PAGLAPIT KAY KRISTO
Ayon sa kalooban ng diyos
Ani Jesus: “Lahat ng mga bagay na iyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.” Marcos 11:24. Isang bagay ang kailangan upang matupad ang pangakong ito—tayo’y manalangin ng ayon sa kalooban ng Diyos. Datapuwa’t kalooban ng Diyos ang tayo’y linisin sa kasalanan, gawin tayong mga anak Niya, at tulungang mamuhay ng isang banal na kabuhayan. Kaya nga’t mahihingi natin ang mga pagpapalang ito, at sampalatayanan nating tinanggap natin, at tuloy pasalamatan ang Diyos na tinanggap na natin. Karapatan natin ang lumapit kay Jesus at pahugas, upang makatayo sa harapan ng kautusan na walang ikahihiya o pagsinghal sa sarili. “Ngayon nga’y wala nang anumang hatol sa mga na kay Kristo Jesus, na hindi lumakad ng ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu.” Roma 8:1. PK 71.2
Mula ngayon ay hindi na kayo sa inyong sarili; kayo’y binili sa halaga. “Kayo’y tinubos ... hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto ... kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, samakatuwid baga’y ni Kristo.” 1 Pedro 1:18,19. Sa pamamagitan ng simpleng pananampalatayang ito sa Diyos, ay naglagay ang Banal na espiritu ng isang bagong kabuhayan sa inyong puso. Kayo’y tulad sa isang sanggol, na isinilang sa sambahayan ng Diyos at kayo’y iniibig Niyang gaya ng Kanyang pag-ibig sa Kanyang Anak. PK 71.3