Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

195/366

Mangyayari Muli ang mga Tunay na Himala, Hulyo 13

Narito ang panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sa mga tumutupad sa mga utos ng Diyos, at humahawak ng matatag sa pananampalataya ni Jesus. Apocalipsis 14:12. TKK 206.1

Ang dakilang gawain ng ebanghelyo ay hindi matatapos na may kakaunting pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos kaysa kung paano ito nag-umpisa. Ang mga hula na natupad sa pagbubuhos ng unang ulan sa pagbubukas ng ebanghelyo ay muling matutupad sa huling ulan sa pagtatapos nito. Narito ang “panahon ng kaginhawahan” na hinihintay ni apostol Pedro ng kanyang sabihing, “Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang ang mga panahon ng kaginhawahan ay dumating mula sa harapan ng Panginoon; at upang kanyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, si Jesus” (Mga Gawa 3:19, 20). TKK 206.2

Ang mga lingkod ng Diyos, taglay ang nagliliwanag nilang mga mukha at nagniningning sa banal na pagtatalaga, ay magmamadali mula sa isang lugar hanggang sa panibago upang ipahayag ang mensahe ng langit. Sa pamamagitan ng libong mga tinig, sa buong sanlibutan, ibibigay ang babala. Magsasagawa ng mga himala, ang mga maysakit ay pagagalingin, at ang mga tanda at kababalaghan ay susunod sa mga nananampalataya. Gagawa rin si Satanas, taglay ang mga kababalaghang may kasinungalingan, kahit pa ang pagpapababa ng apoy mula sa langit sa paningin ng mga tao (Apocalipsis 13:13). Sa gayon ang mga nananahan sa lupa ay kailangang manindigan. TKK 206.3

Ang mensahe ay dadalhin hindi sa pamamagitan ng mga argumento na gaya kung paanong sa pamamagitan ng malalim na paghikayat ng Espiritu ng Diyos. Naipakita na ang mga argumento. Naitanim na ang buto, at ngayon tutubo ito at magbubunga. Ang ipinamahaging babasahin ng mga manggagawang misyonero ay nang-impluwensiya, ngunit marami sa mga naliwanagan ang isipan ay napigilang maunawaang lubos ang katotohanan o sa pagpapasakop ng pagsunod. Ngayon ang sinag ng liwanag ay pumapasok kahit saan, ang katotohanan ay nakikita sa kaliwanagan nito, at ang tapat na mga anak ng Diyos ay pinutol ang taling pumipigil sa kanila. Ang mga ugnayan ng pamilya, relasyon ng mga iglesya, ay walang kapangyarihang pigilan sila ngayon. Ang katotohanan ay higit na mahalaga kaysa lahat ng iba. Kahit na nagsama-sama ang mga ahensya laban sa katotohanan, marami ang pipiling manindigan sa panig ng Panginoon.— THE GREAT CQNTRQVERSY, pp. 611, 612 . TKK 206.4