Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

133/366

Gustung-gusto ng Espiritung Gumawa Kasama ang mga Bata, Mayo 12

Tinawag Niya ang isang maliit na bata at inilagay sa gitna nila. Sinabi Niya, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, malibang kayo'y magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma'y hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Sinumang magpakumbaba nang tulad sa batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. At sinumang tumanggap sa isang batang ganito sa Aking pangalan ay tumatanggap sa Akin. Ngunit sinumang maglagay ng batong katitisuran sa isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa Akin, ay mas mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y malunod sa kalaliman ng dagat,” Mateo 18:2-6. TKK 142.1

0, nawa'y magkaroon tayo ng malinaw na pagkakita kung ano ang maaari nating magawa kung matututo tayo mula kay Jesus! Magiging malakas na ilog ng impluwensiya ang mga bukal ng makalangit na kapayapaan at kasiyahan, na mabubuksan sa kaluluwa ng tagapagturo sa pamamagitan ng mga mahiwagang salita ng pagkasi, upang pagpalain ang lahat ng nakikiugnay sa Kanya. Huwag ninyong isipin na ang magiging nakakabagot sa mga bata ang Biblia. Sa ilalim ng isang matalinong tagapagturo, magiging higit na kanais-nais ang gawain. Ito'y magiging tulad ng tinapay ng buhay sa kanila, at hindi maluluma. Mayroong kasariwaan at kagandahan doon na nakakaganyak at nakakaakit sa mga bata at kabataan. Ito'y katulad ng araw na nagniningning sa lupa, na nagbibigay ng kaliwanagan at init nito, ngunit hindi nauubos. Sa pamamagitan ng mga aral mula sa kasaysayan at doktrina ng Biblia, maaaring matuto ang mga bata at kabataan na ang lahat ng iba pang mga aklat ay higit na mahina kaysa rito. Makakahanap sila rito ng bukal ng kahabagan at pag-ibig. TKK 142.2

Nasa Kanyang Salita ang banal at nagtuturong Espiritu ng Diyos. Nagniningning ang isang liwanag, isang bago at mahalagang liwanag, ang nagniningning sa bawat pahina. Doo'y nahahayag ang katotohanan, at ginagawang malinaw ang mga salita at pangungusap at angkop para sa pagkakataon, bilang tinig ng Diyos na nangungusap sa kanila. TKK 142.3

Kailangan nating makilala ang Banal na Espiritu bilang ating tagapagbigay ng liwanag. Minamahal ng Espiritung iyon na mangusap sa mga bata, at buksan sa kanila ang mga kayamanan at kagandahan ng Salita ng Diyos. Ang mga pangakong binigkas ng dakilang Tagapagturo ay bibihag sa mga pandama at kikilos sa kaluluwa ng bata sa pamamagitan ng banal na kapangyarihang espiritwal. Doo'y tutubo sa mabungang pag-iisip ang pagkakilala sa mga banal na bagay, na magiging katulad ng pangharang laban sa mga tukso ng kaaway.— THE GENERAL CONFERENCE BULLETIN, April 1,1898 . TKK 142.4