Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

28/76

Kabanata 26—Mula sa Pulang Dagat Hanggang sa Sinai

Ang kabanatang ito ay batay sa Exodo 15:22-27; 16 hanggang 18.

Mula sa Pulang Dagat ang mga Israelita ay muling nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, sa ilalim ng pagpatnubay ng haliging ulap. Ang tanawin sa paligid nila ang pinakamapanglaw—linis na linis, mukhang malungkot, mga bundok, malinis na kapatagan, at ang dagat na ma- lawak ang nasasakupan, ang mga pampang noon ay nakakalatan ng mga bangkay ng kanilang mga kaaway; gano'n pa man sila ay puspos ng kagalakan sa nababatid nilang kalayaan, at ang bawat reklamo ay natahimik. MPMP 343.1

Subalit sa loob ng tatlong araw, samantalang sila ay naglalakbay, ay wala silang masumpungang tubig. Ang dala nila ay ubos na. Wala man lamang makapawi ng nag-aapoy nilang kauhawan samantalang sila'y pagod na naglalakad sa mainit na kapatagan. Si Moises, sa pagiging pamilyar sa lugar na ito, ay alam na hindi alam ng iba, na sa Mara, ang pinakamalapit na mapagpapahingahan kung saan may mga bukal na masusumpungan, ang tubig ay hindi angkop upang magamit. May matinding pag-alalang minasdan ni Moises ang nag- papatnubay na ulap. Malungkot niyang pinakinggan ang masayang sigaw, “Tubig! tubig!” Narinig na parang umaalingawngaw. Mga lalaki, babae, at mga bata ay masayang nagkalipunpon tungo sa bukal, nang, bigla na lamang, isang sigaw ng kalungkutan ang narinig sa mga tao—ang tubig ay mapait. MPMP 343.2

Sa kanilang kalungkutan at pagkabigo ay kanilang sinisi si Moises sa pag-aakay sa kanila sa gano'ng daan, hindi inaalaalang ang presensya ng Dios sa pamamagitan ng mahiwagang ulap ang nangunguna sa kanya gano'n din sa kanila. Sa kanyang pagkalumo sa kanilang kagu- luhan ginawa ni Moises ang nakalimutan nilang gawin; siya ay taim- tim na tumawag sa Dios para sa tulong. “At pinagpakitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang.” Dito ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises ang pangakong, “Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa Kanyang mga mata, at iyong didinggin ang Kanyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat Niyang mga palatuntunan ay wala Akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay Ko sa mga Ehipcio: sapagkat Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.” Mula sa Mara ang bayan ay naglakbay tungo sa Elim, kung saan sila ay nakasumpong ng “labingdalawang bukal ng tubig, at pitong- pung puno ng palma.” Sila ay nanatili dito ng ilang mga araw bago nagtuloy sa ilang ng Sin. Nang sila ay may isang buwan nang wala sa Ehipto, sila ay gumawa ng una nilang kampamento sa ilang. Ang dala nilang pagkain ay nagsisimula nang maubos. Kakaunti lamang ang mga halaman sa ilang, at ang kanilang kawan ay papaubos na. Papaano matutustusan ng pagkain ang lubhang karamihang ito? Ang kanilang mga puso ay napuno ng pag-aalinlangan, at muli silang nagreklamo. Maging ang mga tagapamuno at mga matanda ng bayan ay sumama sa pagrereklamo laban sa mga pinunong pinili ng Dios: “Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Ehipto, nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palayok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagkat kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito.” MPMP 343.3

Hindi pa man lamang sila nagugutom; ang pangkasalukuyan nilang pangangailangan ay natutustusan, subalit ipinangangamba nila ang hinaharap. Hindi nila malaman kung paanong ang lubhang karamihang ito ay makakakain sa kanilang paglalakbay sa ilang, at sa kanilang mga pag-aagam-agam nakita nilang ang kanilang mga anak ay nangamamatay sa gutom. Pinahintulutan ng Panginoong sila ay mapaligiran ng kahirapan, at mangunti ang kanilang mga pagkain upang ang kanilang mga puso ay maibaling sa Kanya na hanggang sa mga sandaling ito ay naging Tagapagligtas nila. Kung sa kanilang pangangailangan sila ay tatawag pa rin sa Kanya, ay bibigyan pa rin Niya sila ng hayag na mga tanda ng Kanyang pag-ibig at panganga- laga. Siya ay nakapangako na kung sila ay susunod sa Kanyang mga utos, walang ano mang karamdamang lalapit sa kanila, at isang kasalanan ng di paniniwala para sa kanila ang umasang ang kanilang mga anak ay mamamatay sa gutom. MPMP 344.1

