Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 32—Ang Kautusan at ang mga Tipan
Si Adan at si Eva, nang sila ay lalangin, ay may kaalaman tungkol sa kautusan ng Dios; alam nila ang mga ipinag-uutos noon sa kanila; ang mga alituntunin noon ay nakasulat sa kanilang mga puso. Nang ang tao ay mahulog dahil sa paglabag ang kautusan ay hindi nabago, subalit isang paraan ng paglunas ang itinatag upang siya ay maibalik sa pagsunod. Ang pangako tungkol sa isang Tagapagligtas ang ibinigay, at ang paghahain ng handog na tumutukoy sa hinaharap na pagkamatay ni Kristo bilang dakilang handog ukol sa kasalanan ay itinatag. Subalit kung ang kautusan ng Dios kailanman ay hindi nasuway, hindi sana nagkaroon ng kamatayan, at walang pangangai- langan ng isang Tagapagligtas; at hindi rin sana nagkaroon ng panga- ngailangan ng mga hain. MPMP 428.1
Itinuro ni Adan sa kanyang mga anak ang kautusan ng Dios, at iyon ay ipinasa ng ama sa anak sa sumunod na mga lahi. Subalit sa kabila ng mabiyayang kaloob para sa ikaliligtas ng tao, kakaunti lamang ang tumanggap noon at sumunod. Sa pamamagitan ng pag- salangsang ang sanlibutan ay naging napakasama ng gano'n na lamang kung kaya't kinakailangang linisin sa pamamagitan ng Baha dahil sa karumalan. Ang kautusan ay iningatan ni Noe at ng kanyang sambahayan, at itinuro ni Noe sa kanyang mga anak ang Sampung Utos. Nang ang tao ay muling humiwalay sa Dios, pinili ng Panginoon si Abraham, na Kanyang ipinahayag, “Sinunod ni Abraham ang Aking tinig, at ginanap ang Aking bilin, ang Aking mga utos, ang Aking mga palatuntunan, at ang Aking mga kautusan.” Genesis 26:5. Sa kanya ibinigay ang seremonya ng pagtutuli, na isang tanda na ang mga tatanggap noon ay natatalaga sa paglilingkod sa Dios— isang panata na sila'y mananatiling malayo mula sa pagsamba sa mga diyus-diyusan, at sila'y susunod sa kautusan ng Dios. Ang di pagtupad ng mga anak ni Abraham sa panatang ito, gaya na ipinakikita ng kanilang hilig sa pakikipagkaisa sa mga di kumikilala sa Dios at pag- gaya sa kanilang mga gawain, ay naging sanhi ng kanilang panunu- luyan at pagkaalipin sa Ehipto. Subalit sa kanilang pakikisalamuha sa mga sumasamba sa diyus-diyusan, at sa kanilang sapilitang pagpa- pailalim sa mga Ehipcio, ang mga alintuntunin ng Dios ay higit pang naramihan ng mga bulok at malulupit na mga aral ng mga di ku- mikilala sa Dios. Kaya't nang kunin sila ng Panginoon mula sa Ehipto, Siya ay bumaba sa Sinai, nakapaloob sa kaluwalhatian at napapaligiran ng Kanyang mga anghel, at sa kamangha-manghang kapangyarihan ay binanggit ang Kanyang kautusan sa pakinig ng buong bayan. MPMP 428.2
Noon pa man ay hindi Niya ipinagkatiwala ang Kanyang mga alintuntunin sa memorya ng isang bayan na may hilig kumalimot sa Kanyang mga kautusan, sa halip ay isinulat ang mga iyon sa mga tapyas ng bato. Aalisin Niya mula sa Israel ang lahat ng posibilidad ng paghahalo ng mga gawi ng mga di kumikilala sa Dios at ng Kanyang mga banal na alintuntunin, o ang pagkakapagpalit-palit ng Kanyang mga utos sa mga batas o gawi ng tao. Subalit hindi Siya tumigil sa pagbibigay sa kanila ng mga alituntunin ng Sampung Utos. Ipinakita ng bayan na sila ay madaling naililigaw kaya't hindi Siya mag-iiwan ng anomang pinto ng tukso na hindi nababantayan. Si Moises ay inutusang sumulat, ano man ang sabihin ng Dios sa kanya, mga kahatulan at mga utos ibinigay ang detalye ng ipinag- uutos. Ang mga tagubiling ito na may kinalaman sa mga tungkulin ng bayan ng Dios, sa isa't-isa, at sa mga taga ibang lupa ay pawang mga prinsipyo ng Sampung Utos na ibinigay sa isang higit na malawak at tiyak na paraan, upang walang sino mang magkamali. Ang mga iyon ay inihanda upang maingatan ang kabanalan ng sampung mga tagubilin na nakasulat sa mga tapyas ng bato. MPMP 429.1
