Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Lumapit Tayong May Katapangan sa Trono ng Biyaya, 24 Abril
Kaya’t lumapit tayong may katapangan sa trono ng biyaya, upang tayo’y tumanggap ng awa, at makatagpo ng biyaya na makakatulong sa panahon ng pangangailangan. Hebreo 4:16. LBD 119.1
Alam ni Jesus ang mga pangangailangan ng Kanyang mga anak, at gusto Niyang makinig sa kanilang mga panalangin. Hayaang ilayo ng mga bata ang mundo at lahat ng bagay na maghihiwalay ng mga kaisipan mula sa Diyos, at hayaang madama nilang kasama nilang mag-isa ang Diyos, na sinusuri ng Kanyang mata ang pinakaloob ng puso, at binabasa ang nais ng kaluluwa, at nang makausap nila ang Diyos. Sa mapagpakumbabang pananampalataya maaari ninyong angkinin ang Kanyang mga pangako, at madamang bagaman wala kayong anumang bagay sa inyong sarili para angkinin ang pabor ng Diyos, ngunit dahil sa mga kabutihan at katuwiran ni Cristo, makalalapit kayong may tapang sa trono ng biyaya, at humingi ng tulong sa oras ng pangangailangan. Walang ibang makapagpapalakas ng kaluluwa para mapaglabanan ang mga tukso ni Satanas sa malaking labanan sa buhay, kundi mapagpakumbabang hanapin ang Diyos, inilalahad ang iyong kaluluwa sa Kanya sa lahat ng kawalang kakayahan nito, at umaasa na Siya ang magiging iyong katulong at ang iyong tagapagtanggol.— The Youth’s Instructor, July 7, 1892. LBD 119.2
Na may nagtitiwalang pananampalataya ng isang maliit na bata, dapat tayong pumaroon sa ating Amang nasa langit, na nagsasabi sa Kanya ng lahat ng ating mga pangangailangan. Siya ay laging handang magpatawad at tumulong. LBD 119.3
Hindi nauubos ang tulong ng banal na karunungan, at hinihikayat tayo ng Panginoon na umigib mula dito. Ang pananabik na dapat nating taglayin para sa espirituwal na mga pagpapala ay inilarawan sa mga salitang, “Kung paanong ang usa ay nananabik sa batis na umaagos, gayon nananabik ang aking kaluluwa sa iyo, O Diyos.” Kailangan natin ang mas malalim na pagkagutom ng kaluluwa para sa mga mayamang regalong ipagkakaloob ng langit. LBD 119.4
Dapat tayong magutom at mauhaw sa katuwiran. LBD 119.5
O ang magkaroon tayo ng isang pagnanais na makilala ang Diyos sa pamamagitan ng isang eksperimental na kaalaman, upang makapasok sa silid-tanggapan ng Kataas-taasan, na iniaabot ang kamay ng pananampalataya, at ihahagis ang ating mga kaluluwang walang kakayahan sa Isa na makapangyarihan upang magligtas. Ang kanyang kabutihang-loob ay mas mabuti kaysa buhay.—The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1147. LBD 119.6
Ninanais niyang ipagkaloob sa mga anak ng tao ang kayamanan ng walang-hanggang mana. Ang kanyang kaharian ay isang walang-hanggang kaharian.— The Review and Herald, December 26, 1907. LBD 119.7