Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pagbabayad-sala sa Pamamagitan ng Dugo ni Cristo, 7 Agosto
Kundi nagagalak rin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan Niya’y tinamo natin ngayon ang pagkikipagkasundo. Roma 5:11. LBD 224.1
Pasalamatan ang Diyos na Siyang nagbubo ng Kanyang dugo para sa atin, nabubuhay upang isumamo ito, nabubuhay upang gumawa ng pamamagitan para sa bawat kaluluwang tumatanggap sa Kanya. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” Naglilinis sa atin ang dugo ni Jesu-Cristo mula sa lahat ng kasalanan. . . . Kailangan nating panatilihing bago sa atin ang pagiging epektibo ng dugo ni Jesus. Ang naglilinis ng buhay, dugong nagpapanatili ng buhay, na iginawad ng buhay na pananampalataya, ang ating pag-asa. Kailangan nating lumaki sa pagpapahalaga sa pinakamahalagang halaga nito, sapagkat para lamang ito sa pagsasalita natin dahil inaangkin natin sa pamamagitan ng pananampalataya ang birtud nito, pinapanatili ang malinis ng budhi at kapayapaan sa Diyos. Kinakatawan ito bilang dugong nagpapatawad, hindi maihihiwalay na konektado sa muling pagkabuhay at buhay ng ating Manunubos, na inilalarawan ng patuloy na dumadaloy na daluyang nagmula sa trono ng Diyos, ang tubig ng bukal ng buhay.— Letter 87, 1894. LBD 224.2
Ang kamangha-manghang simbolo ng buhay na ibon na inilubog sa dugo ng ibon na pinatay at pagkatapos ay pinalaya sa maligaya nitong buhay [Levitico 14:4-8], ay sa atin ang simbolo ng pagbabayad-sala. Mayroong pinaghalong kamatayan at buhay, na ipinakita sa naghahanap sa katotohanan at sa nakatagong kayamanan, ang unyon ng dugong nagpapatawad kasama ang muling pagkabuhay at buhay ng ating Manunubos. Nasa ibabaw ng tubig na buhay ang ibong pinatay; isang simbolo ang daloy na agos na ito ng patuloy na dumadaloy, na palaging naglilinis na bisa ng dugo ni Cristo, ang Korderong pinatay mula sa pundasyon ng mundo. . . . LBD 224.3
Dapat tayong magkaroon ng libreng daan sa nagbabayad-salang dugo ni Cristo. Dapat nating ituring ito bilang pinakamahalagang pribilehiyo, ang pinakadakilang pagpapala, na ipinagkaloob sa makasalanang tao. . . . Gaano kalalim, gaano kalawak at tuluy-tuloy ang daloy na ito! Sa bawat kaluluwang nauuhaw sa kabanalan ay may lamikmik, mayroong pahinga, mayroong mabilis na impluwensya ng Banal na Espiritu, at saka ang banal, masaya, mapayapang paglalakad at mahalagang pagsasama kay Cristo.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1111. LBD 224.4