Ang Dios ay nangakong magiging Dios nila, upang kunin sila bilang Kanyang bayan, at dalhin sila sa malawak at mabuting lupain; ngunit sila'y handang mawalan ng lakas ng loob sa bawat kahirapan na kanilang nararanasan sa daan. Sa kahanga-hangang paraan Kanyang inilabas sila mula sa pagkaalipin sa Ehipto, upang Siya'y maitaas at madakila at sila'y kapurihan sa lupa. Ngunit kinakailangang makaranas sila ng kahirapan. Dinala sila ng Dios mula sa pinakaabang kalagayan at inihahanda sila na manghawak ng ma- rangal na tungkulin at tumanggap ng mahalaga at banal na mga tungkulin na kakaiba sa ibang nasyon. Kung sila lamang ay nagtiwala at nanampalataya sa Kanya, sa kabila ng mga pagsubok na ibinigay sa kanila, sila sana'y naging masaya sa pagharap sa mga pagsubok at mga kahirapan; nguni't ayaw silang magtiwala sa Panginoon kahit na nasasaksihan nila ang mga ebidensya ng Kanyang kapangyarihan. Nakalimutan nila ang mapait nilang paglilingkod sa Ehipto. Nakali- mutan nila ang kabutihan at kapangyarihan ng Dios na ipinahayag sa kanila sa kanilang paglaya mula sa pagkaalipin. Nakalimutan nila kung paano nailigtas ang kanilang mga anak noong ang pumupuk- sang anghel ay pinatay ang lahat ng panganay ng Ehipto. Nakalimutan nila ang makalangit na kapangyarihan sa Dagat na Pula. Nakalimutan nila na habang sila'y tumatawid na ligtas sa daan na nabuksan para sa kanila, ang mga sundalo ng kanilang kaaway, na nagtatangkang sumunod sa kanila, ay napuspus ng tubig sa dagat. Nakikita at nara- randaman lamang nila ang kanilang kasalukuyang paghihirap; at sa halip na sabihing, “Ang Dios ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa amin; na samantala'y kami'y alipin, gagawin Niya kaming dakilang bansa,” kanilang pinag-uusapan ang kahirapan sa daan, at nagugulimihanan kung kailan matatapos ang paghihirap nila sa paglalakbay. MPMP 344.2

Ang kasaysayan ng buhay sa ilang ng mga Israelita ay naitala sa kasalukuyan para sa kapakanan ng Israel ng Dios sa huling panahon. Ang tala na pakikitungo ng Dios, sa mga manlalakbay sa ilang sa lahat ng kanilang paglakad papunta't parito, sa pagkagutom nila, pagkauhaw, at kapaguran, at sa pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan para sa kanilang kaluwagan, ay puspus ng babala at turo para sa Kanyang bayan. Ang iba't-ibang karanasan ng mga Hebreo ay paaralan sa paghahanda sa kanilang ipinangakong tahanan sa Canaan. Nais ng Dios na ang Kanyang bayan sa ngayon ay balikan ng may nagpapakumbabang puso at may espiritung handang matu- tunan ang mga pagsubok na dinaanan ng Israel noong una, upang sila ay maturuan tungkol sa kanilang paghahanda para sa makalangit na Canaan. MPMP 345.1

Marami ang lumilingon sa mga Israelita, at nagtataka sa kanilang di paniniwala at kanilang pagreklamo, nadarama na sila ay hindi magiging gano'n kawalang utang na loob; subalit kapag ang kanilang pananampalataya ay sinubok, maging sa maliliit na pagsubok, sila ay naghahayag ng di higit na pananampalataya o pagtitiis sa dating Israel. Kapag dinala sa gipit na kalagayan, sila ay nagrereklamo sa paraang pinili ng Dios upang sila ay dalisayin. Bagaman ang pang- kasalukuyang pangangailangan nila ay natutustusan, marami ang di handang magtiwala sa Dios para sa hinaharap, at sila ay laging nag- aalala baka sila ay datnan ng pagkapulubi at ang kanilang mga anak ay magdusa. Ang iba ay parating nag-aalala sa pagdating ng kasa- maan o sa pagpapalawak sa mga kahirapang tunay na nagaganap, kung kaya't ang kanilang mga mata ay di makakita ng mga pagpa- palang kinakailangang mapasalamatan. Ang mga pagsubok na kanilang nakakasalamuha, sa halip na mag-akay sa kanila tungo sa pag- hingi ng tulong mula sa Dios, ang tanging Pinagmumulan ng lakas, ay nakapagpapahiwalay sa kanila mula sa Kanya, sapagkat pinupukaw nila ang pagkabalisa at pagrereklamo. MPMP 346.1

