginoon, at ipinahayag ang pagpili sa pitumpung matatanda. Ang tagubilin ng dakilang pinunong ito ay maaaring maging huwaran ng pagiging ganap ng kapasyahan ng mga hukom at mga mambabatas sa panahong kasalukuyan: “Inyong didinggin ang mga usap ng inyong mga kapa- tid, at ang taga ibang lupa na kasama niya. Huwag kayong magtata- ngi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagkat ang kahatulan ay sa Dios.” Deuteronomio 1:16, 17. MPMP 449.3
Inanyayahan ngayon ni Moises ang pitumpu upang pumunta sa tabernakulo. “At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kanya; at kumuha ng espiritung sumasa kanya at isinalin sa pitumpung matanda: at nangyari, na nang suma kanila ang Espiritu, ay nangang- hula, ngunit hindi na sila umulit.” Tulad sa mga alagad nang araw ng Pentecostes, sila ay pinagkalooban ng “kapangyarihan mula sa langit.” Ikinasiya ng Panginoon na sila'y ihanda sa kanilang gawain sa gano'ng paraan, at parangalan sila sa harap ng kapisanan, upang maitatag ang pagtitiwala sa kanila bilang mga lalaking pinili upang makiisa kay Moises sa pamamahala sa Israel. MPMP 449.4
Sa muli ay nagbigay ng katibayan ng marangal, at di-makasariling espiritu ng dakilang pinuno. Dalawa sa pitumpu, na sa pagpapakaba- ba ay hindi itinuring ang kanilang sarili na karapat-dapat sa gano'n kataas na posisyon, at hindi sumama sa tabernakulo; subalit ang Espiritu ng Dios ay napasa kanila sa lugar na kanilang kinaroroonan, at sila, rin, ay nagkaroon ng kaloob ng pagka propeta. Nang maba- litaan ito, ninais ni Josue na pigilin iyon, sa pangambang baka iyon ay maghatid sa pagkakampi-kampi. Alang-alang sa karangalan ng kanyang panginoon, “panginoon kong Moises,” wika niya, “pagba- walan mo sila.” Ang tugon ay, “Ikaw ba'y may paninibugho sa akin? ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isinakanila ng Panginoon ang Kanyang Espiritu!” MPMP 449.5
Isang malakas na hanging humihihip mula sa dagat ang ngayon ay naghatid ng mga puso, “may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa.” Mga Bilang 11:31. Buong maghapon at magdamag, hanggang sa sumunod na araw, ang bayan ay namulot ng pagkain na makababalaghang ipinagkaloob. Napakarami ang natipon. “Yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sampung omer.” Ang lahat ng kailangan para sa kasalukuyang gamit ay iningatan sa pamamagitan ng pagtutuyo, kaya't ang pagkain, ayon sa ipinangako, ay naging sapat para sa loob ng isang buwan. MPMP 450.1
Ang bayan ay binigyan ng Dios ng hindi lubos na makabubuti sa kanila, sapagkat sila ay nagpilit sa pagnanasa noon; hindi sila masiya- han doon sa mga bagay na makabubuti sa kanila. Ang kanilang mapanghimagsik na nasa ay ipinagkaloob, subalit sila ay iniwan u- pang magdusa sa bunga noon. Sila ay kumain na walang pagpipigil, at ang kanilang mga kalabisan ay mabilis na pinarusahan. “Sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.” Malaking bilang ang namatay dahil sa matinding lagnat, samantalang ang mga pasimuno sa kasalanang iyon ay nangamatay nang kanilang malasa- han ang pagkain na kanilang ninasa. MPMP 450.2
