Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Sa Positibong Pagpipigil sa Sarili, 15 Mayo
Siya’y inapi, at siya’y sinaktan, gayunma’y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na sa harapan ng manggugupit sa kanya ay pipi, kaya’t hindi niya ibinuka ang kanyang bibig. Isaias 53:7. LBD 140.1
Isang uri ng walang pagpipigil sa sarili ang lumabas; hindi nila pinipigilan ang kapusukan o ang dila; at nag-aangkin ang ilan sa mga ito na mga tagasunod ni Cristo, ngunit hindi sila gayon. Hindi sila binigyan ni Jesus ng ganoong halimbawa. . . . Kinakabahan ang ilan, at kung magsimulang silang mawalan ng pagpipigil sa sarili sa salita o diwa dahil sa panunulsol, ang mga ito ay tulad sa mga nalasing sa galit tulad ng nalasing ng alak. Hindi makatwiran ang mga ito, at hindi sila madaling hikayatin o kumbinsihin. Wala sila sa isip; si Satanas ang may lubos na kontrol sa oras na iyon. Pinahihina ng bawat isa sa mga pagpapakita ng poot ang nervous system at moral na kapangyarihan, at ginagawang mahirap pigilan ang galit sa isa pang pagsulsol. LBD 140.2
Mayroon lamang isang remedyo sa ganitong uri,—positibong pagpipigil sa sarili sa lahat ng mga pagkakataon. Maaaring magtagumpay sa ilang pagkakataon ang pagsisikap upang makakuha ng isang kanais-nais na lugar, kung saan hindi maiinis ang sarili; ngunit alam ni Satanas kung saan matatagpuan ang mga kawawang kaluluwang ito, at paulit-ulit na aatakihin sila sa kanilang mga mahihinang bahagi. Patuloy silang magagambala hangga’t sobra nilang iniisip ang sarili. . . . Ngunit may pag-asa para sa kanila. Iugnay ang buhay na ito, na magulo dahil sa mga salungatan at alalahanin, kay Cristo, at hindi na maghahangad ng kataasan ng sarili. . . . Dapat silang magpakumbaba, na sinasabi nang tapat, “Nagkasala ako. Patatawarin mo ba ako? Sapagkat sinabi ng Diyos na hindi natin dapat palubugin ang araw sa ating poot.” Ito lamang ang tanging ligtas na landas patungo sa pagtatagumpay. Marami . . . ang nag-aalaga ng kanilang galit, at puno ng mapaghiganti at masasamang damdamin. . . . Labanan ang ganitong maling mga damdamin, at makararanas kayo ng isang dakilang pagbabago sa inyong pakikipag-ugnayan sa inyong kapwa tao.— The Youth’s Instructor, November 10, 1886. LBD 140.3
Kapag tumigil makipagbuno ang sarili sa pananaig, at kinilos ng Banal na Espiritu ang puso, lubos na mananahimik ang kaluluwa; at pagkatapos ay makikita sa puso ang larawan ng Diyos.—. Manuscript 176, 1898. LBD 140.4