Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Nagpapagaling na Kapangyarihan sa Pamamagitan ng Dakilang Manggagamot, Hulyo 10
Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, kanilang dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit at ang mga inaalihan ng mga demonyo, Ang buong lunsod ay nagkatipon sa may pintuan, At nagpagling siya ng maraming iba't ibang may karamdaman at nagpalayas siya ng maraming demonyo, Hindi niya pinahintulutang magsalita ang mga demonyo, sapagkat siya'y kilala nila, Marcos 1:32-34, TKK 203.1
Sa pagbibigay sa atin ng Kanyang Anak, ibinigay ng Ama ang pinakamahalagang kaloob na maaaring maibigay ng langit. Ang kaloob na ito ay pribilehiyo nating gamitin sa ating paglilingkod sa mga maysakit. Si Cristo dapat ang ating maging sandigan. Ating ilapit ang lahat ng pasyente natin sa Dakilang Manggagamot; hayaang Siya ang gumabay sa bawat operasyon. Tutugunin ang panalanging inihandog ng may katapatan at pananampalataya. Magbibigay ito ng kasiguruhan sa manggagamot at lakas ng loob sa mga nagdurusa. TKK 203.2
Ipinabatid sa akin na dapat nating akayin ang maysakit sa ating mga pagamutan na umasa sa malalaking bagay dahil sa pananampalataya ng mga doktor sa Dakilang Manggagamot, na, sa mga taon ng Kanyang paglilingkod ay nagpunta sa mga lungsod at mga bayan ng lupain para pagalingin ang lahat ng lumalapit sa Kanya. Walang sinuman ang tinaggihan; Kanyang pinagaling silang lahat. Hayaang malaman ng maysakit na, bagamat hindi nakikita, si Cristo ay nariyan para magdala ng ginhawa at kagalingan. TKK 203.3
Matapos ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli, si Cristo ay nakipagkita sa Kanyang mga alagad, at sa apatnapung mga araw ay nagtagubilin sa kanila ng magiging gawain nila sa darating na panahon. Sa araw ng Kanyang pag-akyat sa langit, nakipagkita Siya sa mga alagad sa bundok doon sa Galilea, kung saan sila ay inatasan. At Kanyang sinabi sa kanila, “Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa akin. Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo. At narito, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon” (Mateo 28:18-20). Pribilehiyo ng bawat doktor at bawat nagdurusa na maniwala sa Kanyang pangako; ito'y buhay sa lahat ng naniniwala.— LOMA LINDA MESSAGES, p. 355 . TKK 203.4