Kung iningatan lamang ng tao ang kautusan ng Dios, sa pagkaka- bigay kay Adan matapos na siya'y mahulog, iningatan ni Noe, at tinupad ni Abraham, hindi na sana kinakailangan ang seremonya ng pagtutuli. At kung iningatan ng angkan ni Abraham ang tipan, na tinutukoy ng pagtutuli bilang isang tanda, hindi sana sila naakit sa pagsamba sa diyus-diyusan, ni kinakailangang maghirap sila bilang mga alipin sa Ehipto; nanatili sana sa kanilang isip ang kautusan ng Dios, at hindi na kinakailangan pang ipahayag iyon mula sa Sinai o isulat sa mga tapyas ng bato. At kung isinakatuparan ng bayan ang mga prinsipyo ng kautusan, hindi na sana nagkaroon ng pangangai- langan ng mga karagdagang tagubilin na ibinigay kay Moises. MPMP 429.2
Ang sistema ng paghahain, na ibinigay kay Adan, ay sinira din ng kanyang mga inanak. Pamahiin, idolatria, kalupitan, at pagpapahin- tulot sa kasalanan ang sumira sa payak ang makabuluhang paglilingkod na itinakda ng Dios. Dahil sa matagal na pakikisalamuha sa mga mapagsamba sa diyus-diyusan ay naihalo ng Israel ang maraming kaugalian ng mga di sumasamba sa Dios sa kanilang pagsamba; kaya't binigyan sila ng Panginoon sa Sinai ng malinaw na mga tagubilin tungkol sa serbisyo ng paghahain. Nang matapos ang paggawa ng tabernakulo Siya ay nakipag-ugnayan kay Moises mula sa ulap ng kaluwalhatian sa itaas ng luklukan ng awa, at binigyan siya ng ganap na mga tagubilin tungkol sa sistema ng mga paghahandog at sa mga anyo ng pagsamba na iingatan sa santuwaryo. Kaya't ang batas tungkol sa mga palatuntunan ay ibinigay kay Moises, at sa pamamagitan niya ay isinulat sa isang aklat. Subalit ang kautusan ng Sampung Utos na binanggit mula sa Sinai ay isinulat ng Dios sa mga tapyas ng bato, at banal na iningatan sa kaban. MPMP 430.1
Marami ang nagsisikap pag-isahin ang mga sistemang ito, gina- gamit ang mga talata tungkol sa batas ng mga palatuntunan upang patunayan na ang batas ng moralidad ay pinawi na; subalit ito ay isang pagpipilipit ng kasulatan. Ang pagkakaiba ng dalawang sistema ay malawak at malinaw. Ang sistema ng mga palatuntunan ay binubuo ng mga simbolong tumutukoy kay Kristo, sa Kanyang sakripisyo, at sa Kanyang pagkasaserdote. Ang batas na ito na pang seremonya, at ang mga sakripisyo at mga kautusan, ay kinakailangang isagawa ng mga Hudyo hanggang sa ang anino at ang nakakaanino ay magtagpo sa pagkamatay ni Kristo, ang Kordero ng Dios na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. At ang lahat ng mga paghahain ay kinakailangang itigil. Ang kautusang ito ang “inalis” ni Kristo, na “ipinako sa krus.” Colosas 2:14. Subalit tungkol sa Sampung Utos ang mang- aawit ay nagpahayag, “Magpakailan man, Oh Panginoon, Ang Iyong salita ay natatag sa langit.” Awit 119:89. At si Kristo mismo ay nagsa- bi, “Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan.... Sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Hanggang sa ma- ngawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maga- nap ang lahat ng mga bagay.” Mateo 5:17, 18. Dito ay Kanyang itinuturo, hindi lamang kung ano ang naging utos ng Dios, at kung ano iyon noon, itinuturo Niya na iyon ay kinakailangang sundin habang ang langit at ang lupa ay nananatili. Ang kautusan ng Dios ay sintibay ng Kanyang luklukan. Iyon ay kinakailangang sundin ng tao sa lahat ng kapanahunan. MPMP 430.2
Tungkol sa kautusang inihayag mula sa Sinai, ang wika ni Nehemias, “Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nag- salita Ka sa kanila mula sa langit, at binigyan Mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos.” Nehemias 9:13. At si Pablo, na “apostol ng mga Hentil,” ay nagpapahayag, “Ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.” Roma 7:12. Ito ay tumutukoy sa Sampung Utos; sapagkat ito ang kautusang nagsasabi, “Huwag kang mana- nakim.” Talatang 7. MPMP 431.1
