PAGLAPIT KAY KRISTO

125/147

Dapat tayong lumago sa kaalaman

Kung maaari lamang maunawang lubusan ng tao ang Diyos at ang Kanyang mga ginawa, pag naabot na nila ang ganitong kalagayan, ay hindi na maaari pang makatuklas sila ng katotohanan, hindi na lalago sa pagkakilala, hindi na lulusog ang pag-iisip o ang puso man. Sa gayon, ang Diyos ay hindi na magiging kataastaasan; at yamang inabot na ng tao ang hangganan ng pagkatuto at pagkasulong, ay hindi na siya uunlad pa. Pasalamatan nga natin ang Diyos dahil sa iya’y hindi totoo. Ang Diyos ay walang-hanggan at Siya ang kinatataguan ng “lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.” Colosas 2:3. At sa buong panahong walang katapusan ay magpapatuloy pa ang tao sa pagsasaliksik, at sa pagkatuto, subali’t di mauubos ang mga kayamanan ng Kanyang karunungan, ng Kanyang kabutihan, at ng Kanyang kapangyarihan. PK 152.1

Adhika ng Diyos na ngayon pa sa buhay na ito ay patuloy na mahayag sa Kanyang bayan ang mga katotohanan ng Kanyang salita, lisa lamang ang paraan upang matamo ang kaalamang ito. Mauunawa natin ang salita ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pagpapapaliwanag ng Espiritu na kumasi sa pagbibigay ng salita. “Ang mga bagay ng Diyos ay hindi nakikilala ng sinuman, maliban na ng Espiritu ng Diyos;” “sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na bagay ng Diyos.” 1 Corinto 2:11, 10. At ang pangako ng Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad ay ito: “Kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: ... sapagka’t kukuha Siya sa nasa Akin, at sa inyo’y ipahahayag.” Juan 16:13, 14. PK 153.1