Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

131/366

Pinamamahalaan ang Pagpapabanal ng Sambahayan, Mayo 10

Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran. Kawikaan 22:6. TKK 140.1

Nagsusumamo ako sa mga magulang na ihanda nila ang kanilang sarili at ang kanilang mga anak na makiisa sa sambahayan sa itaas, para kay Cristo, maghanda kayong salubungin ang inyong Panginoon sa kapayapaan. Magsimula kayong gumawa sa inyong sambahayan sa tamang mga uri. Asikasuhin ninyo ang ugat ng usapin. Dalhin ninyo ang katotohanan sa inyong mga tahanan, upang pabanalin at dalisayin sila. Huwag ninyo itong panatilihin sa panlabas na bulwagan. Napakabulag ng maraming nag-aangking mga Cristiano sa sarili nilang mga interes! Labis silang nabibigo na makita kung ano ang gagawin ni Cristo para sa kanila kung tatanggapin Siya sa kanilang mga tahanan. Itulot na gumawa ang mga Cristiano na gumawa nang kasing masikap para sa putong ng buhay na gaya ng paggawa ng mga makasanlibutan para makakuha ng mga makalupang pakinabang, at tiyak susulong na may kapangyarihan ang iglesya ng Diyos.... TKK 140.2

Nagdudulot ang Banal na Espiritu ng mga pagkilos na nakaangkop sa kautusan ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu na nagpapanibagong sigla ay makikita sa mga sambahayan kung saan maingat na nagsagawa ng pagsisikap upang magpahayag ng kabutihan, pagtitiyaga, at pagmamahal. Gumagawa ang kapangyarihan ng Pinakamakapangyarihang Diyos, na inihahanda ang mga pag-iisip at puso upang magpasakop sa naghuhulmang impluwensiya ng Banal na Espiritu, na nagdadala sa mga magulang upang pabanalin ang kanilang mga sarili, upang mapabanal din ang kanilang mga anak. TKK 140.3

Ang tahanan kung saan ang mga kaanib ay magagalang at mapitagang Kristiyano ay nagbibigay ng malawak na impluwensiya para sa kabutihan. Makikita ng ibang mga sambahayan ang mga bungang nakamit ng ganitong sambahayan, at susunod sa halimbawang nabigay, na kanila ring binabantayan ang tahanan laban sa mga makademonyong impluwensiya. TKK 140.4

Madalas na dadalaw ang mga anghel ng Diyos sa tahanang nangingibabaw ang kalooban ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan ng banal na biyaya ang ganitong tahanan ay nagiging lugar ng pagpapanibagong sigla sa mga pagod at napapagal na manlalakbay. Sa pamamagitan ng maingat na pagbabantay, naiingatan ang sarili mula sa paggiit ng sarili. Nabubuo ang mga maayos na kasanayan. May maingat na pagkilala sa karapatan ng iba. Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa ay tumatayo sa timon, na pinamumunuan ang buong sambahayan. Sa ilalim ng banal na impluwensiya ng ganitong tahanan, ang mga prinsipyo ng kapatiran na nasa Salita ng Diyos ay mas higit na nakikilala at tinutupad.— THE SOUTHERN WATCHMAN, January 19,1904 . TKK 140.5