Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

206/366

Mga Inang Maraming Kaloob Para Palaguin ang Kanilang mga Anak, Hulyo 24

Naaalala ko ang iyong tapat na pananampalataya, isang pananampalataya na unang nabuhay kay Loida na iyong lola at kay Euniee na iyong ina at ngayon, ako'y nakakatiyak, ay namamalagi sa iyo, 2 Timoteo 1:5, TKK 217.1

Ang gawain ng ina ay ibinigay sa kanya ng Diyos, na palakihin ang kanilang mga anak sa pagpapalago at pagpapaalala sa Panginoon. Ang pag-ibig at pagkatakot sa Diyos ay dapat nanatiling palagi sa kanilang mga isip. Kapag itinutuwid, dapat silang turuang maramdaman na sila ay pinapaalalahanan ng Diyos, na Siya'y hindi nasisiyahan sa pandaraya, kawalang katotohanan, at mga gawang mali. Sa gayon ang mga maliliit na isipan ay magkakaugnay sa Diyos upang ang lahat nilang gagawin at sasabihin ay para sa ikaluluwalhati Niya; at sa paglipas ng taon hindi sila magiging parang mga tambo sa hangin, na patuloy na hinihila sa pagitan ng pagkahilig at tungkulin. TKK 217.2

Kung sa panahon ng kanilang kabataan, ang isipan ng mga kabataan ay puno ng mga kaaya-ayang larawan ng katotohanan, ng kalinisan at kabutihan, mabubuo ang panlasa sa malinis at mataas, at hindi madaling masisira o marurumihan ang kanilang isipan. Habang kung kabaligtaran ang tutunguhin, kung ang isipan ng mga magulang ay palaging nananatili sa mababang tanawin; kung ang pag-uusap ay nakapaikot sa hindi kanais-nais na katangian ng karakter; kung nagkaroon sila ng pag-uugaling magsalita na may pagrereklamo sa pamamaraan na ginagawa ng iba, matututo ang mga maliliit ng mga salita ng pagsuway, at susunod sa mapaminsalang halimbawa. Ang masamang tatak, gaya ng mantsa ng ketong, ay kakapit sa kanila sa kabilang buhay. TKK 217.3

Ang mga butil na naitanim sa panahong sila'y bata sa pamamagitan ng maingat at may takot sa Diyos na ina ay magiging mga puno ng katuwiran, na mamumulaklak at magbubunga; at ang mga aral na naibigay ng amang may takot sa Diyos sa pamamagitan ng utos at halimbawa ay gaya ng kay Jose, na magbibigay ng masaganang bunga sa madaling panahon. TKK 217.4

Mag-uusisa ba ang mga magulang tungkol sa kanilang gawa sa pagtuturo at pagsasanay sa kanilang mga anak, at titingnan kung nagawa ba nila ang kanilang buong tungkulin sa pag-asa at pananampalataya na ang mga batang ito ay puputungan ng kagalakan sa araw ng Panginoong Jesus? Sila ba'y nagsikap para sa ikabubuti ng kanilang mga anak na si makatitingin si Jesus mula sa langit at sa pamamagitan ng kaloob ng Kanyang Espiritu ay pinabanal ang kanilang mga pagsisikap? Mga magulang, maaari sa inyo ang ihanda ang inyong mga anak para sa pinakamataas na kapakinabangan sa buhay na ito, at sa huli'y makibahagi sa kaluwalhatiang darating.— GOOD HEALTH, January 1,1880 . TKK 217.5