Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

129/366

Sa Tabi ng mga Inang Pinangungunahan ang Maliliit Nilang mga Anak, Mayo 8

“Dahil sa batang ito ako ay nanalangin, at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking kahilingan na idinulog sa Kanya, Kaya't ipinapahiram ko siya sa Panginoon; habang siya'y nabubuhay, siya ay ipinahiram sa Panginoon,” At doon ay sumamba siya sa Panginoon, 1 Samuel 1:27,28, TKK 138.1

Kailangang maunawaan ng mga Cristianong ina na sila'y mga kamanggagawa kasama ng Diyos kapag sinasanay at dinidisiplina ang kanilang mga anak sa pamamaraang magagawa nilang isalamin ang karakter ni Cristo. Mapapasakanila ang pakikipagtulungan ng mga makalangit na anghel sa gawaing ito; ngunit ito'y gawain na nakakalungkot na napapabayaan, at dahil dito'y nananakawan si Cristo ng Kanyang mana—ang mga mas batang kaanib ng Kanyang sambahayan. Ngunit sa pamamagitan ng pananahan ng Banal na Espiritu, maaaring maging kamanggagawa ng Diyos ang mga tao. TKK 138.2

Ang mga itinuro ni Cristo sa okasyon ng pagtanggap sa mga bata ay dapat na mag-iwan ng higit na malalim na impresyon sa ating mga pag-iisip. Binibigyang kalakasan ng mga salita ni Cristo ang mga magulang upang kanilang dalhin ang maliliit nilang mga anak kay Jesus. Maaari silang naliligaw, at nagtataglay ng mga damdaming kagaya noong nasa tao, ngunit hindi nito dapat na pigilan tayo sa pagdadala sa kanila kay Cristo. Pinagpala Niya ang mga bata na nagtataglay ng katulad na damdamin ng nasa Kanyang sarili. TKK 138.3

Madalas tayong nagkakamali sa pagsasanay sa ating mga anak. Madalas na binibigyang-hilig ng mga magulang ang kanilang mga anak doon sa makasarili at nakapagpapahina ng loob, at, imbes ng pagkakaroon ng paghihirap ng kaluluwa para sa kanilang kaligtasan, pinapabayaan lamang sila na magpatangay sa agos, at lumaki na may likong damdamin at mga karakter na hindi kaibig-ibig, Hindi nila tinatanggap ang pananagutan na ibinigay ng Diyos na turuan at sanayin ang kanilang mga anak para sa kaluwalhatian ng Diyos. Hindi sila natutuwa sa mga pag-uugali ng kanilang mga anak, at nasisiraang- loob samantalang napagtatanto nila na ang kanilang mga kasalanan ay bunga ng sarili nilang pagpapabaya, at pagkatapos ay nasisiraan sila ng loob. TKK 138.4

Ngunit kung mararamdaman ng mga magulang na hindi sila napapakawalan mula sa kanilang pasanin ng pagtuturo at pagsasanay sa kanilang mga anak para sa Diyos, kung gagampanan nila ang kanilang gawain sa pananampalataya, magiging matagumpay sila sa pagdadala ng kanilang mga anak sa Tagapagligtas. Itulot na italaga ng mga ama at ina ang kanilang sarili, kaluluwa, katawan, at espiritu, sa Diyos bago ipanganak ang kanilang mga anak.— SIGNS OF THE TIMES, April 9,1896 . TKK 138.5