Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

253/367

Mas Malawak na Impluwensya ng Cristianong Tahanan, 8 Setyembre

O Diyos, Iyong tinuruan ako mula sa aking pagkabata; at ipinahahayag ko pa ang Iyong kagila-gilalas ng mga gawa. Awit 71:17. LBD 256.1

Ang pag-uugali, ang personal na mga pagkakaiba, mga gawi na kung saan nabuo ang karakter—lahat na isinasagawa sa tahanan ay mahahayag ang sarili nito sa lahat ng mga samahan ng buhay. Ang mga pagkahilig na sinusunod ay gagana sa mga saloobin, sa mga salita, sa mga gawa ng kaparehong karakter.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 174. LBD 256.2

Lumalampas ang misyon ng tahanan sa mga miyembro nito. Magiging isang katibayan ang Cristianong tahanan, na naglalarawan ng kahusayan ng totoong mga prinsipyo ng buhay. Magiging isang kapangyarihan para sa kabutihan sa mundo ang gayong paglalarawan. Higit na makapangyarihan kaysa anumang sermon na maipangangaral ang impluwensya ng isang tunay na tahanan. . . . Habang lumalabas ang kabataan mula sa gayong tahanan, naibabahagi ang mga aral na kanilang natutuhan. Naipapakilala ang mga marangal na prinsipyo ng buhay sa iba pang mga sambahayan, at ang isang nakagaganyak na impluwensya ay gumagana sa pamayanan.— The Ministry of Healing, p. 352. LBD 256.3

Ang tahanan kung saan ang mga miyembro ay magalang, nagpapakita ng napakalawak na impluwensya ang mapitagan na mga Cristiano para sa kabutihan. Mamarkahan ng iba pang mga pamilya ang mga bungang nakamit ng ganitong tahanan, at susundin ang halimbawang itinakda, sa kanilang pagkakataon sa pagbabantay sa tahanan laban sa mga satanikong impluwensya. Madalas na dumadalaw ang mga anghel ng Diyos sa tahanan kung saan nagpapatuloy ang kalooban ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan ng banal na biyaya, ang ganitong tahanan ay magiging isang lugar na nakapagpapanariwa, sa pagod na mga manlalakbay. Sa maingat na pagbabantay, napipigilan ang sarili mula sa paggiit nito. Nabuo ang wastong gawi. May isang maingat na pagkilala sa mga karapatan ng iba. Ang pananampalatayang gumagana sa pamamagitan ng pag-ibig at pagdadalisay ng kaluluwa ay nasa kinatatayuan, namumuno sa buong sambahayan. Sa ilalim ng banal na impluwensya ng gayong tahanan, ang prinsipyo ng kapatirang inilatag sa Salita ng Diyos ay mas malawak na kinikilala at sinunod.— The Adventist Home, p. 31. LBD 256.4

Nasa harapan natin ang buhay ni Cristo bilang isang tularan, at sa tuwingnaglilingkod, tulad ng mga anghel ng awa, sa mga pangangailangan ng iba nagiging malapit na kaalyado ng tao ang Diyos. Likas na katangian ito ng Cristianismo na gumawa ng mga maligayang sambahayan at mga maligayang miyembro ng lipunan.— The Signs of the Times, February 17, 1881. LBD 256.5