Samantalang ang kamatayan ng Tagapagligtas ay naghatid ng wakas sa kautusan ng mga anyo at anino, kahit kaunti ay hindi iyon sumisira sa batas ng moralidad. Sa kabaliktaran noon, ang katoto- hanan na si Kristo ay kinakailangang mamatay upang tubusin ang pagkakasalangsang sa kautusang iyon, ay nagpapatunay na iyon ay di nababago. MPMP 431.2
Yaong mga nagsasabing si Kristo ay naparito upang pawiin ang kautusuan ng Dios at alisin ang Matandang Tipan, ay nagsasabing ang kapanahunan ng mga Hudyo ay isang panahon ng kadiliman, at inihahayag ang relihiyon ng mga Hudyo bilang pawang mga anyo at mga seremonya. Subalit ito ay isang pagkakamali. Sa bawat pahina ng banal na kasaysayan, kung saan nakatala ang mga pakikitungo ng Dios sa Kanyang piniling bayan ay matutunton ang dakilang AKO NGA. Kailanman ay di Siya nagbigay sa mga anak ng tao ng higit na pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian kaysa nang Siya lamang ang kinikilalang Hari ng Israel, at nagbigay ng Kanyang kautusan sa Kanyang bayan. Narito ang isang setro na hindi tao ang gumagamit; at ang karingalan ng di nakikitang Hari ng Israel ay di mabigkas ang kadakilaan at pagkakilabot. MPMP 431.3
Sa lahat ng mga pagpapahayag na ito ng kahayagan ng Dios ang kaluwalhatian ng Dios ay nahahayag sa pamamagitan ni Kristo. Hindi lamang sa pagdating ng Tagapagligtas, kundi sa lahat ng kapanahunan buhat nang mahulog ang tao sa kasalanan at nang ipangako ang pagtubos, “Ang Dios kay Kristo ay pinapagkasundo ang sanlibu- tan sa Kanya.” 2 Corinto 5:19. Si Kristo ang pundasyon at sentro ng sistema ng paghahain kapwa sa kapanahunan ng mga patriarka at sa kapanahunan ng mga Hudyo. Buhat nang magkasala ang ating unang mga magulang ay di na nagkaroon ng tuwirang komyunikasyon sa pagitan ng Dios at ng tao. Ibinigay ng Ama ang sanlibutan sa kamay ni Kristo, upang sa Kanyang gawain ng pamamagitan ay matubos Niya ang tao at mapagtibay Niya ang awtoridad at kabanalan ng kautusan ng Dios. Ang lahat ng pag-uugnayan sa pagitan ng langit at ng nagkasalang lahi ay naging sa pamamagitan ni Kristo. Ang Anak ng Dios ang nagbigay sa ating unang mga magulang ng pangako ng pagtubos. Siya ang nagpahayag ng Kanyang sarili sa mga patriarka. Naunawaan ni Adan, ni Noe, ni Abraham, ni Isaac, ni Jacob, at ni Moises ang ebanghelyo. Sila ay tumingin sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kahalili at Tagapanagot ng tao. Ang mga banal na ito noon ay nakipag-ugnayan sa Tagapagligtas na darating sa sanlibutan bilang isang laman; at ang ilan sa kanila ay nakipag-usap kay Kristo at sa makalangit na mga anghel ng mukhaan. MPMP 431.4
Si Kristo ay hindi lamang Siyang pinuno ng mga Hebreo sa ilang— ang Anghel na ang pangalan ay Jehova, at, nakukublihan ng haliging ulap, ay nanguna sa kanila—kundi Siya ang nagbigay ng kautusan sa Israel. [Tingnan ang Apendiks, Nota 7.] Sa kalagitnaan ng kamangha-manghang kaluwalhatian ng Sinai, ipinahayag ni Kristo sa pakinig ng buong bayan ang sampung alituntunin ng kautusan ng Kanyang Ama. Siya ang nagbigay kay Moises ng kautusang nakasulat sa mga tapyas ng bato. MPMP 432.1
Si Kristo ang nagsalita sa Kanyang bayan sa pamamagitan ng mga propeta. Si apostol Pedro, sa pagsulat sa iglesiang Kristiano, ay nagsabi na ang mga propeta ay “nagsihula tungkol sa biyayang darating sa inyo: na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Kristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Kristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.” 1 Pedro 1:10, 11. Tinig ni Krjsto ang nagsalita sa atin sa matandang tipan. “Ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.” Apocalipsis 19:10. MPMP 432.2
