Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Masikap na Paggawa: Isang Resipe Para Mabawasan ang mga Pasanin, Hunyo 22
Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y nasisiyahan sa mga kahinaan, paglait, kahirapan, pag-uusig, at mga sakuna, sapagkat kapag ako'y mahina, ako nga'y malakas, 2 Corinto 12:10, TKK 184.1
Nagkaroon na ng labis na maraming pagtingin sa kanilang sariling mga pagsubok at kahirapan. Ngunit kung kinakalimutan nila ang kanilang sarili, at tumitingin sa pagdurusa ng iba, hindi na magkakaroon ng panahon na palakihin ang sarili nilang kalumbayan. Ang masikap na paggawa para sa Panginoon ay isang resipe para sa mga karamdaman ng pag-iisip; at pagagaanin ang ating mga pasanin ng matulunging kamay na bumubuhat sa mga pasanin na dinala ni Cristo para sa lahat ng Kanyang angkan, at hindi sila magmumukhang karapat-dapat pang banggitin. Magbibigay ng malusog na pagkilos sa pag-iisip ang tunay at matapat na gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng malusog na pagkilos sa mga kalamnan. Pumapatay ang laging pagsasaisip ng mga masamang pangyayari at pasanin. Dapat tayong maging kuntento na pasanin ang mga kahirapan ng pang-araw-araw na tungkulin; at ang malaking kabigatan ng mga pangangailangan sa kinabukasan—pabayaan niyo lang ang mga kaabalahang ito para sa panahon na kailangan natin silang gawin. TKK 184.2
Tinatawagan tayo ngayon na maturuan, upang ating magampanan ang gawaing itinalaga ng Diyos sa atin, at hindi nito dudurugin ang ating buhay. Ang pinakamapagpakumbaba ay maaaring magkaroon ng bahagi sa gawain, at makibahagi sa gantimpala kapag naganap na ang pagpuputong, at si Cristo, ang ating Tagapamagitan at Manunubos, ay naging Hari ng Kanyang mga tinubos na bayan. Kailangan na gawin natin ngayon ang lahat ng ating magagawa na makahanap ng pansariling pagtatalaga sa Diyos. Hindi higit na maraming malalakas na tao, hindi higit na maraming mas may talento, hindi higit na maraming may pinag-aralan, ang kinakailangan natin sa paghahayag ng katotohanan para sa panahong ito; kundi mga lalaking may kaalaman sa Diyos at kay Jesu-Cristo, na Kanyang isinugo. TKK 184.3
Gagawing handa ng pansariling kabanalan ang sinumang manggagawa, sapagkat inaangkin siya ng Banal na Espiritu, at nagiging kapangyarihan ang katotohanan para sa panahong ito, dahil ang mga pang-araw-araw niyang kaisipan at ang lahat ng kanyang ginagawa ay tumatakbo sa mga linya ni Cristo. Nagkakaroon siya ng pananatili kay Cristo; at ang pinakamapagpakumbabang kaluluwa, na nakaugnay kay Jesu-Cristo, ay isang kapangyarihan, at mananatili ang kanyang gawain. Nawa'y tulungan tayo ng Panginoon na maunawaan ang Kanyang banal na kalooban, at magawa ito nang buong-puso, nang walang- tinag, at magkakaroon ng kasiyahan sa Panginoon.— THE HOME MISSIONARY, November 1,1897 . TKK 184.4