PAGLAPIT KAY KRISTO

36/147

Mapanganib na gawain

Pinatatahimik ng marami ang kanilang budhing dimapalagay sa pag-aakalang mababago nila ang sariling hilig na masama, kailan ma’t kanilang ibigin, inaakala nilang mangyayaring mapaglaruan na muna ang ipinag-aanyayang awa, at sa dakong huli, kung makilos ang puso’y saka magsisisi. Inaakala nilang pagkatapos na mapighati ang Espiritu ng biyaya, pagkatapos na maipanig ang kanilang kapangyarihan kay Satanas, ay mababago pa nila ang kanilang daan pagdating ng isang sandali ng mapanganib na kagipitan. Datapuwa’t iyan ay hindi napakadaling gawin. Ang naranasan at ang natutuhan sa buong buhay, ay siyang ganap na humuhugis ng likas, na anupa’t iilan na lamang ang magnanasa pang tumanggap ng wangis ni Jesus. PK 45.1