Sa Kanyang mga pagtuturo nang Siya ay kasama ng mga tao ay itinuon ni Jesus ang kaisipan ng mga tao sa Matandang Tipan. Wika Niya sa mga Hudyo, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagkat iniisip ninyo na sa mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin.” Juan 5:39. Ang Matandang Tipan pa lamang ang bahagi ng kasulatan na mayroon noon. Muli ay ipinahayag ng Anak ng Dios, “Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.” At Kanyang idinagdag, “Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.” Lucas 16:29, 31. MPMP 432.3
Ang batas tungkol sa mga palatuntunan ay ibinigay ni Kristo. Maging nang iyon ay di na kailangang isakatuparan, inihayag iyon ni Pablo sa mga Hudyo na ipinakikita ang tunay na lugar noon at kahalagahan, ipinakikita ang lugar noon sa panukala ng pagtubos at ang kaugnayan noon sa gawain ni Kristo; at ipinahayag ng dakilang apostol na ang batas na iyon ay maluwalhati, karapat-dapat sa Dios na pinagmulan noon. Ang solemneng serbisyo sa santuwario ay nag- lalarawan sa mga dakilang katotohanan na kinakailangang mahayag sa mga sumusunod na mga henerasyon. Ang ulap ng kamangyan na pumapanhik kasama ng mga dalangin ng Israel ay kumakatawan sa Kanyang katuwiran na tanging kailangan upang ang dalangin ng makasalanan ay maging katanggap-tanggap sa Dios; ang nagdurugong biktima sa dambana ng sakripisyo ay nagpapatotoo tungkol sa isang Tagapagtubos na dumarating; at mula sa kabanal-banalang dako ay siya'ng nakikitang tanda ng pakikiharap ng Dios na nagniningning. Kaya't sa mga panahon ng kadiliman at pagtalikod ang pananampa- lataya ay naingatang buhay sa puso ng tao hanggang sa dumating ang ipinangakong Mesias. MPMP 433.1
Si Jesus ang liwanag ng Kanyang bayan—ang Liwanag ng sanlibutan—bago Siya naparito sa lupa sa anyong tao. Ang kauna-unahang sinag ng liwanag na pumasok sa kadilimang ibinalot ng kasalanan sa sanlibutan, ay nagmula kay Kristo. At sa Kanya nanggaling ang bawat sinag ng kaliwanagan ng langit na nakarating sa mga naninira- han sa lupa. Sa panukala ng pagtubos si Kristo ang Alpa at Omega— ang Una at ang Huli. MPMP 433.2
Mula nang ang dugo ng Tagapagligtas ay nabuhos sa ikapagpa- patawad ng mga kasalanan, at Siya ay pumanhik sa langit “upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin” (Hebreo 9:24), ang liwanag ay dumadaloy mula sa krus ng kalbaryo at mula sa mga banal na dako ng santuwaryo sa langit. Subalit ang higit na maning- ning na liwanag na ibinigay sa atin ay di dapat maging sanhi upang iwaksi ang sa mga unang panahon ay tinanggap sa pamamagitan ng mga paglalarawan na tumutukoy sa dumarating na Tagapagligtas. Ang ebanghelyo ni Kristo ay nagbibigay liwanag sa sistema ng mga Hudyo at nagbibigay ng kahulugan sa mga batas tungkol sa mga palatuntunan. Sa pagpapahayag ng mga bagong katotohanan, at yaong mga inihayag na ng una ay naging higit na maliwanag, ang likas at mga layunin ng Dios ay nahahayag sa Kanyang mga pakikitungo sa Kanyang piniling bayan. Ang bawat karagdagang liwanag na ating tinatanggap ay nagbibigay sa atin ng higit na maliwanag na pag- kaunawa sa panukala ng pagtubos, na pagsasakatuparan ng kalooban ng Dios sa ikaliligtas ng tao. Nakakakita tayo ng bagong kagandahan at kapangyarihan sa kinasihang salita, at ating pinag-aaralan ang mga pahina noon na may higit na malalim at matinding pananabik. MPMP 433.3
Marami ang naniniwala sa kaisipan na ang Dios ay naglagay ng isang pader na nagbubukod sa mga Hebreo at sa sanlibutang nasa labas; na ang Kanyang pangangalaga at pag-ibig, ay wala sa ibang mga tao, at nakasentro sa Israel. Subalit hindi pinanukala ng Dios na ang Kanyang bayan ay gagawa ng isang pader na makapaghihiwalay sa kanila at sa kanilang kapwa tao. Ang puso ng Walang Hanggang pag-ibig ay umaabot sa lahat ng naninirahan sa lupa. Bagaman kanilang tinanggihan Siya, walang tigil Siya sa pagpapahayag ng Kanyang sarili sa kanila upang sila'y maging kabahagi ng Kanyang pag- ibig at biyaya. Ang Kanyang pagpapala ay ipinagkaloob sa Kanyang piniling bayan, upang ang iba ay kanilang mapagpala. MPMP 434.1
