Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Noong Tayo'y mga Makasalanan Pa, si Cristo Ay Namatay, Pebrero 22
Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo ‘y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Roma 5:8. KDB 60.1
Upang mailigtas ang lumabag sa kautusan ng Diyos, si Cristo, ang kapantay sa Ama, ay dumating upang mamuhay ng langit sa harap ng mga tao, upang kanilang matutunang malaman kung ano tulad ang magkaroon ng langit sa puso. Inilarawan Niya kung ano dapat maging ang tao upang maging karapat-dapat sa mahalagang biyaya ng buhay na nasusukat sa buhay ng Diyos. KDB 60.2
Ang buhay ni Cristo ay isang buhay na may banal na mensahe ng pag-ibig ng Diyos, at ninais Niyang labis na ibahagi ang pag-ibig na ito sa iba sa masaganang sukat. Ang kahabagan ay nagniningning mula sa Kaniyang mukha, at ang Kanyang pag-uugali ay inilalarawan ng biyaya, kababaang-loob, katotohanan, at pag-ibig. Ang bawat kaanib ng Kanyang nakikipagpunyaging iglesya ay dapat magpakita ng parehong mga katangian, kung nais niyang maging bahagi ng matagumpay na iglesya. Ang pag-ibig ni Cristo ay napakalawak, punong-puno ng kaluwalhatian, na kung ihahambing dito, lahat ng ipinalalagay ng tao bilang dakila, ay nauuwi sa kawalang kahalagahan. Kung ating mapagmamasdan ito, ating ihahayag, O ang lalim ng kayamanan ng pag-ibig na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao sa kaloob ng Kanyang bugtong na Anak! KDB 60.3
Kung ating hinahanap ang naaangkop na wika upang mailarawan ang pag- ibig ng Diyos, masusumpungan nating ang mga salita ay masyadong matamlay, masyadong mahina, masyadong malayo sa tema, at inilalatag natin ang ating panulat at nagsasabi, “Hindi, hindi ito mailalarawan.” . . . Sa pagtatangka ng anumang paglalarawan ng pag-ibig na ito, nararamdaman nating tayo'y tulad ng mga sanggol na nauutal sa kanilang unang mga salita. Maaaring sumasamba tayong tahimik; sapagkat katahimikan sa bagay na ito ang tanging kahusayan sa pagsasalita. Ang pag-ibig na ito'y higit pa sa lahat ng mga wika upang mailarawan.—Fundamentals of Christian Education, pp. 179, 180. KDB 60.4
Ang panukala ng pagtubos sa atin ay hindi isang kaisipan ng Diyos pagkatapos mangyari ang pagbagsak ni Adan. Ito'y isang paghahayag ng “hiwagang natago sa katahimikan sa buong panahong walang-hanggan.”— The Desire of Ages, p. 22. KDB 60.5