Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

190/366

Ang Kaloob ng Pag-awit, Hulyo 8

Ano kung gayon ang aking gagawin? Ako'y mananalangin sa espiritu, at ako'y mananalangin din sa isipan; ako ay aawit sa espiritu, at ako'y aawit din sa isipan. 1 Corinto 14:15. TKK 201.1

Nananawagan ang Diyos sa Kanyang bayan para kumuha ng iba't ibang linya ng gawaing misyonero para magtanim sa gilid ng mga tubig. Gumagawa tayo ng maliit lamang na bahagi ng gawain na ninanais Niyang ating gawin sa ating mga kapitbahay at mga kaibigan. Sa pamamagitan ng kabaitan sa mga mahihirap, may sakit, o nagdadalamhati, maaari tayong magkaroon ng impluwensiya sa kanila, upang ang banal na katotohanan ay magkaroon ng daan sa kanilang mga puso. Walang pagkakataon para sa paglilingkod ang dapat nating hayaan na hindi umuunlad. Ito ang pinakamataas na misyonerong paglilingkod na maaari nating gawin. Ang pagpapahayag ng katotohanang may pag-ibig at simpatya mula sa isang tahanan hanggang sa panibago ay naaayon sa tagubilin ni Cristo sa Kanyang mga disipulo nang Kanyang suguin sila sa kanilang unang misyonerong paglalakbay. TKK 201.2

Iyong mga may kaloob ng awitin ay kinakailangan. Ang awit ay isa sa mga pinaka-epektibong paraan para maidiin sa puso ang espiritwal na katotohanan. Madalas na sa pamamagitan ng mga salita ng banal na awit, ang bukal na pagsisisi at pananampalataya ay naihahayag. Ang mga miyembro ng iglesya, mga bata at matatanda, ay dapat maturuang humayo upang ihayag ang huling mensaheng ito sa sanlibutan. Kung sila'y hahayong may kapakumbabaan, sasama sa kanila ang mga anghel ng Diyos, na magtuturo sa kanila kung paano itaas ang tinig sa panalangin, kung paano iangat ang kanilang tinig sa awit, at kung paano ihayag ang mensahe ng ebanghelyo para sa panahong ito. TKK 201.3

Mga kabataang lalaki at babae, inyong pasanin ang gawain kung saan tinawagan kayo ng Diyos. Tuturuan kayo ni Cristo na gamitin ang inyong mga kakayahan para sa mabuting layunin. Habang inyong tinatanggap ang nagpapasiglang impluwensiya ng Banal na Espiritu, at sikaping turuan ang iba, magiging masigla ang iyong isipan, at magagawa mong magpahayag ng salitang bago at maganda na kakaiba para sa iyong mga tagapakinig. Manalangin at umawit, at ipahayag ang Salita. . . . TKK 201.4

Nais ng Diyos na tumanggap at magkaloobang Kanyang bayan. Bilang walang kinikilingan, at saksing hindi makasarili, sila'y dapat magbigay sa iba ng kung ano ang ibinigay sa kanila ng Panginoon. At sa iyong pagpasok sa gawaing ito, at sa kung anumang paraan sa iyong lakas na sikaping abutin ang mga puso, siguraduhing gumawa sa paraan na mag-aalis ng masamang palagay sa halip na lumikha nito. Palagiang gawing aralin ang buhay ni Cristo, at gumawang gaya Niya, na sinusundan ang Kanyang halimbawa.— REVIEW AND HERALD, June 6,1912 . TKK 201.5