Tinawagan ng Dios si Abraham, at pinagpala, at pinarangalan; at ang katapatan ng patriarka ay naging liwanag sa lahat ng mga bansang kanyang tinirahan. Hindi ni Abraham inihiwalay ang kanyang sarili mula sa mga tao sa kanyang paligid. Siya ay nagkaroon ng mapagkai- bigang relasyon sa mga hari ng mga bansang nakapalibot sa kanya, na ang ilan doon ay nakitungo sa kanya na may malaking paggalang; at ang kanyang pagiging tapat at di makasarili, ang kanyang kata- pangan at pagiging mapagbigay, ay naghahayag sa likas ng Dios. Sa Mesopotamia, sa Canaan, sa Ehipto, at maging sa mga naninirahan sa Sodoma, ang Dios ng langit ay nahayag sa pamamagitan ng Kanyang kinatawan. MPMP 434.2
Gano'n din naman sa mga Ehipcio at sa lahat ng mga bansang kaugnay ng makapangyarihang kahariang iyon, ipinahayag ng Dios ang Kanyang sarili sa pamamagitan ni Jose. Bakit pinili ng Dios na itaas ng gano'n na lamang si Jose sa mga Ehipcio? Maaari Niyang magawa ang ibang paraan upang maisakatuparan ang mga panukala Niya para sa mga anak ni Jacob; subalit ninais Niyang gawing liwanag si Jose, at inilagay Niya siya sa palasyo ng hari, upang ang makalangit na liwanag ay makarating sa malayo at sa malapit. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at katarungan, sa kadalisayan at kabutihan ng kanyang pang araw-araw na buhay, sa kanyang pag- tatalaga sa kapakanan ng bayan—at ang bayang iyon ay mga suma- samba sa diyus-diyusan—si Jose ay naging isang kinatawan ni Kristo. Sa tumutulong sa kanila, na sa kanya ang buong Ehipto ay nag- pasalamat at nagpuri, ang bansang iyon na di kumikilala sa Dios ay nakakakita ng pag-ibig ng kanilang Manlalalang at Manunubos. Gano'n din naman kay Moises naglagay ang Dios ng liwanag sa tabi ng luklukan ng pinakadakilang kaharian sa lupa, upang ang lahat ng magnanais, ay maaaring makaalam ng katotohanan tungkol sa tunay at buhay na Dios. At ang lahat ng liwanag na ito ay ibinigay sa mga Ehipcio bago iniunat ang kamay ng Dios sa kanila sa mga paghatol. MPMP 434.3
Sa pagliligtas ng Israel mula sa Ehipto ang kaalaman tungkol sa kapangyarihan ng Dios ay kumalat sa malayo at sa malapit. Ang mahilig sa digmaang bayan ng kuta ng Jerico ay nanginig. “At pag- kabalita namin,” wika ni Rahab, “ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagkat ang Panginoon ninyong Dios, ay Siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.” Josue 2:11. Daan-daang taon na makalipas ang paglaya mula sa Ehipto ay pinaalalahanan ng mga saserdote ng Palestina ang kanilang bayan tungkol sa mga salot sa Ehipto, at binabalaan sila tungkol sa paglaban sa Dios ng Israel. MPMP 435.1
Tinawagan ng Dios ang Israel, at pinagpala at itinaas sila, hindi upang sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kautusan ay sila lamang ang tumanggap ng Kanyang kaluguran at maging bukod tanging tagatanggap ng Kanyang mga pagpapala, kundi upang iha- yag ang Kanilang sarili sa pamamagitan nila sa lahat ng mga naninirahan sa lupa. Sa pagsasakatuparan ng layuning ito inutusan Niya silang ingatan ang kanilang mga sarili na maging kakaiba sa mga bansang sumasamba sa mga diyus-diyusan sa paligid nila. MPMP 435.2
Ang pagsamba sa mga diyus-diyusan at ang lahat ng mga kasalanang kasunod noon ay kasuklam-suklam sa Dios, at inutusan Niya ang Kanyang bayan na huwag makisalamuha sa ibang mga bansa, upang “gawin ang kanilang ginagawa,” at makalimot sa Dios. Ipinagbawal Niya ang pag-aasawa ng di kapananampalataya, baka ang kanilang puso ay mailayo mula sa Kanya. Kailangan ng bayan ng Dios noon kung paanong kailangan din ngayon na sila ay maging dalisay, “wa- lang dungis ang kanyang sarili sa sanlibutan.” Kinakailangang inga- tan nilang malaya ang kanilang mga sarili mula sa espiritu noon, sapagkat iyon ay salungat sa katotohanan at sa katuwiran. Subalit hindi pinanukala ng Dios na ang Kanyang bayan, sa isang pagiging matuwid sa sarili na pagkabukod, ay ilayo ang kanilang mga sarili sa sanlibutan, na ano pa't sila'y hindi makaimpluwensya doon. MPMP 435.3
