PAGLAPIT KAY KRISTO

84/147

Ang banal na espiritu’y kasama nila

Noong sila’y nagtitipon, pagkaakyat Niya sa langit. ay may pananabik na nais nilang iharap sa Ama ang kanilang mga kahilingan sa pangalan ni Jesus. Sila’y nagsiluhod at nanalanging may banal na pitagan, na inuulit ang pangako: “Kung kayo’y hihingi ng anuman sa Ama, ay ibibigay Niya sa inyo sa Aking pangalan. Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihinging anuman sa pangalan Ko: kayo’y magsihingi, at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.” Juan 16:23, 24. Iniunat nila na pataas ang kanilang mga kamay ng pananampalataya, na inihaharap ang matibay na pananalig: “Si Kristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na mag-uli, na siyang nasa kanan ng Diyos, na Siva namang namamagitan dahil sa atin.” Roma 8:34. Noong dumating ang Pentekostes dumating naman sa kanila ang Mang-aaliw, na siyang tinutukoy ni Kristo, nang sabihin Niyang: Siya’y “sasa inyo.” Juan 14:17. At sinabi pa Niyang: “Nararapat sa inyo na Ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi Ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung Ako’y yumaon, Siya’y susuguin Ko sa inyo.” Juan 16:7. Mula noon si Kristo ay mananahan sa puso ng mga anak Niya sa pamamagitan ng Espiritu. Ang kaugnayan nila sa Kanya ngayon ay lalong malapit kay sa noong Siya’y kasama-sama nila. Nagliwanag sa kanila ang ningning ng ilaw at pag-ibig at kapangyarihan ni Kristo, na tumatahan sa puso, na anupa’t ang mga taong nangakakita, ay “nangagtaka; at nangapagkilala nila na sila’y nangakasama ni Jesus.” Gawa 4:13. PK 102.1