Sa Haseroth, ang sumunod na lugar ng kampamento matapos iwan ang Tabera, isa pang mapait na pagsubok ang naghihintay kay Moises. Si Aaron at sa Miriam ay nagkaroon ng posisyong may mataas na karangalan at pangunguna sa Israel. Ang dalawa ay kapwa may kaloob ng pagiging propeta, at kapwa iniugnay ng Dios kay Moises sa pagliligtas sa mga Hebreo. “Aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam” (Mikas 6:4), ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang Mikas. Ang pagkatao ni Miriam ay maagang nahayag nang sa kanyang kabataan ay kanyang binantayan sa tabi ng ilog ang maliit na basket kung saan natatago ang sanggol na si Moises. Ang kanyang pagiging mapagpigil sa sarili at kahusayan ay ginamit ng Dios sa pag-iingat sa tagapagligtas ng Kanyang bayan. Mayaman sa kaloob ng titik at tugtugin, si Miriam ang nanguna sa kababaihan ng Israel sa awit at sayaw sa pangpang ng Dagat na Pula. Sa pag-ibig ng bayan at pagpaparangal ng Langit siya ay tumindig na ikalawa lamang kay Moises at kay Aaron. Subalit ang kasamaang naghatid ng kagulo sa langit ay bumangon sa puso ng babaeng ito ng Israel, at hindi siya nabigong makasumpong ng kara- may sa kanyang sama ng loob. MPMP 450.3
Sa pagpili ng pitumpung matanda si Miriam at si Aaron ay hindi sinangguni, at sila ay nagkaroon ng inggit kay Moises. Nang du- malaw si Jethro, samantalang ang mga Israelita ay nasa kanilang daan patungo sa Sinai, ang handang pagtanggap ni Moises na payo ng kanyang biyanan ay nagbangon kay Aaron at kay Miriam ng isang pangamba na ang kanyang impluwensya sa dakilang pinuno ay hu- migit sa impluwensya nila. Sa pagbubuo ng kalipunan ng mga matanda sila ay nakadama na ang kanilang posisyon at awtoridad ay nabaliwa- la. Hindi batid ni Miriam at ni Aaron ang bigat ng pasanin at responsibilidad na nakasalalay kay Moises; gano'n pa man sapagkat sila'y napili upang tulungan siya at itinuring nila ang kanilang sarili na kapantay niya sa pasanin ng pamumuno, at itinuring nila ang pagpili ng iba pang mga katulong ay hindi na kailangan. MPMP 451.1
Nadama ni Moises ang kahalagahan ng dakilang gawain na ipinag- katiwala sa kanya na di kailanman nadama ng iba. Nadama niya ang sarili niyang kahinaan, at ginawa niyang kanyang tagapayo ang Dios. Itinuring ni Aaron ang kanyang sarili ng higit sa nararapat, at nagti- wala ng mas kaunti sa Dios. Siya ay nabigo nang siya ay pagkatiwa- laan ng responsibilidad, pinatutunayan ang kahinaan ng kanyang pagkatao sa di-mabuting pagsang-ayon sa pagsamba sa diyus-diyusan sa Sinai. Subalit si Miriam at si Aaron, binulag ng inggit at ambisy- on, ay nawalan ng pananaw dito. Si Aaron ay lubos na pinarangalan ng Dios sa pagkakapili ng Dios sa kanyang sambahayan sa banal na tungkulin ng pagkasaserdote; subalit maging ito ngayon ay naka- dagdag sa kanyang pagnanasang itaas ang sarili. “At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin?” Itinuturing ang kanilang mga sarili na kapantay rin sa paningin ng Dios, kanilang nadama na sila ay karapat-dapat din sa gano'ng posisyon at awtoridad. MPMP 451.2
Sa pagbibigay daan sa espiritu ng pagkakaroon ng sama ng loob, si Miriam ay nakasumpong ng dahilan upang magreklamo sa mga pangyayaring bukod tanging ginamit na ng Dios. Ang pag-aasawa ni Moises ay hindi niya gusto. Ang siya ay pumili ng isang babae mula sa ibang bayan, sa halip na kumuha ng mapapangasawa mula sa mga Hebreo, ay nakapagpapasama ng loob sa kanyang pamilya at sa pang- bayang pagmamalasakit. Si Zepora ay pinakitunguhan ni Miriam ng mga nakakubling sama ng loob. MPMP 452.1
Bagaman tinawag na isang “babaeng Cusita” (Mga Bilang 12:1), ang asawa ni Moises ay isang Medianita, kaya't mula sa inanak ni Abraham. Sa anyo siya ay kakaiba sa mga Hebreo dahil higit na matingkad ang kanyang kulay. Bagaman siya ay hindi isang Israelita, si Zepora ay isang sumasamba sa tunay na Dios. Siya ay may pag- kamahiyain, mahinhin at kaibig-ibig, at lubhang natataranta pagnaka- kakita ng nagdurusa; at ito ang dahilan kung bakit si Moises, sa daan pagtungo sa Ehipto, ay pumayag na siya ay bumalik sa Media. Nais ni Moises na siya ay iiwas sa pagsaksi sa mga hatol na pararatingin ng Dios sa mga Ehipcio. MPMP 452.2
