PAGLAPIT KAY KRISTO

37/147

Nakahihilakbot na babala

Kahi’l isang masamang likas, o isang makasalanang hangad, pagka palaging kinikimkim sa puso, ay siyang nagpapawalang-anuman sa kapangyarihan ng ebanghelyo. Bawa’t kasalanang ulit at ulit na ginagawa ay nagpapatabang ng loob ng tao sa Diyos. Ang taong nagpapakita ng katigasan ng loob gaya ng isang walang pananampalataya, o nagpapakilala ng makunat na pagwawalang bahala sa banal na katotohanan, ay nag-aani lamang ng bunga ng kanyang inihasik. Sa buong Biblia ay wala ng lalong nakahihilakbot na babalang laban sa pakikipaglaro sa kasamaan, kay sa mga pangungusap ng pantas, na ang makasalanan ay “matatalian ng mga panali ng kanyang kasalanan.” Kawikaan 5:22. PK 45.2