Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

115/367

Ang Kanyang mga Kaloob ang Magpapatibay at Magpapalakas sa Atin, 23 Abril

Ang Diyos ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag tungo sa kanyang walang-hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ay siya ring magpapanumbalik, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. 1 Pedro 5:10. LBD 118.1

Mapalad ang kaluluwang makapagsasabing, “Ako ay nagkasala sa harapan ng Diyos: ngunit si Jesus ang aking Tagapamagitan. Nilabag ko ang Kanyang batas. Hindi ko kayang iligtas ang aking sarili; ngunit ginawa kong aking pagsamo ang mahalagang dugong ibinuhos sa Kalbaryo. Nawala ako dahil kay Adan, ngunit napanumbalik kay Cristo. Ang Diyos, na lubos na nagmahal sa mundo at ibinigay ang Kanyang bugtong na Anak para mamatay, ay hindi ako iiwan para mamatay habang nagsisisi at naghihinagpis ang kaluluwa. Hindi Siya titingin sa akin, sapagkat hindi ako karapat-dapat; ngunit titingnan Niya ang mukha ng Kanyang Pinahiran, titingnan Niya ang aking Kapalit at Tagapanagot, at pakikinggan ang pagsamo ng aking Tagapamagitan, na namatay para sa aking kasalanan, upang ako ay maging katuwiran ng Diyos sa Kanya. Ngunit sa pagtingin sa Kanya, matatanggap ko ang Kanyang espiritu, at mababago sa Kanyang wangis. . LBD 118.2

. .” Mahahayag ang pusong puno ng biyaya ni Cristo sa pamamagitan ng kapayapaan at kagalakan; at kung saan nananatili si Cristo, ang pagkatao ay malilinis, matataas, mapangangalagaan, at maluluwalhati.— The Youth’s Instructor, November 8, 1894. LBD 118.3

Ang Lumikha ng lahat ng mundo ay nagmumungkahing mahalin ang mga naniniwala sa Kanyang bugtong na Anak bilang kanilang personal na Tagapagligtas, kung paanong minamahal Niya ang Kanyang Anak. Kahit na dito at ngayon ang Kanyang mapagbiyayang pabor ay ipinagkakaloob sa atin sa ganitong kamangha-manghang haba ng panahon. Ibinigay niya sa mga tao ang kaloob ng Liwanag at Karangyaan ng langit, at ibinigay Niya ang lahat ng kayamanan ng langit. Kung paanong ipinangako Niya sa atin ang buhay na darating, ibinibigay din Niya ang mga marangal na regalo sa atin sa buhay na ito, at bilang mga mamamayan ng Kanyang biyaya, gusto Niyang maging maligaya tayo sa lahat ng bagay na magpapadakila, magpapalawak, at magtataas ng ating mga karakter.—Fundamentals of Christian Education, p. 234. LBD 118.4

Naghanda ang Panginoon ng pinakamahalagang pagpapakita ng Kanyang biyaya para magpatibay at magpalakas ng loob.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 413. LBD 118.5