Mabuti ba para sa atin ang di magtiwala tulad noon? Bakit tayo magiging walang utang na loob at di magtiwala tulad noon? Si Jesus ay kaibigan natin; ang buong langit ay interesado sa ating kalagayan; at ang ating pag-aalala at pangamba ay nakapagpapalungkot sa Banal na Espiritu ng Dios. Tayo ay hindi dapat manahan sa pagkabalisa na nakapagpapamukmok at nakapagpapahirap sa atin, subalit hindi na- katutulong upang madala natin ang pagsubok. Hindi kinakailangang magkaroon ng lugar ang ganoong hindi pagtitiwala sa Dios na nag- aakay sa atin upang gawing tanging gawain ng buhay ang paghahanda para sa pangangailangan sa hinaharap, na tila ang ating kali- gayahan ay binubuo ng bagay sa sanlibutan. Hindi kalooban ng Dios na ang Kanyang mga anak ay mabigatan ng pag-aalala. Subalit hindi sinasabi ng ating Panginoon na walang mga panganib sa ating landas. Hindi Siya nagmungkahing aalisin ang Kanyang bayan mula sa kasalanan at kasamaan, subalit itinuturo Niya tayo sa isang di na- bibigong kublihan. Inaanyayahan Niya tayo na mga nangapapagal at nangabibigatang lubha, “Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y Aking papagpapahi- ngahin.” Iyong ibaba ang pamatok ng pag-aalala at makasanlibutang pagkaabala na iyong inilagay sa sarili mong batok, at “pasanin ninyo ang Aking pamatok, at mag-aral kayo sa Akin; sapagkat Ako'y maa- mo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang ka- pahingahan ng inyong mga kaluluwa.” Mateo 11:28, 29. Tayo ay maaaring makasumpong ng kapahingahan at kapayapaan sa Dios, inilalagak sa Kanya ang lahat ng ating kabalisahan, sapagkat tayo'y ipinagmamalasakit Niya. Tingnan ang 1 Pedro 5:7. MPMP 346.2

Sabi ni apostol Pablo, “Magsipag-ingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay.” Hebreo 3:12. Sa harap ng lahat ng ginawa ng Dios para sa atin, ang ating pananampalataya ay kinakailangang maging malakas, masig- la, at tumatagal. Sa halip na magmukmok at magreklamo ang laman ng ating mga puso ay kinakailangang maging, “Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat ng nangasa loob ko ay mag- sisipuri sa Kanyang banal na pangalan. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabu- buting gawa.” Awit 103:1, 2. MPMP 347.1

Hindi binaliwala ng Dios ang mga pangangailangan ng Israel. Ang sabi Niya sa kanilang pinuno, “Kayo'y Aking pauulanan ng pagkain mula sa langit.” At nagbigay ng utos na ang mga tao ay kumuha ng pang-araw-araw na pagkain, at doble ang kukuhanin sa ikaanim na araw, upang ang kabanalan ng pangingilin ng Sabbath ay mapanatili. MPMP 347.2

Tiniyak ni Moises sa mga tao na ang kanilang mga pangangailangan ay matutustusan: “Ito'y mangyayari, Magbibigay ang Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makabubusog.” At kanyang idinagdag, “Ano kami? ang inyong mga pag-upasala ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon.” At pagkatapos ay inutusan niya si Aaron upang sabihin sa mga tao, “Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagkat Kanyang narinig ang inyong mga pag-upasala.” Samantalang si Aaron ay nagsasalita, “sila'y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap.” Isang kaluwalha- tiang kailan man ay di pa nila nakita ang kumatawan sa presensya ng Dios. Sa pamamagitan ng mga pagpapahayag na mauunawaan ng kanilang pakiramdam, sila ay magkakaroon ng pagkakilala sa Dios. Sila ay kinakailangang maturuan na ang Kataas-taasan sa Lahat, at hindi ang pawang taong si Moises, ang kanilang pinuno, upang kani- lang katakutan ang Kanyang pangalan at sundin ang Kanyang tinig. MPMP 347.3

Nang magtakipsilim ang kampamento ay pinalibutan ng malaking kawan ng mga pugo, sapat para sa lahat. Sa kinaumagahan ang balat ng lupa ay may “munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog,” “kaparis ng buto ng kulantro, maputi.” Ang itina- wag ng bayan doon ay “mana”. Ang sabi ni Moises, “Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin.” Tinipon ng bayan ang mana, at nasumpungang mayroong sapat para sa lahat. Kanila iyong “dinidikdik sa mga lusong, at kanilang niluluto sa mga pala- yok, at ginagawa nilang munting tinapay.” Mga Bilang 11:8. “At ang lasa niyaon ay kasinglasa ng manipis na tinapay na may pulot.” Sila ay inutusang mamulot araw-araw ng tig-iisang omer bawat tao; at kinakailangang huwag silang magtitira noon hanggang sa kinaumagahan. Ang ilan ay nangahas magtira para sa sunod na araw, subalit nasumpungang iyon ay hindi na maaaring makain. Ang pagkain para sa maghapon ay kinakailangang tipunin sa umaga; sapagkat ang lahat ng mananatili sa lupa ay tutunawin ng sikat ng araw. MPMP 348.1

