Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu, Enero 18
Luluwalhatiin niya ako, sapagkat kanyang tatanggapin ang sa akin, at sa inyo'y ipahahayag niya. Juan 16:14. KDB 24.1
Ang Banal na Espiritu ay nagtataas at nagbibigay kaluwalhatian sa Tagapagligtas. Ito ang Kanyang tungkulin na ipahayag si Cristo, ang kadalisayan ng Kanyang katuwiran, at ang dakilang kaligtasan na mayroon tayo sa pamamagitan Niya. . . . Ang Espiritu ng katotohanan ang tanging epektibong tagapagturo ng katotohanan ng Diyos. Paano dapat pakitunguhan ng Diyos ang sangkatauhan, dahil Kanyang ibinigay ang Kanyang Anak para sa kanila at itinalaga ang Banal na Espiritu para maging tagapagturo sa mga tao at tuloy-tuloy na gabay!— Steps to Christ, p. 91. KDB 24.2
Bago ialay ang Kanyang sarili bilang haing handog, sinikap ni Cristo ang pinakamahalaga at buong kaloob na ibigay sa Kanyang mga tagasunod, isang kaloob na magdadala ng walang-hanggang kayamanan ng biyaya sa naaabot nila. . . . Bago ito, ang Espiritu ay nasa sanlibutan na; sa pasimula pa mismo ng gawain ng pagtubos Siya'y gumagawa na sa puso ng mga tao. Ngunit habang si Cristo ay nasa sanlibutan, ang mga alagad ay hindi naghangad ng ibang tutulong. Hanggang sa nawala ang Kanyang presensya na kanilang naramdaman ang pangangailangan sa Espiritu, at pagkatapos Siya ay darating. KDB 24.3
Ang Banal na Espiritu ang Siyang kumakatawan kay Cristo, ngunit wala ng personalidad ng pagiging tao, at malaya sa mga ito. Nahahadlangan ng pagiging tao, hindi magagawa ni Cristo na maging nasa lahat ng dako nang personal. Kung kaya't para sa kanilang ikabubuti na Siya'y magtungo sa Ama at suguin ang Espiritu bilang Kanyang kahalili sa lupa. Walang sinuman kung gayon ang may kalamangan dahil sa kanyang kinaroroonan o dahil sa kanyang kaugnayan kay Cristo. Sa pamamagitan ng Espiritu ang Tagapagligtas ay malalapitan ng lahat. Sa ganitong kaisipan Siya ay higit na nagiging malapit sa kanila kaysa nang Siya ay hindi naparoon sa kaitaasan. . . . Saan man tayo naroroon, saan man tayo pumunta, Siya ay nasa ating tabi para sumuporta, umalalay, magtaguyod, at magpasigla.— The Desire of Ages, pp. 668-670. KDB 24.4