Tulad sa kanilang Panginoon, ang mga tagasunod ni Kristo sa lahat ng kapanahunan ay kinakailangang maging liwanag ng sanlibutan. Wika ng Tagapagligtas, “Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay”— na iyon ay, ang sanlibutan. At Kanyang idinagdag, “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” Mateo 5:14-16. Ganito ang ginawa ni Enoc, at ni Noe, ni Abraham, ni Jose, at ni Moises. Ganito ang pinanukala ng Dios na gagawin ng Israel. MPMP 436.1
Ang sarili nilang puso sa hindi sumasampalataya, na kinilos ni Satanas, ang umakay sa kanila upang itago ang kanilang liwanag, sa halip na papagliwanagin iyon sa mga kalapit na bayan; ang hindi rin magandang espiritung iyon ang sanhi upang kanilang sundin ang makasalanang gawain ng mga di kumikilala sa Dios o di kaya'y ikubli ang kanilang mga sarili sa isang mapagmalaking pamumukod, na tila ang pag-ibig at kalinga ng Dios ay ukol lamang sa kanila. MPMP 436.2
Kung paanong ang Banal na Kasulatan ay naghahayag ng dalawang kautusan, isang di nababago at pangwalang hanggan, at isang pansa- mantala, gano'n din naman mayroong dalawang tipan. Ang tipan ng biyaya ay unang ipinagkaloob sa tao sa Eden, nang pagkahulog sa kasalanan ay may ibinigay na isang banal na pangako na ang binhi ng babae ang dudurog sa ulo ng ahas. Sa lahat ng tao ang tipan na ito ay nag-aalok ng kapatawaran at ng tumutulong na biyaya ng Dios sa hinaharap na pagsunod sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Iyon ay nangangako rin sa kanila ng buhay na walang hanggan sa kundisyon ng pagiging tapat sa kautusan ng Dios. Kaya't ang mga patriarka ay tumanggap ng pag-asa ng kaligtasan. MPMP 436.3
Ang tipan rin na ito ang inulit kay Abraham sa pangakong, “Pag- papalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.” Genesis 22:18. MPMP 436.4
Ang pangakong ito ay tumutukoy kay Kristo. Kaya't ito ay nauna- waan ni Abraham (tingnan ang Galacia 3:8, 16), at siya ay nagtiwala kay Kristo para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ang pananampa- latayang ito ang ibinilang sa kanya ukol sa katuwiran. Ang tipang kay Abraham ay nagtatanyag rin sa awtoridad ng kautusan ng Dios. Ang Panginoon ay napakita kay Abraham, at nagsabi, “Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko at magpaka- sakdal ka.” Genesis 17:1. Ang patotoo ng Dios tungkol sa Kanyang tapat na lingkod at, “Sinunod ni Abraham ang Aking tinig, ginanap ang Aking bilin, ang Aking mga utos, ang Aking mga palatuntunan at ang Aking mga kautusan.” Genesis 26:5. At ipinahayag ng Panginoon sa Kanya, “Aking papagtitibayin ang Aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na Ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.” Genesis 17:7. MPMP 437.1
Bagaman ang tipang iyon ay binanggit kay Adan at inulit kay Abraham, iyon ay hindi maaaring mapagtibay hanggang hindi namamatay si Kristo. Iyon ay lumabas sa pamamagitan ng pangako ng Dios mula pa nang ang kauna-unahang kaisipan tungkol sa pagtubos ay ibigay; iyon ay tinanggap sa pamamagitan ng pananampa- lataya; gano'n pa man nang iyon ay papagtibayin ni Kristo, iyon ay tinawag na isang bagong tipan, na pawang isang kasunduan ng muling pagsasauli ng tao sa pakikipagkasundo sa kalooban ng Dios, inilalagay sila kung saan sila ay makasusunod sa kautusan ng Dios. MPMP 437.2
