Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Ang Isipang Nakatutok kay Cristo, 14 Abril
Siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad nang tiwasay, ngunit ang sumisira ng kanyang mga lakad ay matutuklasan. Kawikaan 10:9. LBD 109.1
Ang unang hakbang sa landas ng buhay ay pag-ingat sa isipang manatili sa Diyos, upang ang pagkatakot sa Kanya ay manatili sa kanyang mga mata. Ang isang paglisan mula sa moral na integridad ay nagpapapurol ng konsensya, at nagbubukas ng pinto sa susunod na tukso. “Siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad nang tiwasay, ngunit ang sumisira ng kanyang mga lakad ay matutuklasan.” Inutusan tayong mahalin ang Diyos nang labis, at ang ating kapwa katulad ng ating sarili; ngunit pinakikita ng pang-araw-araw na karanasan ng buhay na binabale-wala ang batas na ito. Ang pagiging matuwid sa pakikitungo at moral na katapatan ay tatanggap ng pabor ng Diyos, at magiging pagpapala ang isang tao sa kanyang sarili at sa lipunan; ngunit sa gitna ng iba’t ibang tuksong sumasalakay sa isang tao kahit saan man siya bumaling, imposibleng mapanatili ang isang malinaw na konsensya at ang pagsang-ayon ng Langit nang walang banal na tulong at prinsipyong mahalin ang katapatan para sa kabutihan ng katotohanan. LBD 109.2
Ang karakter na sinasang-ayunan ng Diyos at ng tao ay dapat na piliin kaysa kayamanan. Dapat mailagay na malawak at malalim ang pundasyon, na nakasalig sa batong si Cristo Jesus. Lubhang marami ang nagpapahayag na gumagawa sila mula sa tunay na pundasyon, na pinapakita naman ng kanilang di-matatag na pakikitungo na sila ay gumagawa sa buhangin; ngunit gigibain ng malakas na bagyo ang kanilang pundasyon, at wala silang makakanlungan. . . . Nakikita ba ng mga taong ito ang kinabukasan? O masyado bang malabo ang kanilang mga mata para makakita, sa kabila ng nakalalasong ulap ng kamunduhan, na ang karangalan at integridad ay hindi ginagantimpalaan ng barya ng mundong ito? Gagantimpalaan ba ng Diyos ang kabutihan ng tagumpay lamang sa mundo? Iniukit Niya ang kanilang mga pangalan sa mga palad ng Kanyang mga kamay, bilang mga tagapagmana ng tumatagal na mga karangalan, at mga kayamanang hindi nasisira.— The Signs of the Times, February 7, 1884. LBD 109.3
Ang pag-isipan ang kagandahan, kabutihan, awa, at pag-ibig ni Jesus ay nagpapatibay sa mga kapangyarihan ng kaisipan at moralidad, at habang ang isip ay sinasanay upang gawin ang mga gawain ni Cristo, upang maging mga masunuring anak, kayo ay kadalasang nagtatanong, Ito ba ang paraan ng Panginoon?— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1150. LBD 109.4