Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

256/367

Nakatutulong ang Pag-uusig sa Pagpapakalat ng Mabuting Balita, 11 Setyembre

Kaya alang-alang kay Cristo, ako’y nasisiyahan sa mga kahinaan, paglait, kahirapan, pag-uusig, at mga sakuna, sapagkat kapag ako’y mahina, ko nga’y malakas. 2 Corinto 12:10. LBD 259.1

Nilait at inusig sa bawat kapanahunan ang mga piniling mensahero ng Diyos; gayunman sa kanilang pagdurusa, kumalat sa ibang bansa ang kaalaman tungkol sa Diyos. Bawat alagad ni Cristo ay dapat umangat, at isulong ang parehong gawain, alam na walang magagawa ang mga kaaway laban sa katotohanan, para lamang sa katotohanan. Paraan ng Diyos na ibalik sa harapan ang katotohanan, at maging paksa ito ng pagsusuri at talakayan, kahit na inaalipusta. Dapat mabalisa ang isipan ng mga tao; bawat kontrobersya, bawat pagsisiyasat, bawat pagsisikap na higpitan ang kalayaan ng budhi, ay mga paraan ng Diyos ng paggising sa isip na matutulog kung hindi ito gagawin. LBD 259.2

Gaano kadalas na nakita ang resultang ito sa kasaysayan ng mga mensahero ng Diyos! Nang binato hanggang sa kamatayan ang marangal at matalinong si Esteban sa panukala ng konseho ng Sanhedrin, walang pagkawala sa gawain ng ebanghelyo. Ang liwanag ng langit na nagluwalhati sa kanyang mukha, ang banal na pakikiramay na huminga sa kanyang dalangin habang namamatay, ay isang matalas na palaso ng kombiksyon sa panatikong miyembro ng Sanhedrin na tumayo, at si Saul, ang nang-uusig na Fariseo, ay naging isang napiling sisidlan, upang magdala ng pangalan ni Cristo sa harap ng mga Hentil at mga hari at mga anak ni Israel. At pagkaraan ng mahabang panahon, sumulat ang may edad na si Pablo mula sa bahay-bilangguan sa Roma: “Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo dahil sa pagkainggit at sa pakikipagpaligsahan, . . . hindi sa katapatan, na ang hangarin ay dagdagan ng hirap ang aking tanikala. . . . Ano nga? Kahit sa anumang paraan, maging sa pagkukunwari o sa katotohanan, ay ipinahahayag si Cristo.” Sa pamamagitan ng pagkabilanggo ni Pablo, kumalat ang ebanghelyo sa ibang bansa, at nakamit ang mga kaluluwa para kay Cristo sa mismong palasyo ng mga Caesar. Sa mga pagsisikap ni Satanas na puksain ito, “ang hindi masisirang binhi” ng Salita ng Diyos, LBD 259.3

“na nabubuhay at nananatili magpakailan man,” ay mahahasik sa mga puso ng mga tao; sa pamamagitan ng kahihiyan at pag-uusig ng Kanyang mga anak, ang pangalan ni Cristo ay lalaki, at maliligtas ang mga kaluluwa.— ThOughts From the Mount of Blessing, pp. 54-57. LBD 259.4