PAGLAPIT KAY KRISTO

107/147

Ang malaki nating pangangailangan

Ang malaki nating pangangailangan ay isa na ring dahilan at mabisang namamanhik patungkol sa atin. Nguni’t dapat ding lapitan ang Panginoon upang gawin Niya ang mga bagay na ito para sa atin. Ang sabi niya “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan.” Mateo 7: 7. At “Siya, na hindi ipinagkait ang kanyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng bagay?” Roma 8:32. PK 131.2

Kung sa ating puso ay iimpukin natin ang kasamaan, kung ginagawa pa rin nating parati ang anumang bagay na kilala nating kasalanan, ay hindi tayo diding- gin ng Panginoon; nguni’t ang panalangin ng nagsisisi at bagbag na puso ay palaging tinatanggap. Pagka naayos na ang lahat ng hayag na kamalian, ay maaasahan nating sasagutin ng Diyos ang ating mga karaingan. Ang sarili nating karapatan ay hindi makapagtatagubilin sa atin sa lingap ng Diyos; karapatan lamang ni Jesus ang sa ati’y magliligtas, at dugo Niya ang lilinis sa atin; gayon may mayroon pa rin tayong dapat gawin muna bago tayo matanggap. PK 131.3