Ang isang kasunduan—tinatawag sa Banal na Kasulatan na “matandang” tipan—ay nabuo sa pagitan ng Dios at ng Israel sa Sinai, at noon ay pinagtibay ng dugo ng hain. Ang pakikipagtipan kay Abraham ay pinagtibay sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, at iyon ay tinawag na “ikalawa,” o “bagong,” tipan, sapagkat ang dugo na ginamit upang iyon ay pagtibayin ay dumanak makalipas ang dugo ng unang tipan. Ang bagong tipan ay may bisa noong mga panahon ni Abraham bunga ng katotohanan na iyon noon ay pinapagtibay kapwa ng pangako at ng panunumpa ng Dios—ang “dalawang bagay na di mababago, na siya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan.” Hebreo 6:18. MPMP 437.3
Subalit kung ang pakikipagtipan kay Abraham ay naglalaman ng pangako tungkol sa kaligtasan, bakit may isa pang tipan na ginawa sa Sinai? Sa kanilang pagkaalipin ang bayan sa isang malaking banda ay nawalan ng kaalaman tungkol sa Dios at sa mga prinsipyo ng pakikipagtipan kay Abraham. Sa pagliligtas sa kanila mula sa Ehipto, sinikap ng Dios na ipahayag sa kanila ang Kanyang kapangyarihan at kaa- waan, upang sila ay maakay umibig at magtiwala sa Kanya. Kanya silang dinala sa Dagat na Pula—sa paghabol ng mga Ehipcio, ang pagtakas ay tila imposible—upang kanilang makita sa kanilang lubos na kawalan ng magagawa, ang kanilang pangangailangan sa tulong ng Dios; at Kanyang iniligtas sila. Kaya't sila ay napuspos ng pag- ibig at pagpapasalamat sa Dios at ng pagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan na tumulong sa kanila. Kanyang itinali sila sa Kanyang sarili bilang kanilang tagapagligtas mula sa temporal na pagkaalipin. MPMP 437.4
Subalit mayroon pang higit na dakilang katotohanan na kinakailangang maikintal sa kanilang kaisipan. Sa pamumuhay sa kalagit- naan ng pagsamba sa diyus-diyusan at karumalan, sila ay walang tunay na kaisipan tungkol sa kabanalan ng Dios, sa lubhang pagka- makasalanan ng sarili nilang mga puso, ng kanilang lubhang kawalan ng kakayanan, sa kanilang sarili, upang maging masunurin sa kautusan ng Dios, at sa kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas. Ang lahat ng ito ay kinakailangang maituro. MPMP 438.1
Sila ay dinala ng Dios sa Sinai; Kanyang inihayag ang Kanyang kaluwalhatian; Kanyang ibinigay ang Kanyang kautusan, na may pangako tungkol sa dakilang mga pagpapala kung sila ay magiging masunurin: “Kung tunay na inyong susundin ang Aking tinig, at iingatan ang Aking tipan,...kayo'y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa Akin, at isang banal na bansa.” Exodo 19:5, 6. Hindi nadadama ng bayan ang pagkamakasalanan ng sarili nilang mga puso, na kung wala si Kristo ay imposible para sa kanila ang maingatan ang kautusan ng Dios; at sila ay kaagad pumasok sa isang pakikipagtipan sa Dios. Sa pagkadama na magagawa nilang itatag ang sarili nilang katuwiran, ay kanilang ipinahayag, “Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.” Exodo 24:7. Kanilang nasaksihan ang pagpapahayag ng kautusan sa kamangha-mang- hang karilagan, at nanginig sa takot sa harap ng bundok; gano'n pa man ilang linggo pa lamang ang lumilipas nang kanilang sirain ang kanilang pangako sa Dios, at sila ay yumukod upang sumamba sa isang inanyuang larawan. Hindi sila maaaring umasang magiging kalugod-lugod sa Dios sa pamamagitan ng isang pangako na kanilang sinira; at ngayon, nang makita ang kanilang pagiging makasalanan at ang pangangailangan ng kapatawaran, sila ay inihatid sa pagkadama ng kanilang pangangailangan ng Tagapagligtas na inihahayag sa pakikipagtipan kay Abraham at inilalarawan ng mga paghahandog ng hain. Ngayon sa pamamagitan ng pag-ibig at ng pananampalataya sila ay nakatali sa Dios bilang kanilang Tagapagligtas mula sa pagiging alipin ng kasalanan. Ngayon sila ay handa na upang makita ang kabutihan ng mga pagpapala ng bagong tipan. MPMP 438.2
