PAGLAPIT KAY KRISTO

83/147

“Ako’y sumasa inyong palagi”

Nang si Kristo’y umakyat sa langit ang pagkadama ng Kanyang pakikiharap ay nasa mga alagad pa rin Niya. Yao’y Kanyang pakikiharap, na puspos ng pagibig at kaliwanagan. Si Jesus, ang Tagapagligtas, na lumakad at nakipag-usap at nanalanging kasama nila, na nagbitiw ng mga salita ng pag-asa at pang-aliw sa kanilang mga puso, ay inagaw sa kanila at dinala sa langit, samantalang binubuka pa sa Kanyang mga ang pabalita ng kapayapaan, at ang tunog ng Kanyang pangungusap ay narinig nila, nang Siya’y tinanggap ng makapal na bilang ng mga anghel: “Narito, Ako’y sumasa inyong palagi hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Mateo 28:20. Siya’y umakyat sa langit na anyong tao. Talos nilang Siya’y nasa harapan ng luklukan ng Diyos, na kanila pa ring Kaibigan at Tagapagligtas; na hindi rin nagbabago ang Kanyang damdaming makiramay; na Siya’y kinikilala pa ring nasa panig ng nagbabatang sangkatauhan. Inihaharap Niya sa Diyos ang mga karapatan ng Kanyang mahalagang dugo at ipinakikita ang Kanyang mga kamay at paa na nasugatan, bilang alaala ng halagang ibinayad Niya para sa Kanyang mga tinubos. Alam nilang Siya’y umakyat sa langit upang maghanda para sa kanila ng mga kalalagyan, at Siya’y muling babalik at tatanggapin sila sa Kanyang sarili. PK 101.1