Sa pagtitipon ng mana kanilang nasumpungan na ang ilan ay na- kakakuha ng higit at ang iba naman ay kaunti lamang kaysa ipinapa- kukuhang dami; subalit “nang timbangin sa omer, ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kaunti ay hindi nagku- lang.” Isang paliwanag sa talatang ito gano'n din sa praktikal na liksiyong makukuha dito ay ibinigay ni apostol Pablo sa kanyang ikalawang sulat sa mga taga Corinto. Wika niya, “Hindi ko sinasabi ito upang ang iba ay magaanan at kayo'y mabigatan; kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magka- roon ng pagkakapantay-pantay. Gaya ng nasusulat, Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang.” 2 Corinto 8:13-15. MPMP 348.2

Nang ikaanim na araw ang bayan ay nagtipon ng dalawang omer bawat isa. Ang mga namumuno ay nagmadaling nagtungo kay Moises upang ipaalam sa kanya ang ginawa ng mga tao. Ang kanyang tugon ay, “Ito ang sinalita ng Panginoon, bukas ay takdang kapahingahan, banal na Sabbath sa Panginoon: ihawin ninyo ang inyong iihawin, at lutuin ninyo ang inyong lulutuin; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo, na inyong itira hanggang sa Idnabukasan.” Gano'n nga ang kanilang ginawa, at kanilang na- sumpungan na iyon ay hindi nabulok. “At sinabi ni Moises, Kanin ninyo yaon ngayon; sapagkat ngayo'y Sabbath na ipinangingilin sa Panginoon: ngayo'y hindi kayo makakasumpong sa parang. Anim na araw na inyong pupulutin; datapwat sa ikapitong araw ay Sabbath, hindi magkakaroon.” MPMP 348.3

Iniutos ng Dios na ang Kanyang banal na araw ay banal na maipa- ngilin ngayon tulad noong panahon ng Israel. Ang utos na ibinigay sa mga Hebreo ay kinakailangang kilalanin ng lahat ng mga Kristiano ngayon bilang utos mula kay Jehova para sa kanila. Ang araw bago sumapit ang Sabbath ay kinakailangang maging araw ng paghahanda, upang ang lahat ay maihanda para sa mga banal na oras noon. Sa ano mang paraan ay hindi kinakailangang makapasok ang hanapbuhay sa banal na oras. Iniutos ng Dios na ang mga may sakit at naghihirap ay mapangalagaan; ang kinakailangang paglilingkod upang gawin silang komportable ay isang kawang-gawa, at hindi labag sa Sabbath; subalit ang lahat ng hindi kailangang gawin ay dapat iwasan. Marami ang walang ingat na nagpapaliban hanggang sa ang mga unang sandali ng Sabbath ay mapuno ng maliliit na bagay na sana'y nagawa na sa araw ng paghahanda. Ito ay hindi dapat. Ang lahat ng gawaing hindi nagawa bago dumating ang Sabbath ay kinakailangang huwag gagawin hanggang hindi nakalilipas ang Sabbath. Ang hakbang na ito ay makatutulong sa pagpapaala-ala sa mga hindi nakakapag-isip, at nagiging maingat sila sa paggawa ng kanilang gawain sa loob ng anim na araw. MPMP 349.1

Sa bawat sanlinggo sa panahon ng kanilang mahabang pananatili sa ilang ay nasaksihan ng mga Israelita ang tatlong tuping kababalaghan, na inihanda upang ikintal sa kanilang pag-iisip ang kabanalan ng Sabbath: dobleng takal ng mana ang nahuhulog sa ikaanim na araw, walang nahuhulog sa ikapito, at ang bahaging kinakailangan para sa Sabbath ay nananatiling matamis at hindi nasisira, na kung ang gano'n ay iingatan sa ibang panahon iyon ay nabubulok. MPMP 349.2

Sa mga pangyayaring kaugnay ng pagbibigay ng mana, tayo ay may sapat na katibayan na ang Sabbath ay hindi itinatag, gaya ng sinasabi ng iba, nang ang utos ay ibigay sa Sinai. Bago pa nakarating ang mga Israelita sa Sinai ay kanilang naunawaan na ang Sabbath ay dapat nilang ipangilin. Sa pangangailangang magtipon ng dalawang bahagi kung Biyernes sa paghahanda para sa Sabbath, kung kailan walang mahuhulog, ang banal na likas ng Araw ng Kapahingahan ay patuloy na ikinikintal sa kanila. At nang ang ilan sa mga tao ay lumabas upang magtipon ng mana, ang Panginoon ay nagtanong, “Hanggang kailan tatanggihan ninyong ganapin ang Aking mga utos at ang Aking mga kautusan?” MPMP 349.3

“Ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana ng apat na pung taon, hanggang sa sila'y dumating sa lupaing tinatahanan; sila'y kumain ng mana hanggang sa sila'y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.” Sa loob ng apat na pung taon sila ay araw-araw pinaalala- hanan ng makababalaghang pagkain, tungkol sa di nagsasawang pa- ngangalaga at pag-ibig ng Dios. Sa mga salita ng mang-aawit, sila ay binigyan ng Dios “ng trigo ng langit. Kumain ang tao ng tinapay ng Makapangyarihan” (Awit 78:24, 25)—iyon ay, pagkaing inihanda para sa kanila ng makapangyarihan. Tinustusan ng “trigo ng langit,” sila ay araw-araw naturuan na, sa pagkakaroon ng mga pangako ng Dios, sila ay ligtas mula sa ano mang pangangailangan na tila sila ay napa- paligiran ng mga bukid na puno ng butil sa matabang na kapatagan ng Canaan. MPMP 350.1

Ang mana, na nahuhulog mula sa langit upang may makain ang Israel, ay isang paglalarawan sa Kanya na naparito mula sa Dios upang magbigay ng buhay sa sanlibutan. Ang wika ni Jesus, “Ako ang tinapay ng kabuhayan. Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay. Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit.... Kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na Aking ibibigay ay ang Aking laman, sa ikabubuhay ng sanlibutan.” Juan 6:48-51. Ang kabilang sa mga ipinangakong pagpapala ng Dios sa bayan sa buhay sa hinaharap ay nasulat, “Ang magtagumpay ay bibig- yan ko ng manang natatago.” Apocalipsis 2:17. MPMP 350.2

Matapos iwan ang ilang ng Sin, ang mga Israelita ay nagtayo ng kampamento sa Rephidim. Dito ay walang tubig noon, at muli silang di nagtiwala sa pagpatnubay ng Dios. Sa kanilang pagiging bulag at pag-aakala ang bayan ay nagtungo kay Moises na nagsabi, “Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom.” Subalit ang kanyang pagpapasensya ay hindi nawala. “Bakit kayo nakilapagtalo sa akin?” wika niya; “Bakit ninyo tinutukso ang Panginoon?” Sila ay sumigaw sa galit, “Bakit mo kami isinampa rito mula sa Ehipto, upang patayin mo kami sa uhaw, at ang aming mga anak, at ang aming kawan?” Nang sila ay tustusan ng masaganang pagkain, ikinahiya nila ang kanilang di paniniwala at mga pagrereklamo, at nangakong magtiti- wala sa Panginoon sa hinaharap; subalit kaagad nilang kinalimutan ang kanilang pangako, at nabigo sa unang pagsubok ng kanilang pananampalataya. Ang haligi ng ulap na nagpapatnubay sa kanila ay tila nagtakip ng isang kilabot na kahiwagaan. At si Moises—sino siya? ang tanong nila, at ano ang maaaring layunin niya sa paglalabas sa kanila mula sa Ehipto? Ang paghihinala at di pagtitiwala ang pumuno sa kanilang mga puso, at hayag nilang inakusahan siya ng panukalang pagpatay sa kanila at sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng kasalatan at mga kahirapan upang kanyang mapayaman ang kanyang sarili ng kanilang mga pag-aari. Sa kaguluhan ng kanilang pagkagalit at pagkainis ay halos batuhin na nila siya. MPMP 350.3

Sa kalituhan si Moises ay dumaing sa Panginoon, “Ano'ng aking gagawin sa bayang ito?” Siya ay inutusang dalhin ang mga matanda ng Israel at ang kanyang tungkod na ginamit sa pagsasagawa ng dakilang kababalaghan sa Ehipto, at humarap sa bayan. At sinabi ng Panginoon sa kanya, “Narito, Ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom.” Siya ay sumunod, at ang tubig ay lumabas na isang buhay na sapat na masaganang tumustos sa kampamento. Sa halip na utusan si Moises na itaas ang kanyang tungkod upang tumawag ng isang kilabot na salot, gaya ng sa Ehipto, para sa mga pinuno ng Israel sa ganitong masamang pagrereklamo, ay ginamit ng Panginoon sa Kanyang dakilang kahaba- gan ang tungkod bilang kasangkapan sa paggawa nang kanilang ikali- ligtas. MPMP 351.1