Nang si Zepora ay muling sumama sa kanyang asawa sa ilang, nakita niya na ang gawain ni Moises ay nakakaubos sa kanyang lakas, at kanyang inihayag ang kanyang mga pangamba kay Jethro, na nagbigay ng mungkahing makatutulong sa kanya. Ito ang tampok na dahilan sa di magandang pagtingin ni Miriam kay Zepora. Sinasang- kalan ang sinabing pagkakabaliwala sa kanya at kay Aaron, inisip niya na ang asawa ni Moises ang dahilan, at inisip na ang kanyang impluwensya ang dahilan kung bakit sila ay hindi sinangguni gaya nang dati. Kung si Aaron ay nanindigan lamang sa tama, maaari sana niyang nasupil ang kasamaan; subalit sa halip na ipakita kay Miriam ang kasamaan ng kanyang ginagawa, siya ay nakiramay sa kanya, nakinig sa kanyang mga pagreklamo, at nakiisa sa kanyang pani- nibugho. MPMP 452.3
Ang kanilang mga paratang ay dinala ni Moises sa pamamagitan ng di nagrereklamong katahimikan. Ang karanasan na natamo sa mga taon ng paggawa at paghihintay sa Media—ang espiritu ng pagpapakumbaba at pagkamatiisin na nabuo—ang naghanda kay Moises upang harapin na may pagpapasensya ang di paniniwala at pagreklamo ng bayan at ang pagmamataas at inggit noong mga naging tapat niyang mga katulong. “Si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa,” kaya't siya ay pinagkalooban ng Dios ng karunungan at pagpatnubay na higit sa iba. Wika ng kasulatan, “Ang maamo ay papatnubayan Niya sa kahatulan: At ituturo Niya sa maamo ang daan Niya.” Awit 25:9. Ang maamo ay pinapatnubayan ng Panginoon sapagkat sila ay natu- turuan, at nagpapaturo. Mayroon silang taimtim na pagnanasang maalaman at isakatuparan ang kalooban ng Dios. Ang pangako ng Tagapagligtas ay, “Kung ang sinumang tao ay nag-iibig gumawa ng Kanyang kalooban, ay makikilala niya ang turo.” Juan 7:17. At Kanyang ipinapahayag sa pamamagitan ni apostol Santiago, “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kanya.” Santiago 1:5. Subalit ang Kanyang pangako ay para lamang doon sa lubos na handang sumunod sa Panginoon. Hindi ng Dios pinipilit ang kalooban ninoman; kaya't hindi Niya mapapatnubayan yaong mga hindi nagpapaturo, na ang hilig ay ang sarili nilang paraan. Sa nagdadalawang isip na tao—sa kanya na nagsisikap sundin ang sarili niyang kalooban, samantalang nag-aang- lang ginagawa ang kalooban ng Dios—ay nasusulat, “Huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anomang bagay sa Panginoon.” Santiago 1:7. MPMP 452.4
Pinili ng Dios si Moises, at inilagay ang Kanyang espiritu sa kanya; at si Miriam at si Aaron, sa pamamagitan ng kanilang pagreklamo, ay nagkakasala ng pagiging hindi tapat, hindi lamang sa piniling pinuno nila, kundi pati sa Dios mismo. Ang mapanghimagsik na nagbu- bulung-bulungan ay pinapunta sa tabernakulo, at nakipagharapan kay Moises. “At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam.” Ang kanilang inaangking kaloob ng pagkapropeta ay hindi binaliwala; sila sana ay maaaring makausap ng Dios sa pamamagitan ng mga pana-ginip at mga pangitain. Subalit si Moises, na ang Panginoon mismo ay nagsabing “tapat sa Aking buong bahay,” isang higit na malapit na pakikipag-ugnayan ang ipinagkaloob. Ang Dios ay naki- pag-usap sa kanya ng bibig sa