Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Kanya Tayong Lilinisin, Marso 10
Ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo; kayo'y magiging malinis sa lahat ninyong karumihan, at lilinisin ko kayo sa lahat ninyonq mqa diyus-diyosan. Ezekiel 36:25. KDB 77.1
Imposible para sa atin, sa ating sarili, na makalaya sa hukay ng kasalanan kung saan tayo lumubog. Ang ating mga puso'y masasama, at hindi natin mababago ang mga ito. . . . Ang edukasyon, kultura, ang pagsasanay ng kalooban, pagsisikap ng tao, ang lahat ay may sariling bahagi, ngunit dito ang mga ito'y walang kakayanan. Ang mga ito'y maaaring makagawa ng panlabas na kaayusan ng pag-uugali, ngunit hindi nito mababago ang puso. . . . Dapat mayroong panloob na kapangyarihan, isang bagong buhay mula sa itaas, bago ang tao'y mabago mula sa kasalanan tungo sa kabanalan. Ang kapangyarihang iyon ay si Cristo. Ang Kanyang biyaya lamang ang makapagbibigay ng buhay sa walang-buhay na mga kakayahan ng kaluluwa at akitin ito sa Diyos, sa kabanalan. . . . KDB 77.2
Hindi sapat na maunawaan ang mabuting pag-ibig ng Diyos, na makita ang pagiging mapagkaloob, ang makaamang pagmamahal, ng Kanyang karakter. Hindi sapat na maunawaan ang karunungan at katarungan ng Kanyang kautusan, na makitang ito ay itinatag sa walang-hanggang prinsipyo ng pag-ibig. Ang lahat ng mga ito'y nakita ni apostol Pablo nang kanyang sabihin, “sumasang- ayon ako na mabuti ang kautusan.” . . . Ngunit idinagdag niya, sa kapaitan ng pagdadalamhati at kapighatian ng kanyang kaluluwa, “ngunit ako'y makalaman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.” Nagnanais siya para sa kadalisayan, ang katuwiran, kung saan sa kanyang sarili ay wala siyang kapangyarihang makamit, at siya ay sumigaw, “Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?” Gayon ang iyak na bumabangon mula sa nabibigatang mga puso sa lahat ng lupain at sa lahat ng panahon. Sa lahat ay may iisa lamang na kasagutan, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” . . . Sa Kanyang pagiging karapat-dapat, si Cristo ay naglagay ng tulay sa agwat na ginawa ng kasalanan, upang ang mga naglilingkod na mga anghel ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga tao. Pinag-uugnay ni Cristo ang nahulog na sangkatauhan, sa kanyang kahinaan at kawalang-kaya sa Pinagmumulan ng walang-hanggang kapangyarihan.— Steps to Christ, pp. 18-20. KDB 77.3