Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Sinusunod ang mga Utos ng Kapitan, Hunyo 25
“Makipagtiis ka ng mga kahirapan, gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus, Walang kawal na naglilingkod ang nakikisangkot sa mga bagay ng buhay na ito, yamang ang kanyang mithiin ay bigyang-kasiyahan ang nagtala sa kanya” 2 Timoteo 2:3, 4, TKK 187.1
Kakaunti na lamang ang ating panahon upang isulong ang pakikipaglaban; pagkatapos ay darating si Cristo, at magsasara ang eksenang ito ng pakikidigma. Pagkatapos ay magagawa ang ating mga huling pagsisikap upang gumawa para kay Cristo at isulong ang Kanyang kaharian. May ilan na tumayo sa harapan ng pakikidigma at masigasig na nilabanan ang paparating na kasamaan ay mamamatay sa lugar ng kanilang tungkulin; may kalungkutang tinitingnan ng iba ang mga bumagsak na mga bayani, ngunit walang panahon para itigil ang gawain. Kailangang pagtibayin ang linya, kunin ang watawat mula sa kamay na pinahina ng kamatayan, at ipagtanggol ang katotohanan at karangalan ni Cristo na may panibagong kalakasan. Kailangang labanan ang kasalanan sa paraang hindi pa nagagawa—laban sa mga kapangyarihan ng kadiliman. Hinihingi ng panahon ang kalakasan at tiyak na pagkilos sa kanilang naniniwala sa katotohanan para sa kasalukuyang panahon. Kailangan nilang ituro ang katotohanan sa pamamagitan kapwa ng pagtuturo at ng halimbawa. TKK 187.2
Kung tila matagal ang panahon para hintaying dumating ang ating Tagapagligtas, kung, nanghihina dahil sa suliranin at paghihirap, nararamdaman natin ang kawalan ng pagtitiyaga na tapusin ang ating tungkulin, at nais tanggapin ang marangal na pagpapaliban mula sa pakikidigma—alalahanin natin na bantayan ang bawat pagbubulung-bulong—na iniiwan tayo ng Diyos sa lupa upang salubungin ang mga bagyo at pakikipaglaban, upang dalisayin ang Kristiyanong karakter, upang maging higit na mas nakakakilala sa Ama at kay Cristo ang ating nakatatandang kapatid, at gumawa para sa Panginoon sa pagkakamit ng maraming mga kaluluwa para kay Cristo, na may nalulugod na puso nating marinig ang mga salitang: “Magaling! Mabuti at tapat na alipin....Pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon” (Mateo 25:21). TKK 187.3
Maging matiyaga, Cristianong kawal. Kaunting panahon pa, at darating na Siya. Malapit nang matapos ang gabi ng nakakapagod na paghihintay, at pagbabantay, at pagdadalamhati. Malapit nang ibigay ang gantimpala; magbubukang-liwayway ang walang hanggang araw. Wala nang oras upang matulog ngayon—wala nang panahon na bigyang-lugod ang mga walang-kabuluhang panghihinayang. Siyang nag-iisip na matulog ngayon ay mawawalan ng mga mahahalagang pagkakataon na makagawa ng kabutihan. Ibinigay sa atin ang mabiyayang pagkakataon na tipunin ang mga kaban sa dakilang pag-aani; at magiging karagdagang bituin sa putong ni Jesus, ang ating Tagapagligtas na karapat-dapat sambahin, ang bawat kaluluwang maliligtas. Sino ang nasasabik na ibaba ang kalasag, samantalang sa pamamagitan ng pagsusumikap sa pakikidigma nang kaunti pa ay makakamit natin ang mga bagong tagumpay at makakapagtipon ng mga bagong tropeo para sa walang hanggan?— REVIEW AND HERALD, October 25,1881 . TKK 187.4