“Kanyang pinuwangan ang mga bato sa ilang. At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman. Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.”Awit 78:15, 16 Hinampas ni Moises ang bato, subalit iyon ay ang Anak ng Dios na, nakukublihan ng maulap na haligi, ay tumindig sa tabi ni Moises, at nagpapangyaring ang tubig na nakapagbibigay buhay ay dumaloy. Hindi lamang si Moises at ang mga matanda, kundi pati ang natipong mga tao na nasa malayo, ang nakakita sa kaluwalhatian ng Dios; subalit kung ang ulap ay inalis, ay maaaring sila ay napatay ng lubhang kaliwanagan Niya na nanahan doon. MPMP 351.2

Sa kanilang kauhawan ay tinukso ng bayan ang Dios, sa pagsasa- bing, “Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala?”—“Kung ang Dios ang nagdala sa atin dito, bakit hindi Niya tayo bigyan ng tubig at ng tinapay?” Ang di paniniwala na inihayag sa ganoong paraan ay isang krimen, at si Moises ay nangambang ang hatol ng Panginoon ay ipataw sa kanila. At kanyang tinawag ang lugar na iyon na Massah, o “tukso” at Meribah, o “panunumbat,” bilang isang alaala ng kanilang kasalanan. MPMP 351.3

Isang bagong panganib ang nagbabanta sa kanila. Dahil sa kanilang mga pagreklamo laban sa Kanya, ay tiniis ng Panginoon ang sila'y lusubin ng kanilang mga kaaway. Ang mga Amalekita, isang mabagsik, at mapagdigmang tribo na naninirahan sa lugar na iyon, ay lumabas laban sa kanila at pinatay yaong mga nanghihina, at nangapapagal, na nangatumba sa hulihan. Si Moises, sa pagkabatid na ang maraming mga taong iyon ay hindi handa sa pakikipagdigma, ay inutusan si Josue na pumili mula sa iba't-ibang tribo ng isang grupo ng mga kawal, at pangunahan sila sa kinaumagahan laban sa mga kaaway, samantalang siya mismo ay tatayo sa isang mataas na lugar sa malapit na hawak ang tungkod ng Dios sa kanyang kamay. Nang kinabukasan si Josue at ang kanyang grupo nga ay lumusob sa mga kalaban, samantalang si Moises at si Aaron at si Hur ay nakatayo sa isang gulod na natatanaw ang lugar ng labanan. Samantalang ang mga kamay ay nangakataas sa pag-abot sa langit, at hawak ang tungkod ng Dios sa kanyang kanang kamay, si Moises ay nanalangin para sa tagumpay ng sandatahan ng Israel. Samantalang ang labanan ay nagpapatuloy, napansin na samantalang ang kanyang mga kamay ay umaabot sa itaas, ang Israel ay nananalo, subalit kapag iyon ay napa- pababa, ang mga kalaban ang nananalo. Nang mapagod si Moises, ay itinaas ni Aaron at ni Hur ang kanyang mga kamay hanggang sa paglubog ng araw, nang ang kanilang mga kalaban ay magsilikas. MPMP 352.1

Samantalang inaalalayan ni Aaron at ni Hur ang mga kamay ni Moises, ipinakita nila sa bayan ang kanilang tungkulin upang tulu- ngan siya sa kanyang mabigat na gawain samantalang siya naman ay tumatanggap ng salita mula sa Dios upang salitain sa kanila. At ang ginawa ni Moises ay makahulugan din, nagpapakitang hawak ng Dios ang kanilang kahahantungan sa Kanyang mga kamay; samantalang nagtitiwala sila sa Kanya, Siya ang makikipaglaban para sa kanila at pupuksain ang kanilang mga kalaban; subalit kung luluwagan nila ang kanilang paghawak sa Kanya, at magtitiwala sa sarili nilang ka- pangyarihan, sila ay magiging mahina kaysa doon sa hindi nakakiki- lala sa Dios, at ang kanilang mga kalaban ay mananaig sa kanila. MPMP 352.2

Kung paanong ang mga Hebreo ay nagwagi samantalang iniuunat ni Moises ang kanyang mga kamay tungo sa langit at namamagitan para sa kanila, gano'n din naman ang Israel ng Dios ay nananaig samantalang sa pamamagitan ng pananampalataya sila ay nakahawak sa kalakasan ng kanilang makapangyarihang Tagatulong. Gano'n pa man ang kalakasan ng Dios ay kinakailangang mailakip sa pagkilos ng tao. Si Moises ay hindi naniniwalang tatalunin ng Dios ang kanilang mga kalaban samantalang sila ay walang ginagawa. Samantalang ang dakilang pinuno ay nakikipag-usap sa Panginoon, si Josue at ang kanyang mga matatapang na tagasunod ay nagsisikap na talunin ang mga kaaway ng Israel at ng Dios. MPMP 353.1

