Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

172/366

Daluyan ng Tinig ng Diyos ang Tinig ng Tao, Hunyo 20

“Ikaw ay magsasalita sa kanya at iyong ilalagay sa kanyang bibig ang mga salita; at Ako'y sasaiyong bibig at sasakanyang bibig, Aking ituturo sa inyo kung ano ang inyong gagawin,” Exodo 4:15, TKK 182.1

Kapag dinadala niyang kamanggagawa ni Cristo ang katotohanan sa puso ng makasalanan sa pagpapakumbaba at pag-ibig, nagsasalita ang tinig ng pag-ibig sa pamamagitan ng tao. Gumagawa ang mga makalangit na katalinuhan kasama ng isang nakatalagang tao, at kumikilos ang Espiritu sa kaluluwa ng di-mananampalataya. Nagmumula sa Diyos patungo sa puso ang kakayahang maniwala, at tinatanggap ng makasalanan ang patunay ng Salita ng Diyos. TKK 182.2

Sa pamamagitan ng mabiyayang impluwensiya ng Banal na Espiritu, nababago siya at nagiging kaisa ni Cristo sa espiritu at layunin. Lumalaki ang kanyang pagmamahal para sa Diyos, nagugutom siya para sa katuwiran at nagnanasang maging higit na katulad ng kanyang Panginoon. Sa pamamagitan ng pagtingin kay Cristo, nababago siya mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, at lalo pang nagiging katulad ni Jesus. Nabibigyan siya ng pagmamahal para kay Cristo at napupuno ng malalim at hindi tumitigil na pag-ibig para sa mga nangamamatay na kaluluwa, at nabubuo si Cristo sa kalooban, ang pag-asa ng kaluwalhatian. “Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos” (Juan 1:12).— TESTIMONIES TO MINISTERS AND GOSPEL WORKERS, pp. 220, 221 . TKK 182.3

Kailangan natin ng higit na paggawa ng Walang hanggan at mas kakaunti ng pagtitiwala sa mga tao. Dapat tayong maghanda ng isang bayan na tatayo sa araw ng paghahanda ng Diyos; kailangan nating tawagin ang pansin ng mga tao sa krus ng Kalbaryo, upang linawin ang dahilan kung bakit ginawa ni Cristo ang Kanyang malaking sakripisyo. Dapat nating ipakita sa mga tao na maaaring makabalik sa kanilang katapatan sa Diyos at sa kanilang pagsunod sa Kanyang mga utos. Kapag tumitingin ang makasalanan kay Cristo bilang pambayad-sala sa kanyang mga kasalanan, kailangang magtungo sa isang tabi ang mga tao. Itulot na ilahad nila sa makasalanan na si Cristo “Siya ang kabayaran para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi para din sa kasalanan ng buong sanlibutan” (1 Juan 2:2). TKK 182.4

Udyukan ninyo siya na hanapin ang karunungan mula sa Diyos; sapagkat sa pamamagitan ng masikap na panalangin matututuhan niya ang daan ng Panginoon nang higit na sakdal kaysa itinuturo ng isang taong tagapayo. Makikita niya na ang paglabag sa utos ang sanhi ng kamatayan ng Anak ng walang hanggang Diyos, at kamumuhian niya ang mga kasalanan na sumugat kay Jesus. Habang tumitingin siya kay Cristo bilang isang maawain at matimtimang Dakilang Saserdote, maiingatan sa pagsisisi ang kanyang puso.—Ibid., p. 220. TKK 182.5