PAGLAPIT KAY KRISTO

65/147

Ang katibayan ng tunay na pagsisisi

Walang katibayan ang tunay na pagsisisi, malibang yao’y gumagawa ng pagbabago. Kung isauli ng makasalanan ang sangla, ibigay na muli ang kanyang ninakaw, ipahayag ang kanyang mga pagkakasala, at umibig sa Diyos at sa kanyang kapuwa tao, ay maaasahan niyang siya’y nakalampas sa kamatayan at nakarating sa buhay. PK 81.2

Kung lumalapit kay Kristo tayong nagkakamali at nagkakasala at tumatanggap ng Kanyang nagpapata- wad na biyaya ay tumutubo ang pag-ibig sa ating puso. Magaan ang bawa’t dalahin, sapagka’t malambot ang pamatok na ipinapasan ni Kristo. Nagiging kaluguran ang ating gawain at kagalakan ang pagsasakripisiyo. Ang landas na nang una’y madilim, ay pinapagliliwanag ng sinag na nagmumula sa Araw ng Katuwiran. PK 81.3