bibig. “Bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa Aking lingkod, laban kay Moises? At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at Siya'y umalis.” Ang ulap ay umalis mula sa tabernakulo bilang tanda ng galit ng Panginoon, at si Miriam ay hinampas. Siya ay “nagkaketong na pumuting gaya ng niebe.” Si Aaron ay hindi hinampas, subalit siya ay lubhang nasum- batan sa pagpaparusa kay Miriam. Ngayon, ang kanilang pagmamataas ay ibinaba sa alabok, ipinagtapat ni Aaron ang kanilang kasalanan, at nakiusap na ang kanyang kapatid ay huwag iwan sa nakamamatay na kalagayan. Bilang tugon sa dalangin ni Moises ang ketong ay nalinis. Si Miriam, gano'n pa man, ay inilabas sa kampamento sa loob ng pitong araw. Hangga't hindi siya inilalabas sa kampamento ay hindi bumalik ang tanda ng kaluguran ng Dios sa tabernakulo. Bilang paggalang sa kanyang mataas na kalagayan, at sa kalungkutan sa sakunang sumapit sa kanya, ang buong bayan ay nanatili sa Haseroth, hanggang sa siya'y makabalik. MPMP 453.1
Ang pagpapahayag na ito ng Dios ng galit ay isang babala sa buong Israel, upang supilin ang lumalagong espiritu ng pagkawalang kasiyahan at hindi pagpapasakop. Kung ang paninibugho at kawa- lang kasiyahan ni Miriam ay hindi hayagang sinumbatan, maaaring iyon ay nagbunga ng malaking kasamaan. Ang paninibugho ay isa sa pinaka likas ni Satanas na nananahan sa puso ng tao, at isa iyon sa pinakamasama ang ibinubunga. Wika ng pantas na lalaki, “Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, ngunit sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?” Kawikaan 27:4. Paninibugho ang unang naghatid ng di masukat na kasamaan sa mga tao. “Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagkakampi-kampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.” Santiago 3:16. MPMP 454.1
Hindi dapat ituring na isang maliit na bagay ang magsalita ng masama tungkol sa iba o ang gawin ang ating mga sarili na tagahatol sa kanilang layunin o kilos. “Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't-isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kanyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.” Santiago 4:11. Isa lamang ang hukom—Siya na “maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng puso.” 1 Corinto 4:5. At sinomang humahatol sa kanyang kapwa-tao ay umaangkin sa karapatan ng Manlalalang. MPMP 454.2
Ang Banal na Kasulatan ay bukod tanging nagtuturo sa atin na mag-ingat sa pagturing ng maliit na bagay ang pag-aakusa laban sa mga tinawagan ng Dios upang maging Kanyang mga kinatawan. Si apostol Pedro, sa paglalarawan ng isang grupo ng waglit na mga makasalanan, ay nagsabi, “Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na mag-alipusta sa mga pangulo: samantalang ang mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.” 2 Pedro 2:10, 11. At si Pablo, sa kanyang tagubilin doon sa mga inilagay upang mangasiwa sa iglesia, ay nagsabi, “Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, mali- ban sa dalawa o tatlong saksi.” 1 Timoteo 5:19. Siya na naglagay sa tao ng mabigat na pananagutan bilang mga pinuno at mga guro ng Kanyang bayan ay hahatulan ang bayan kung paano nila pinakitu- nguhan ang Kanyang mga lingkod. Kinakailangang parangalan natin yaong mga pinarangalan ng Dios. Ang hatol na pinarating kay Miriam ay kinakailangang magsilbing isang sumbat sa lahat ng nagbibigay daan sa paninibugho, at nagrereklamo laban doon sa mga pinagkatiwalaan ng Dios ng pasanin ng Kanyang gawain. MPMP 454.3