Matapos matalo ang mga Amalekita, ay nag-utos ang Dios kay Moises, “Isulat mo ito na pinakaala-ala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pag-alaala kay Amalek sa silong ng langit.” Bago mamatay ang dakilang pinuno ay ibinigay niya sa kanyang bayan ang solemneng tagubilin: “Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalek sa daan nang ikaw ay lumabas sa Ehipto; na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios.... Iyong papawiin ang pag-alala sa Amalek sa silong ng langit; huwag mong limutin.” Deu- teronomio 25:17-19. Tungkol sa masamang bayang ito ay sinabi ng Panginoon, “Ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalek.” Exodo 17:16, huling bahagi. MPMP 353.2

Alam ng mga Amalekita ang tungkol sa likas ng Dios at ng Kanyang kapangyarihan, subalit sa halip na matakot sa Kanya, ay iginayak nila ang kanilang mga sarili upang labanan ang Kanyang kapangyarihan. Ang mga kababalaghang ginawa sa pamamagitan ni Moises sa harap ng mga Ehipcio ay ginawang katatawanan ng bayan ng Amalek, at ang pagkatakot ng mga nakapaligid na mga bansa ay pinagtawanan. Sila ay sumumpa sa kanilang mga diyos na kanilang pupuksain ang mga Hebreo, anupa't wala ni isang makakatakas, at kanilang ipinagmalaki na ang Dios ng Israel ay walang laban sa kanila. Hindi sila nasaktan o natakot ng mga Israelita. Ang kanilang pagsalakay ay walang kadahi-dahilan. Iyon ay upang ipakita ang ka- nilang galit at pagtanggi sa Dios kung kaya't sinikap nilang puksain ang Kanyang bayan. Ang mga Amalekita ay matagal nang matinding mga makasalanan, at ang kanilang mga krimen ay sumigaw sa Panginoon upang paghigantihan, gano'n pa man ang Kanyang ka- habagan ay tumatawag pa rin sa kanila upang magsisi; subalit nang ang mga lalaki ng Amalek ay sumalakay sa mahihina at walang kaka- yanan sa mga Israelita, ay tinatakan nila ang wakas ng kanilang bayan. Ang pangangalaga ng Dios ay nasa pinakamahihina sa Kanyang mga anak. Walang ano mang kalupitan o pang-aapi sa kanila ang di tinatandaan ng langit. Sa lahat ng umiibig at natatakot sa Kanya, ang Kanyang kamay ay nagsisilbing pananggalang; mangyaring mag- ingat ang mga tao baka kanilang masaktan ang kamay na iyon; sapagkat inihahanda noon ang tabak ng katarungan. MPMP 353.3

Malapit sa pinagkakampuhan ngayon ng mga Israelita ay ang tahanan ni Jethro, ang biyenan ni Moises. Narinig ni Jethro ang tungkol sa pagkaligtas ng mga Hebreo, at siya ngayon ay gumayak upang dalawin sila, at upang ibalik kay Moises ang kanyang asawa at dalawang anak. Ang tanyag na pinuno ay sinabihan ng mga tagapag-hatid ng balita tungkol sa kanilang pagdating, at sinalubong niya sila ng may kagalakan, at, matapos ang una nilang pagbabatian, ay isinama sila sa kanyang tolda. Kanyang pinabalik noon ang kanyang sambahayan nang siya ay nagtutungo sa landas ng mga panganib ng pagsakay sa Israel mula sa Ehipto, subalit ngayon ay muli na naman siyang masisiyahan na nakakasama sila. Isinaysay niya kay Jethro ang mga kahanga-hangang pakikitungo ng Dios sa Israel, ang patriarka ay natuwa at nagpuri sa Panginoon, at kasama ni Moises at ang mga matanda siya at nakiisa sa paghahandog ng hain at pagkakaroon ng isang solemneng kapistahan dahil sa kahabagan ng Dios. MPMP 354.1