Ang mga kasunduan ng “lumang tipan” ay, Sumunod at mabuhay: “Kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon” (Ezekiel 20:11; Levitico 18:5); subalit “sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin.” Deuteronomio 27:26. Ang “bagong tipan” ay natatag sa pamamagitan ng “lalong mabubuting pangako”—ang pangako ng pagpapatawad sa mga kasalanan at ng biyaya ng Dios upang baguhin ang puso at dalhin iyon sa pakikipagkasundo sa mga prinsipyo ng kautusan ng Dios. “Ito ang tipan na Aking ipakikipagtipan sa sambahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang Aking kautusan sa kanilang kalooban, at Aking isusulat sa kanilang puso;...Aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi Ko na aalalahanin.” Jeremias 31:33, 34. MPMP 439.1
Ang kautusan ding yaon na isinulat sa mga tapyas ng bato ang isinusulat ng Banal na Espiritu sa mga tapyas ng puso. Sa halip na tayo ay humayo upang magtatag ng sarili nating katuwiran ay tinatanggap natin ang katuwiran ni Kristo. Ang Kanyang dugo ang tu- mutubos sa ating mga kasalanan. Ang Kanyang pagiging masunurin ay ibinibilang na ating pagkamasunurin. At ang puso na binago ng Banal na Espiritu ay magbubunga ng mga “bunga ng Espiritu.” Sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo tayo ay mamumuhay sa pagsunod sa kautusan ng Dios na isinulat sa ating mga puso. Sa pagkakaroon ng Espiritu ni Kristo, tayo ay lalakad kung paanong Siya ay lumakad. Sa pamamagitan ng propeta ay inihayag Niya tungkol sa Kanyang sarili, “Aking kinalulugurang sundin ang Iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang Iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.” Awit 40:8. At nang Siya ay kasama ng mga tao ay Kanyang sinabi, “Hindi Niya ako binayaang nag-iisa; sapagkat ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa Kanya'y nakalulugod.” Juan 8:29. MPMP 439.2
Si apostol Pablo ay malinaw na naghahayag ng kaugnayan ng pananampalataya at ng kautusan sa ilalim ng bagong tipan. Wika niya: “Yaman nga na mga inaaring ganap sa pananampalataya, may- roon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo.” “Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.” “Sapagkat ang hindi magagawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman”—hindi nito maaaring ariing ganap ang tao, sapagkat sa kanyang makasalanang likas hindi niya maiingatan ang kautusan— “sa pagsusugo ng Dios sa Kanyang sariling Anak na nag-anyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.” Roma 5:1; 3:31; 8:3, 4. MPMP 439.3
Ang gawain ng Dios ay iisa sa lahat ng panahon, bagaman mayroong iba't-ibang antas ng paglago at ibang pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan, upang tugunin ang pangangailangan ng tao sa iba't-ibang kapanahunan. Simula sa unang pangako tungkol sa ebanghelyo, hanggang sa panahon ng mga patriarka at ng mga Hudyo, at maging hanggang sa kasalukuyang panahon, ay nagkaroon ng isang unti-unting pagbubukas ng mga layunin ng Dios sa panukala ng pagtubos. Ang Tagapagligtas na inilalarawan sa mga palatuntunan at seremonya ng kautusan ng mga Hudyo ay Siya ring Tagapagligtas na inihahayag ng ebanghelyo. Ang mga ulap na bumalot sa Kanyang anyong pagka Dios ay nalulon; ang mga ulap at anino ay nawala na; at si Jesus, ang Tagapagligtas ng sanlibutan, ay nahayag. Siya na nagpahayag ng kautusan mula sa Sinai, at nagbigay kay Moises ng mga alituntunin ng batas ng mga seremonya, ay Siya ring bumigkas ng Sermon sa Bundok. Ang dakilang mga prinsipyo ng pag-ibig ng Dios, na Kanyang inilahad bilang pundasyon ng kautusan at ng mga propeta, ay pawang mga pag-uulit lamang ng Kanyang sinalita sa mga Hebreo sa pamamagitan ni Moises: “Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.” Deuteronomio 6:4, 5. “Iibigin ninyo ang inyong kapwa na gaya ng sa inyong sarili.” Levitico 19:18. Iisa ang guro sa dalawang kapanahunan. Ang mga ipinag-uutos ng Dios ay iyon din. Ang prinsipyo ng Kanyang pamamahala ay iyon din. Sapagkat ang lahat ay nagmula sa Kanya “na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pag-iiba.” Santiago 1:17. MPMP 440.1