PAGLAPIT KAY KRISTO
Paglapit kay Kristo
Paunang salita
Ang pamagat ng maliit na aklat na ito ang siyang nagsasabi ng kaniyang layunin. Itinuturo nito ang Panginoong si Jesu-Kristo na siya lamang maaaring makatugon sa pangangailangan ng kaluluwa ng tao, at inaakay nito ang mga paa ng mga nag-aalinlangan at mga napilayan sa landas ng kapayapaan. Hakbang-hakbang na pinapatnugutan nito sa daan ng kabuhayang Kristiyano ang isang naghahanap ng kabanalan upang matamo niya ang lubusang pagpapala na masusumpungan sa ganap na pagpapasakop ng sarili at sa di-matitigatig na pagtitiwala sa biyayang nagliligtas ng Kaibigan ng mga makasalanan. PK 5.1
Ang mga aral na masusumpungan sa mga dahon nito ay mga nagdulot ng ginhawa at pag-asa sa mga nababagabag na kaluluwa, at tumulong sa mga sumusunod sa Panginoon upang makalakad sila na may lalong lubos na pagtitiwala at may lalong kagalakan sa mga yapak ng kanilang banal na Pangulo. Umaasa kami na maghahatid ito ng gayon ding pabalita sa marami pang nangangailagan ng gayon ding pagtulong. PK 5.2
Ang aklat na ito, na sinulat ng maykatha sa wikang Ingles, ay naisalin na sa 59 na iba’t ibang mga wika, at ang kabuoan ng naikalat nang mga sipi nito sa buong sanlibutan ay magkakaroon na ng 5,000,000. Magagalak marahil ang bumabasa nito na malaman na ito’y napasalin na rin sa wikang Bikol, Sebuan, Intsik, Ilokano, Pampanggo, Ilonggo, at Kastila. PK 5.3
Ang siniping mga talata ng Biblia ay kinuha sa salin na karaniwang ginagamit sa wikang Tagalog, kung may naiiba man ay binabanggit ang kinunan nito. PK 5.4
Mga tagapaglathala