Samantalang si Jethro ay naroon sa kampamento kaagad niyang napansin ang mabigat na pasaning na kay Moises. Ang pagpapanatili ng kaayusan at magdisiplina sa isang napakarami, walang alam, at di sanay na mga tao ay isang napakabigat na gawain. Si Moises ang kinikilala nilang pinuno at hukom, at hindi lamang ng kapakanang pangkalahatan at tungkulin ng bayan, kundi pati ang mga pagtata- long bumabangon sa kanilang kalagitnaan, ay dinadala sa kanya. Pina- hihintulutan niya ito, sapagkat nagkakaroon siya ng pagkakataon u- pang turuan niya sila; gaya ng sabi niya, “Aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang Kanyang mga kautusan.” Subalit si Jethro ay nagreklamo laban sa bagay na ito, na nagsasabi, “Ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; hindi mo makakayanang mag-isa.” “Tunay na ikaw ay manghihina,” at kanyang ipinayo kay Moises na humanap ng angkop na mga tao upang magpuno sa lili- buhin, at ibang magpupuno sa dadaanin, at iba'y sasampuin. Sila ay kinakailangang “mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na napopoot sa kasakiman.” Ang mga ito ang hahatol sa lahat ng maliliit na mga bagay, samantalang ang pinakamahirap at pinakamahalagang mga bagay ay maihaharap pa rin kay Moises, na para sa mga tao, sabi ni Jethro, “sumainyo nawa ang Dios: ikaw ang maging tagapag-akay sa bayan sa harap ng Dios, at dalhin mo ang mga usap sa Dios: at ituro mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.” Ang payong ito ay tinanggap, at ito ngayon ay hindi lamang naghatid ng kaginhawahan kay Moises, subalit naghatid rin ng higit pang ganap na kaayusan ng bayan. MPMP 354.2

Lubos na pinarangalan ng Panginoon si Moises, at gumawa ng dakilang mga kababalaghan sa pamamagitan ng kanyang kamay; subalit ang katotohanang siya ay napili upang magturo sa iba ay hindi naging sanhi upang kanyang isipin na siya mismo ay hindi na na- ngangailangan ng magtuturo. Ang piniling pinuno ng Israel ay magalak na nakinig sa payo ng maka-Dios na saserdote ng Madian, at tinanggap ang kanyang panukala bilang mabuting paraan. MPMP 355.1

Mula sa Rephidim ang bayan ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, sinusundan ang pagkilos ng maulap na haligi. Ang kanilang landas ay dumaan sa malinis na kapatagan, matarik na ahunin, at mabatong pagitan ng mga bundok. Malimit samantalang sila'y du- madaan sa mabuhanging ilang, nakakakita sa harap nila ng mga bundok, tulad sa malalaking mga pader, suson-susong nakaharang sa kanilang daraanan, at tila nagbabawal ng ano mang pagsulong. Subalit samantalang sila'y lumalapit, ay nakakakita ng mga daraanan sa iba't-ibang dako ng mga pader na bundok, at sa ibayo noon, isa na naman muling kapatagan ang kanilang nakita. Sila ngayon ay naakay sa isang malalim at makipot na daan. Iyon ay isang napakagandang tanawin. Sa pagitan ng dalawang mabatong bangin na daan-daan ang taas sa magkabilang panig, dumaloy ang agos ng mga may buhay, kasing layo ng maaabot ng pananaw ng mata, ang mga Israelita kasama ang kanilang mga kawan at mga bakahan. At ngayon sa harap nila ay ang solemneng karilagan ng bundok ng Sinai na kaha- rap ng malaking harapan. Ang maulap na haligi ay tumigil sa tuktok niyaon, at iniladlad ng bayan ang kanilang mga tolda sa kapatagang nasa ibaba noon. Narito ang magiging tahanan nila sa loob ng halos isang taon. Sa kinagabihan ay tinitiyak sa kanila ng haliging apoy ang pag-iingat ng Dios, at samantalang sila'y nangatutulog, ang pagkain ng langit ay matahimik na nahuhulog sa kampamento. MPMP 355.2

Sinisinagan ng pagbubukang liwayway ang madidilim na gulugod ng mga bundok, at ang ginintuang sinag ng araw ay tumutuloy sa malalalim na bangin, na naghihitsurang sinag ng kaawaan mula sa trono ng Dios para sa mga pagod na manlalakbay na ito. Sa bawat panig, ang malubak na mga bundok ay tila nagsasalita tungkol sa walang hanggang katatagan at karilagan sa kanilang matahimik na kalakihan. Ang tao ay ginawa upang madama ang kanyang kawalan ng kaalaman at kahinaan sa harap Niya na “tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan.” Isaias 40:12. Dito ay tatanggapin ng Israel ang pinakamagandang pagpapa- hayag na kailan man ay ginawa ng Dios sa tao. Dito ay tinipon ng Dios ang Kanyang bayan upang ikintal sa kanila ang kabanalan ng Kanyang mga utos sa pamamagitan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sarili Niyang tinig ang Kanyang banal na kautusan. Dakila at malaking mga pagbabago ang gagawin sa kanila; para sa nakapagpa- pabagong impluwensya ng pagkaalipin at isang mahabang patuloy na pakikisalamuha sa pagsamba sa mga diyus-diyusan na nag-iwan ng tanda sa kanilang likas at pagkatao. Ang Dios ay gumagawa upang itaas sila sa mataas na moralidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa Kanya. MPMP 356.1